Chapter 17
MAUSOK at maingay sa loob nang bar, nandito kami ngayon biglang bigla nalang kasing nag-aya si Lawrence na uminom. Naninibago ako sa kanya hindi naman ito mag-aayang uminom kung wala 'tong dinadalang problema.
Ilang beses ko na rin siyang napapansin na parang wala sa sarili at laging tulala. Hinihintay ko lang naman na sabihin niya sa'kin ang gumugulo sa kanya pero hanggang ngayon walang sinasabi.
Ano kayang problema niya? tanong ko sa sarili.
Ilang araw lang ang lumipas nakita ko pa siyang sobrang saya lalo na kapag magkasama silang dalawa ni Gianna. Ano kaya ang nangyayari bat bigla nalang siyang nagkaganito?
Lumapit ako sa kinauupuan niya "Oh pare ano't naisipan mong biglang mag ayang uminom? at sinama mo pa kami! May problema ka ba pare?" tanong ko sa kanya na parang sumisigaw na dahil sa ingay sa loob, ngunit tiningnan niya lang ako.
"Alam ba nang asawa mo si Gianna na nandito ka?" umiwas ang tingin niya sa'kin. Alam ko sa kilos niya meron siyang gustong sabihin nag-aalangan lang siya.
Nang tumawag siya sa'kin tinawagan ko rin ang mga kasamahan namin. Nagkakasayahan at ang gulo gulo nang mga kasama namin pero ako tahimik lang sa isang sulok habang umiinom at pinagmamasdan si Lawrence. Ginagawa niyang tubig ang alak.
"Pare! hinay hinay ka lang sa pag inom mo." pansin ko, bigla siyang huminto pero hindi ako tiningnan. Inakbayan ko pa siya para siguradong akong maririnig niya ang mga sasabihin ko.
"Ano ba talagang problema mo pare? pwede mo namang sabihin sa'kin malay mo matulungan pa kita."
Hindi pa rin siya nagsasalita. Kaya hinayaan ko nalang hinihintay kong sabihin niya sa'kin ngunit patuloy lang siya sa pag-inom hanggang masaid niya lahat ang laman nang mga bote nang alak.
Tiningnan ko siya at napapailing nalang ako sa kanya. Pagtingin ko nang oras maghahating gabi na siguradong nag-aalala na ang asawa nya. Kanina ko pa naman inaaya ayaw pa ring paawat sa pag-inom.
Nauna nang umuwi ang mga kasamahan namin dahil lasing na sila, kaya dalawa nalang kami ni Lawrence ang natira. Kanina pa sila nag-aayang umuwi ayaw talaga ni Lawrence. Hindi ko naman siya maiwang mag-isa dito.
Marami pa akong napapansin pagbabago sa kanya nitong nagdaang mga araw madaling mag-init ang ulo at madali din siyang mapikon.
Gaya nalang kanila may nasagi siya dahil sa kalasingan niya imbes na humingi nang sorry siya pa ang nagagalit. Pinakiusapan ko nalang sila, mabuti nalang at mababait sila at hindi na siya pinatulan kung hindi bugbog sarado kaming dalawa.
***
Gianna
SAMANTALA hindi naman mapakali si Gianna sa bahay alalang alala siya dahil hindi pa rin umuuwi si Lawrence maghahating gabi na. Hindi siya nagsabi kung saan pupunta o kaya kahit magtext man lang para hindi siya nag aalala nang ganito.
Nasa kwarto at nabigla nang may kumatok sa labas nang pinto.
“Tok,,, Tok,,, “
"Manang?"
"Mam Gianna, tumatawag po si Sir Ryan gusto daw po kayong makausap." dasal ko na sana lang kasama niya si Lawrence ngayon.
"Sige po Manang sasagutin ko nalang, salamat po."
Dali dali akong bumaba para sagutin ang tawag "Hello Ryan!?"
"Oo Gianna ako to, alam mo ba na kasama namin ngayon si lawrence? Bigla nalang niya kaming inayang uminom, lasing na lasing na nga siya ngayon pero ayaw pa ring umuwi. Hindi na rin niya kayang magdrive mag-isa sa kalasingan."
"Ganun ba!? pwede ba akong makisuyo sayo Ryan? kung pwede pakihatid mo nalang siya dito sa bahay nag aalala akong baka hindi siya makauwi nang ligtas." sabi ko.
"Sige walang problema. Ako nang bahala" sabi pa niya..
Nasa loob ako nang kwarto habang hinihintay ko sila hindi ako mapakali palakad lakad lang ako sa loob at nag-iisip.
Ano kayang nangyayari sa kanya bakit kaya siya nagkakaganyan!? Bigla nalang hindi niya 'ko kinakausap. Palaging mainit ang ulo pag nakikita ako at laging galit, hindi ko makausap nang matino lagi nalang nakasigaw.
Kapag tatanungin ko naman kung bakit wala naman siyang sinasabi iniiwasan niya ako.
Hindi naman siya dating ganun. Dati pag may pupuntahan siya nagpapa-alam muna at hahalikan pa niya ako bago siya umalis, o kaya naman pag hindi ako naka-usap tatawag siya o kaya itetext ako kung nasaan siya at kung anong oras siya darating.
Palaisipan talaga sa'kin ang mga nangyayari hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong alam na ginawa ko sa kanya na maaaring ikagalit niya. Ang saya saya pa namin pagdating namin galing sa bakasyon.
Pagkarinig kong may bumusinang sasakyan bumaba na ako at pinagbuksan sila nang pinto. Nakita kong nakatulog na nga siya sa sobrang kalasingan.
"H-hayyy! Iinom inom nang marami hindi naman pala kaya." sabi ni Ryan habang bigat na bigat sa pag-alalay kay Lawrence.
"Pakitulungan akong maiakyat siya sa kwarto namin." sabi ko kay Ryan at tinulungan nga niya 'ko hanggang maihiga siya sa kama.
"May problema ba kayo?" tanong niya sa'kin habang nagpupunas nang pawis.
"Ngayon ko lang kasi siyang nakitang nagkaganyan Gianna, parang wala siya sa kanyang sarili."
"Meron lang kaming hindi pinagkaintindihang dalawa." sabi ko nalang sa kanya.
"Ah ganun ba! kaya pala lagi nalang mainit ang ulo."
"Pasensya kana Ryan at salamat na rin sayo."
"Oh sige na aalis na ako, ayusin niyo yan habang maaga pa."
Hindi ko masabi kay Ryan na wala akong alam kung bakit bigla nalang siyang nagkakaganyan.
Gusto kong sabihin lahat kay Ryan ang ginagawa ni Lawrence. Ang pambabalewala niya sa'kin, ang lahat para mawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko, ngunit nag-aalala akong baka sabihin niya at magalit na naman si Lawrence sa’kin.
"Punasan mo nalang siya para mahimasmasan siya nang kaunti Gianna."
"Oo sige Ryan salamat, pasensya kana pati ikaw na abala ko pa."
"Ano ka ba! okey lang. Wala lang yan, para namang hindi niyo 'ko kaibigan kung hahayaan ko na mapahamak siya." sabi pa niya.
“Oh sige na aalis na 'ko para makapagpahinga na kayo.” at lumabas na siya nang kwarto.
Habang pinupunasan ko siya nakatitig lang ako sa mukha niyang tulog dahil sa kalasingan. Hindi mapigilang tumulo ang mga luha ko. Hanga't maaari ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako na mahina ako pero sa mga nangyayari hindi ko na mapigilan, hindi ko alam kung bakit ba kami umabot sa ganito.
Wala talaga akong alam na ginawa ko para magalit siya nang ganito sa'kin. Hindi ako sanay sa Lawrence na walang pakialam. Hinahanap ko pa rin ang dating Lawrence na malambing at maalalahanin.
Kinaumagahan pag-gising ko wala na siya sa tabi ko wala din sa banyo. Bumangon na ako at bumaba nakita ko si Manang sa kusina marahil magluluto na nang agahan. Nang maamoy ko ang niluluto niya parang babaligtad ang sikmura ko.
"Magandang umaga po Mam Gianna."
"Magandang umaga din po Manang Sol! si Lawrence po nakita niyo?"
"Maaga pong umalis Mam! hindi ko pa alam kung saan pumunta hindi ko na po siya natanong. Hindi rin po nagsabi Mam." tumango nalang ako sa kanya.
"Sige po Manang, salamat."
"May problema po ba kayong dalawa ni sir Lawrence Mam Gianna?" maya maya tanong sa'kin ni Mamang. Nakita niya akong nakatulala't hindi ginagalaw ang pagkain na nasa harapan ko.
Nakatitig siya sa'kin marahil nakikita niya ang hindi namin pag-uusap ni Lawrence o di kaya naman mag-uusap nga kami pero mauuwi lang sa away.
"Hindi ko nga po alam kung bakit siya nagagalit sa'kin Manang. Wala naman po akong alam na ginawa ko. Tinatanong ko naman po siya hindi niya ako sinasagot, ni pansinin po minsan hindi po niya magawa." sabi ko at napa-iyak na ako sa harapan ni Manang.
Tumayo siya at inalo ako "Tumahan na po kayo Mam. Maaayos din po ninyo 'yan, hindi lang po siguro kayo nagkaintindihang dalawa." sabi ni Manang sa'kin para mapagaan ang nararamdaman ko, at tinapik tapik pa niya ako sa balikat.
Gumaan nang kaunti ang aking pakiramdam nang makausap ko si Manang.
Hanggang hapon hinihintay ko siya pero wala pa rin hindi ko alam kung saan pumunta. Tinatawagan ko ring lang nang ring ang naririnig ko. Nagtext din ako sa kanya hindi sumasagot hindi ko alam kung kumain na ba siya o hindi pa.
Narinig kong may humintong sasakyan binuksan ko agad ang pinto. "Lawrence! saan ka ba galing? kumain kana ba?" Gabi na nang makauwi siya at nakainom na naman. Tuloy tuloy lang siyang umakyat sa taas sa kwarto namin, sinundan ko siya.
"Ano bang nangyayari sayo Lawrence!? saan ka ba talaga galing?" tanong ko pa ulit.
"Pwede ba huwag ka nang maraming tanong! pagod ako gusto ko nang magpahinga." Pasinghal niyang sabi pagkaharap niya pagkatapos lumabas nang kwarto.
Nagulat ako dahil ngayon lang niya ako napagtaasan nang boses.
"Lawrence akala ko ba magpapahinga kana? saan ka na naman pupunta?" sinundan ko ulit siya sa labas.
"Sa library ako matutulog ngayon at pwede ba ‘wag mo na akong sususndan 'dun." sabay alis.
Hindi ko siya pinakinggan sinundan ko pa rin siya hanggang sa labas nang library.
Napahinto ako sa gulat nang pagpasok niya sa loob nang library pabalya niyang isinara ang pinto. Napaiyak nalang ako habang umaakyat nang hagdanan papunta sa kwarto namin.
Isang oras na akong nakahiga hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong pikit ang gawin ko sa mga mata ko hindi ako makatulog. Iniisip ko ang kalamigan ni Lawrence sa'kin hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan.
Mangiyak ngiyak na naman ako habang iniisip ko na dati katabi ko pa siyang natutulog kahit hindi ako kinakausap. Pero ngayon kahit sa pagtulog ayaw na rin niya akong makasama.
Nararamdaman ko na ang hapdi sa mga mata ko sa kaiiyak . At awang awa na ako sa sarili ko gusto kong sumigaw nang malakas nang maibsan ang sakit na nararamdaman nang puso ko, hindi ako makapag-isip nang matino. Nakatulugan ko na naman ang pag-iyak.
Pag-gising ko bumaba agad ako at pumunta nang library gusto kong makausap si Lawrence. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto ngunit pag-pihit ko hindi ko mabuksan dahil nakalock.
Gusto ko siyang makausap nasasaktan ako hindi ko na kaya ang pambabalewala niya sa'kin. At dahil nakalock kumatok nalang ako nang kumatok wala pa ring sumagot hindi ko alam kung wala bang tao sa loob o sadyang ayaw niya lang akong makita't makausap.
Pumanhik nalang ako ulit sa taas at nahiga dahil parang nagsisimula na naman akong makaramdam nang pagkahilo. Napapansin ko rin na lagi nalang akong nalilipasan nang gutom.
Sumilip ako sa bintana nakita kong malapit nang gumabi nahihilo pa rin ang pakiramdam 'ko kaya naisipan kong bumaba para kumuha sana nang gamot.
Nagkataon naman na papasok si Lawrence sa pinto hindi ko alam kung saan galing at nakainom na naman siya.
"Lawrence! Ano bang nangyayari sayo? uminom ka na naman? tanong ko nang makita ko siya.
Tinignan lang ako at tinalikuran, tuluy tuloy na umalis para iwasan na naman ako. Dumiretso siya agad sa library at doon na naman nagkulong sa loob.