Chapter 18

1879 Words
Chapter 18 LUMABAS ako nang bahay dahil parang mababaliw na ako sa katahimikan sa loob. Gusto kong lumabas nang kwarto para makalanghap nang sariwang hangin. Hangga't maaari ayaw ko munang umuwi sa'min dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak, at natatakot akong baka magalit si Papa at anong isipin nila na ginawa sa akin ni Lawrence. Kaya eto ako ngayon walang maka-usap, naglakad lakad muna sa labas nang bahay para mawala panandalian ang mga iniisip ko. Naramdaman ko na naman bigla ang hilo, umupo muna ako sandali sa isang bakanteng upuan sa parke. Tulala habang nakaupo ako tinitignan ko ang mga batang naglalaro sa damuhan, naghahabulan, nagtatawanan, masaya walang problema, habang pinapanood ko sila hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi. Biglang bumalik ako sa kasalukuyan sa problemang kinakaharap ko ngayon. Ipinapanalangin ko na sana panaginip nalang lahat nang ito at maging okey na pag-gising ko. Malapit nang gumabi kaya naisipan kong bumalik na nang bahay. Baka dumating si Lawrence at hanapin ako. Tahimik nang papasok ako nang pintuan. Pagpasok ko sa loob nang bahay nagulat ako nang may biglang nagsalita. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata at parang kanina pa niya ako hinihintay. "Saan ka galing?" pagalit niyang biglang tanong sa'kin. Nabigla ako kaya hindi muna ako nakasagot sa tanong niya. "Tinatanong kita kung saan ka galing?"  "Lawrence! naglakad lak---!." hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin nang bigla niyang hatakin ako sa braso.  "Ano magsalita ka! pumunta ka ba sa lalaki mo ah!? pumunta ka ba--?." nabigla ako sa mga sinasabi niya. "Lawrence! ano bang pinag-sasasabi mo? naglakad lakad lang ako sa labas."  "Hindi mo na ako maloloko Gianna." "Ano bang sinasabi mo Lawrence!?" hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin sa mga tanong niya. "Huwag ka nang magmaang maangan pa, alam ko na ang totoo kaya magtapat ka na." "Wala akong alam sa mga sinasabi mo Lawrence!." tinatanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko ngunit hindi ko maalis sa higpit nang pagkakahawak niya. Lalo pang dumiin habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. "Lawrence! nasasaktan ako." sabi ko.  "Masasaktan ka talaga kapag hindi mo sinabi ang totoo." "Anong totoong sasabihin ko Lawrence? wala talaga akong alam sa mga sinasabi mo, pakawalan mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya.  Hindi pa rin niya binibitawan ang mga braso ko, takot na takot ako sa kanya dahil para na siyang mananakit sa sobrang galit.  Humarap siya sa'kin at nabigla nang makita niya ang mga luhang nag-uunahang maglandas sa ‘king pisngi, doon palang siya biglang natauhan, bigla niyang niluwagan ang pakakahawak niya sa mga braso ko.  Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, binitawan niya ako at walang sabi sabing umalis sa harapan ko. Kinabukasan paggising ko masakit ang mga braso ko, kitang kita ang mga bakas nang mga kamay ni Lawrence.  Dahil sa nangyari kagabi takot akong kausapin at lapitan siya, kaya sa tuwing magkikita kami sa bahay iniiwasan ko nalang siya, Minsan mas gusto ko nalang manatili sa loob nang aming kwarto. At kahit maging siya kahit magkasalubong kami dito sa bahay iniiwasan niya rin ako, hindi ako kinakausap, o pinapansin hindi rin ako kinikibo parang wala siyang nakikita. Hindi na rin siya natutulog sa kwarto kasama ko. Sa library siya lagi naglalagi, papasok lang siya nang kwarto tuwing magpapalit nang damit o kaya kung alam niyang wala ako sa loob, kapag naman nasa loob ako para siyang napapasong aalis agad. Nakahiga na ako nang bigla siyang pumasok sa kwarto, naamoy ko na naman ang alak sa kanyang bibig. Nang tangka na niya akong hahalikan lumayo ako sa kanya, dahil sa takot na muli na naman niya akong saktan. "Ano ayaw mo! bakit sino ang ipinagmamalaki mo? ang lalaki mo!?" sabay hiklas na naman sa mga braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil hindi pa naghihilom ang mga pasa na siya din ang may gawa.  "A-aray-Lawrence nasasaktan ako." patuloy lang siya sa ginagawa niya, ang pwersahan ako. "Mas magaling din ba siyang humalik kesa sa'kin ah!?" at marahas niya akong hinalikan. "M-mw-- !" "Lawrence! tama na" pagmamakaawa ko pa.  Ngunit para siyang bingi walang naririnig nagulat ako nang bigla niyang hiklasin ang damit pantulog ko dahilan para mapunit at lumantad ang katawan ko. "L-law--rence---!" kasabay nang hagulgol ko ay nakita niyang takot na takot ako sa ginawa niya. Nakita niya ang mga pasa sa braso ko, doon palang siya parang natauhan, bumangon siya bigla at lumabas nang kwarto. Awang awa na ako sa sarili ko hindi ko na mapigilang hindi mapahagulgol nang malakas. Naisip ko bigla ang mga pambabalewala na ginagawa niya sa'kin, ang pananakit niya.  Pagkatapos nang mga nangyari nagkulong lang ako sa kwarto hindi ako lumalabas. Hindi na rin siya pumapasok nang kwarto. Naisip kong anong mangyayari sa aming dalawa kung lagi kaming nag-iiwasan kaya minabuti kong kausapin na siya kahit may kaunti pa rin takot sa dibdib ko. Gusto kong maayos at maibalik sa dati ang aming pag-sasamang dalawa, ngunit paano ko gagawin yun kung ayaw naman niya. Bumaba ako at pumunta nang library, nakita kong nakabukas hindi na ako kumatok pumasok nalang ako agad, nakita ko si Lawrence nakaupo sa sopa lumingon siya, nang makita niyang ako kaya umiwas siya nang tingin.  "Anong ginagawa mo dito?" "Lawrence! kausapin mo naman ako, sabihin mo sakin kung anong nasa loob mo, kung ano ang problema mo?." nakikinig siya pero hindi niya ako nilingon. "Lawrence! nagmamakaawa ako sayo makinig ka naman sakin oh, ayusin natin ito Lawrence please--." hindi parin siya nagsasalita. "Ano bang gusto mong gawin ko? para mapatawad mo ako Lawrence!?" tanong ko sa kanya habang umiiyak kahit na wala naman akong alam na ginawa ko para ikagalit niya. Hilam na nang luha ang magkabila kong pisngi pero wala pa rin akong tigil sa pag-iyak sa harapan niya. “Umalis ka naaaa!" sigaw niya habang iwas pa rin siyang tingnan ako.  Nabigla ako sa ginawa niya at hindi ko rin inaasahang sisigawan niya 'ko. Hindi ko alam kung saan niya 'ko pinapaalis, sa library ba o sa buhay niya.  Tumayo siya at lumapit sa may drawer  katabi nang kanyang study table binuksan at may kinuha sa loob. Paalis na sana ako nang magsalita siya ulit.  "At dalhin mo na rin ang mga yan pag-alis mo!" sabay hagis niya sa harapan ko. Nagkalat sa sahig ang mga larawan wala akong idea kung ano ang mga 'yon. Nang tignan ko nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, isa isa ko pa ulit pinasadahan nang aking tingin. Paanong ako ang nasa larawan? nagtatakang tanong ko sa sarili.  Ako ang nasa picture at isang lalaki na hindi ko naman kilala kung sino. Ngayon ko lang din siya nakita sa tanang buhay ko.  Hubo't hubad kami habang magkatabing natutulog sa kama. Tanging ang kumot lang ang tumatakip sa aming kahubdan. Iniisip ko kung bakit meron akong ganung mga larawan?.  Binalingan ko si Lawrence nakita kong matiim siyang nakatingin sa'kin. "Lawrence! w-wala akong kinalaman dito. L-lawrence maniwala ka." tikom ang kanyang kamao sa kamay sa pinipigilang galit. "L-awrence! wala talaga akong alam sa mga yan! Maniwala ka naman sa ‘kin oh." umiiling iling habang umiiyak kong sabi sa kanya 'yon nang paulit ulit.  Wala akong pakialam kung ano na ang itsura ko sa kakaiyak sa kakapaliwanag ko sa kanya. Tumalikod siya sa'kin at binuksan ang isa pang drawer at may kinuhang isang brown envelope. Nakita kong gumagalaw ang mga balikat niya habang hawak niya iyon.  Alam kong umiiyak siya pero pinipigilan lang niya. Ayaw niyang ipakita sa ‘kin na nasasaktan din siya.  Anong kasalanan ko bakit nila ginawa sa'kin ito? tanong ko sa sarili habang hilam nang luha ang aking pisngi. Umupo ako at isa isa kong pinulot ang mga larawang nagkalat sa sahig.  At sino ang pwedeng gumawa nito sa'kin? wala naman akong alam na ginawan ko nang hindi maganda, sabi ko pa sa sarili. Alam kong nabubulagan lang siya hindi ko rin siya masisi kung bakit galit na galit siya ngayon sa'kin dahil sa mga larawang nakita niya.  Nakaupo pa ako nang may iabot ulit siya sa 'kin na isang brown envelope na hawak niya at nagmamadaling umalis. Wala siyang sinabi kung ano ang laman hindi ko rin natanong dahil umalis siya agad pagkabigay sa ‘kin. Nanginginig at nagmamadali ang mga kamay ko nang simulan ko nang buksan. Lalo akong nanghina nang  mabasa ko ang nakasulat "DIVORCE AGREEMENT" Mabilis akong napatayo at hinabol si Lawrence nakita kong papalabas pa lang siya nang bahay.  "Lawrence! h-hindi a-yoko, pakinggan mo naman ako, m-maniwala ka wala talaga akong alam." huminto lang siya sandali at umalis agad. "L-lawrenceeee--!" mabilis ang mga hakbang niya na parang hindi niya naririnig ang sigaw at hagulgol ko. " Madaling araw na yata ako nakatulog kaya tanghali na nang magising ako kinabukasan pero hindi pa rin ako bumaba nanatili lang ako sa kwarto ko at nag-iisip.  "Mam Gianna! kumain po muna kayo baka magkasakit po kayo." hindi ko napansin si Manang na nakapasok na pala sa kwarto at nakalapit na sa ‘kin. "Wala po akong ganang kumain Manang." "Kumain po kayo kahit kaunti lang Mam nang magkaroon nang laman yang sikmura niyo, kagabi pa po kayo hindi kumakain." "Wala po talaga akong gana." "O sige iiwan ko nalang muna dito para pag nagutom ka ah!" "Sige po Manang maraming salamat." Sinubukan kong kumain kahit ilang subo lang ngunit isinuka ko lang din lahat. Panay pa rin ang duwal ko kahit wala na akong mailabas. Naisip ko na naman si Lawrence dahil siya ang nag-aalaga sa kin kapag may dinaramdam ako. Siya ang nagpapainom nang mga gamot at nagpapakain sa ‘kin. Nang maisip ko siya hindi ko na namang mapigilang hindi umiyak.  Nakatulugan ko na naman ang pag-iyak ko kagabi. Wala yatang araw na hindi ako umiyak. Hindi rin ako makakain lagi akong walang gana. Napabayaan at halos wala na 'kong panahon sa sarili ko. Nagpasya akong umuwi nang bahay sa mga magulang ko. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa library. Magdamag kong pinag-isipan ang mga gagawin ko kahit labag sa kalooban ko. Matagal bago ako pumasok sa loob nang library tinitimbang ang nararamdaman ko. Kahit gusto kong ipilit na ayusin ang pagsasama naming dalawa kung ayaw naman ni Lawrence wala na akong magagawa kung hindi tanggapin nalang. Masakit man sa'kin kung 'yon ang magpapagaan nang nararamdaman niya gagawin ko alang alang sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulang muli ngayon ang buhay ko na wala siya sa tabi ko. Ayaw ko siyang nahihirapan nang dahil sa ‘kin kaya kahit masakit kailangan ko nang tanggapin na hanggang dito nalang kaming dalawa. Na hindi na muling maibabalik pa ang dati naming pagtitinginan sa isa't isa. Kung ito ang magiging paraan para muling bumalik ang dating Lawrence na kilala ko. Kahit masakit sa ‘kin gagawin ko. Nang magpasaya akong pumasok nang library alam kong wala na si Lawrence sa loob. Halos kakaalis lang niya nang bumaba ako. Hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako lumabas nang kwarto namin at bumaba.  Sana tama ang desisyong gagawin ko, bulong ko sa sarili. At tuloy tuloy na akong lumabas nang silid para umalis. Hindi na rin ako nag paalam kay Manang Sol dahil baka hindi niya ako payagang umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD