Chapter 19

1838 Words
Chapter 19 PAUWI ako nang bahay iniisip ko habang naglalakad ako kung ano ang idadahilan ko sa kanila. Lalo na kay Papa dahil sigurado akong magtatanong 'yun tungkol kay Lawrence. Ano kayang sasabihin niya pag nalaman niya na nakipaghiwalay na sa'kin si Lawrence? iniisip ko naman baka mabigla ko siya.  Walang pumapasok na sagot sa utak ko naguguluhan na ako sa mga nagyayari. Nagpasya akong huwag munang sabihin sa kanila ang totoo dahil hindi pa ako handa. Buti nalang kaunti lang ang mga dinala kong gamit kaya hindi nila mahahalata.  Magpapaalam akong dumito muna nang kahit ilang araw lang. Kanina habang nag-iimpake ako nang mga gamit lahat nang binigay ni Lawrence iniwan ko lahat wala akong dinala na kahit ano. Pati cellphone ko iniwan ko na din doon, tanging ang mga lumang gamit ko lang ang mga dinala ko sa bag. Alam kong nasa bahay si Papa dahil ngayon ang alam kong day-off niya sa trabaho. Kaya inayos ko muna ang aking sarili para hindi nila isipin na pinababayaan ako ni Lawrence. Kita pa rin ang mugto sa mata mga ko kung makita man nila o magtanong madali nalang akong makagagawa nang dahilan. Kahit alam kong galit siya sa'kin ayaw ko pa rin na masira siya sa paningin nang pamilya ko. Pagdating ko nang bahay nakita ko agad si Papa. "Pa! mano po." Hindi niya binigay ang kanyang kamay sa'kin bagkus may hinagis siya sa harapan ko. "Sabihin mo sa ‘kin kung ano ang mga yan?" galit niyang tanong. Mga larawan na katulad nang kay Lawrence, nagulat ako kung bakit pati si Papa mayroon ding kopya nang mga 'yon. "Pa! w-wala po akong alam sa mga 'yan." sagot ko habang parang maiiyak na. "Pak!" Hindi ko inaasahan at nabigla ako sa ginawa niya dahil ito ang unang beses kong naranasan na pagbuhatan niya ako nang kamay. "Pa! tama na po." sabi ni ate Candy na nabigla rin sa inasal ni Papa "Daniel! tama na nasasaktan na ang anak mo." sabi naman ni Mama nabigla din siya sa nakitang pananakit sa'kin ni Papa. Nasa malapit lang pala sila nakikinig at nakatingin sa ‘min hindi nila maawat si Papa dahil alam nila na galit siya.  "Hindi mo alam? magkasama at magkatabi kayong natutulog na dalawa!? at pareho pa kayong walang saplot sa katawan sasabihin mo hindi mo alam?" galit na galit si Papa nang sabihin niya sa ‘kin ang mga katagang 'yon. "Pa! maniwala po kayo hindi ko po talaga alam kung bakit ako may mga ganyang larawan. Wala po akong ginawang masama pa maniwala ka!" Nakita kong biglang niyang hinawakan ang dibdib niya. "P-pa--!" akma ko sana siyang dadaluhan nang tabigin niya ang mga kamay ko, nabigla ako at hindi makagalaw. Agad naman siyang sinaklolohan ni Mama at ni ate Candy at nakita kong umiiyak na rin silang dalawa. "Huwag na ‘wag ka ulit tutungtong dito sa bahay hangga't hindi mo naaayos ang problemang ginawa mo. Naintindihan mo ba Gianna?." malakas pa ring sigaw niya. "O-po Pa." sagot ko habang iniiwasan kong mapahagulgol. "Kayong dalawa!" sabay turo kay ate Candy at kay Mama. "Huwag kong malalaman na kinukunsinti niyo ang batang 'yan sa mga pinag gagawa niya." hindi sila makasagot pareho. Naalala ko si Lawrence kay Papa, galit na galit din siya sa'kin katulad ni Papa ngayon. Dahil sa awa ko sa sarili ko nagpasya akong magpaalam na sa kanila kahit wala akong alam na mapupuntahan. "Sige po Ma, Ate aalis na po ako, Pa! aalis na po ako." tumango lang si Mama at ate Candy.  Hindi sumasagot si Papa ni tingnan ako hindi rin niya ginawa kaya lalong parang nanikip ang dibdib ko. Hinatid ako ni Mama at ate Candy hanggang sa labas nang gate. "Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo anak galit lang 'yan ngayon, kaya nasabi niya lahat nang mga sinabi niya." hindi ako sumagot dahil pinipigilan kong maiyak.  "Alam namin nang kapatid mo na hindi mo magagawa ang bagay na 'yon. Naniniwala kami sayo kaya tumahan kana namumugto na ang mga mata mo sa kaiiyak umuwi ka nalang muna at magpahinga."  "Salamat po Ma, Ate." at niyakap ko sila nang mahigpit habang umiiyak gumanti din sila nang yakap. Naisip ko na kung sino pa ang hindi ko totoong mga kapamilya sila pa pala ang nakakakilala at makakaintindi sa'kin. "O sige na anak baka gabihin kapa sa daan, mag-iingat ka ah!" "Sige po" "Parang pumayat ka nang kaunti Gianna anak!?” puna sa ‘kin ni Mama habang nakatingin sa kabuuan ko.  “Huwag mong pababayaan ang sarili mo maaayos din 'yan ‘wag mo nalang muna masyadong isipin pa ah." Tumango ako. "Sige po Ma aalis na po ako." tumango lang siya. "Tatawag ka pag may problema ka ah, sabihan mo ako o kaya si Mama. O eto itabi mo na muna ito baka kailanganin mo." sabi sa‘kin ni ate sabay ipit nang pera sa kamay ko. “Salamat Ate” “Tumahan kana sige ka papangit ka.” Pinilit kong ngumiti sa harap niya kahit pilit lang. "Sige po aalis na ako, salamat po Ma, Ate" pinasigla ko pa ang boses ko kahit ang totoo gustong gusto ko nang humagulgol. Mabilis akong tumalikod sa kanila dahil ayaw kong makita nila ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.  Pagtalikod ko nagsimulang nag-uunahang maglaglagan ang mga luha sa pisngi ko.  Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako nang mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa mga luha na ayaw tumigil kahit anong punas ko. Parang sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. *** Lawrence NASA bar na naman ako at umiinom mag-isa kahit sa bahay pag-uwi ko alak pa rin ang hinahanap ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko parang masisiraan na ako nang bait sa kaiisip at kakaiwas sa asawa ko. Gusto kong magwala at sumigaw nang malakas, gusto ko rin siyang saktan sa ginawa niya at sabihin ang sakit na nararamdaman ko ngayon ngunit natatakot akong baka hindi ko makontrol ang sarili ko.  Kaya umaalis nalang ako nang bahay at dinadaan sa inom ang lahat nang galit at sama nang loob sa dibdib ko. Nang sa ganoon pag-uwi ko manhid na ang katawan at isipan ko. Ngunit kahit anong iwas ang gawin ko at kahit gaano karaming alak ang inumin ko pilit pa ring bumabalik nang paulit ulit sa isipan ko ang mga larawan nang asawa ko kasama nang lalaking katabi niya sa kama. Dinadaan ko lahat sa pambabalewala at pag-iwas ko sa kanya. Ang totoo gusto ko siyang yakapin at kalimutan nalang lahat at sabihing magsimula kami ulit.  Ngunit pag gagawin ko na 'yon, biglang nalang babalik ang lahat nang mga larawan sa isipan ko at hindi ko maiwasang masaktan ko siya. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mukha nang minsang mawalan ako nang kontrol sa sarili ko. Kaya umiiwas akong makagawa pa nang mga bagay na pagsisisihan ko sa huli. Awang awa ako sa kanya nang makita ko ang mga pasang nilikha ko sa kanyang braso, at ang mukha niyang takot na takot. Kitang kita ko na rin sa mukha niya na nahihirapan na rin siya sa mga nangyayari. Mahal na mahal ko siya ngunit ayaw kong may kahati sa pag-mamahal niya. Makakaya kong bigyan siya nang kalayaan kung 'yon ang magpapasaya sa kanya. Hindi niya alam na habang himbing siyang natutulog palihim ko siya pinagmamasdan at nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang may bakas nang luha sa kanyang mukha.  Gustung gusto kong pahirin ang mga luhang 'yon sa aking kamay habang tulog siya, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Natatakpan nang galit ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman ko.  Ang totoo gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Gusto kong sabihin na magsimulang muli ngunit nagtatalo ang puso't isipan ko. Pag-uwi ko nang bahay dumeretso agad ako sa library "Sir Lawrence! wala po si Mam Gianna sa kwarto niyo." sabi ni Manang nang pumasok sa library. "Lumabas lang po siguro babalik din po siguro siya mamaya Manang." "Gabi na po sir Lawrence! hindi naman po niya ugali ang umuwi nang ganitong oras at isa pa ang hindi nagpapaalam." Tiningnan ko si Manang nakita kong balisa siya.  Tiningnang ko ang orasan pasado alas diyes na nang gabi. "Nag-aalala po ako sa kanya Sir! na may mangyaring masama sa kanya sa daan." "Kaya po ni Gianna ang sarili niya Manang kaya huwag na po kayong mag-alala." nakita ko sa mga kilos niya na parang natitigilan siya. "Bakit po Manang, may gusto po kayong sabihin sa'kin?" "N-nito po kasing mga nag-daang mga a-araw Sir Lawrence!" nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya. "Sige po Manang." sabi ko habang hinihintay ko siyang magsalita. "Nito pong mga nagdaang araw Sir, lagi ko pong napapansin na lagi po siyang nahihilo at nasusuka, wala din po siyang ganang kumain kaya naisip ko po n-na---!"  "Na ano po?" "Na buntis po siya." mabilis niyang sagot. Nabigla ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita. Hindi ko napapansin na ganoon ang nararamdaman niya dahil puno nang galit ang puso ko. Hindi ba ito ang matagal ko nang hinihintay!? ang mabuntis ko siya. Ngunit parang ayaw niyang magkaroon nang anak, hindi ko alam kung ginagawa niya lang dahilan ang hindi pa siya handa o ayaw niya talagang magka-anak sa ‘kin. Pero kung totoo man ang sinabi ni Manang na buntis na nga siya. Kaya kong kalimutan ang lahat na parang walang nangyari. Patawarin siya at magsimulang muli kasama nang magiging anak ko. At kung hindi man siya sa'kin aakuin ko pa rin na parang sariling akin. Palakad lakad ako sa sala at hindi mapakali kanina ko pa siya hinihintay ngunit malapit nang maghating gabi wala pa rin siya. Pagkatapos naming mag-usap ni Manang kanina umakyat pa ako sa kwarto inisip ko na baka sakaling hindi lang napansin ni Manang. Nang makita kong wala siya nagdesisyon akong hintayin nalang siya nang sala. Iniisip ko kanina na tawagan ko nalang siya ngunit wala akong alam na sasabihin ko kaya minabuti ko nalang na hintayin siya at personal na makausap. Nagsimula na akong kabahan kaya kinuha ko ang aking cellphone para tawagan na siya. Ring lang nang ring ang naririnig ko kaya pinatay ko na. Umakyat ulit ako sa kwarto at tiningnan ang mga gamit niya. Nakita kong wala na ang iba niyang mga damit. Nakita kong may umiilaw umalis siya nang hindi dala ang kanyang cellphone. Nandito din sa lalagyanan niya nang gamit. Mga gamit na binigay ko nandito din lahat. Inisip kong baka pumunta lang siya sa bahay nang mga magulang niya at nagpalipas nang sama nang loob. Bumaba ulit ako sa library nakita kong parang may gumalaw nang mga gamit ko nakita ko nga ang brown envelope na nasa ibabaw nang study table ko. Ang alam ko nilagay ko ito kasama nang mga gamit ko.  Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko at tinignan ang laman, at nanlaki ang mga mata ko na nang makita na may pirma na ang pangalan nang asawa ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD