Chapter 20

1610 Words
Chapter 20 NAMAMANHID na sa kakalakad ang mga paa ko malayu layo na rin ang narating ko. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa kakalakad. Wala akong alam na mapupuntahan at walang tiyak na patutunguhan. Walang kaibigang matakbuhan o maaari kong lapitan.  Kung nandito lang sana si Blessie, sabi ko sa sarili. Bigla ko siyang naalala gusto ko sana siyang tawagan ngunit iniwan ko nga pala ang phone ko sa bahay ni Lawrence. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa'kin, alam kong kung nandito lang siya tutulungan niya ako. Gusto kong sabihin lahat sa kanya ang sama nang loob na nararamdaman ko ngayon. Umupo ako sumandali nang maramdaman ang hilo at pagod. Naalala ko hindi pa pala ako kumakain, lagi nalang akong walang gana. Ayaw tumanggap nang pagkain ang sikmura ko. Dahil siguro wala akong maayos na tulog nitong mga nagdaang araw sa kakaisip sa mga nangyayari. Nang iwanan ko kanina si Mama at Ate ang akala siguro nila uuwi ako sa bahay ni Lawrence. Ayoko silang lalong mag-alala pa kaya hindi ko nalang sinabi sa kanila ang totoo. Na umalis na ako sa bahay dahil naghiwalay na kami. Dahil ‘yon ang alam kong gusto niyang mangyari. Bahala na kung saan ako mapadpad, gusto ko munang mapag-isa, makapag-isip isip at pansamantalang lumayo sa kanilang lahat. Gusto kong takasan ang kanilang mga galit. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko, kailangan kong maging matatag lalo na ngayong wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lang. Tinignan ko ang wallet ko may mga natira pa akong pera at binigyan ako kanina nang limang libo ni Ate. Hindi ko dinala ang ATM Card na binigay sa’kin ni Lawrence para wala siyang masabi. Napag-isipan ko na maghanap muna nang trabaho habang hindi pa nagsisimula ang pasukan. At magwoworking student nalang ako kung kinakailangan. Kailangan kong ipagpatuloy ang pag -aaral ko isang taon na lang gagraduate na ako. Kahit pailan ilan nalang muna na subject ang kukuhanin ko hanggang gumraduate ako.  Sana lang makahanap agad ako nang mapapasukang trabaho habang hindi pa nauubos ang pera na hawak ko. Sumakay ako nang jeep hindi ko alam kung saan papunta. Nang bumaba ako nag-patuloy lang ako sa paglalakad nang hindi ko namalayan napalayo na ako at bigla kong naramdaman ang pagkahilo.  Humawak ako sandali sa bakal na nasa aking harapan ngunit unti unti kong nararamdaman ang panghihina pagkatapos hindi ko na alam ang mga nangyari.  Hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko nang imulat ko ang aking mga mata, maging ang dalawang tao na nasa tabi ko na tahimik na pinagmamasdan ako. *** Rachelle  "NAY--! nayyy--!" sigaw ko habang nasa labas nang gate.  Naglalakad ako pauwi na nang bahay galing trabaho, busy akong nakatingin sa cellphone ko. Hindi ko agad napansin ang isang babaeng nakahandusay na nasa harapan nang gate nang aming bahay. Nagulat nalang ako nang makita ko siya nang bubuksan ko na ang gate. "Anong bang nangyari bata ka! kung makasigaw ka para kang nakakita nang nasunugan?" sabi sa ‘kin ni Nanay nang nagmamadaling makalapit sa kinaroroonan ko. "Nay---! nay---! Madali po kayo, Miss miss gising" sabi ko at tinapik tapik ko pa ang mukha nang babae na wala pa ring malay hangga ngayon. "Ano ba yan!? at ang lakas lakas nang boses mo dinig na dinig hanggang sa kabilang bahay?" sabi pa ulit niya nang makalapit na sa ‘kin. "Sino yan?" tanong niya nang mapansin na niya ang babaeng walang malay. "Hindi ko nga po alam Nay, hindi ko siya kilala nakita ko lang po siyang nakahandusay dito sa harap nang gate nang bahay natin." "Tulungan niyo po ako Nay! buhatin natin siya at ipasok natin siya sa loob." Pinagtulungan nga namin ni Nanay na maipasok siya sa loob nang bahay. Pawis na pawis kami nang maihiga na namin siya sa kama. Pinagmamasdan ko siya habang tulog, dinala namin siya dito sa kwarto kalahating oras na wala pa rin siyang malay. Hindi maalis alis ang mga mata ko sa kanya. Parang pagod na pagod ang itsura niya kahit pa tulog siya. Makalipas ang isang oras ay nagising din siya. Nagulat pa siya nang pagmulat niya nang mga mata tiningnan ang paligid at pagkatapos kami.  Tatayo na sana siya ngunit bigla siyang napapakit ulit at bumalik sa pagkakahiga na hawak ang kanyang ulo marahil sumakit ulit. Napansin kong mugtong mugto ang kanyang mga mata dahil siguro sa pag-iyak. "Nasaan po ako?" mahinang tanong niya habang nakahiga. "Nandito ka sa bahay namin ineng. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Nahihilo pa po ako nang kaunti.” “Huwag mong pilitin tumayo kung hindi mo pa kaya magpahinga ka lang.” “ Salamat po sa pagtulong niyo sa ‘kin." nakikinig lang ako sa kanila. "Walang anuman ineng, ako nga pala si nanay Melba at ito naman ang anak ko si Rachelle. Siya ang nakakita sayo kanina sa labas habang wala kang malay." "Salamat" tumingin siya sa'kin at ngumiti, nginitian ko lang din siya para sabihing okey lang. "Ineng! magpahinga ka muna nang makabawi ka nang lakas mo. Ayan at kitang kita ang putla putla nang mukha mo, at namumugto rin ang mga mata mo. Sandali at ikukuha kita nang makakain mo siguradong hindi ka pa kumakain." "Salamat po." Tahimik siya nang kami nalang dalawa ang naiwan. "Heto! at humigop ka nang mainit na sabaw nang mainitan yang sikmura mo." paglapit palang ni Nanay nang pagkain sa kanya, bigla siyang tumayo at parang maduduwal. Nagkatinginan kami ni Nanay alam ko na nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Pwede po ba akong makigamit nang banyo?" “Rachelle! Samahan mo siya anak.” sinamahan ko siya hanggang banyo. "Nay! palagay niyo buntis po kaya siya?" tanong ko kay Nanay nang maihatid ko na siya nang banyo at bumalik ako kay Nanay para itanong sa kanya. "Huwag ka na ngang maingay d’yan bata ka at baka marinig kapa." kaya tumahimik nalang ako. "Ineng! pwede ba naming malaman kung anong pangalan mo?" "Gianna Dela Rama po! Hindi po! Gianna Torres po pala" "Ano ba talaga ang totoo ineng." napansin kong parang maiiyak na naman siya. "Gianna Torres po ang totoo kong pangalan, Gianna Dela Rama naman po sa asawa ko." "Asawa!? may asawa kana?" pareho kaming nagulat ni Nanay dahil parang kasing edad ko lang siya kung titignan mo. "Parang ang bata pa nang itsura mo ineng! para ngang mag-kasing edad lang kayo nitong anak ko." "20 na po ako, 4th year college palang po ako ngayong pasukan." "Ah magkasing edad nga kayo nitong si Rachelle ko." sabi ni nanay na nakangiti sa kanya. Tahimik lang siya habang nakatingin sa pagkain, "Ayaw mo ba ang pagkain ineng." "Para kasing wala po akong ganang kumain." "Kumain ka kahit kaunti lang nang makabawi ka nang lakas mo ineng." dala siguro nang hiya kaya napilitan siyang sumubo. Isang subo palang ang naisubo niya muli na naman siyang naduwal, tumayo siya at pumunta ulit nang banyo. Tahimik kami ni Nanay habang hinihintay siya. "Buntis ka ba ineng.?" nagulat siya sa tanong ni Nanay pagbalik niya.  "H-Hin-di ko po a-lam--!" Nakita ko ang takot at para siyang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.  Bakit naman kaya? ano namang  masama kung buntis siya eh may asawa naman pala siya!? nasabi ko sa isip ko. "Huwag naman po sana!." mahinang sabi niya kay Nanay. Pinagmamasdan siya ni Nanay habang hindi mapakali "May problema ka ba ineng?" nakikita din pala ni Nanay ang pagkabalisa sa kanyang magandang mukha. Bigla nalang tumulo ang mga luha niya. Lumapit si Nanay sa kanya at pinapatahan siya habang hinahaplos sa likod. "Kung may dinaramdam ka ineng pwede mong sabihin sa ‘min baka makatulong kami sayo." lumakas lalo ang iyak niya.  Ramdam ko ang sakit na pilit niyang tinatago sa kanyang kalooban. "W-Wala po akong ibang m-malapitan ngayon. H-hindi ko po alam k-kung saan ako pupunta. L-lalo na po sa kalagayan ko ngayon kung totoong ngang n-nagdadalang tao po ako. H-hindi ko na po alam ang g-gagawin ko pagod na pagod na po ako"  Naiyak ako habang nakikinig sa mga sinabi niya, kaya pala bakas sa mga mata niya ang walang tigil na pag-iyak. "Tahan na ineng! kung totoong buntis ka hindi makakabuti sayo ang pag-iyak mo, makakasama sa anak mo yan." nakita kong pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Kung wala kang matutuluyan pwede ka munang dumito sa'min. Dadalawa lang naman kami ni Rachelle dito." Umaliwalas nang kaunti ang kanyang mukha. "Maraming salamat po!" hindi mapigilang niyakap niya si Nanay. "Magmula ngayon Nanay na rin ang itawag mo sa ‘kin, okey ba 'yon sayo?." sabi ni Nanay sa kanya at tumango siya. Habang ikinukwento niya ang mga nangyari sa kanya at mga pinagdaanan niya hindi niya mapigilang hindi maiyak. Hindi ko mapigilang mangilid ang mga luha sa aking mga mata. Ramdam ko rin ang sakit sa kanyang kalooban. Napakabata pa niya para maranasan ang ganoong sitwasyon. Naawa ako sa kanya at sa magiging anak niya. Nasira ang isang masaya sanang pagsasama. At kung totoong ngang buntis siya may isa na namang walang muwang na sanggol ang nadamay dahil sa mga taong makasarili. Dahil katulad ko iniwan din ako, kami ni Nanay. Sumama sa ibang babae si Papa, sumama siya sa ibang babae dahil sa pera. Hindi ko rin naranasan kung paano ang magkaroon nang isang ama. Naiinggit ako sa mga kaklase noong na kumpleto ang pamilya at masaya. Tinatanong ko dati kung bakit hindi patas ang buhay. Bakit may mga mayaman at bakit may mga mahirap? bakit may iniiwan at may pinapanagutan?. Nung lumalaki na ‘ko naisip ko na siguro may dahilan talaga ang lahat nang mga bagay na nangyayari sa ating buhay. Isang pagsubok upang lalo tayong maging malakas at matatag sa pagharap sa mga hamon nang buhay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD