Chapter 21
NAG-UUSAP habang nagmimeryenda ang ginagawa naming dalawa ni Rachelle. Oras nang breaktime namin kaya nasa labas kami nang Grocery na pinagtatrabahuhan namin.
"GI! hindi mo ba naisip minsan na bigyan nang pagkakataon ang sarili mo? o kaya nang puso mo na magmahal ulit?"
tanong niya habang nilalaro laro ang bote nang softdrinks sa kanyang kamay.
Part time lang siya dito dahil sa umaga pumapasok siya nang kolehiyo. Graduating na siya ngayong taon, samantalang 8hrs naman ang duty ko.
Hindi ko na muna ipinagpatuloy ang pag-aaral ko dahil nalaman ko na buntis ako. Baka kasi hindi kayanin nang katawan ko lalo na't wala namang tutulong sa mga gastusin ko kapag ipinagpatuloy ko pa ang pag aaral.
Noong araw na mawalan ako nang malay at mapadpad sa bahay nila Rachelle. Naawa sila sa akin at kinupkop nila ako, ni Nanay melba at ni Rachelle. Sinabi ko lahat sa kanila wala akong inilihim.
Alam kong kapos din sila sa financial pero hindi naging hadlang iyon para buksan nila ang kanilang tahanan para sa'kin. Hindi nila ako kilala pero tinanggap nila ako nang buong buo sa kabila nang kalagayan ko.
Masasabi kong isa sila sa mga taong may mabubuting puso at malasakit sa kapwa.
Noong hindi pa ako sigurado kung buntis nga talaga 'ko, ipinagdarasal ko na sana dala lang nang ilang araw na puyat, pagod at stress kaya ko nararamdaman ang ganoong pakiramdam.
Ilang araw pa ang lumipas ganun pa rin ang nararamdaman ko kaya pinakiusap ko si Rachelle na ibili ako nang PT. Tumanggi pa siya nung una dahil nahihiya daw siya, at baka isipin nila na siya daw ang gagamit. Ngunit kalaunan pumayag din siya dahil hindi ko talaga kayang kumilos dahil sa labis na pagkahilo at pagsusuka. Hindi muna ako nagpachek-up dahil wala pa akong sapat na pera.
Hindi ako makapaniwala nang malaman ko na buntis nga ako sa anak namin ni Lawrence. At hindi natatapos nalang lahat doon, gusto kong bumalik at sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Ngunit nangangamba ako sa sasabihin niya, natatakot akong itanggi niya ang bata dahil sa mga larawan.
Noong una hindi ako makapaniwala sa kalagayan ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Ito ang unang beses kong mararanasang magbuntis at malayo pa ako sa pamilya ko.
Hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulang mabuhay muli. Kung kakayanin ko ba ang responsibilidad na palakihing mag-isa ang magiging anak ko.
Ngunit paglipas nang mga araw, unti unti ko nang natatangggap sa sarili ko na kailangan kong lumaban hindi lang para sa sarili kung hindi para na rin sa magiging anak ko.
Gusto ko nalang ngayon ay ang kalimutan lahat nang masasakit na pinagdaanan ko. At ipagpatuloy ang buhay kasama nang anak ko sa aking sinapupunan.
Kasama nang mga taong tumulong at nagmalasakit sa'kin, noong panahong hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung ano ang gagawin ko.
Kung nag-aral sana ako sabay sana kaming gagraduate ni Rachelle. Naisipan kong maghanap nalang muna nang trabaho habang hindi pa halata ang umbok nang tiyan ko. Para makapag-ipon ako kahit kaunti sa gagastusin ko sa panganganak. At para makatulong na rin sa gastusin sa bahay, tutal ilang buwan pa naman bago mahalata ang tiyan ko, iiwasan ko nalang na magbuhat nang mga mabibigat na bagay.
Nang malaman ko na buntis ako naisip ko ring bumalik sa mga magulang ko.
Ngunit katulad nang kay Lawrence nag-dadalawang isip din ako kung tatanggapin ba nila ako? Lalo pa't hiniwalayan ako ni Lawrence, at noong huling punta ko sa bahay nagalit sa ‘kin si Papa. Naiisip ko na baka hanggang ngayon galit pa rin siya sa ‘kin
Gusto ko sanang sabihan sila Mama at Ate tungkol sa kalagayan ko. Alam kong matutuwa sila pag nalaman nila na buntis na ako, at alam ko ding tutulungan nila ako.
Nangangamba lang akong baka pati sila madamay sa galit sa'kin ni Papa. Kaya minabuti ko nalang na 'wag na nilang malaman at mamuhay nalang akong malayo sa kanilang lahat.
Hindi ko alam kung saan ako maghahanap nang trabaho. Hindi pa ako nakagraduate kaya pinakiusapan ko nalang si Rachelle kung pwede akong ipasok sa pinapasukan niya ngayon kahit pansamantala lang.
Pinakiusapan naman ni Rachelle ang may-ari kaya ngayon magkasama kaming nagtatrabaho. Umaga ang klase niya kaya hapon siya pumapasok sa grocery. Kaya sabay na kami pag-uwian na.
Matagal na daw siya dito kaya kilala na siya nang ma-ari at pinagkakatiwalaan na din kaya agad akong naipasok.
"Hindi na! mas gusto ko ang ganito, ayaw ko nang maulit muli ang mga sakit na naranasan ko." sagot ko sa kanya.
"Hindi naman kaya pare pareho ang mga lalaki."
"Kahit na! mas pipiliin parin nila ang dalaga kesa sa ‘kin na diborsyada na nga may anak pa!."
"Masyado mo namang ibinababa ang sarili mo. Hindi natin mapipigilan ang nakatadhanang mangyari. Kailangan mo rin nang katuwang lalo na pag lumalaki na ang magiging anak mo."
"Sisikapin ko nalang na maibigay ko lahat sa kanya ang mga gusto niya sa abot nang aking makakaya."
"Maganda ka at bata pa! ang dami daming nanliligaw sayo dito, bakit hindi ka pumili nang isa sa kanila. Pati nga yong Manager natin parang type ka nga eh!" nararamdaman ko nga na iba kung makatingin sa akin 'yong tao na yun.
"Paano kung nalaman nila na may laman na pala ang tiyan ko? Huhusgahan na naman nila ako ganun!?" sabi ko nang malumanay sa kanya.
“Hindi mo pa nga nasusubukan naka-advance na agad yang utak mo. Kung anu ano na ang pumapasok sa isip mo.”
“Sinasabi ko lang naman ang totoo. Huhusgahan ka nila base sa nakikita nila hindi muna nila aalamin ang buong kwento.”
Hindi namin sinabi sa kanila na buntis ako dahil baka hindi nila ako tanggapin. Tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam nang kalagayan ko dito sa grocery na pinagtatrabahuhan namin.
Hindi ko naman balak na magtagal dito dahil darating ang araw mahahalata din nila sa paglaki nang tiyan ko. At sa pagkakataon na 'yon sigurado nakaipon na ako kahit paano kahit para man lang sa gagastusin ko panganganak.
Si Rachelle din naman isang taon nalang ang hinihintay matatapos na siya, at maghahanap na nang mas magandang trabaho at mataas na sahod.
"Malay mo! may lalaking may gusto na umakong maging ama nang anak mo!"
"Alam mo Rachelle gusto ko na lang ngayon maging ligtas at malusog lagi itong anak ko na nasa sinapupunan ko." sabay haplos ko sa tiyan ko na wala pang umbok.
"Naku! kung hindi ko lang alam na mahal na mahal mo pa rin ang tatay niyan." napaisip ako bigla at kinapa ang dibdib ko.
"Magsisinungaling ako sayo kung sasabihin kong hindi. Oo mahal ko pa siya! pero hindi na mababago ang katotohanan na hiwalay na kaming dalawa. Pinili niyang iwanan ako. At may kanya kanya na kaming buhay." nakikinig lang siya sa'kin.
"At hindi mo rin mababago na anak pa rin niya 'yan nasa sinapupunan mo, at may karapatan pa rin siyang malaman ang totoo." doon ako parang natauhan.
Oo tama nga siya natatakot ako sa posibleng mangyari na kapag nalaman niya na may anak siya sa'kin. Maaaring gamitin niya ang kanyang pera at koneksyon para makuha ito sa ‘kin. Iyon na siguro ang hindi ko kakayanin kaya kailangan ko itong paghandaan.
"Sana magising nalang ako isang araw na wala na akong ni katiting na nararamdaman para sa kanya para hindi na ako nasasaktan nang ganito. Dahil kahit iniwan niya ako at sinaktan siya pa rin ang itinitibok nang puso ko." sabi ko nalang sa kanya.
"Pero ang ipinagtataka ko lang-- kung bakit nila ginawa sayo yan? at sino naman kaya ang gagawa? wala ka ba talagang alam na may galit sayo?"
"Hmm... kahit anong isip ang gawin ko wala talaga akong maisip na dahilan. Ipinapa sa diyos ko nalang ang taong gumawa nito sa'kin. At kung dumating man ang panahon na malaman ko kung sino siya, siguro tatanungin ko nalang kung bakit niya nagawa sa ‘kin ang bagay na 'yon?."
"Hindi ka man lang magagalit sa kanya?" nanlalaking matang tanong niya.
"Kahit magalit pa ako nang magalit sa kanya o kahit saktan ko pa siya, hindi na niya maibabalik ang lahat nang nasira na. Iisipin ko nalang na ang lahat nang mga nangyayari ay may dahilan. At may maganda din namang naidulot ang ginawa niya sa'kin. Heto ako ngayon naging malakas ako, hindi na ako ang dating Gianna na mahina, palaging umiiyak at nagmumukmok sa isang sulok. Kinakaya ko lahat at pinatitibay ako nang mga pinagdadaanan ko, at mga pagdadaanan ko pa."
"Paano kapag nakapanganak kana? sasabihin mo ba sa kanya?" naalala ko bigla ang sinabi niya nang binigyan ko siya nang regalo dati.
"Ano to?"
"Gift ko sayo, congrat's! pasensya kana't yan lang ang nakayanan ko."
"Salamat."
"Alam mo ba babe---?."
"Ang alin?." "
Hindi kana sana nag-abala pa o gumastos."
"Bakit hindi mo ba nagustuhan ang gift ko sayo?"
"Hindi naman sa ganoon babe, gusto ko basta galing saiyo, may mas gusto pa kasi akong regalo."
"Ano naman yun?."
"Gusto ko nang isang maliit na Lawrence, o kaya naman isang maliit na Gianna."
"Para saan pa!? baka isipin pa niya na hindi pa rin ako makaget-over sa kanya. O kaya baka isipin niya na hinahabol ko pa rin siya hangga ngayon." sabay ngiti ko sa kanya.
"Ang taray mo dhay! pero curious pa rin ako sa itsura nang dati mong asawa. Gwapo siguro siya noh?" naalala ko ang mukha ni Lawrence sa sinabi niya.
"Eh sa mga magulang mo? kailan mo balak sabihin ang totoo sa kanila at ang kalagayan mo?"
"Ewan ko hindi ko alam! marahil natatakot lang ako na makita nila ako sa ganitong kalagayan, at ayokong makita sa mukha nila na naaawa sila sa ‘kin."
Noon sinasabi ni Lawrence gusto niyang magkaanak kami, lagi kong sinasabi na hindi pa ako handa sa bagay na iyon. Hindi ko alam na buntis na pala ako at nagsisimula na siyang lumaki sa sinapupunan ko.
Hindi ko akalain na siya ngayon ang naging rason ko kung bakit nakakayanan ko lahat nang mga pagsubok na dumating sa ‘kin. May nawala man sa ‘kin may mas higit naman na kapalit, at siya ngayon ang nagsisilbing lakas ko para ipagpatuloy pa rin ang buhay sa kabila nang mga pagsubok.
Kaya kailangan kong maging malakas para sa kanya, at pipilitin kong gagawin lahat nang makakaya ko para maibigay ang mga bagay na kailangan niya. Hindi ko man maibigay sa kanya ang isang buong pamilya at marangyang buhay, ipaparamdam ko naman sa kanya ang buong pusong pagmamahal na kaya kong ibigay.
Natapos na ang oras nang aming breaktime kaya nagmamadali na kaming pumasok sa loob para ipagpatuloy ang mga iniwang trabaho.