Chapter 22 NANG mag-uwian na nasa labas kami nang grocery naghihintay nang masasakyan. Nagkayayaan kaming dalawang ni Rachelle na mamasyal muna bago umuwi, tutal sahod naman at alas singko y'medya palang naman at maaga pa. Bibilhan nalang namin nang pasalubong si Nay Melba. Napakaswerte ko sa kanila napakabait nila, dahil kahit anong abot ko nang pera ayaw pa rin nilang kunin. Para kahit paano sana makabawi man lang ako sa mga kabutihan nila at makatulong na rin sa gastusin sa bahay. Nakakatulong at naaasahan naman daw nila ako sa mga gawaing bahay. Kaya ang gusto nila ay itabi ko nalang daw muna ang pera, para maipandagdag sa mga naipon ko para sa gagastusin sa aking panganganak. Habang naglakad lakad kami ni Rachelle sa mahagip nang mga mata ko ang mga damit pambata na nakasabit sa

