Chapter 23 NAKABIHIS na 'ko at paalis na sana para pumasok na nang trabaho, paglabas ko nang kwarto nakita ko si Papa sa sala bihis na bihis siya. Nagtataka ako dahil sabi niya kagabi wala silang pasok ngayon dahil umalis ang kanilang boss at sa susunod na araw pa ang balik, kaya nilapitan ko siya at tinanong. "Pa! saan po ang punta niyo at bihis na bihis po kayo nang ganito kaaga!?" tanong ko sa kanya sa masayang tinig. "Dadalawin ko ang kapatid mo tutal wala naman akong pasok sa trabaho ngayon, at wala din naman akong gagawin dito sa bahay. Ang tagal na kasi siyang hindi nakakadalaw dito sa atin namimiss ko na tuloy ang bunso ko. Kaya ako nalang ang dadalaw sa kanya sigurado magugulat siya." nakangiting wika ni Papa. Ang kaninang magandang gising ko ay bigla nalang napalitan nang hin

