Chapter 24 LULAN nang pampasaherong jeep nakaupo ako katabi nang driver at tahimik habang nakamasid sa mga dinadaanan. Pag-uwi na ko nang bahay galing trabaho naabutan ko ang asawa ko na abala sa kusina. Kaya dumeretso nalang ako sa kwarto. Pagpasok ko umupo ako saglit sa kama dahil parang nahahapo ang pakiramdam ko. Gustung gusto ko nang umuwi kanina para makapagpahinga dahil pagud na pagod ako sa trabaho. Pauwi na ako nang maisipan kong dalawin ang anak kong si Gianna. Nagtataka ako dahil nagawa niya kaming tiising hindi dalawin sa bahay o tumawag man lang. Namimis ko na ang bunso ko, gusto ko siyang sorpresahin kaya imbes na umuwi nagpasya akong daanan muna siya. Ngunit ako pala ang higit na nasosorpresa sa matutuklasan ko. "Daniel, nandito kana pala! hindi kita napansing nang du

