Chapter 25 KINABUKASAN pagpasok ko sa grocery na pinagtatrabahuhan namin napansin kong may mga nagbubulong bulungan. Nang titignan ko naman sila bigla nalang titigil na parang wala lang. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko nalang pinansin at pumasok na ako para magsimulang magtrabaho. Pagkatapos kong mananghalian hinintay kong pumasok si Rachelle sa loob para sabay na kami. "Gi! Gi!" "Oh bakit! napano ka?" tanong ko sa kanya dahil parang ang layo nang tinakbo hinihingal hingal pa siya nang makalapit. "H-Hindi mo alam?" nagtatakang tanong niya. "Ang alin?" "Pagpasok ko kasi naririnig ko sila” sabay nguso sa mga katrabaho namin. “Ang sabi nila alam na daw sa taas ang sekreto mo! na-- na buntis ka!" Nagulat ako sa sinabi niya "Ahhh!? Paano-- at kan

