Chapter 26 ANG bilis nang panahon kabwanan ko na. Seven months ako nang tumigil sa pagtatrabaho sa grocery. Sinabi naman nang may-ari na pwede pa rin akong bumalik at magtrabaho doon pag nakapanganak na ako, o kahit kailan ko gustong bumalik. Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa nalalapit ko nang pagsilang sa aking anak. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam masaya na may takot. Masaya dahil sa kabila nang lahat nang hirap na pinagdaanan ko nanatili akong matatag dahil sa kanya. Takot dahil wala akong idea kung paano maging isang mabuting ina, at baka hindi ko maibigay ang lahat nang mga pangangailangan niya. Nasa kusina ako nang biglang humilab ang tiyan ko. “Manganganak na yata ako.” Sabi ko nang pabulong. Biglang parang may lumabas sa‘kin, para akong naihi, hindi na ako mapakali. “

