Chapter 27 Nagising ako na parang may humahalik halik sa pisngi ko, inaantok pa ang aking pakiramdam ko. Unti unti kong minulat ang aking mga mata nakangiting mukha nang anak ko ang namulatan ko. Ang aga niyang nagising madilim pa sa labas. Tiningnan ko ang oras ala singko y’medya palang nang umaga. Humahagikgik pa siya habang nasa ibabaw nang kama at nakatingin sa‘kin. “Hi hi hi.. Mama ko! Gising na po ikaw.” Masayang bungad niya nang makitang gising na ako. “Gian anak!” at pumikit ulit ako. “Mama..! Mama..!gising na po ikaw.” “Inaantok pa si Mama baby.” Tsaka ko siya hinila at niyakap nang mahigpit sa tabi ko. “Mama! Sabi ni Tita Ninang ko bibili ako nang maraming laruan.” Tita Ninang ang tawag niya kay Rachelle. Oo nga pala ang usapan namin kagabi ni Rachelle pagkatapos naming

