Chapter Thirty Six A G A P E KANINA ko pa tinititigan ang Clique watch na suot-suot ko. Pagkagising ko kaninang umaga at nagulat ako nang bigla itong nag-vibrate at may lumitaw na mensahe. •Spend an hour cleaning the trash in front of the cafeteria (60:00) •Prioritize at least ten students when buying at the cafeteria during breaktime/lunch time (0/10) "Nandito na iyong mga korning tasks," ani Denisa sa tabi ko habang kasalukayan ding nakatingin sa kanyang sariling Clique watch. Napabaling ako sa kanya. "A-Anong nakalagay sa task mo?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay iba-iba ang tasks ng bawat cliques, nakaayon daw iyon sa prinsipyo na isinasabuhay ng bawat grupo. Nabanggit din ni Sandra noong conference na maaaring makatanggap ang isang estudyante ng dalawang klase ng ta

