Chapter Four
The Test
A G A P E
KINAGAT KO ang ibabang labi ko bago nag-desisyong tumayo at maglakad sa harap ng klase. Mas lalo akong kinabahan nang mapansin ang biglang pagtahimik ng lahat nang tinawag ako para magpakilala.
Huminga ako nang malalim at bumaling kay miss Bing na nag-aabang sa pagpapakilala ko. Pero bago ko pa man maibuka ang bibig ko ay naputol na ito ng isang katok sa pintuan ng classroom.
Napabaling ang ulo ng lahat sa direksyon ng pintuan na agad namang nilapitan ni miss Bing para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.
"I'm sorry to disturb your class miss Bing..." masiglang ani ng lalaking kumatok sa classroom.
"S-Sygmund?" Gulat kong bulong sa sarili na makilala ang lalaking nakasandal sa hambaan ng pintuan.
Nakangiti ito habang nakaharap sa aming guro.
"What took you here Mr. Monte Cristo?" Pormal na tanong ni miss.
"I'm sorry for disturbing your orientation but I was tasked by the Student Council and Administration's office to fetch the new students to take the Psychological Examination." Magalang namang sagot ni Sygmund na hindi pa rin nababali ang ngiti sa mga labi. Saglit na bumaling ang paningin niya sa akin-hindi ko alam pero parang mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil doon. Umiwas ako ng tingin dahil sa hindi maipaliwanag na kahihiyang naramdaman.
"Well, I guess I have no choice then." Walang emosyong ani ni miss Bing saka ibinaling din ang tingin sa akin at sa klase. "Those new students, please stand up and follow Mr. Monte Cristo here for the test."
Nagsitayuan ang dalawang lalaki at tatlong babae mula sa klase. Medyo nagulat pa ako dahil hindi lang pala ako ang bagong estudyante rito.
Muling bumaling si miss Bing sa akin.
"Miss...?"
"Cristobal po. Agape Cristobal." Medyo nahihiya kong sagot dahil hindi natuloy ang maayos ko sanang pagpapakilala sa kanya.
Tumango siya at inalahad ang kamay papunta sa hambaan ng pintuan kung saan nakasandal si Sygmund.
"I believe you're a new student too, right?"
Magalang akong tumango.
"Well then, you can join them." Inilahad niya ang palad niya sa direksyon nila Sygmus at ng iba pang new students na palabas na ng classroom.
Bago sumunod sa kanila ay nilingon ko muna si Denisa, nagtama ang paningin namin at tipid niya akong tinanguan.
Bago ko bawiin ang titig ko sa kanya ay aksidente akong napalingon doon sa lalaking tinatawag nilang brain dead. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin habang patuloy na gumagalaw ang mga daliri niya para buuin ang hawak niyang rubik's cube.
-
"BAKIT NGA pala hindi nalang in-squeeze ang sched ng Psychological examination sa mismong entrance exam the last time?" Curious na tanong ng isang babaeng kasama naming naglalakad papunta sa white building kung saan umano magaganap ang examination.
Bahagya naman siyang nilingon ni Sygmund, bakas pa rin ang ngiti sa labi niya.
"This test is different from the other Psychological tests that the other schools administrate. Libertio Academia has its own standards and procedures in analyzing the Psychological condition of their students. The reason why this test is being conducted late and even at the very first day of the school year for the new students is because the school wants to filter the students that are really serious in entering our educational platform." Mahabang paliwanag ni Sygmund na nagpatahimik sa kasama naming babae.
Hindi ko mapigilang mapahanga sa bawat kibot ng labi at galaw na ginagawa niya. Napaka-sigurado ng bawat galaw niya, parang walang lugar para sa anumang pagkakamali.
"We're here." Anunsiyo niya nang makarating kami sa labas ng isang kulay white at gray na two-story building. Binuksan niya ang double doors at naglakad na siya papasok kaya sinundan namin siya.
Sa loob ay may maliit lounging area na may dalawang mahabang itim na sofas. Nanatili kaming nakatayo ng mga kasama ko dahil puno na ang mga iyon dahil may mga naunang estudyante nang nakaupo rito.
Humarap si Sygmund sa amin para bigyan ulit kami ng mga instructions.
"Hintayin nalang natin na matawag ang mga pangalan niyo, tapos ay ituturo naman sa inyo ang mga susunod na kailangan niyong gawin."
Sabay-sabay kaming tumango ng mga kasama kong kaklase.
Ginawa nga namin ang sinabi ni Sygmund, tumayo lang kami hanggang sa unti-unting nabawasan ang mga naunang estudyanteng nakaupo sa dalawanh sofa. Nagkaroon nang kaunting space para ibang gustong umupo, naunang naupo ang dalawa kong kasamang babae. Pinilit kong hindi maramdaman ang pangangalay ko sa pagtayo habang pinanunuod ang dalawa kong kasamang prente nang nakaupo ngayon.
Hanggang sa may nabawas nanamang etudyante na nakaupos sa sofa.
"Maupo ka na roon, Agape." Gamit ang matamis na bosew ay inalok ako ni Sygmund sa bakanten espasyo sa sofa.
Nag-init ang pisngi ko at hindi ko napigilang kumibot nang pangiti ang mga labi ko dahil sa pinaghalong tuwa at hiya.
Naalala niya ang pangalan ko! Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa sa maliit na bagay na iyon.
Inilahad niya ang kamay niya sa sofa at inalalayan pa akong makaupo. Mas lalo akong nakaramdam ng kaunting sa ginawa niya lalo na noong dumapo sa palad niyang nakaalalay sa likod ko ang mga tingin ng dalawang babaeng kaklase ko.
"S-Salamat, Sygmund." Nahihiya kong ani. Lumapad ang ngiti niya nang mabanggit ko ang pangalan niya.
"You're always welcome..." aniya at nasilaw ako nang husto sa puting-puti na mga ngipin niya.
Narinig ko pang tumikhim ang dalawang babaeng kasama namin.
"Ramos, Shilane." Sumungaw ang ulo ng isang middle-aged na babaw mula sa isang kwarto, tingin ko ay isa ito sa mga staffs ng school. Tinawag niya ang isang kaklase na kasama namin. Tiningnan pa ulit ng staff ang folder na hawak niya bago nagtawag ulit ng tatlo pang mga pangalan hanggang sa...
"Cristobal, Agape."
Parang awtomatikong napatayo ang mga paa ko nang mabanggit ang pangalan ko.
Bago ako sumunod sa staff ay narinig ko pa ang pagpapalakas ng loob ni Sygmund.
"Good luck, Agape."
Nilingon ko siya, nakangiti siya sa akin kaya ngitian ko rin siya pabalik bago nagpatuloy sa paglalakad.
Iginiya kami ng staff sa isang kwarto. Pagbukas ng doorknob ay nagulat pa ako sa disenyong bumungad sa amin.
Hindi ko nga alam kung matatawag ko ba itong disensyo dahil halos puti lang ang kulay na nakikita ko. Puting-puti ang dingding at ang sahig at walang bahid ng anumang uri ng dumi kahit na ilang estudyante na ang nauna.
Sa kabuuan ng kwarto ay may limang puting cubicle na malayo ang distansya sa isa't isa, sa bawat cubicle ay may tig-iisang tao-na tingin ko ay staff rin ng school-ang nakaupo. Nakaputi rin silang uniporme at pormal na pormal sa malinis na ayos ng kanilang mga buhok.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang may kakaiba sa blanko nilang ekspresyon na kasalukuyang nakatitig sa amin, hindi ko mapangalanan kug ano iyon pero... kakaiba.
Napautol lang ang pag-analisa ko sa kanilang itsura nang tinuran ng staff na kasama namin na pumili raw kami ng cubicle kung saan kami komportable, doon daw kasi gaganapin ang test.
Nagsikilusan na ang apat na kasama ko at pumili na ng mga napusuhan nilang upuan. Saka lang ako natauhan nang lahat sila ay nakahanap na ng kanya-kanyang cubicle. Kaya wala akong pagpipilian kung hindi pumunta roon sa natitirang bakante.
Linapitan ko na ang natitirang cubicle at saka umupo roon, sa harap ko ay isa sa mga babaeng staff na nakaputing uniporme. Masinop na nakatali ang buhok niya. Sobrang linis niyang tingnan at walang bahid ng ekspresyon ang mukha, nagsusumigaw sa pagiging propesyunal ang kanyang aura.
Sa tagal ng paninitig ko sa kanya ay hindi ko namalayang may inaayos na pala siyang puting aparato sa lamesa.
Kumunot ang noo ko at napatitig doon. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng bagay-o makina.
Isang puting bagay na kahawig at kasing laki ng radyo namin noon. May tatlong puting wires ang nakakabit doon na kasalukuyang inaayos ng babae. Nang mapansin nito ang paninitig ko sa ginagawa niya ay nagsimula siyang magsalita sa unang pagkakataon.
"I am Mikaela Valderama, one of the Academy's staffs. Today, I will be facilitating your psychological test." May sumilay ding bahagyang ngiti sa mga labi niya. Pero hindi gaya ng kay Sygmund na palakaibang ngiti dahil napakapormal pa rin nitong tingnan.
Saglit siyang tumingin ng kung ano sa desktop sa ibabaw ng lamesa bago niya ibinalik sa akin ang mga mata niya.
"You are Agape Cristobal, right?" Pagkukumpirma niya gamit ang mahinahing boses.
Tumango naman ako bilang pagtugon.
Binalik niya ulit ang paningin sa screen sa kanyang harapan, saka mabilisang sinipat ang puting aparato bago siya tumayo at lumapit papunta sa akin.
Nagsimula nanaman akong kabahan. Ano kayang klaseng test itong gagawin at bakit wala naman akong nakikitang test booklet at answer sheets?
"Nilalagnat ka ba nitong mga nakaraang araw miss Cristobal?" Pormal na tanong niya sa akin habang kinuha ang tatlong wire mula sa kakaibang aparato.
Umiling naman ako. "H-hindi naman po." Medyo napapaos kong sagot.
Tipid naman siyang tumango. "Everything's okay then..." aniya, parang sinasabi niya iyon sa sarili at hindi sa akin kaya hindi ako nagsalita.
"Unlike other written Psychological tests, this one's different." Panimulang pagpapaliwanag ulit ni miss Mikaela. Kumunot naman ang noo ko.
"P-paano pong kakaiba?" Medyo kabado ko nang tanong, sinubukan ko ulit maghanap ng test booklets at answer sheets pero wala akong anumang senyales nito.
Hinatak niya ang isang puting wire na may kung anong bakal sa dulo na hugis 'U' at nagulat ako nang ikabit niya iyon sa hintututo ko sa kanang kamay. Hindi sinasadyanh nanginig ang kamay ko dahil doon na mabilis naman niyang hinawakan.
Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata bago sinagot ang tanong na bumabagabag sa akin mula kanina.
"This will be a test accompanied by a mental simulator..."
-C. N. Haven-