Chapter Twenty Four

1906 Words
Chapter Twenty Four NILINGON KO ang pinanggalingan ng boses at nakitang mula iyon sa babaeng may pulang lipstick sa labi. Nakapamaiwang siya habang kunot-noong nakatitig sa akin. Sa gilid niya ay ang ang dalawang lalaki na mga mukhang hindi rin natutuwa sa nakikita. "T-Tinitulungan ko l-lang naman si--" "Why? Did she even asked for help in the first place?" Putol ng babae sa sinasabi ko. Napansin ko na lalong nanginig ang kamay ni Annie, ang babaeng kasalukayan kong tinutulungan, marahil ay hindi rin siya kumportable sa mga matang nakatingin sa amin ngayon. "Gosh, isn't she that girl?" Bahagyang napukaw ang atensyon ko nang marinig ang bulungan ng mga kalapit na estudyanteng nanunuod. Hindi ko alam pero parang sa kin sila nakatingin. Yumuko nalang ako at pinagpatuloy ang pagpupulot ng mga bubog sa sahig, hindi na inalintana pa ang mga taong kumukontra sa ginagawa kong ito. "Ano ba! I said she did not ask for help!" Nagulat ako at napaigtad nang biglang agresibong tinapik ng babaeng may pulang lipstick ang palad kong pupulot pa sana ng bubog kaya tuloy tumilapon ang hawak kong iyon papunta kay Annie na muntik pang masugatan sa braso. Napatalon siya dahil sa pinaghalong gulat at kaba. Nanlaki ulit ang mga mata ko dahil sa nangyari. "S-Sorry! H-Hindi ko sinasadya!" Tiningala ko siya gamit ang gulat na mga mata. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya at napansin kong ring namumutla ata siya, halos wala nang kulay ang mukha niya. "You're pathetic, look at what you did to this poor thing!" Kantyaw pang muli ng babaeng may pulang lipstick. Ginawaran niya ako ng parang nandidiring tingin. "Ugh, you must be a reconciler but I don't care. Hindi ko rin alam why you are trying to be a hero by helping this girl. But know that you'll not gain any merit from that cheesy act. Hindi pa nga nagsisimula ang official tasks, may mga nagmamagaling na," inikot niya ang mga mata niya gaya ng nakikita kong palaging ginagawa nila Tiffany at Victoria. Hindi ko gaanong naintindihan ang mga sinabi niya basta't ang alam ko lang ay hindi siya natutuwa sa pagtulong ko sa babaeng pinagtaawanan nila kanina--kung bakit, ewa ko. Pero hindi ko ata kayang maupo nalang, manuod, at hayaan nalang nila na kawawain siya nang ganoon. "H-Hindi ko lang g-gusto na m-makitang nahihirapan siya..." Lumunok ako saglit at kinalma ang kaba sa aking dibdib. "At saka... Hindi ata maganda na tinatawanan niyo pa siya sa ganitong sitwasyon," halos hindi ako makahinga dahil sa bilis n pagkabog ng dibdib ko. Halos mabingi ako sa tunog nito. Pero... May nag-uudyok sa akin na tama ang ginagawa ko, na kailangan ko itong sabihin sa kanila. Bumunghalit sa tawa ang babae--taliwas sa inaasahan kong reaksyon mula sa kanya. Para bang isang malaking biro ang mga sinabi ko kanina. "Wow, are you a nun or what?" Tatawa-tawa pa nitong ani habang hinahawi ang buhok. Pagkatapos ay biglang naglakad palapit sa akin ng isa sa mga lalaking kasama niya at saka ako tinitigan nang masama. Mas lalo siyang nagmukhang katakot-takot dahil sa nga itim niyang hikaw na may disenyong bungo. "Hoy, kapag sinabi ni Effy na 'wag kang sasabat sa ginagawa namin, 'wag kang sasabat!" Ani niya sa iritadong tono. Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa pagtataas niya ng boses. "P-Pero, hindi naman k-kasi tama ang ginagawa n-niya--" "Sino ka ba sa eskwelahan na 'to para turuan kami sa kung ano ang tama at hindi?" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "...isa pa, mukhang bago ka lang dito tapos ganyan ka na umasta? Saka ka na magmagaling kapag natanggap mo na ang mga tasks mo," dugtong niya pa. Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kabang nadarama. Pakiramdam ko ay nanunuyo nanaman ang lalamunan ko--nawawalan nang boses at hindi makapagsalita. Pero nang mapabaling ako kay Annie na mas mukhang natatakot at hindi makapagsalita para dipensahan ang kanyang sarili sa ganitong panahon--sa oras na iyon ay parang nagkaroon ng lakas ang mga labi ko na maging matapang at sagutin ang lalaking ito, hindi para sarili kong kapakanan kundi para kay Annie, sa babaeng hindi ko man kilala pero alam kong lubos na nangangailangan. "S-Sa tingin ko ay kahit sino namang t-tao kayang umintindi k-kung anong tama at mali. Kung tumataliwas ka sa tama k-kahit na alam mong mali iyon, h-hindi ba't kamangmangan ang tawag doon?" Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na nadarama. Matapos kong sabihin iyon ay nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan naming lima, maging ang nga kalapit na estudyanteng nanunuod ay nanahimik din. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay naputol agad ang katahimikan nang biglang humagalpak sa tawa ang lalaki at iyong babaeng may pulang lipstick. Napakalakas ng tawa nila na para bang kinikiliti sila sa tiyan, para bang nakarinig sila ng isang nakakatawang biro. Pero agad na napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha ng lalaking kausap ko kanina. Ang natatawa niyang mukha ay wala na ngayong anumang emosyon. "So tinatawag mo ba kaming mangmang?" Malamig niyang ani habang nakatitig sa akin. Nanginig ulit ang kamay ko dahil sa nakakatakot niyang tono. "A-Ang ib--" "AKO? TINATAWAG MO BA AKONG MANGMANG? SINO KA BA SA TINGIN MO, AH?" Lalong tumaas ang boses niya kaya awtomatiko akong napaatras sa kaba habang nanlalaki ang mga mata sa takot. Iniangat niya ang kanan niyang kamay at mukhang akmang iduduro o itutulak ako, mukha talaga siyang nagalit sa mga sinabi ko. Pero bago pa man lumapat ang dulo ng daliri niya sa akin ay napatigil siya kaagad nang biglang may bumulusok na baraha papunta sa kamay niya. Napakalakas ng pwersa ng baraha at sumapat na para mahiwa nang halos isang sentimetro ang hintuturo niyo. Kung hindi ko lang alam na imposible ay iisipin ko nang baka naputol na ang daliri niya. "s**t! s**t!" Hiyaw ng lalaki habang tinitingnan ang sugatan niyang daliri dahil sa barahang biglang humiwa roon. "SINO ANG TANGINANG IYON!" Gigil na tanong ng lalaking habang pinagmamasdan ang paligid. Isa lang naman ang kilala kong magaling mag-baraha... "Ako bakit?" Malamig na sagot ni Denisa na kasalukuyan nang naglalakad papalapit sa amin. Nilingon ko siya at nahagip sandali ng paningin ko ang direksyon ni braindead na kasalukayan pa ring kumakain sa aming table, ni hindi man lang alintana ang mga nangyayari sa paligid niya. "Akong may gawa niyan, bakit? Papalag ka?" Dagdag ni Denisa. Taas-noo niyang tinitigan ang lalaki nang wala man lang bahid ng takot sa kanyang mukha. Hindi agad nakapagsalita ang lalaki at maging iyong babaeng may pulang lipstick at iyong isa pang lalaking kasama niya ay natahimik din habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan si Denisa. Pero matapos ang ilang segundo ay mukhang nakabawi rin kaagad sila. "What's this? Did you get tired of your title as the tigress of this school that you just settled to be this pathetic girl's lapdog?" Pag-iinsulto ng babae kay Denisa. Kumunot ang noo ko at hindi ko gaanong nagustuhan ang sinabi niya tungkol kay Denisa. "Talaga? How about you? Nothing change, eh? You're still a b***h," bwelta naman ni Denisa sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong dinipensahan niya ang sarili o dapat ko na ba siyang awatin. Parang pumula ang pisngi ng babae at halos naging kakulay na nito ang pula niyang lipstick. Hindi niya nagustuhan ang term na ginamit ni Denisa sa kanya. "Y-You piece of--" akmang susugod ang babae kay Denisa pero bigla itong napahinto nang swabeng itinaas ni Denisa ang kanyang kanang kamay. Sa pagitan ng mga daliri niya ay mayroong nakaipit na baraha. Napaatras at parang kinabahan ang babaeng may pulang lipstick nang makita niya ang barahang iyon, para bang natakot siyang bigla itong ibalibag ni Denisa sa direksyon niya. Kumibot ang mga labi niya na para bang may sasabihin pang kung ano pero hindi na niya naituloy dahil inis nalang siyang nagmartsa palayo sa amin. "Urgh! Stupid low class being!" Dinig ko pang sigaw niya habang padabog na naglalakad palayo na kaagad namang sinundan ng dalawang lalaking kasama niya. Napakurap-kurap pa ako nang ilang beses at hindi makapaniwala na sa wakas ay nakaalis na sila. Binaling ko ang tingin ko kay Denisa na kasalukuyang nakapamaywang at malamig ang tingin sa akin. "Tumayo ka na nga r'yan," malamig niyang ani bago niya ibinaling ang tingin sa paligid. "Oh, anong tinitingin-tingin niyo?" Maangas niyang sita sa mga kuryusong estudyante na agad namang napaiwas ng tingin. Grabe, kakaiba talaga ang epekto ng presensya ni Denisa. Napalunok ako ng laway at saka binaling na ang tingin kay Annie, kasalukuyan pa rin siyang tulala at nanginginig ang mga kamay. Bumangon na ako sa bahagyang pagkakaluhod sa sahig at saka iniabot ang kamay sa kanya para tulungan na siyang makatayo. Ilang segundo niya iyong tinitigan na para bang gulat siyang inaabot ko ang kamay ko sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya, pero imbes na abutin ang kamay ko ay tinampal niya ito palayo. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Natulala ako nang ilang segundo matapos niyang tampalin ang kamay kong nakalahad pa rin sa kanya. Samantala, kusa naman siyang tumayo nang hindi kinailangan ang tulong ko. Nagmamadali rin siyang naglakad palayo at hindi na inalintana pang ligpitin ang mga bubog at nagkalat niyang tray sa sahig. "Hanep, gano'n pala siya magpasalamat?" Iritang bulong ni Denisa na mukhang nasaksihan din ang nangyari. Parang nanikip ulit ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Kung sa bagay, siguro ay pakiramdam niya'y masyado akong nanghihimasok. "Tsk. Hayaan mo na 'yan," mas iritadong ani ni Denisa bago naglakad pabalik sa table namin kanina. Nilunok ko ang kung ano mang bagay na nakabara sa lalamunan ko bago ako nagpasyang sundan na rin si Denisa. Pero bago ako tuluyan tumalikod ay may bagay na nahagip ang mga mata ko. Sa gitna ng mga nagkalat na bubog sa sahig ay ang isang i.d. Mabilis akong yumuko at dinampot iyon, medyo nanlaki ang mga mata ko nang madiskubre ang pamilyar na mukha na nasa i.d. Annie Iskolas GAS-II Ito ang i.d. ni Annie! Mukhang naiwan niya ito rito. Tinitigan ko ang buong paligid pero hindi ko na nakita pa ang bakas ni Annie. Binaling ko ulit ang paningin sa i.d. na hawak bago nag-desisyon na ibulsa muna ito, isasauli ko sa kanya ito sa lunes. Sinundan ko na si Denisa pabalik sa table namin at nakitang nakatingin siya sa sahig bago padabog na dumampot ng isang baso sa lamesa. Akmang iinumin niya na sana iyon nang biglang hinawakan ni braindead ang braso niya kaya natigil si Denisa sa pag-inom. Nanlaki ang mga mata ko sa eksenang nakita. Parang bumilis ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan sila, nagbalik sa isipan ko ang gabi noong nakita ko silang nag-uusap sa may hagdanan ng girl's dormitory. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Denisa na parang nagulat din sa paghawak ni braindead sa braso niya. "A-Anong--!" "That's my glass," putol ng lalaki sa sinasabi ni Denisa kasabay ng pag-angat nito ng tingin sa kanya. Nagtama ang mga paningin nilang dalawa at halos mahimatay na ako sa kinatatayuan ko ngayon. "It's mine, give it to me," ani ni braindead sa isang mahina at seryosong tono. Hindi nakakibo si Denisa nang ilang segundo pero nang makabawi siya ay napakurap-kurap siya bago niya bayolenteng inalis ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng lalaki saka niya padabog na inilapag sa lamesa ang baso. "Iyo na at hindi ko na ulit kukunin pa," malamig at seryosong sagot ni Denisa bago walang sabing naglakad paalis. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD