Chapter Twenty Five

1064 Words
Chapter Twenty Five Iniiwasan TULOY-TULOY na naglakad palayo si Denisa. Napakalaki ng mga hakbang niya kaya nahirapan akong habulin siya. "T-Teka, Denisa!" Binalingan ko muna ng huling beses si braindead, wala pa ring kahit ano mang bahid ng pagbabago sa ekspresyon niya. Mukhang wala pa rin siyang pakielam sa mga bagay sa kanyang paligid. Samantala, medyo nakalayo na talaga sa paglalakad ai Denisa kaya nagmamadali ko siyang sinundan. Sa paraan ng pagalakad niya, napapaisip ako na mukhang hindi na maganda ang timpla ng kanyang mood. Tikom ang kanyang bibig habang dinig na dinig ang mabibigat niyang hakbang papunta sa escalator. Ang lalaki at bibilis ng mga hakbang niya kaya tuloy medyo nahirapan akong pantayan ang bilis ng lakad niya. Halos hingalin na ako nang maabutan ko na siya sa wakas nang makatapak ako sa escalator na pataas ang punta. Kung tama ang pagkakatanda ko sa sinabi niya kanina, sa third floor matatagpuan ang gaming area na pwedeng maging libangan ng mga estudyante. Mukhang balak ata ni Denisa na magpalipas ng oras doon? Katahimikan lang namagitan sa amin habang parang estatwang nakatayo sa tumataas na hagdan. Matapos ng ilang segundo ay agad kaming nakarating sa ikatlong palapag kung saan agad na bumungad sa akin ang kumikislap at nagliliwanag na signage: 'Libertio ARCADEa' Parang awtomatikong napanganga ang labi dahil sa samu't saring palaro na matatagpuan sa palapag na ito. Iba rin ang kulay ng sahig dito na binubuo ng mga masisiglang kulay hindi gaya ng simpleng puting tiles sa naunang dalawang palapag. Medyo may kadiliman din nang kauti rito kaya kapansin-pansin ang parang christmas light na mga ilaw na nagdudulot ng kaaibang atmosphere sa paligid. Kulay blue, violet, red, at green na mga ilaw na mas lalong magbibigay ng tila kalmadong pakiramdam sa lugar na ito. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid ay hindi ko agad napansin na naua nang naglakad si Denisa sa akin. Dire-diretso siya naglakad sa mga nakahilerang video games sa aming harapan. "T-Teka, Denisa!" Habol ko sa kanya. Masyado talaga siyang mabilis maglakad! May kalakihan ang bawat hakbang niya na katumbas na yata ng dalawang hakbang ko. Kaya naman halos patakbo na akong sumunod sa kanya. Pero habang naglalakad ay hindi ko pa rin maiwasang ilibot ang mga mata ko sa paligid. Ang nga estudyante ay mukhang nage-enjoy habang naglalaro sa mga nakahilerang arcade games, meron doong parang isang glass tube na may laman na iba't ibang stuff toys at may mga button na pipindutin para makuha ng parang metal na kamay ang matipuhang teddy bear na nandoon. Mukhang mahirap siyang laruin dahil dinig na dinig ko ang natatawang panghihinayang ng mga naglalaro kapag hindi nila nasusungkit ang gusto nilang laruan. Meron din namang mga estudyante na tuwang-tuwa na naglalaro sa mga nakahilera ring video games. Meron akong nadaanan na dalawang estudyante na nagkakantyawan habang may hawak na dalawang laruang baril na nakatutok sa screen ng video games kung saan may pinapatay silang mga zombies. Ang buong paligid ay punong-puno ng kasiyahan na nagmumula sa mga estudyanteng gustong magpalipas ng oras sa lugar na ito. Nang nilingon ko si Denisa ay napansin kong huminto siya roon sa harap ng isang pamilyar na palaruan. Iyon ang paborito kong laruin tuwing dadalhin kami ni tatay sa mall. Binasa ko ang signage na nakalay rito: 'Basket Hoops' Isang klase ng arcade game kung saan pwede kang mag-shoot ng bola sa maliit na basket sa harap mo. Nakakatuwa talaga iyong laruin dahil minsan ay tumatalbok pabalik sa mukha ko ang bola at hindi ko ito nas-shoot sa ring. Huminto si Denisa sa harap ng isang bakanteng Basketball machine saka niya inilabas mula sa bulsa ang kanyang Clique card at itinapat sa parang kulay itim na scanner sa gilid ng machine. Matapos nang ilang segundo ay ibinalik na niya ang cars sa bulsa niya tapos ay umilaw ang arcade machine, senyales na gumagana ito. Saka na isa-isang lumabas ang mga bola ng basketball na nakakulong na nakatago kanina. Lumapit pa ako nang mabuti sa kinatatayuan ni Denisa para makita ko kung paano siya maglaro. Maliksi niyang kinuha ang unang bolang nahawakan niya tapos ay agad na sinubukang i-shoot sa ring. Napatakip ako sa labi ko nang walang kahirap-hirap niya iyong naipasok! "Woah! Ang galing!" Mangha kong puri sa kanya. Wala naman siyang reaksyon at nagpatuloy lang siya sa pag-shoot ng iba pang bola. Bawat bolang nahahawakan niya ay nais-shoot niya sa basket ring na parang wala lang iyon sa kanya. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kaunting hirap ang ekspresyon niya, para bang sanay na sanay na siya sa ganitong bagay. Hindi ko tuloy maiwasang mapapalakpak habang pinapanuod siya. Naalala ko sa kanya sila tatay at kuya Asher. Silang dalawa talaga ang magaling sa ganito dahil hilig talaga nila na maglaro ng basketball. Kaya kapag napupunta kami sa arcade ng mall para makapaglaro, lagi nila akong natatalo sa larong ito dahil sila lagi ang nakaka-score dahil marami silang nais-shoot na bola. Samantalang ako ay laging hindi pumapasok sa ring ang bola at minsan ay tumatalbog pa pabalik sa akin. Pero hindi ko maiwasang isipin na parang mas magaling pa atang maglaro itong si Denisa. Kakaiba talaga siyang kumilos! Para bang napaka-asintado niya sa lahat ng bagay. Parang kahit na anong bagay na ipagawa mo sa kanya ay hindi niya aatrasan at kaya niyang gawin sa isang nakakabilib na paraan. "Kung gusto mo ring maglaro, may bakante pa r'yan," tamad na ani ni Dneisa habang nakatitig sa bolang is-shoot niya. Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko inaasahang may balak pala siyang kausapin ako. Napabaling ako sa bakanteng Basketball machine sa tabi niya. Wala itong ilaw, senyales na hindi pa na-activate. Inalala ko ang ginawa ni Denisa kanina para mapagana ang machine na ginagamit niya ngayon. Itinapat niya ang clique card niya roon sa itim na scanner tapos ay awtomatiko nang umilaw ang palaruan. Pero medyo nag-aalangan ako... "Libre 'yan, 'wag ka mag-alala," paliwanag ni Denisa na para bang nababasa niya ang mga katanungan sa isipan ko. "T-Talaga?" Mangha kong tanong sabay baling sa machine. "Oo. Pero tatlong beses ka lang pwedeng maglaro nang sunod-sunod. Kailangan mong mag-antay ng twenty minutes kung gusto mong maglaro ulit," sagot ulit ni Denisa gamit ang tamad na boses. Tumango-tango naman ako bilang pagsagot. Kung sabagay, hindi nga naman maganda kung libre ito tapos ay pwede kaming maglaro ng kahit hanggang kailan namin gusto dahil maaaring may iba pang estudyanteng nakapila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD