Chapter Twenty Six

1891 Words
Chapter Twenty Six NAPAKURAP AKO nang ilang beses dahil sa hindi inaasahang tanong ni Denisa. Napaisip tuloy ako habang kinakagat ang labi... Hanggang saan ang nalalaman ko tungkol sa C-System? Kahapon lang ako talagang naliwanagan sa kabuuang sistema ng paaralang ito dahil sa pag-attend ko sa aming Clique Assembly. At ayon sa pagkakaintindi ko... "A-Ang Clique system o C-system ay kung paano nahahati at nabubuo ang mga estudyante ayon sa Cliques na kinabibilangan nila. At u-uhm..." Bahagya akong natigil at inisip pa kung ano ang pwedeng idagdag. Si Denisa naman ay nanatiling nakatitig sa basketball ring sa kanyang harapan habang mariing hinahawakan ang bolang hanggang ngayon ay hindi niya pa nais-shoot. "...b-basta ang sabi ni Sandra ay ang mga Cliques ay parang malalaking pamilya na masasandalan ng bawat estudyanteng kabilang dito. Bawat Cliques daw ay may responsibilidad na u-umakto ayon sa pag-uugali at paniniwalang pinanghahawakan nila. Kaakibat din ng C-system ang pangongolekta ng puntos na papasok sa ating mga Clique card at gaya ng nabanggit mo noon, nagagamit natin ito bilang credit card sa school," huminga ako nang malalim. Hanggang doon lang ang kinaya kong paraan ng pagpapaliwanag, sana ay naintindihan niya. Pero kung sabagay, bakit kaya tinatanong ni Denisa kung hanggang saan ang nalalaman ko? Imposible naman ata na siya mismo ay naguguluhan din tungkol dito dahil tingin ko ay matagal na siyangnag-aaral rito kaya marami na siguro siyang nalalaman. "B-Bakit mo pala naitanong, Denisa?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya na hindi naman niya sinagot. "Ah... gano'n ba," ani niya sa isang mahinang boses. "Gano'n pala ang pagkakaintindi mo ro'n," may idinugtong pa siya pero hindi ko gaanong naintindihan dahil mas humina na ang boses niya. Nagpakawala si Denisa ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpasyang i-shoot ang huli niyang bola sa basketball ring at walang kahirap-hirap ulit na pumasok. Nagkulay pula ang kaninang berdeng ilaw sa basketball machine at tumigil sa pagbaba ang mga bola, senyales na tapos na ang oras ng unang round ng laro kaya dinukot ulit ni Denisa ang kanyang Clique card mula sa bulsa saka itinapat ulit iyon scanner. Nag-activate ulit ang machine pagkatapos noon. Habang pinagmamasdan siya ay hindi ko maiwasang hindi mapalagay sa paraan ng pagsagot niya sa akin kanina. May nasabi kaya akong mali? Mali ba ang pagkakaintindi ko sa C-System? "D-Denisa, mali ba ang pagkakaintindi ko sa C-System?" Hindi ko napigilan pang itanong. Bahagya naman siyang napahinto nang is-shoot niya na sana ulit ang bolang hawak niya pero agad din namang nakabawi. "Tama naman," tipid niyang sagot sa akin bago shinoot ang bola. Napakagat ako ng labi dahil sa tipid na sagot niyang ulit na iyon. Sanay naman ako na ganito siya lagi magsalita pero parang may kakaiba sa paksa ng pag-uusap namin ngayon na pilit gumugulo sa isipan ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay may mali sa sinabi ko kahit na sinabi naman niyang tama ito. Iniangat ko ang bolang hawak ko at dahan-dahang sinubukang i-shoot ulit iyon pero tumalbog lang ito ulit palayo sa ring. "Walang mali sa sinabi mo pero masyadong simple ang tingin mo sa sistemang 'to," Bahagya akong nagulat nang magsalita ulit si Denisa. Nilingon ko siya, ang mga mata niya ay nakapako lang sa mga bolang binabato niya sa ring at may bakas ito ng kaseryosohanna taliwas nanaman sa naaaliw niyang ekspresyon kanina. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Nabalot kami ng katahimikan ng ilang segundi. Hindi siya nagsalita, iniling lang niya ang ulo niya na para bang hindi niya gusto ang sinabi niya. "Wala. Hindi mo rin naman naiintindihan kung ipapaliwanag ko, ikaw nalang ang bahalang umalam," ani ni Denisa sa isang tamad na boses. Mas lalo lang nabalot ng kalituhan ang isipan ko dahil sa mga sinabi niya. Parang nakaramdam ako ng kakaibang kaba na hindi ko maintindihan. Tingin ko ay may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko talaga lubusang maunawaan. "Kalimutan mo nalang 'yon," dagdag ni Denisa bago shinoot ang hawak na bola. Natulala naman ako sa bolang inihagis ko na hindi ulit pumasok sa ring. Hindi ko alam kung anong tatakbo sa isip ko dahil sa mga sinabi ni Denisa kanina. Naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya mula kanina. Huminga ako nang malalim at may itatanong pa sana ulit pero... "Oh, look who's here," Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang babaeng may itim at mahabang buhok na naka-ponytail ang nakatayo ngayon sa likod namin ni Denisa. Sa bibig niya ay may subo siyang lolipop habang nakatitig ng bilugn niyang mga mata kay Denisa. Hindi pamilyar sa akin ang babaeng ito. Parang ngayon ko lang ata siya nakilala. Binalingan ko ng tingin si Denisa at nahuli ko siyang umirap bago hinarap ang babae. Tahimik ko silang pinagmasdan. Parang may daloy ng elektrisidad sa pagitan nila. Hindi ko maiwasang maihalintulad ito roon sa tensyon na nangyari sa pagitan ni Sandra at noong lalaking nakahanap ng Clique card ko. Kung sino man ang babaeng ito, mukhang hindi sila magkasundo ni Denisa. "Look's like you're having a good time here, tigress," mapanuya ang tono ng babae na hindi pa rin tinatanggal ang tingin kay Denisa. May katangkaran ang babae na parang mas matangkad pa yata ng ilang pulgada kay Denisa at lalo nasa akin. Mas lalong na depina ang mahahaba niyang binti dahil sa itim na pantalong suot niya na tinernuhan ng kulay puting damit na hindi ko mawaring kung t-shirt ba dahil hanggang itaas lang ng pusod niya ang haba nito. "Masaya na sana, panggulo ka lang, Phariah-abang," sagot naman ni Denisa sa kanya. Tamad niyang ibinto ang bolang hawak niya habang nakatingin sa babae at halos masamid ako sa sarili laway nang makitang na-shoot ang bola kahit na inihagis niya iyon nang hindi lumilingon. "Aw, aren't you happy to see me?" May halong pang-aasar na sabi ng babaeng kausap ni Denisa. Hindi ko narinig nang maayos kung anong pangalan niya. "Mukha bang kamiss-miss ka?" Singhal naman ni Denisa sa kanya. Lumobo ang pisngi ko dahil sa pagpipigil ng hagikgik, hindi ko alam pero parang nakakatawa ang sinabi niyang iyon. Mukhang napansin ng babae na muntik na akong matawa kaya biglang napabaling sa akin ang tingin niya. Parang bahagya pa siyang nagulat sa presensya ko, mukhang hindi niya ako napansin kanina. Nakakunot ang noo niya habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang tingin sa sahig dahil hindi ako naging kumportable sa tingin niyang iyon. "And who's this girl?" May halong iritasyong tanong niya kaya napabaling ulit sa kanya ang tingin ko. "Paki mo? Doon ka na nga," mas iritadong sagot ni Denisa sa babae. Kumunot ang noo ng babae habang nakatitig sa akin, mayamaya, ang seryosong mga mata niya ay bahagyang nanlaki na para bang may bigla siyang naunawaan. Kumorba rin ang labi niya sa isang ngisi na para bang may umusbong na ideya mula sa isip niya. "I see, so you must be that girl they are talking about," dahan-dahan ang pagbigkas niya sa mga salita. Kumunot ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi niya. "Lumayas ka na nga sa harapan namin, Phariah," bulyaw ni Denisa sa babae. Phariah pala ang pangalan niya. "Bakit? Masama bang makipagkilala sa babaeng 'to?" Binaling ulit ni Phariah ang kanyang mga mata sa akin. "Isn't it interesting? Gusto ko lang na bwisitin ka ngayong araw pero hindi ko inaasahang makikita ko rin siya and to think that she's with you." "Shut up," seryosong ani ni Denisa, pakiramdam ko ay may kaunting pagbabanta sa tono niya. "Oh, bakit? Isn't it the reason why you are making friends with her? Because the Alpha is fascinated with her so you want to befriend this girl para magpakas--" "Deputa, manahimik ka, Phariah..." Mariin na pagputol ni Denisa. Bumilis ang t***k ng puso ko sa takot dahil sa tino na ginamit ni Denisa, para bang galit na ito. Hindi ito maganda. Pero imbis na matakot ay mas lalo lang na lumawak ang ngisi sa labi ni Phariah. "Why are you angry? It's the truth right?" "I said shut up, oh baka gusto mong ako mismo ang gumawa ng paraan para manahimik ka ngayon din," pagbabanta ni Denisa sa babae. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang nasasagad nanaman ang pasensya niya ngayon. Kanina lang ay parang iritado na siya dahil sa usapan nila ni braindead tapos ngayon ay eto nanaman, hindi ito maganda. "D-Denisa--" "Agape, pwedeng doon ka muna," pagputol ni Denisa sa sasabihin ko. Nagulat ako at agad na itinikom ang bibig. May bahid ng iritasyon ang boses niyang iyon. Kinagat ko ang labi ko at pinigil ang saglit na kirot na dumaan sa dibdib ko. Huminga si Denisa nang malalim. "May vendo machine malapit doon sa may b****a, kumuha ka muna ng maiiinom. May pag-uusapan lang kami," mas mahinahon na ngayon ang pananalita niya. Tingin ko ay mas dumiin ang pagkakakagat ko sa labi. Tumango ako sa kanya bago naglakad paalis para puntahan ang vending machine na sinasabi niya. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay may narinig pa akong parte ng usapan nila. "--you're just making a way to seize that posi--" "--tumigil ka nga. Wala akong paki ro'n, isaksak mo pa sa baga--" Binilisan ko na ang lakad ko para hindi ko na marinig pa ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman na gusto lang ni Denisa na maging pribado ang usapan nila kaya hindi maganda na may marinig pa ako tungkol doon. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang hinahanap ang vending machine na sinasabi ni Denisa. Kuminang kaagad ang mga mata ko nang matagpuan ko ito malapit sa pasukan. Lumapit kaagad ako roon at nag-iisip kung anong inumin ang kukunin. "Juice nalang siguro..." Bulong ko sa sarili, hindi ko sigurado kung anong hilig ni Denisa pero sa isang linggo ko siyang nakasama, napansin kong tuwing iinom siya ng juice, laging apple juice ang pinipili niya kaya iyon nalang ang napagpasyahan kong kunin. Itinapat ko ang aking clique card sa scanner saka pinindot ang isang apple juice at orange juice. Habang hinihintay na mahulog ang mga lata ng juice ay hindi ko maiwasang maisip ang koneksyon ni Denisa at ng babaeng kausap niya na nagngangalang Phariah. Sa paraan palang ng pakikitungo nila sa isa't isa, masasabi ko nang hindi talaga sila magkasundo. Isa pa, medyo naguluhan din ako sa sinabi ni Phariah tungkol sa akin. Hindi ko ito gaanong naintindihan. Lumabas na ang dalawang lata ng juice kaya agaran ko itong kinuha. Balak ko na sanang bumalik na sa kung saan ko iniwan si Denisa kanina pero biglang napukaw ang atensyon ko sa ibang bagay. May naririnig kasi akong malalakas tawanan at hagikgikan mula sa mga nakatipong estudyante hindi kalayuan mula sa akin. Nakakumpol ang mga ito habang tumatawa at parang may chini-cheer silang kung sino. Napansin ko nandoon pala sila sa parte ng mga nakahilerang video games na may baril-barilan. Niliitan ko ang mga mata ko at sinubukang silipin ang dahilan kung bakit sila mukhang nagkakatuwaan at nagkakagulo roon. Noong una ay hindi ko talaga alam kung bakit hanggang sa unti-unti kong nakita kung sino-sino ang mga taong kasalukuyang naglalaro roon. Walang iba kung hindi sila Sygmund, Khalil, Carter, at Fyruz. Sa gitna ng pagmamasid ko sa kanila ay hindi inaasahang napabaling sa direksyon ko ang mga mata ni Sygmund hanggang sa tuluyang nagtam ang aming paningin. Parang kumabog ang dibdib ko lalo na nang kumorte ang labi ni sa isang ngiti. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD