Chapter Twenty Seven
PARANG BUMAGAL ang paghinga ko nang saglit na magtagpo ang mga tingin namin.
Ang malawak na ngiti sa mga labi niya ay bahagyang nawala nanatiling nakaawang, parang medyo nagulat siya na nakatayo ako ilang metro mula sa kanila.
Tulala siya sa direksyon ko habang hawak-hawak ang laruang baril.
Samantala, hindi ko alam pero parang saglit na nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto ko sana siyang kamustahin pero naalala ko ang sinabi ni Denisa kahapon kaya sinubukan kong pigilan ang sarili ko.
Oo, siguro eto nga ang dapat gawin, dahil kung tutuusin ay hindi naman talaga kami magkaibigan kaya wala namang rason para kausapin ko siya. Naging mabait kang siya sa akin noong nakaraan at nagpakita ng kabutihang-loob, bukod doon ay wala na akong dapat isipin pang iba.
Awtomatikong naglakad palayo roon ang mga paa ko habang iniisip ang mga bagay na iyon. Parang may sarili itong pag-iisip, ito na mismo ang naglalayo sa akin para gawin ang bagay na hindi naman kailangan.
Iniyukuko ko ang ulo ko habang naglalakad pabalik sa direksyon ni Denisa, sa magkabilang kamay ay hawak ko ang juice na galing sa vending machine.
Siguro pagkatapos kong maibigay kay Denisa ang inumin ay pupunta nalang ako pabalik ng girl's dormitory tutal ay tapos na naman akong magtanghalian.
Nakakatatlong hakbang palang ako ay bigla na akong napahinto nang may pwersang humatak sa akin pabalik, kumunot ang noo ko at lumingon para tingnan iyon ay nanlaki ang mga mata ko nang matuklasang may taong nakahawak sa braso.
"Agape," mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sinundan ko ang kamay na humahawak sa braso ko hanggang sa makumpirma ko kung sino iyon...
"S-Sygmund?" Halos malunok ko na ang letra ng pangalan niya.
Ang maamo at palakaibigang mga mata ni Sygmund ay kasalukayang nakatitig sa akin habang hindi pa rin binibitiwan ang pagkakahawak sa braso ko.
Isang ngiti ang gumihit sa kanyang labi.
"Kanina ka pa ba rito? Do you want to grab some snacks?" Maligayang anyaya niya sa akin, hindi pa rin niya inaalis ang kamay niyang nakahawak sa akin na para bang pwede akong mawala anomang oras.
Parang bumilis ata ang kabog ng puso ko dahil sa tinanong niya.
Kinakausap niya ako. Kasalukuyan niya akong kinakausap at halos hindi ako makahinga dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang umaasa siya ng positibo kong sagot na parang hindi ko ata magagawa dahil sa mga matang nakatitig sa amin ngayon.
Mabilis kong sinulyapan ang paligid at napansin kong ang ilan sa mga estudyanteng tahimik na naglalakad sa tabi kanina ay biglang bumagal ang lakad, ang ilan ay napahinto pa nga. Pati ang ibang naglalaro rito sa arcade ay napapasulyap din sa direksyon namin.
Ganito ba talaga ang epekto ni Sygmund sa eskwelahang ito? Hindi naman niya suot ang naiiba nilang puting uniporme, naka-simpleng itim na t-shirt lang siya at pantalon pero nagagawa pa rin niyang makakuha ng ganitong klaseng atensyon. Parang bawat galaw niya ay hinahangaan ng lahat kaya naman hindi sila pabor na kung sino-sino lang ang nakakasalamuha niya.
Siguro ay tama nga si Denisa.
Nilunok ko ang kung ano mang bagay na nakabara sa aking lalamunan bago marahang inalis ang braso mula sa pagkakahawak niya.
Parang halaman na nawalan ng lakas ang kamay niya nang tanggalin ko ito, walang buhay na bumaksak sa tabi niya na para bang nalanta.
"A-Ah, k-kumain na k-kami ni Denisa k-kanina," kinakabahan kong sagot bago niyuko ang ulo at tumalikod na.
Pero bago ako tuluyang nakatalikod ay nahagip pa ng paningin ko ang tulala niyang mga mata na nakatingin sa braso ko.
Kinagat ko ang labi ko habang naglalakad na ulit palayo sa kanya pero nakakailang hakbang palang ako ay napatigil nanaman nang may pwersa ulit na humatak sa akin pabalik. Parang goma na bumalik ang katawan ko sa kanya dahil sa pagpigil niya ulit sa braso ko.
Ang kaninang masiyahin niyang mga mata ay parang nabahiran na ng ibang emosyon ngayon. Hindi ako sigurado pero parang... lungkot.
"Agape," tawag niya ulit sa akin sa pamamagitan ng isang seryosong boses.
Dahan-dahan kong itiningala ang ulo ko para titigan siya sa mga mata. Ang kulay brown niyang mga mata ay napakagandang pagmasdan pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan kaya agad ko itong iniwas.
"Iniiwasan mo ba 'ko?" Tanong niya sa isang marahang boses, sa sobrang rahan ay aakalain mong isa na itong bulong.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakapako ang mga mata sa sahig.
"B-Bakit ko naman g-gagawin i-yon?" Natataranta kong depensa.
"'Cause I feel like you're really avoiding me," sagot naman niya sa isa pa ring seryosong tono.
Kinakabahan kong iniling ang ulo ko. "H-Hindi, m-marami lang k-kasi akong g-ginagawa," parang gusto kong pagalitan ang sarili dahil sa pagsisinungaling. Patawad nanay.
Mabilis kong sinulyapan ang ekspresyon niya at napansin kong kumunot ang kanyang noo na para bang nalilito at nagtataka.
"Bakit? May mga teachers ba na nagpagawa sa inyo ng project during the first weekend of this school year?" Tanong niya, at hindi ko alam pero parang may bahid na disgusto sa tono niya.
Oo nga pala, wala nga palang pasok ngayon kaya dapat ay wala naman kaming ginagawang pwedeng pagka-busy-han! Ano ba iyan, Agape. Siguro ay iniisip niya nang napaka sinungaling kong tao.
"U-Uhm... A-Ano k-kasi--"
"Tell me..." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at halos sumabog na ang mukha ko dahil sa pinaghalong kaba at gulat. Ilang pulgada nalang ang layo ng mukha niya sa pisngi ko. Ipinako ko ulit ang tingin sa sahig dahil hindi ko na rin kinakaya ang mga kuryosong pagmamasid ng mga estudyante sa paligid namin. "...sino ang teacher na nagpaapgawa sa inyo ng mga activities kahit na weekends?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Ilang beses na napakurap ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang naging sagot niya, saka ko napagtanto na mali pala ang ginawa kong dahilan!
Nabanggit nga pala ng mga teachers na hindi sila pwede magbigay ng mga gawain tuwing byernas at lalo na ngayon dahil ito ang unang linggo ng school year.
Kinagat ko ang labi ko at hindi alam kung papaano sasagot. Mas lalo pa akong nalito dahil may bakas ng pagkabahala at kaunting inis sa ekspresyon ni Sygmund.
"Tell me, Agape. I'm going to report that teacher," dugtong pa niya sa sinasabi.
Agad naman akong napailing. "U-Uh, h-hindi naman..." Kinagat ko ulit ang labi ko, pinilipit na isipin kung paano magpapaliwanag. "W-Wala namang teachers n-na nagpapagawa ng a-activities," kinakabahan kong paliwanag sa kanya.
Linunok ko ang kung ano mang nakabara sa lalamunan matapos ko iyong sabihin. Saglit ko ring sinulyapan ang naging reaksyon niya at napansin na mukhang nawala na ang kaunting bahid ng inis na nasa mga mata niya kanina. Umawang din ang labi niya habang nakatitig sa akin nang seryoso.
"Is that so?" Ang tanging nasabi niya gamit ang mahinang boses.
Tumango siya nang marahan bago dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Sorry, I did not mean to pressure you to talk to me or anything," aniya sa isang seryosong boses habang nakayuko ang ulo.
Saglit na napaawang ang labi ko dahil sa ekspresyong ipinapakita niya ngaoyon. Parang bumilis ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan siya at habang unti-unting napagtatanto na mas lalo na kaming pinagtitinginan ng mga estudyanteng naririto ngayon.
Nilunok ko ang laway na nakabara sa lalamunan bago niyuko ang ulo.
"S-Sorry," iyon lang ang lumabas sa labi ko dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin.
Tuloy-tuloy na akong naglakad palayo roon, palabas sa building.
Balak ko pa sanang balikan si Denisa pero sa tingin ko ay hindi na ako makakahinga dahil sa mga tingin na ipinupukol sa akin ng mga estudyanteng naririto.
Kaya naman dumiretso na ako ng lakad papuntang girl's dormitory at gaya ng inaasahan ay wala pang tao sa loob ng kwarto namin. Nilapag ko ang dalawang juice na hawak ko sa kalapit na upuan bago ibinagsak ang sarili sa higaan.
Hindi ko alam pero parang hindi naging maganda ang emosyonal kong nararamdaman matapos noon.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang nakahiga, pinipilit na iwinaksi ang laman ng isipan.
Nandito ako para mag-aral nang mabuti, para maging masaya sila Nanay at Tatay. Nang sa gayon ay kapag nakatapos ako, matutulungan ko pa ang dalawa kong nakababatang kapatid kaya dapat doon lang nakapokus ang atensyon ko. Nangako ako kay kuya Asher...
Bumuntong-hininga ako bago nagpasyang tumayo para magbasa ng mga aralin namin nitong nakaraang limang araw. Pero sa pagtayo ko ay parang may bumagsak galing sa bulsa ko, lumikha ito ng mahinang tunog nang mahulog sa sahig.
Nang tingnan ko kung ano iyon, napansin ko na isa iyong i.d.
Noong una, akala ko ay sa akin iyon i.d. pero napansin kong hindi.
"Ang i.d. ni Annie," bulong ko sa sarili nang mapagtanto kung kanina iyon, oo nga pala napulot ko ito kanina nang aksidente niyang naiwan matapos tumakbo palayo.
Tahimik ko itong pinulot para sana itabi ulit.
Pero bago ko pa ito mailagay sa aking bag may napansin akong kakaiba rito...
-C. N. Haven-