Chapter Eleven

2690 Words
Chapter Eleven Pawns A G A P E "HINDI MAUUBOS 'yang kinakain mo kung titigan mo lang," Parang nahatak ako pabalik sa realidad nang marinig magsalita si Denisa na kumakain sa harapan ko. Napakurap-kurap ako nang mahimasmasan at tinuon ulit ang tingin sa buffalo chicken wings and rice sa aking hapag. Nandito ulit kami ni Denisa sa cafeteria para kumain ng tanghalian. Medyo nakakailang nga ang mga mangilan-ngilang sulyap ng mga estudyante rito sa amin. Siguro ang iba sa kanila ay naging saksi sa nangyari rito kaninang recess pero pilit akong sinasabihan ni Denisa na huwag nalang pansinin ang mga tingin nila. Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga iyon ang bumabagabag sa akin. "Lintek. Sa lahat ng pwedeng makita iyon pa..." Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan at napatigil nanaman sa pagsandok ng kanin nang maalala ang interaksyon ko sa isang lalaking estudyante noong nahulog ako sa hagdanan. Parang gusto ko nalang mapapikit sa sobrang kahihiyan. Hindi ko sinasadya na mawala sa ayos ang palda ko dahil sa pagkakadausdos kaya tuloy... Hindi ko na napigilan at napapikit na talaga ako habang ramdam pa rin ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa alaala ng nangyari kanina. Padabog na nilapag ni Denisa ang chopsticks niya sa lamesa kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. Kasalukuyan niya nang pinupunasan ang bibig niya, mukhang tapos na siyang kumain--grabe, ang bilis niya talagang kumain. "Thirty minutes nalang ang natitira sa lunch break pero hindi mo pa nakakalahati iyang pagkain mo. Tingin mo ba madadala mo iyang plato sa gymnasium para ituloy ang pagkain kung sakaling 'di ka matapos ngayon?" Medyo masungit na puna sa akin ni Denisa. Nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niyang thirty minutes nalang ay matatapos na ang tanghalian. Ako pala ang mabagal kumain, akala ko binilisan niyang ubusin ang pagkain niya. Hindi ko namalayan ang tagal ko palang natutulala at patigil-tigil sa pagkain mula kanina. Saka medyo mas matagal din kaming pumila sa cashier dahil mas maraming estudyante ngayon. Hindi na talaga ako nagsayang ng oras at sineryoso ko na ang pagkain. Pinilit kong iwaksi sa isipan ang mga kahihiyang nangyayari sa akin mula kanina. Kaya naman bago pa tumunog ang Golden Bell. Habang kumakain ako ay tamad na tamad lang na nakasandal si Denisa sa upuan niya. Nakakahiya tuloy dahil mula kahapon ay hinihintay niya ako lagi matapos kumain. Buti nga at nagkasabay kami nagtanghalian ngayon, eh. Matapos ng kahiya-hiyang pangyayari sa hagdanan ay nagawa ko pang kolektahin ang sarili para patuloy na hanapin si Denisa, nakita ko naman siyang naglalakad papunta rito sa cafeteria kaya sinundad ko siya. "Tara na," utas ni Denisa nang marinig ang Golden Bell kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinundan ko  na siya magbalik ng plato sa counter bago lumabas sa cafeteria. Napansin ko na nagmamadali na rin ang ibang mga estudyante na makapunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang orientation pero medyo nauuna kami dahil sa bilis ng lakad ni Denisa na sinusundan ko lang at sa totoo lang, medyo nakakahingal. Napakabilis niyang maglakad, parang lagi siyang nagmamadali. Pero ayos lang, nagpapasalamat ako at pinagtitiisan niyang samahan ang isang tulad ko. Nang marating namin ang Gymnasium ay may mga nauna nang estudyante roon pero nagawa pa rin naming makahanap ng maayos na mauupuan, doon kami sa bleachers sa bandang harapan na noong una ay parang ayaw pa ni Denisa pero kalaunan ay doon pa rin kami nag-desisyong maupo. Malawak ang Gymnasium ng Libertio Academia.Nalala ko na sa dat kong school ay wala namang ganito kaya first time ko lang makapasok sa ganitong klaseng lugar sa loob ng isang paaralan. Hay, iba talaga ang eskwulahan ng mga mayayaman. Nanahimik lang ako habang hinihintay na magsimula ang orientation, ganoon din naman si Denisa na nakahalukipkip lang habang mukhang bored na nakasandal sa upuan at nakapikit. Ako naman ay tuwid na nakaupo, napapadako rin ang tingin sa mga estudyanteng nakapulang uniporme na kasalukuyang nag-aayos ng sound system. Meroon din silang nilagay na podium sa gitna. Namamangha ako habang pinagmamasdan si president Geneva na metikuloso at organisadong nagbibigay ng direksyon sa iba niyang kasamahang officers. Lahat ng nakikita kong kasama niya ay nakapulang uniporme na isa sa simbolo ng pagiging parte ng Student Council pero naiiba ang kulay ng uniporme niya dahil ito ay puti. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ano ba ang ibig sabihin ng uniporme niyang iyon. Tamang-tama ang iniisip ko dahil mayamaya ay nakita ko naman ang pigura ni Sygmund na naglalakad palapit kay president Geneva. Nangingibabaw ang malinis at naiibang kulay ng puting uniporme nila sa dagat ng pulang uniporme ng iba pang student officers. Saglit na nag-usap ang dalawa at mukhang importante ang topic nila dahil sa seryoso nilang ekspresyon. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo may kalayuan sila sa amin kahit na sa harapan kami nakaupo ni Denisa. Tumango-tango si president Geneva sa sinasabi ni Sygmund at doon na naputol ang usapan nila, nakita kong akma nang tatalikod si Sygmund na mukhang aalis na pero aksidenteng nagtama ang tingin naming dalawa, kumurba ang labi niya sa isang ngiti. Noong una ay napaisip pa ako kung ako nga ba ang nginingitian niya dahil baka mamaya ay nagkakamali lang ako. Pero nakumpirma ko na sa akin nga ang atensyon ng mga mata niya nang bigla niyang itinuro ang tuhod niya at kumibot ang labi niya at nagsalita ng walang boses. Ang pakakabasa ko sa paggalaw ng labi niya ay, 'Okay na tuhod mo?' Biglang nag-init ang pisngi ko nang mapagtanto na kinakamusta niya ako. Nag-alalangan akong nag-'okay' sign sa kanya ilang sagot. Umaliwalas naman ang mukha ni Sygmund at nakita pang napatango siya, saglit pa kami nagtitigan bago siya nagpasyang magpatuloy sa paglalakad. Parang napupunit ang labi ko sa pagngiti habang pinagmamasdan ang palalakad ni Sygmund palabas ng Gymnasium. Pero natunaw ang mga ngiti ko nang mapansin mula sa aking peripheral vision na parang may nakatitig sa akin. Halosmakitilan ako ng hininga ng makitang si Denisa pala ang nakatitig sa akin, akala ko ay nakapikit siya mula kanina pero mukhang nalinlang lang ako ng singkit niyang mga mata na kasalukuyan akong pinupukulan ng isang mukhang malisyosong tingin ngayon. Suminghot ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Bigla ulit akong nakaramdam ng pagkahiya, siguro mukha akong ewan kanina na nago-'okay' sign mag-isa? Walang nagsasalit sa amin ni Denisa pero pakiramdam ko ay mas lalo lang tumindi ang kahihiyang nararamdaman ko dahil doon. Sa kalagitnaan ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa ay nahagip ulit ng mga mata ko si Sygmund na papasok na ulit sa Gymnasium pero hindi siya nag-iisa dahil sa sa tabi niya ay isang lalaking mukhang edad kwuranta, naka suit and tie pa ito na itim habang pormal na naglalakad. At sa hindi malamang dahilan ay biglang nanahimik ang buong Gymnasium. Ni mga mahihinang bulong at kaluskol sa kaswal kong naririnig kanina. Ang maririnig lang na tunog ay ang mga yapak ng mga taong naglalakad sa harapan. Para bang nabalot ang buong lugar na ito ng magic nang maglakad ang lalaking kasamang maglakad ni Sygmund. Mula roon ay nakabuo ka ng konklusyon na baka ang lalaking iyon ay ang School Director? "Denisa, iyon ba ang school director?" pabulong na tanong ko sa katabi, hinininaan ko talaga nang husto ang boses ko dahil sobrang tahimik. Tamad na tumango sa akin si Denisa bilang sagot. Ah, sabi na nga ba. Hmm, siya pala ang aming school director. Mukha siyang kasing edad ng tatay pero parang mas matikas ang pangangatawan ng director, para bang araw-araw pa rin siyang nag-gym. Itim na itim din ang buhok niya at walang bahid ng puting buhok at ang mga mata niya... punong-puno ng awtoridad. Kaya pala sobrang nanahimik ang lahat nang dumating siya. Kumunot pa ang noo ko nang mapansing meron pang ilang estudyanteng nakabuntot sa likod nila Sygmund at ng school director. Napaawang ang labi ko nang mapansin ang kulay ng uniporme ng mga estudyanteng nakasunod sa kanina... puti. Kagaya ng kulay ng uniporme nila Sygmund at president Geneva. Nanliit ang mga mata ko habang binibilang kung ilan sila--pito, pito ang mga estudyanteng nakabuntot sa likod nila Sygmund at ng school director. Ang tatlo sa kanila ay iyong mga lalaking nakita kong kasama ni Sygmund kanina noong nagkagulo sa cafeteria. Sa pagkakatanda ko ang mga pangalan nila ay Khalil, iyong lalaking kulot; Fyruz, iyong lalaking nakasagutan ni Denisa kanina nang bigla niya kaming awating palabas sa cafeteria at si Carter, ang kasama ni Sygmund nang dinala kami ni Douglas sa clinic kanina. Samantala, ang natitirang tatlong estudyanteng nakaputing uniporme ay hindi na pamilyar sa akin, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang bawat mata ng mga estudyante ay nakatitig lang sa harapan kung saan may mga nakalaang upuan para sa school director at para sa iba pang faculty members. Ang mga student officer naman na nakapulang uniporme ay umupo sa bandang likod ng inuupuan ng mga teachers, habang may seryosong ekspresyon na animo'y guard na handang sumaklolo kung sakaling may maging aberya sa program. Medyo namangha ako nang makita na prenteng umupo ang siyam na estudyanteng nakaputing uniporme, kasama na roon si Sygmund at president Geneva, sa tabi ng school director. Bigla tuloy akong napaisip kung big time ba itong mga estudyanteng nakaputi dahil parang sobrang respetado sila rito. Mayamaya ay nagsimula na ang program, kumanta muna ng Nationa Anthem at ang nag-conduct ay si president Geneva. Nakakamangha ang bawat kumpas ng mga kamay niya, eksaktong-eksakto lang sa beat. Sunod ay ang prayer na pinangunahan ng isa sa mga babaeng nakaputi rin na uniporme. Nakakamangha siya dahil para siyang anghel sa kulot at mahaba niyang brown na buhok na sumasabay sa indayog ng hangin, idagdag pa ang maaliwas niyang mga mata at palakaibigan niyang ngiti--parang bagay na bagay na siya ang nag-lead ng prayer. Matapos no'n ay bumalik na sa kanyang puwesto ang babae at pormal na nagsimula ang program. "Good day beloved students of Libertio Academia! We have gathered here to welcome another splendid year in this school. May we all grow and improve exponentially as we spend the following months learning new things here in the campus," nagsimula na ang program sa pagsasalita ng MC na tingin ko ay teacher din dito sa school. Nagpatuloy lang siya sa kanyang mga sinasabi na medyo hindi ko napagtuonan ng sapat na pansin dahil nabaling ang atensyon ko sa siyam na estudyanteng prenteng nakaupo sa tabi ng seryosong school director. Nang dumapo ang tingin ko sa banda nila Sygmund ay aksidenteng dumapo ang tingin ko sa katabi niyang si Khalil, nagtama saglit ang paningin namin at nagimbal ako nang bigla niya akong kindatan. Halos masamid ako sa sariling laway nang ginawa niya iyon. Hindi ko alam kung paano magr-react. Mukhang napansin ni Sygmund ang kababalaghang ginawa ng katabi niya dahil napabaling siya rito at pasimpleng siniko si Khalil na agad namang nanahimik at kunwaring binaling ang tingin sa taong nagsasalita sa podium. Napakurap ako sa nangyari. May diperensiya ba sa mata si Khalil? Lagi kasi siyang nangingindat gaya kanina sa cafeteria. Narinig ko ang biglang pagtikhim ni Denisa sa tabi ko kaya napaayos din ako ng upo at ibinalik ang atensyon sa harapan para pakinggan ang mga nagsasalita. Isa-isang tinawag ang bawat year level at nagc-cheer naman kapag natawag ang section kaya nang tinawag ang klase namin ay naki-cheer din ako pero si Denisa naman ay nanatiling tamad na nakaupo at walang kibo. Natapos na ang pagr-roll call at ang sunod namang ginawa ay pinakilala isa-isa ang faculty members ng bawat department para raw ma-familiarized ang mga gaya kong transferree. Medyo pumalakpak naman ang mga kaklase ko nang pinakilala ang history department kung saan kabilang si Miss Bing. Tapos, ang sunod naman na pinakilala ay ang school director. "Now, let me introduce to you, our school director Mr. Magneon Monte Cristo," Nagpalakpakan ang lahat nang tumayo na ako ang school director. Pormal at pino ang bawat hakbang niya papunta sa podium. Agad na namatay ang palakpakan ng mga estudyante nang itinapat na niya ang mic sa bibig. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makahinga dahil sa makapal na pormalidad na bumalot sa buong Gymnasium. Tahimik lang ang lahat habang hinihintay na magsalita ang director, "Good afternoon dear students. I will not make this long so you all can go back tou your respective dormitories. I just want to congratulate the new students for passing the required examinations in order to be part of this school--welcome to Libertio Academia. In addtion to this, I would also want to welcome back our former students who managed to remain here until now..." Iginala niya ang mga mata sa paligid na animo'y inaanalisa ang bawat mukhang makikita niya. "...it is my pleasure to have students with brilliant minds and spectacular talents like you. However, as most you know, your progress should never stop there. Because as long as you are here, we are still expecting you to improve more and more each passing day--that is why we are here for you. We will go lengths just to unleash your inner potentials. Therefore, neither flaws nor perfection should ever stop your development, remember that..." Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago nagalakpakan ang mga estudyante pero walang ibang uneccessary noises bukod doon. Para bang pinaninindigan ng bawat isa ang pagiging disiplinado hanggang sa pagpalakpak. NAGING ganoon lang naman pala kasimple ang orientation, matapos ang program ay tinipon ang mga transferees gaya ko para i-orient naman tungkol sa pasikot-sikot sa campus. Para akong nanalo sa Lotto nang malaman na may ganoon pala! Napakalaking tulong nito sa kagaya kong mahina sa direksyon. Pinangunahan kami ng isang babaeng student officer na matyaga sa pagpapaliwanag ng mga bagay tungkol sa Academy. Meron palang dalawang main buildings dito--ang junior at ang senior high school building nag pinaghihiwalay ng library na may dalawang palapag. Meron ding club building, iyon pala ang kulay pulang building na nakikita ko. Meroon siyang pitong palapag at sa ground floor ay matatagpuan ang pitong conference halls para sa mga cliques ng paaralang ito. Nakakamangha nga dahil halos kasing laki na ng mga ito ang auditorium. Nagpasalamat ako sa aming guide nang matapos na ang school orientation. Tapos ay nag-desisyon na ako na bumalik sa dormitories, siguro ay nagpapahinga na roon si Denisa. Nauna na kasi siya kanina dahil hindi naman siya transferee gaya ko kaya hindi niya na kailangan pang i-orient sa pasikot-sikot ng school. Habang naglalakad ako pabalik ng girl's dormitory ay hindi ko mapigilang mapaisip nanaman... ayon sa student officer na gumabay sa amin kanina, meroon daw pitong conference halls sa loob ng club building. Pitong halls na maaaring gamitin nga iba't ibang cliques sa school para sa mga assembly at kung ano pa. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit pito lang iyon? Hindi ba dapat siyam dahil ayon sa sinabi ni Denisa kaninang recess, siyam ang cliques sa Academy pero bakit... "Singkwenta raw ang nadagdag," Parang awtomatikong bumagal ang lakad ko nang may mahagip ang tenga kong usapan. "Oh? Mas marami ata ngayon, ah?" Sumulyap ako kung saan nanggagaling ang boses at namataan ko ang tatlong lalaking estudyanteng nag-uusap sa bandang likuran ng junior high school building, madaanan ito kung lalakad ako papunta ng girl's dormitory. Sa tikas ng mga lalaki ay mukhang hindi naman sila mga junior high kaya bakit sila nakatambay rito? May usok pa nanggagaling sa kanila na hula ko ay mula sa sigarilyo. Teka, bawal iyon, ah? "Oo marami nga ngayon, pero ewan lang kung ilan ang matitira sa mga 'yan," Tumaas ang balahibo sa hindi malamang dahilan. Bakit parang kinakabahan ako sa usapan nila kahit hindi ko ito lubos na maintindihan? Alam kong masamang makinig sa usapan ng iba pero parang hindi ko magawang maawat ang kuryosidad. Sa dami ng mga tanong na bumabalot sa isip ko, naiisip ko na maghanap ng sagot kahit na parang hindi naman konektado ito sa mga naiisip ko. Narinig kong tumawa ang isa sa kanila. "Pagkatapos ng ilang buwan, malalaman nila kung anong klaseng lugar itong pinasok nila," Huminga ako nang malalim at pinilit na lumakad na pabalik ng dorm. Hindi ko gaanong naintindihan ang usapan na iyon pero... hindi naging maganda ang kutob ko. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD