Chapter Ten
Dora
A G A P E
GINUGOL KO ang mga sumunod na minuto sa loob ng clinic. Pero nakalabas na rin naman ako bago pa tumunog ulit ang Golden bell dahil binigyan na ako ng signal ni nurse Jemma para makaalis. Mukhang tulog din si Douglas, ang lalaking nabangga ko kanina sa cefeteria, kaya hindi naman nagkaroo ng kung anong gulo pa noong palabas ako.
Buti nalang at medyo naalala ko na ang daan pabalik sa classroom namin kaya hindi naman ako nagkaroon masyado ng problema habang naglalakad.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa naman palang teacher sa classroom namin pagdating ko. Tahimik din na nakaupo si Denisa sa inupuan niya kanina kaya dumiretso na rin ako roon sa tabi niya.
Hindi ko alam kung napansin niya bang nakaupo na ako aa tabi niya dahil hindi naman siya kumikibo, tahimik lang ulit siyang nakamasid sa bintanang katabi niya.
Marahan tinapik-tapik ng daliri ko ag aking armchair habang nakatitig sa harapan. Kung sabagay, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa totoo lang ay nahihiya pa rin ako kay Denisa dahil sa mga nangyari. Hindi ko gusto na nadadamay siya sa mga gulo na kinasasangkutan ko kahit na hindi ko naman iyon sinasadya.
Pumalumbaba ako at tumulala nalang habang hinihintay ang susunod ng guro namin. Ang ibang mga kaklase ko naman ay may kanya-kanyang ginagawa, ang iba ay nakikipag-kwentuhan, ang iba nagc-cellphone, at ang iba naman ay tahimik lang din.
Pero naputol ang animo'y kanya-kanyang mundo naming lahat ng nakarinig kami ng tatlong katok sa pinto ng classroom namin. Agad na tumahimik ang buong klase at halps lahat ay napabaling ang tingin doon--marahil ay iniisip kung sino ang biglang kumatok.
Iyon na ba ang next subject teacher namin? Pero parang hindi naman kumakatok ang mga teachers dito kung papasok.
Halos lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa pinto nang marinig namin ang unti-unting pagpihit ng doorknob nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha nang iniluwa nito ang isang babaeng estudyanteng hindi ko kilala pero parang pamilyar ang mukha sa akin. Sa itsura niya ay mukhang mas matanda siya sa amin, siguro ay senior high school na siya. Pero ang bagay na nagpamangha sa akin ay ang kulay ng unipormeng suoy niya--puti.
Kagaya ng unipormeng nakita kong suot nila Sygmund at ng tatlo niyang kasamahan kanina. Sa kamay din ng babae ay may suot siyang band na kapareho ng kay Sygmund.
Kung ganoon... student officer din siya?
Kumportableng naglakad ang babae sa loob ng classroom namin. Bawat hakbang niya ay nagsusumigaw sa awtoridad. Ang mahaba at itim niyang buhok ay napaka kintab at linis tingnan--maligayang sumasayaw sa indayog ng lakad niya. Taliwas naman iyon sa ipinapakita ng mga mata niyang parang mas malamig pa sa bloke ng yelong binibili ko noon kay Aling Marites.
"Good morning 10-Liberty..." panimula niyang bati habang nakatayo sa harap naming lahat. Walang nagtangkang sumagot sa bati niya.
Maging ako ay hindi ko man lang naisip na sumagot man lang dahil dahil sa paraan ng pagtingin niya sa iyo ay mapapaisip ka na para bang wala kang karapatan na kausapin siya kung hindi ka niya bibigyan ng permiso. Napatuwid tuloy ako ng upo nang wala sa oras.
Tahimik lang talaga ang apat na sulok ng silid-aralan habang nakatitig sa kanya ang karamihan. Nahagip din ng mga mata ko si Denisa na napabaling ng tingin sa babae habang nakapalumbaba.
"Let me introduce myself to those who do not know me, I am Geneva Hansberg. President of the Supreme student council..." simple at pormal niyang pakilala.
Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tama ang hinala ko na isa nga siyang student officer dahil sa suot niyang wrist band. At saka ko naalala na kaya pala pamilyar ang mukha niya ay dahil parang nakita ko yata siya kahapon na isa sa mga naga-assist pata papasukin ang mga estudyante sa loob ng metal gate.
Pero may isang bagay akong ipinagtataka na hanggang ngayon ay nagpapagulo pa rin sa isip ko. Ang mga student officer na nakita ko kahapon ay nakasuot agad ng uniporme kahit na hindi pa simula ang pormal na klase. Sila nga lang ang mga estudyanteng naka-uniporme kahapon, eh. Kaya naisip ko ang ideya na sila ang student officers. Pero sa pagkakatanda ko ay ang kulay ng suot nilang uniporme ay pula, iyon din ang naalala kong kulay ng uniporme ni Sygmund noong sinundo niya kami kanina para sa Clique exam. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit iba na ang uniporme niya nang makita ko siya sa cafeteria kanina... kulay puti na ito gaya ng uniporme ng babaeng ito na nagngangalang Geneva.
Kung student officers silang dalawa ni Sygmund, hindi ba dapat ay pula ang uniporme nila? Kaya bakit puti ang kulay na sut nila ngayon?
Hindi ko na namalayan na nakakagat ko na pala ang kuko ko dahil sa malalim na pag-iisip. Masyado na talaga akong naguguluhan sa sistema ng paaralan na ito. Sinubukan ko na munang iwaksi ang laman ng isip ko para makinig sa sinasabi ni president Geneva.
"I just came here to inform you personally that your next subjects today will be cancelled because we will be having an orientation later in the Gymnasium. You will be dismissed earlier today but I am expecting that you will have a complete attendance later. The golden bell after the lunch break will be your signal to go the gymnasium. We are expecting for your cooperation," aniya habang seryosong ginagala ang tingin sa kabuuan naming lahat.
Nakaramdam ako ng lamig sa katawan nang saglit na dumapo ang tingin niya sa akin.
"'Luh, biglang may orientation? Why naman hindi pa ginawang kaninang umaga? Napaka messer up naman ng sched this year," natutop ko ang labi ko nang aksidenteng marinig ang bulong ng mga kaklase ko sa bandang likuran.
"Oo nga, like ang super hassle kaya. They should've done it a bit earlier..."
Mukhang hindi naman nila intensyon na iparinig ang pinagk-kwentuhan nila pero parang hindi nila namamalayan na medyo malakas ang mga boses nila para maging bulong.
Nanlamig ulit ako nang makitang bumaling ang tingin ni president Geneva sa banda ko. Pero tumagos ang tingin niya at pakiramdam ko ang mga taong nagk-kwentuhan sa likuran ko ang tinititigan niya. Mukhang may matalas siyang pandinig.
"To those who are silently complaining about the sudden declaration of the orientation, let me explain the reason behind this," biglang nagsalita siya gamit ang nakapanlalamig na ma-awtoridad na boses na siyang nakapagpatahimik nanaman sa buong classroom. Tingin ko nga ay nakaramdam ng hiya ang mga kaklase ko sa likod dahil doon.
"Yes, the orientation should've took place earlier today but we cannot do it because the school director was still not here and we all know that his presence is always relevant in this kind of gathering..."
Saglit ako napatingin kay Denisa nang makita ko sa aking peripheral vision ang biglaan niyang pag-ismid.
"However, we have received notice that he will be coming in the school later in the afternoon so we decided to proceed with the orientation in the time that will fit his schedule," paliwanag ni president Geneva.
Tumango-tango naman ako bilang pag-unawa sa mga sinasabi niya. Mahalaga nga naman ang presensya mg school director. Mukhang tama naman siya.
Nanatiling tahimik ang buong klase matapos ang paliwanag.
"Do you have any concerns?" Tanong ni president Geneva pero wala namang nangahas na magsalita man lang.
Sa sobrang tahimik ay ang tanging tunog na naririnig lang sa klase ay ang tunog ng aircon at ang binubuong rubik's cube ng lalaking kaklase ko na tinatawag nilang braindead. Saglit na dumapo sa kanya ang tingin ko, mukhang wala naman siyang pakialam sa mga nangyayari gaya kanina.
Nalaglag ang isang rubik's cube niya sa sahig nang hindi sinasadya kaya gumawa iyon ng ingay, parang malakas pakinggan dahil nga sobrang tahimik. Napalunok ako at tiningnan kung magagalit ba si president Geneva dahil sa unnecessary noise. Pero ni hindi man lang niya nilingon si braindead.
"Then I shall go now if you don't have any other concerns," anunsyo ni president Geneva. Pinasadahan niya ulit ng huling tingin ang kabuuan ng classroom bago nagpasyang maglakad na palabas ng pinto.
Sa oras na nasarado niya na ang pinto ay parang nakahinga nang maluwag ang karamihan sa mga kaklase ko. May mga napasinghap pa nga na parang magpipigil sila ng hininga habang nandito si president Geneva kanina.
"Oh my gosh. She's still so scary pa rin. I thought maiihi ako sa kaba,"
"You're so right, girl. I feel like her stares is enough para mangisay ako here,"
Dinig ko ulit ang kwentuhan ng mga kaklase ko sa likod. Pero bukod sa kanila ay napuno pa ang classroom ng samu't saring komento tungkol sa president ng student body.
"Damn... that's the manifestation of hot and cold..."
"I almost peed in my pants..."
"Tss," napabaling ako ng tingin kay Denisa nang tumayo siya at walang salitang naglalad palabas ng classroom. Napaawang ang labi ko dahil sa biglaan niyang aksyon.
Mukhang wala naman gaanong nakapansin sa kanya dahil busy ang karamihan sa pakikipag-kwentihan kaya dire-diretso lang niyang binuksan ang pinto at lumabas.
Hala, pwede na bang lumabas? Bakit lumabas na siya?
Nataranta ako at hindi alam kung susundan ba siya o mananatili ako rito. Pero mukhang ang plano ng mga paa ko ay sundan siya dahil namalayan ko nalang na nakatayo na rin pala ako.
Kinagat ko ang labi ko habang nag-aalangang kinuha ang backpack at tinungo ang pinto. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung susunod ako pero napagpasyahan ko na buksan na nga ang pinto.
Nang tuluyang makalabas ng classroom, nakita ko si Denisa na naglalakad hallway kaya sinundan ko siya. Ang bilis niyang maglakad kaya halos tumakbo na ako para maabutan siya. Lumiko siya para bumaba ng hagdan kaya binilisan ko na ang lakad para makaliko na rin ako at makababa. Pababa palang ako ng hagdan ay mukhang pababa na ulit siya ng second floor dahil hindi ko siya agad namataan. Muntik pa akong madulas sa isang step dahil sa pagmamadali.
Pagbaba ko sa second floor ay hindi ko na siya namataan pero nagtuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad dahil baka nauna na siya sa first floor. Binilisan ko ang lakad ko para marating ulit ang hagdan pababa sa first floor pero dahil sa pagmamadali ay hindi naging maganda ang pagkakatapak ko pababa hagdan na siyang nagpadulas sa akin.
"Ahh--" napasinghap ako nang dumulas ang isang kong paa sa hagdan, sinubukan ko pang kumapit sa kung saan pero huli na ang lahat dahil hindi lang ang paa ko ang nadulas dahil maging ang buong katawan ko ay bigla nang dumausdos pababa sa hagdanan. Tumama yata ang pang-upo ko sa bawat hakbang ng hagdanan. Patalbog na dumausdos ang buo kong katawan hanggang sa paanan ng hagdan.
Napapikit ako dahil sa matinding kaba sa nangyari. Parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng t***k dahil pagdausdos ko pababa ng hagdanan.
Nang mapagtanto ko na nasa paanan na ako ng hagdanan ay dahan-dahan ko nang dinilat ang mga mata ko.
At isang pigura agad ng estudyante ang bumungad sa akin. Akala ko noon una ay si Denisa pero na-realized ko na lalaki ang estudyanteng ito.
Seryosong nakatitig sa akin ang mga mata niya habang may hawak na karton ng gatas sa kamay. Hindi ko siya kilala, iyon lang ang masasabi ko, habang kasalukuyan din siyang tinititigan.
Pero dahil sa gulat ko sa presensya niya ay hindi ko magawang makagalaw sa pagkakasalampak sa dulo ng hagdan.
"Hay, lintek. Kapag minamalas ka nga naman," bulong niya bago pairap na nag-iwas ng tingin.
Kumurap-kurap ako dahil sa pagkalito sa mukhang iritado niyang mukha.
"Kung magpapahulog ka sa hagdan, pwede bang 'wag mong i-display ang underwear mong dora,"
Parang lahat ng init sa katawan ko ay biglang napunta sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa matinding pagkapahiya bago dali-daling kinolekta ang sarili at naglakas-loob na bumangon.
"A-Anong... B-Bakit..." hindi ko matanong nang maayos ang itatanong ko na hindi ko rin naman alam mung ano.
Basta ang alam ko ay hiyang-hiya lang akong nakatayo sa harapan ng lalaking ito.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi rin ako magkamayaw sa pag-aayos ng nalukod kong palda. Pero pakiramdam ko ay mas lukot pa rin ang aking dignidad. Naririnig ko na ang sermon ni Nanay sa tenga ko tungkol sa pagiging masinop na babae.
"Tss..." umismid lang ang lalaki bago nilukot ang karton ng gatas na hawak niya at shinoot sa kalapit na trash bin bago siya tumalikod at naglakad palayo sa akin.
"Lintek. Sa lahat ng pwedeng makita iyon pa," dinig ko pa ang huling usal niya bago tuluyang naglakad palayo.
-C. N. Haven-