Chapter Nine

3071 Words
Warning: The following scenes contains strong language that may offend others. Do not proceed tonthe story if you are incomfortable. But to those who will proceed, please read with an open mind. Thank you and God bless. Chapter Nine Fourthrobs A G A P E HALOS MAGSIPUTUKAN na ang ugat sa sentido ng lalaki dahil sa sinabi ni Denisa. Tingin ko ay mas lalo lang itong nagalit dahil sa panghahamon niya. Kahit pa nanginginig ang mga paa ko sa hindi malamang dahilan ay nagpasya pa rin akong tumayo para sana awatin na sila. Pero hindi pa man ako nakatatayo nang maayos ay galit na nagsalita na ulit ang lalaki. "Ang yabang ng isang 'to mukhang patpatin naman!" Dinuro-duro niya si Denisa. "Hoy! Baka hipan lang kita, tumumba ka na jan!" Naalarma ako sa sinabi ng lalako ay tumayo na talaga ako para hawakan ang braso ni Denisa. Pero iniwas niya agad iyon para hindi ko maabot. Napaawang ang labi ko at pinagmasdan kung paano niya tinitigan ang lalaking nabangga ko kanina. Isanh titig na hindi ko malaman kung anong ibig sabihin. Hindi ba siya natatakot? Malaki ang pangangatawan ng lalaking ito, mukha talaga siyang nakakatakot. At naniniwala ako na baka kahit hipan niya lang kami ay tumilapon nga kami rito. Tapos ay baka hindi lang iyon ang abuton namin! Baka may mga teachers na makakita sa nangyayari ngayon at bigla kaming ma-guidance sa first day palang. Sa mga posibilidad palang na iyon ay natatakot na ako sa pwede naming kahinatnatan. Pero mukhang taliwas iyon sa nararamdaman ni Denisa dahil isang ngisi ulit ang gumihit sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang lalaki. Tinaas niya pa ni Denisa ang kanyang kamay na at iminuwestra ang daliri na para bang pinalalapit niya ang lalaki sa kanya. Nakagat ko na ang daliri ko sa sobrang paglabalisa sa mga nangyayari. Ano nang nangyayari? Bakit mukhang naghahamon pa yata ng away si Denisa? Kasalanan ko ito! Dapat ay tinititigan ko lagi nang maayos ang daanan ko para hindi ako nagdudulot ng perwisyo sa mga estidyante rito. Pati tuloy si Denisa ay nadamay pa sa gulo. "Aba't... ang yabang talaga," pinatunog ng lalaki ang kamao niya bago dahan-dahang lumapit sa amin. Dumiin ang pagkagat ko sa kuko habang pinapanuod ang palapit na pigura ng lalaki. "D-Denisa. T-tama na, please. A-Ayokonh madamay ka rito--" "Shh," pinatigil ako ni Denisa. Nakapokus lang ang mga mata niya sa papalapit na lalaki. Nakangisi lang siya at parang hindi man lang natitinag sa katakot-takot na aura na nakapalibot sa galit na estudyante. Mukha pa ngang bored si Denisa habang inaantay na tuluyang makalapit ang lalaki sa amin samantalang ako naman ay hindi na alam kung gusto ko na bang maihi ko ano. Napalunok ako at handa nang pumagitna sa kanila nang makita ang pagtaas ng braso ng lalaki at pag-amba nito na parang ku-kwelyuhan si Denisa pero ni hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay... "Denisa!" Singhap ko. Tamad na iniwas ni Denisa ang katawan niya mula sa lalaki bago niya mabalis na hinaklit ang braso nito akmang magk-kwelyo sa kanya. Tapos ay agad na pinilipit ito na siyang nagpahiyaw sa lalaki. "Tang.ina--!" Hiyaw nang lalaki at nalukot din ang mukha ko nang marinig ang parang malutong na tunog ng braso niya nang inikot ito ni Denisa. Hindi naman siguro niya nabali ang braso ng lalaki, 'di ba? Kahit na namamalipit na sa sakit ang lalaki ay nagawa pa rin ni Denisa na sipain siya sa... sa gitna ng mga hito nito. Napasigaw na talaga ang lalaki dahil sa sakit bago siya marahas na binitawan ni Denisa kaya napaluhod na ang lalaki sa sahig habang hawak-hawak ang... ang ano niya. Walang emosyo ang mga mata ni Denisa habang tinititigan ang kawawang lalaki na namamalipit sa sahig. May dinukot siyang kung anong bagay sa bulsa niya at nakita kong alcohol spray pala. Nag-spray muna siya ng alcohol sa kamay bago binalik iyon sa bulsa. "Ayan, hawakan mo iyang sundalong pinagmamalaki mo. Tutal lalaki ka naman 'di ba? Ang mga babae puro satsat, ang mga lalaki puro bayag," mapang-asar na ani ni Denisa habang walang-awang pinagmamasdan ang lalaki. Nalukot ulit ang mukha ko dahil sa term na ginamit ni Denisa na hindi masyadong maganda sa pandinig. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha... grabe! Napakabilis ng mga pangyayari. Ang buong akala ko talaga ay mak-kwelyuhan ng lalaki si Denisa dahil sa galit nito pero napakabilis ng mga galaw ni Denisa. Mali, hindi lang mabilis... swak din ang mga galaw niya. Para bang alam niya ang tamang mga galaw na kailangan niya lang gawin pata matalo at mapagbagsak ang lalaki. Grabe, iba talaga si Denisa! Para siyang secret agent sa mga napapanuod kong pelikula! Napabaling ulit sa lalaking namimilipit sa sahig ang tingin ko. Naglaho ang sayang naramdaman ko nang makita ang kalagayan niya. Kaawa-awa ang sinapit niya! Kasalanan ko ang lahat ng nangyari pero heto at siya pa ang nahihirapan. Pakiramdam ko tuloy napakasama ko! Kinagat ko ang labi ko at mas lalonh nabagabag. Hindi pwede ang ganito. Akma na sana akong lalapit sa lalaki para tulunga siya nang biglang umalingawngaw ang tunog ng palakpak sa buong cafeteria. At sa hindi rin malamang rason ay parang biglang nanahimik ang mga estudyanteng kaninang nakikiusyoso rito. Nilingon ko si Denisa at nakitang meron siyang tinititigan kung saan. Kaya naman sinundan ko ang tingin niya at doon nalaman kung ano--mali--sino-sino ang mga tinitingnan niya. Apat na lalaking estudyante ang naglalakad papasok sa cafeteria. Kakaiba sila kumpara sa iba dahil naiiba ang kulay ng unipormeng suot nila. Hindi siya kulay itim gaya ng natural na kulay ng uniform namin at hindi rin kulay pula gaya ng nakita kong uniform ng mga student officers kahapon--dahil ang apat na lalaking ito na papasok sa cafeteria ay may suot na puting uniporme. Puting blazer na may itim na linings. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang isa sa mga lalaki. Sygmund! Teka... bakit kanina hindi naman ganyan ang kulay ng uniporme niya? Nagtama ang titig naming dalawa at nakita kong sumilay ulit ang palakaibigan niyang ngiti sa labi pero naputol ang titigan namin nang maagaw ng isang lalaking kasama niya ang atensyon ko. Ito iyong lalaking pumapalakpak. Nauuna siyang maglakad sa kanilang apat. Nagsitabihan lahat ng estudyante para makadaan ang apat. Noong ginawa nila iyon kanina para kay Denisa ay medyo maingay pa sila dahil sa pagbubulungan pero ngayon kakaiba talaga dahil parang nawala sila lahat ng kakayahan para magsalita dahio sa sobrang tahimik. Karamihan pa sa mga lalaking estudyante na nandito ay nakayuko samantalang ang mga babae naman ay halos kuminang ang mga mata katititig sa kanila. "Wow, first day in school but look at what we have here," turan ng lalaking pumalakpak kanina. Dumapo ang tingin ko sa kanya. Sa unang tingin palang ay makikita mo na ang mailiwalas niyang mukha na animo'y laging masaya sa buhay. Bumagay pa rito ang malapad na ngiti niya sa labi at ang parang cotton candy niyang brown na buhok na sumasayaw sa hangin. "Tss. Nandito na ang vida-vida," dinig kong bulong ni Denisa sa tabi ko. "D-Denisa, sino sila?" Bulong ko rin sa kanya nang hindi siya nililingon. Pero bago niya pa ako sumagot ay biglang magsalita ulit ang kulot na lalaki na kasalukuyang nakatitig sa lalaking bumangga sa akin kanina na kasalukuyan pa rin nakaluhod at namimilipit sa sakit. "Woah, Douglas? Don't tell me you got beaten up by a girl?" Natatawang tanong niya sa lalaking nabangga ko kanina. "Napadpad ba kayo rito para mamangha o maging bangag?" Biglang singit ni Denisa sa sinasabi ng kulot na lalaki. Parang gusto ko na agad awatin si Denisa dahil baka may masabi nanaman siyang kung ano na pwedeng maka-offend sa kanila. Bumaling ang tingin ng kulot ba lalaki sa amin at lumapad ang ngiti. "Ohh, Denisa... you never failed to be hot...headed as always. Maybe you should try to loosen up a bit," anito bago kindatan si Denisa. Nanlaki ang mga mata ko at namula kahit na hindi naman para sa akin ang kindat na iyon. Bakit niya kinikindatan si Denisa? Mukhang magkakilala sila... close kaya sila kaya may kindatan? Saglit kong nilingon si Denisa at nakita ang matulis nitong pag-irap. "Pagod na 'ko makinig sa mga satsat niyo. Dampunin niyo na iyang buchokoy na iyan..." tinuro ni Denisa ang lalaking nabangga ko kanina. "...siya naman ang naunang naghamon ng gulo rito sa cafeteria kanina. Self-defense lang ginawa ko. Masyado kasing mayabang kaya ayan," sabi ni Denisa sa tonong parang naiinip. Pero umalma ang lalaking nabangga ko kanina at mukhang medyo naka-recover na sa injuries na natamo noya mula kay Denisa kanina. "H-Hindi ako ang nauna! Nagsimula ang lahat dahil sa katangahan niya!" Tinuro ako ng lalaki. Napakagat naman ako ng labi at napayuko. Tama naman siya. "Totoo ba ang sinabi niya, Agape?" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang tanong ng isang pamilyar na boses. Nagtama ang mga nata namin ni Sygmund. Seryoso na ang kanyabg ekspresyon habang inaantay ang sagot sa kanyang tanong. Nahihiya akong tumango. "K-Kasalanan ko. Hindi k-kasi ako tumitingin sa d-dinadaanan ko kaya aksidente ko siyang nabangga at nabubusan ng k-ketchup and uniform niya," pakiramdam ko ay maiiyak ulit ako sa pag-alala sa mga nangyari. Tinantya ko kung ano magiging reaksyon ni Sygmund. Tumango siya sa naging sagot ko bago huminga nang malalim. "Masyado nang nag-cause ng commotion ang bagay na ito kaya kailangan nang ma-settle once and for all," ani niya sa isang marahan pero ma-awtoridad na boses. Naalala ko na isa nga pala siyang student officer! Kumikinang ang kulay pula niyang wrist band na may logo ng koronang ginto. Nanahimik nalang ako at hinintay ang sintensya niya. "Since this is just the first day in school, I will just give the three of you a first warning. Sana ay hindi na ito maulit. Hindi maganda na nagkakaroon ng ganitong alitan lalo na sa gitna ng cafeteria, pustahan marami sa inyo rito na late na sa klase dahil sa pakikipag-usyoso," Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang maalalang maging kami rin pala ni Denisa ay late na rin dahil sa kagagawan ko. "For now, bumalik na ang mga may klase kanya-kanyang classrooms niyo," ma-awtoridad na uts ni Sygmund sa mga estudyanteng nanunuod. Agaran naman sumunod ang mga may klase kaya nabawasan ang mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria. Natauhan ako bigla nang hatakin ako ni Denisa palabas ng cafeteria. "And where are you two going?" Hinarangan kami ng isa sa mga lalaking kasama ni Sygmund. Ang matangkad niyang pigura ay sobrang nakaka-intimidate. Nakadagdag pa ang walang buhay niyang mga mata na halos matakpan na ng mahaba niyang bangs. "Sa lugar kung saan wala kayo," pilosopong sagot ni Denisa sa kanya. Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa mga sinasabi niya mula kanina. Hindi ko na alam kung aawatin ko pa ba siya o ano, baka kasi sa akin naman niya maibuntong ang galit niya. "We haven't dismissed you yet," malamig na tugon ng lalaking nasa harapan namin. "We don't need your approval everytime, Fyruz," matutulis na tingin ang ipinukol ni Denisa sa lalaki. Teka, tinawag niya ito Fyruz... so iyon ang pangalan ng lalaking ito. "Fyruz, let them go," narinig kong utos ni Sygmund muka sa likod. Tinawag din siyang Fyruz ni Sygmund, mukhanh iyon nga ang pangalan niya. Narinig ko ang palapit na yabag ng tatlong lalaki mula sa likod namin at ilang saglit lang ay nasa harap na rin namin sila gaya ni Fyruz. "Agape, anong nangyari sa tuhod mo?" Puna ni Sygmund nang mamataan ang ngayo'y dalawa nang sugat sa tuhod ko. Nakakahiya dahil medyo hindi magandang tingnan ang mga iyon dahil nagsimula na ulit silang dumugo. Meron pang nakabaon na maliliit na bubog sa binti ko dahil sa pagkadapa ko sa pinagbasagan ng baso kanina. "A-Ah. Iyong isang sugat nakuha ko kahapon sa dorm. T-tapos itong mga bubog naman..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin. "Nakuha niya iyan no'ng tinulak siya buchokoy na mayabang," pagdugtong ni Denisa sa sinasabi ko. "Napaluhod siya sa sahig kung saan may pira-pirasong bubog," Nakahinga ako nang maayos at parang gusto kong pasalamatan si Denisa sa pagtulong sa akin na magpaliwanag. Hindi ko na alam kung paano magpapasalamat sa kanya, masyado na siyang maraming naitulong sa akin kahit na halos isang araw palang kami magkakilala! "Awts. That's bad," komento noong lalaking kulot. Samantalang si Sygmund naman ay napailing-iling habang nakatitig sa tuhod ko. "Yeah, this is is bad, indeed. Kailangan kang madala sa clinic para magamot 'yan, pati na rin si Douglas," ani niya. Douglas... iyon ata ang pangalan ng lalaking nabangga ko kanina. "Ako na ang magdadala sa kanya," padaanin niyo lang kami," taas-noong utas ni Denisa. "I'm sorry but no. Mukhang wala ka namang galos o kung ano man kaya kailangan mo nang bumalik sa classroom niyo. Fyruz and Khalil will escort you back to your classroom. Meanwhile, me and Carter will be the one to accompany Agape to the clinic," "Anong--" "Denisa..." hinawakan ko siya sa braso para awatin na. Kung hahayaan ko ulit siyang magsalita, baka hindi na kami makaalis dito sa cafeteria. Nagpapasalamat ako sa mga naitulong niya sa akin--sa pagtatanggol niya sa akin kanina. Pero tama si Sygmund, kailangan niya nang bumalik sa klase namin. Ayokong nang dahil sa akin ay maapektuhan pa ang pag-aaral niya. Mukha siyang masungit na secret agent pero alam kong may mabait siyang puso. Napabuntong-hininga siya bilang pagsuko. "Whatever," aniya. "Hindi niyo na 'ko kailangan samahan pa," tinitigan nang masama ni Denisa si Fyruz at ang kulot na lalaking katabi nito na dinig ko mula kay Sygmund na Khalil ata ang pangalan. "Kailangan ka nilang sundan hanggang sa makapasok ka sa room niyo para siguraduhing hindi ka magc-cutting," argumento naman ni Sygmund. Pero umirap lang si Denisa at wala nang pasabing padabog na naglakad palabas ng cafeteria. Agad naman siyang sinundan nila Fyruz at Khalil gaya ng inutos ni Sygmund. "Carter, pakialalayan nalang si Douglas. Dalhin natin sila ni Agape sa clinic," marahang request ulit ni Sygmund doon sa natitirang lalaki. Halos hindi ko mapansin ang presensya niya kanina dahil ang tahimik niya. Tipid lang siyang tumango bago dinaluhan si Douglas. "Agape, halika na," nabalik kay Sygmund ang atensyon ko nang ma-realizes na inaalalayan niya na pala ako sa braso. Pakiramdam ko namumula nanaman ako. Nahihiya ko nalang siyang tinanguan. MATAPOS nang ilang minuto ay nakarating na kami sa clinic. Medyo malaki ang clinic nila na meroong sampung hospital bed na pinaghihiwalay ng mga kulay asul na kurtina. Nasa bandang sulod na parte ng clinic nakahiga si Douglas na mukhang natutulog na samantalang ako naman ay dito nakahiga sa kamang malapit sa pintuan ng clinic. Kasalukuyang tinatanggal ni nurse Jemma, ang napag-alaman kong pangalan ng school nurse namin, ang huling pirasong bubog sa hita ko. Tapos ay nilinis niya iyon ng betadine at binendahan. Nanunuod naman si Sygmund na nakatayo sa tabi ni nurse Jemma kaya medyo nahihiya ako. Nang matapos si nurse Jemma ay nginitian niya ako. "Magpahinga ka muna saglit, tapos ay pwede ka nang bumalik sa klase mo," ani niya. Nginitian ko rin siya bago siya nagpaaalam na ic-check ang braso ni Douglas. Pinagmasdan ko siya bago siya tuluyang nawala sa mga kurtinang nakaharang. Medyo naiilang akong bumaling kay Sygmund na kasalukuyan pa ring nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa tuhod ko. "S-Sorry pala sa nangyari. Hindi ko talaga iyon sinasadya," nahihiya kong ani. Huminga naman nang malalim si Sygmund bago humiga sa gilid ng clinic bed ko. Nakaramdam ulit ako ng inis sa pisngi. "Ayos lang. Understandable naman dahil transferree ka palang at naga-adjust ka pa sa Academy. Isa pa, hindi naman ito ang unang beses na may nakaalitang estudyante si Douglas. Basta sa susunod, mag-iingay ka nalang para hindi pag-initan ng ibang students? Okay?" Marahang turan niya. Tumango naman ako at ngumiti. Nginitian niya rin ako at tinitigan nang diretso sa mga mata. Parang bumilis ang tibol ng puso ko nang ma-realized na nagtitigan kaming dalawa. Walang nagsasalita sa amin... parang magnet na nagdikit ang paningin naming dalawa. Hanggang sa naputol iyon nang may biglang itanong si Sygmund. "Napaisip lang ako..." aniya sa isang kuryosong tono. "...kanina ko pa naiisip kung hindi ka ba nasasaktan sa mga sugat mo sa tuhod? Mukha kasing mahapdi, eh. Pero mula kanina hanggang ngayon, hindi ko nakitaan ng sakit ang ekspresyon mo," Napaawang ang labi ko. Napansin niya iyon. "But... don't get me wrong, here. Hindi ko gustong masaktan ka pero nagtataka lang talaga ako. It just seems kinda odd," Napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga daliri. "U-Uhmm..." hindi ko alam kung paanong magsisimulang magpaliwanag. "Ohh... kung hindi ka komportable, pwedeng 'wag mo nang sagutin. Hindi naman importante, medyo na-wirduhan lang ako," nag-gesture ang kamay niya na 'huwag na' parang napansin niya na hirap akong magpaliwanag. Umiling naman ako. "H-Hindi ko rin kasi alam kung paano maipapaliwanag," Nanliit naman ang mga mata niya, mukhang mas lalong nagtaka. "Maipaliwanag ang alin?" Huminga ako nang malalim at sinubukang ayusin ang mga salita sa isip. "Bata palang kasi ako ay ganito na 'ko," panimula ko. "Bata palang ako wala na 'kong nararamdaman," Napaawang ang labi niya sa naging sagot ko. Parang mas lalo niyang hindi maunawaan ang sinasabi ko. Kaya sinubukan kong mas maipaliwanag nang maayos. Pero bago ko pa mabuka ang labi ko ay naputol agad ang pag-uusap namin nang biglang tumunog ang pamilyar na tunog ng Golden bell. Sabay pang napabaling ang ulo namin ni Sygmund sa labas. "Oops, hindi ko namalayan ang oras. I need to go back to our class too, meron pa rin akong klaseng kailangan daluhan," aniya niya bago tumayo. Nahiya nanaman ako at nagdasal na sana ay hindi siya nag-skip ng klase para maihatid at bantayan ako rito kanina. "S-Sige, sorry pala--" "Shh," nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang hintituro niya sa labi ko. "You don't have to apologize for everything. Magpahinga ka muna, I'l talk to your teachers. Maiintindihan naman nila kung hindi ka makaka-attend sa klase ngayong nasa clinic ka. 'Wag ka rin mag-aalala kay Douglas. Pinagsabihan na siya ni Carter kanina. Saka isa pa, nandito naman si nurse Jemma para bantayan ka." Tinanggal niya ang daliri niya sa labi ko bago naglakad palabas ng pintuan. "S-Salamat," naiilang kong sabi. Huminto siya sa tapat ng pintuan at nilingon ako bago sumilay ang ngiti sa labi. "You're always welcome. Siguro minsan ituloy natin ang kwentuhan natin," sabi niya bago sumilay ulit ang killer smile sa labi. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD