Chapter Eight

1533 Words
Warning: The following scenes may contain violence and strong languages that are not advisable for young readers. Please do not proceed if you are uncomfortable. To those who will proceed, please read with an open mind. Chapter Eight Satsat A G A P E HINDI KO napansin na natulala pala ako sa ere habang pinagmamasdan si Denisa na naglalakad na palayo. Hindi tuloy ako magkandaugaga sa pagtayo nang mahimasmasan na. Pero dahil sa biglaan kong pagtayo ay natabig ko pa ang baso ng tubig ko sa lamesa kaya nabuhos tuloy ang natitirang laman at medyo nabasa rin ako. "Naku naman!" Mangiyak-ngiyak kong kinuha ang tissue na nakalagay sa lamesa para punasan ang natapong tubig. Saglit ko pang tiningnan ulit si Denisa at nakitang malapit na siyang makalabas sa cafeteria. Nanginginig ang nga kamay ko habang tinutuyo ang basang lamesa gamit ang tissue. Nang matapos ay dali-dali ko na ulit dinampot ang nga kalat ko, binalik ko muna sa counter ang basong ginamit bago at tinapon sa basurahan ang tissue'ng pinamunas bago ako natataranta at nagmamadaling sinundan si Denisa na tuluyan na talagang nakalayo. "Denisa!" Tawag ko sa kanya pero hindi naman siya lumilingon. Pinilit ko pa rin lumakad nang mabilis habang ang mga mata'y naka-focus sa kanya. Pero sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may kasalubong pala akong estudyante at aksidente ko siyang nabangga, bahagya pa akong napaatras dahil na-out balanced ata sa impact. "Tangin--" Nanlaki agad ang mga mata ko at napabaling sa taong nabangga. Suminghap ako nang mapansin na ang nabangga ko ay isang lalaking estudyante at may hawak siyang lalagyanan ng ketchup at mukhang napusit iyon sa uniform niya dahil sa hindi sinasadyang pagbangga ko sa kanya. Kumalat ang maraming ketchup sa bandang dibdib ng kanyang itim na blazer, nalagyan din ang kulay puting polo niya. Suminghap ako dahil sa pagkabigla. "S-Sorry po--" "ANONG SORRY?" Napapikit ako nang tumaas agad ang boses niya. Bakas ang matinding galit sa mga mata niya. "TAE NAMAN! ANG TANGA TANGA KASI!" Nanginig ang kamay ko dahil sa matinding kaba. Hindi ko talaga sinasadya... hindi ko sinasadya, gusto ko lang namang sundan si Denisa at makarating agad sa classroom namin para hindi ako ma-late. "H-Hindi ko po sinasadya. S-Sorry po talaga! Sorry po--" "Putangina! 'Wag mo 'ko ma-sorry sorry, jan! Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, edi sana hindi ka nakakabangga!" Nanggalaiti na talaga siya sa galit. Marahas niya pang nilapag ang lalagyanan ng ketchup sa katabing table. Kulang nalang ay ibalibag niya ito roon kaya halos mapatalon ang mga nakapwesto sa table na iyon. Yumuko ako at hindi na alam ang gagawin. Sobra talaga akong natatakot. Mukhang kahit anong sabihin ko ay magagalit pa rin siya sa akin. Sorry, sorry... hindi ko talaga sinasadya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Napapansin ko na napapalingon na sa amin ang ilang mga estudyanteng natitira sa cafeteria. "ANO? IIYAK KA?" Asik niya bago siya humakbang palapit sa akin. Parang awtomatiko akong napaatras nang gawin niya iyon. "Ngayon para kang maamong tupa na nagpapaaawa samantalang kanina, tatanga-tanga kang dumadaan!" Napapikit na ako dahil sa tindi ng takot. Ramdam na ramdam ko talaga ang galit niya. Parang biglang namanhid ang dila ko at hindi ko na magawang makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin... hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin. "Ano sumagot ka!" Sigaw niya ulit sa akin. Dumilat ako at bahagya siyang tinitigan, nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mas lalo ata siyang nagalit nang bindi ko na magawang makapagsalita pa. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sa akin at bigla akong marahas na tinulak sa kanang balikat. Hindi ko iyon inaasahan kaya nawalan agad ako ng balanse kaya nahampas ang katawan ko sa lamesa sa bandang likod ko. Napabaling pa ako roon saglit dahil natabig ko ang isa baso roon kaya nabasag. Napatayo tuloy ang mga estudyanteng nanahimik na kumakain doon. "Ano?" Hamon ulit ng lalaki habang naglalakad ulit papalapit sa akin. Umayos ako ng tayo at yumuko sa harapan niya. Napahinto siya nang mapansin ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim at mag-ipon ng lakas para magsalita ulit. "S-Sorry po! S-sorry talaga!" Halos naiiyak ko nang sinabi. Umalis ako sa pagkakayuko at binalingan siya ulit. Lumapit ako sa kanya habang nakalahad ang kamay. "A-Ako nalang po ang maglalaba niyang uniform niyo kung gusto--" Tinabig niya ang kamay kong nakalahad at iritadong tinulak ulit ako sa balikat, mas malakas ang pwersa ng tulak niya ngayon kaya natumpa na talaga ako sa sahig. "Tae, may utak ka ba? Puro katangahan lang ang sinasabi mo!" Asik niya ulit sa akin. Pero hindi ko na magawang makita pa kung gaano kagalit ang ekspresyon niya dahil nabaling ang atensyon ko sa dumudugo kong tuhod. Dumudugo ulit ang sugat na natamo ko kahapon sa dorm tapos may bago pa akong sugat ngayon dahil nawalan ako ng balanse at natumba sa mismong bubog ng pinagbasagang ng basong  natabig ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin para patigil ang pagdugo ng mga sugat lalo na't galit pa rin ang lalaking nabangga ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko at ang nagbabadyang luha. Nangako ako kay Nanay at Tatay na aayusin ko ang pag-aaral dito. Na hindi ako gagawa ng gulo, na hindi ako matutulad kay kuya. Pero unang araw ko palang dito ay may ganito na agad na nangyari. Sa kalagitnaan ng pagkasalampak ko sa sahig ay naririnig ko ang mga mararahang pag-awat ng ilang estudyante sa paghihimutok ng lalaking nabangga ko pero hindi pa rin ito natitinag. "Ba't ako maaawa jan?" Rinig kong sagot niya sa isang estudyante. "Iyong mga ganyang tao, pa-victim lang 'yan! Iiyak-iyak para kaawaan. Tingnan mo nga ang ginawa niya sa uniform ko dahil sa katangahan niya!" Walang magawa mga umaawat sa kanya. Ang iba naman ay mukhang natatakot na makisalo sa gulo lalo na't ang lalaking nabangga ko ay may kalakihan ang katawan at mukhang kayang-kaya niyang manlaban kahit sampung estudyante pa ang pumigil sa kanya. "Bullshit..." nanlaki ang mga mata ko at agarang napalingon nang marinig ang isang pamilyar na boses. Kitang-kita ko ang iritadong mukha ni Denisa, mas lalo atang sumingkit ang mga mata niya at salubong ang kanyang mga kilay habang naglalakad papalapit sa akin. Padabog ang bawat lakad niya habang ang maikli niyang buhok ay animo'y nagpapamalas din ng galit dahil sa pagsayaw nito sa hangin at ritmo ng lakad niya. Tumabi ang mga estudyante para bigyan siya ng daan papunta sa akin. Medyo umingay pa ang buong cafeteria dahil sa mga bulungan. Ang bawat mata ng mga mag-aaral ay nakabaling kay Denisa. Huminto siya sa harapan ko at yumuko para pagmasdan akong kasalukuyan pa ring nakasalampak sa sahig. "Naiwan lang kita saglit tapos ganito na agad ang nangyari sa 'yo?" Ani niya, bahagyang napataas ang tono ng boses. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o sa sitwasyong inabot ko ngayon. Pero malamang ay pareho. Nagtutubig na ang mga mata ko nang bumaling sa kanya. Nanuyo ulit ang lalamunan ko at hindi malaman kung ano ang isasagot. Tinitigan niya ulit ako saglit bago huminga nang malalim na animo'y kinakalma ang sarili. Bahagya niyang binaling ang mukha sa likod para harapin ang mga estudyateng nanunuod. "Sinong bobong gumawa nito?" Tanong niya, ngayon ay mas kalmado na ang boses. Pero hindi ko alam kung bakit mas nakakatakot ang tono na ito kesa sa tono niya kanina noong pinagtaasan niya ako ng boses. "Sinong bobong sinasabi mo?" Maangas na nagsalita ang lalaking nabangga ko kanina. Napaawang ang labi ko nang makita kung paanong bumaling ang mga mata ni Denisa sa lalaki. Nakabulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay tinuro ako. "Ikaw ang gumawa nito?" "Kasalanan niya, nanahimik akong naglalakad tapos bigla-bigla niya 'kong babanggain! Tingan mo nga ang ginawa niya sa damit ko." Inilahad niya ang uniporme niyang may bahid pa rin ng natapong ketchup kanina. "Asa'n?" Sagot ni Denisa at binaling ang tingin sa mga kuko niya. "Bulag ka ba? Eto nga sab--" "--Asa'n ang pake ko?" Putol ni Denisa sa sinasabi ng lalaki. Napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya. Naku, Denisa... lalo mo siyang ginagalit. At mukhang tama nga ako dahil nang balingan ko ang lalaki ay namumula na ang tenga nito at halatang mas lalong nag-aalburoto sa inis. Dinagdagan pa ng mga tawa ng ilang estudyante nakakasaksi sa nangyayari. "Ang yabang mo, ah! 'Kala mo kung sino ka. Dahil lampa 'yang kaibigan mo, nagtawag pa ng kakampi," ani ng lalaki tapos ay ngumisi siya ng nakakaloko. "Kung sabagay, wala rin namang kwenta. Ano bang magagawa mo? Eh babae ka lang naman, puro satsat," Nakagat ko ang labi ko para pigilan ulit ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Hindi ko magawang umilag sa sakit na dulot ng mga salita niya. Pero mukhang taliwas doon ang naging reaksyon ni Denisa dahil nasaksihan ko kung paano gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot sa ngising iyon. Binaba ni Denisa ang kamay niyang pinagmamasdan niya kanina bago marahang binaling ang tingin sa lalaki. "Bakit hindi ka lumapit dito? Tingnan natin kung nakanino ang huling satsat..." -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD