bc

Dating the Mistress

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
goodgirl
heir/heiress
drama
sweet
bxg
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Buong akala ni Dominic natagpuan na niya ang tunay na pagmamahal ni Georgia. Sa kabila ng kanyang kayamanan ang gusto lang niya ay makahanap ng totoong pagmamahal na hindi tumitingin sa estado ng buhay. Ngunit isang araw nalaman niyang may lihim na ugnayan si Georgia sa kanyang ama isa pala itong kabit. Lubos na nasaktan si Dominic at naguluhan dahil sa matagal na tinagong katotohanan sa kanya. Habang tumatagal na magkasama sila unti-unting nahulog ang loob nito sa lalaki. Minahal niya ang lalaki hindi dahil sa mayaman ito, minahal niya ito dahil sa kabutihan ng puso nito. Dahil sa mga nangyari kaya pa bang patawarin ni Dominic sa Georgia?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hon," tawag ni Dominic kay Georgia. Habang hawak ang kamay at pinipisil. "It's only three months since I'm with you," panimula ni Dominic mababa lang ang tono ng boses niya pero puno ng emosyon. "But if you ask me, I feel like I've been with you my whole life. You know how hard my life is under the shadow of my name. Almost everyone around me is asking for favors, wanting to get something or just looking at me as the heir. But you're the only woman who look at me as Dominic. Not by my last name and not to see the amount of my bank account." Yumuko ng konti si Georgia na parang nahihiya pero sa totoo lang pinapaki ramdaman niya lang ang itsura ni Dominic. Bilang isang spy nasanay na siyang magbasa ng expression ng ibang tao kailangan niyang sakyan kung ano ang iniisip ng lalaki. "Hon," sagot sa kanya ni Georgia na may halong lambing ang boses. "Huwag ka mag salita ng ganyan. Kahit naman mawala ang lahat ng mayroon ka mananatili pa rin ako sa tabi mo. Ikaw lang ang mahal ko at hindi ang kayamanan mo. Pera lang yan madaling kitain. Pero ikaw wala kang ibang katulad." Kumislap ang mga mata ni Dominic sa narinig. Sa loob ng maraming taon naging mailap siya sa mga babae dahil natatakot siyang masaktan pero sa piling ni Georgia ramdam niyang ligtas siya. Dumako ang kamay ni Dominic sa bulsa niya. Nilabas niya ang isang makintab at maliit na kahon. Binuksan niya 'yon at pinakita ang isang diamond necklace na binili niyang noong isang araw. "Dominic napaka ganda naman nito hindi mo naman kailangang mag abala pa," sabi ni Georgia na nagpapanggap at parang nagulat. "Hon you deserve this." Tumayo siya at pumunta sa likod ni Georgia para isuot ang kwintas. Hinalikan niya ang batok nito pagkatapos ay bumalik si Dominic sa harapan ng upuan habang nakangiti. "You are so very beautiful Hon, it's been three months and i think this is the right time. Gusto kong isama ka sa darating na charity gala. This is the right time para ipakilala ka sa parents ko. I want everyone to know kung sino ang maswerteng babaeng minamahal ko." "Ha?" Gulat na tanong ni Georgia. Bigla niyang binaba ang baso at ngumiti ng matamis. "Kung 'yan ang gusto mo Dominic handa akong humarap sa kanila para sa 'yo." Ngumiti si Dominic at hindi na niya inalis ang kanyang paningin sa kasintahan na si Georgia. Hababg magkasama patuloy lang sila pag uusap tungkol sa kanilang magiging future. Nang biglang bumukas ang malaking pintuan sa may restaurant at pumasok ang mga lalaking na kulay itim ang uniporme at malalaki ang katawan. Kasunod nito ang mag asawang sina Vivian at Drake. Si Drake ang ama ni Dominic at si Vivian ang ina ni Dominic na nakasuot ng maraming alahas. Dahan-dahan lumingon si Dominic na halatang nagulat. "Sina Mommy at Daddy why are they?" bulong niya sa sarili. Mabilis siyang lumingon kay Georgia. "Hon nandito sila Daddy ipapakilala na ki--" Hindi natuloy ang sasabihin ni Dominic ng makita niyang nag iba ang mukha ni Georgia nanginginig ang mga kamay nito. Kinuha nito ang kanyang clutch bag at ginamit ito para iharang sa kanyang mukha at itago. "Hon what happened? May masakit ba sa iyo?" Nag aalala na tanong ni Dominic sa kasintahan. "Dominic please," pabulong na sabi ni Georgia na parang naiiyak na ang boses. "Kailangan na natin umalis hindi pa ako handang makita sila. Natatakot ako sa kanila please." Tinitigan ni Dominic si Georgia ayaw niya itong nasasaktan kaya kahit anong hilingin nito ay gagawin niya. "Okay calm down will leave here now," sabi ni Dominic. Hindi na niya hinintay ang bill nila sa pagkain at kumuha na lang sa kanyang pitaka ng tatlung libong piso. Nilapag niya 'yon sa ibabaw ng lamesa. Tumayo sila Dominic habang nakaalalay pa rin siya kay Georgia na hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Hindi na sila dumaan sa main door dahil umikot sila palabas sa may emergency exit para mabilis makarating sa may parking. Sumakay na sila sa sasakyan ni Dominic. "Salamat." Nakangiting usal ni Georgia. Humigpit lang lalo ang hawak ni Dominic sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na rin sila sa condo ni Dominic. Malawak ang lugar nito. Kulay black and white ang loob nito. Agad na inakay ni Dominic papasok sa loob ang kasintahan at pinaupo niya muna ito sa sofa. "Uminom ka muna ng tubig Hon. We are safe here pasensya na kung nabigla kita kanina this is not really my intention." Uminom ng konti si Georgia at bahagya siyang tumingin kay Dominic pero sa isip niya natutuwa siyang pinaglalaruan ang lalaki. "Sorry kung hindi pa ako handa, gusto ko kasi maging comfortable kapag pinakilala muna ako." Naluluha si Georgia at pilit na ngumingiti. "I understand." Ngumiti si Dominic at hinalikan ito sa noo. " Magpapalit lang ako ng damit sa kwarto para makapag relax tayo. Stay there." Nang umalis na si Dominic biglang nawala ang mga luha sa mata ni Georgia. Tumuwid ang kanyang likod at sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti. Tumayo siya na dala-dala ang isang baso ng tubig. Kinuha niya ang clutch bag sabay binuksan nya 'yon at sa loob non may secret na bulsa na nakatago ang kanyang isa pang phone. Ni lock niya CR at nanatili sa loob. Nag dial siya ng number saglit lang dahil kabisado naman niya 'yon. "Hello." Isang baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya. "Drake nakaalis kami ng ligtas." Bumuntong hininga si Georgia. "Muntik na tayo mahuli ng asawa mo. Masyadong napaaga ang dating nyo ni Vivian. "Magaling ka talaga." Tumawa ng malakas si Drake. "Kahit kailan ay hindi mo ako binigo ang tanga kong anak. Buong akala niya ay nahanap na niya ang kanyang true love. Hindi niya alam na ang bawat galaw at salita mo ay nababayaran ko." "Basta siguraduhin mo lang na papasok ang susunod na transfer sa account ko at kung hindi alam mu na." Sagot ni Georgia habang nakatingin sa salamin at inaayos ang kanyang lipstick. "Masyadong hot ang anak mo. Gusto na agad akong ipakilala sa inyo may balak pa nga yatang mag propose sa akin." "Ituloy mo lang kung anong ginagawa mo." Utos ni Drake sa kabilang linya. "Kailangan kong makasiguro na may tiwala na siya sa'yo. Kapag hawak mona siya sa leeg madali na lang natin siya mapapapirma ng waiver." Pinatay na niya ang tawag. Lumabas si Julian suot ang simpleng tshirt at maluwag na pants. Magaan na din ang kanyang pakiramdam dahil makakapag usap na sila ng matagal ng kasintahan. Habang naglalakd siya papunta sa kusina napansin niya ang bag ni Georgia na nakapatong sa may dinning table. Dahil sa pagmamadali nito kanina nakalimutan niyang isara ng maayos ang bag nakasilip ang isang maliit na papel. Nilapitan 'yon ni Dominic para isara. Pero ng hawakan niya ang papel para ibalik sa loob ng bag. Nagulat ito ng makita ang dalawang taong naghahalikan si Georgia ang kanyang kasintahan kasama ang kanyang ama na si Drake. Biglang nanginig ang mga kamay ni Dominic. Mabilis ang t***k ng kanyang dibdib dahil sa tinding galit. Ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya ay matagal na pala siyang niloloko. Narinig ni Dominic ang pagpihit ng doorknob sa CR hawak pa rin niya ang isang picture nagmamadali siyang itinago 'yon habang napatingin sa direksyon ni Georgia. "Dominic nariyan kana pala," sabi ni Georgia habang humakbang palapit sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.0K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
3.0K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
259.3K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.7K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.4K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
11.6K
bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

read
39.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook