"Ano pong name niyo pala?" Tanong ko sa kanya habang naglilibot kami sa supermarket para maghanap ng mga kailangan ko.
Hindi ko alam kung may balak ba siyang bumili ng kung ano dahil kanina pa kami rito paikot-ikot pero ni isa ay wala pa ring laman ang basket na dala niya.
"Ria... Ria Mendez 'yong pangalan ko,"
"Pati po pala pangalan niyo, e, pambabae..."
Natawa siya ng bahagya "Oo nga, e."
"Pero lalaki po ba talaga kayo?"
"Oo naman." Yumuko ito ng kaunti at lumapit sa tainga ko. "Gusto mo pa bang makita 'yong ano ko para mapatunayan na lalaki talaga ako?"
Halos magsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Napaatras na lang ako ng kaunti at mabilis na umiling. "Hindi na po."
Mas napalakas ang tawa niya dahilan para magtinginan ang ilang tao sa'min. "Ang cute mo talaga, e, 'no?"
"Ilang taon na po ba kayo?" Pag-iiba ko.
"Uh..." Tila nag-isip pa siya kung ilang taon na siya. "Twenty-one na ako..." Parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya, ah.
"Nag-aaral pa po kayo?"
Umiling siya. "Hindi na."
"Graduate na po?"
"Uh..." Kumamot ito sa sintido niya bago sumagot. "Oo..."
Hindi ko malaman kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o hindi. Kailangan ba talagang pag-isipan pa 'yong gano'ng bagay? Hindi ba siya aware na aware na gumraduate na siya?
"Buti hindi ka nabu-bully rati na mukha kang babae?" Mahinang tanong ko nang huminto kami para kumuha ng mga de lata.
Kumukuha na rin siya. Mukhang ito ang bibilhin niya kaya siya napunta rito. So, coincidence nga lang na nagkita kami at masyado kong in-assume na nang-i-stalk siya?
Sabagay, maliit lang din naman ang mundo. Dito-rito lang din yata siya nakatira kaya madalas kung magkasalubong kami ng landas.
"Hindi naman. 'Tsaka mukha ba talaga akong babae?"
Hindi rin ba siya aware do'n? Bakit ba ang wi-weird ng mga kilala kong extrovert?
"Opo, mukha po. Mas maganda ka pa nga po kaysa sa'kin, e."
"Uy, hindi, ah. Maganda ka kaya,"
Feeling ko talaga, dati siyang clown.
"Nga pala..."
"Ano po 'yon?" Papunta na kaming counter pero nakasunod pa rin siya sa'kin. Tapos na rin ba siyang mamili?
"Sinusunod mo ba 'yong sinabi ko sa'yo rati na 'wag kang sasama kung kani-kanino?" He asked, creasing his forehead.
Binaling ko sa ibang direksyon ang mata ko at dahan-dahang tumango. "Oo naman po..."
"Hindi ka na ba sumasama roon sa hindi mo gaanong kilala?"
"Wala naman po talaga akong balak na sumama sa hindi ko kilala,"
"I mean, pwedeng kilala mo siya pero wala ka pang masyadong alam sa pagkatao niya. Alam mo na, delikado ang mga tao ngayon, 'di ba?"
So, 'yon ang gusto niyang iparating.
"Wala naman akong sinasamahan na gano'n. Isa pa, hindi rin po ako palakaibigan. Actually, isa lang 'yong lagi kong kasama."
"Sino?" Mabilis na tanong niya.
"Uh, si Ezrel po... classmate ko 'yon at kaibigan din." Wika ko.
"Ezrel? Matagal mo na ba siyang kakilala?"
I shook my head. "Nito lang pong nag-transfer siya sa school namin. Kasabay po 'yon ng una nating pagkikita sa jeep, e..."
Come to think of it, sabay ko nga pala silang nakilala pareho. Though, naging close ko na si Ezrel. Pero si Ria, hindi pa. Siguro, makaka-close ko rin siya in the future dahil lagi naman kaming nagkikita at feeling close din siya sa'kin– which is hindi naman masama.
"Bakit ka sumasama sa kanya kung hindi mo pa pala siya gano'n kakilala?"
"Magkaibigan naman po kami,"
"Bakit mo siya kinaibigan?"
"Uh, kasi..." Bakit nga ba? Kumamot ako sa ulo ko at alanganing sumagot. "Mabait po siya? 'Tsaka lagi niya akong sinasamahan."
Para sa'kin, marami pang dahilan kung bakit gusto ko si Ezrel na maging kaibigan pero hindi ko lang 'yon ma-express into words.
Hindi ko rin naman kailangang mag-explain sa kanya kung bakit ko gustong kaibiganin 'yong isang tao, 'di ba?
"Sure ka ba na mabuting tao siya?"
Mabilis akong tumango. "Opo."
"Paano mo nasabi, e, ngayon-ngayon mo lang naman siya nakilala?"
"Uh..." Mahaba-haba pa ang pila sa counter kaya mukhang mapapatagal pa ng kaunti ang usapan namin. "Hindi ko po masabi kung paano pero sigurado po ako na mabuting tao si Ezrel kaya 'di niyo na kailangang kwestyunin pa siya bilang kaibigan ko,"
Umawang ang labi niya at umiwas ng tingin. "Uh, yeah. Sorry."
Eh? Napasobra ba ako?
"S-Sorry po... hindi ko 'yon sinabi para–"
"It's okay. Naiintindihan ko. Lumagpas nga ako sa linya,"
"Sorry po..." Mahinang aniko.
"Pero mag-iingat ka pa rin, okay?" Paalala niya.
Tumango na rin ako kahit na hindi ko naman talaga kailangang mag-ingat kapag kasama ko si Ezrel. Mabait si Ezrel at alam kong wala siyang masamang intensyon sa kahit na kanino, maliban sa gusto niyang pumatay ng shinigami na fictional naman.
"Nag-aalala po ba kayo sa'kin?" Mahina kong tanong.
Habang patagal nang patagal, pakapal din nang pakapal ang mukha ko. Ganito talaga yata ang nangyayari kapag madalas kang nakasama sa mga extrovert, o kaya naman ay sadyang magaan lang ang loob ko sa kanila kaya hindi na ako nahihiya.
"Yeah, nag-aalala ako sa'yo."
Nagulat ako nang sumang-ayon ito.
"Bakit po? Hindi naman po tayo magkaibigan... 'tsaka hindi niyo pa rin po ako masyadong kilala, gano'n din ako sa inyo..."
Napatigil kami saglit sa pag-uusap nang kami na ang sumunod na magbabayad. No'ng makalabas na kaming supermarket ay saka ulit siya nagsalita.
"Sabi ko naman na nakakakita ako ng shinigami, 'di ba?"
"Ah, opo, sinabi niyo nga 'yon..."
"Oy, 'di ka naniniwala, 'no?" Kunot-noong tanong niya.
Mahina akong natawa. "Imposible naman po kasi 'yon dahil hindi totoo ang shinigami."
"Totoo sila,"
"E, okay po..."
"Akala ko pa man din naniniwala ka,"
"Interested po ako,"
Interested ako pero hindi nawawala sa isip ko na hindi sila totoo. Though, may part sa'kin na iniisip na totoo sila at hindi biro. Na pwedeng mamaya lang ay may kaharap ka ng isa. Lalo na sa panahon ngayon na walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng bawat isa.
"Totoo sila. Hindi mo na ba naalala 'yong babaeng nasaksak noon?"
"Naalala po..."
Hindi mawawala sa isip ko 'yon. Mula pa nang bata ako, ang dami ko nang nasaksihan na pagkamatay. Bawat isa roon ay naalala ko pa rin at isa-isa akong minumulto tuwing gabi. Lalo na't mag-isa lang ako. Though, hindi naman ako takot sa mga namatay na baka dalawin nila ako sa bahay. Takot lang ako doon sa way ng pagkamatay nila... na baka magaya ako roon at tuluyan ding mabura ang existence ko rito sa mundo.
"Sinabi ko naman sa'yo 'yon, 'di ba? Mamamatay na 'yong babae. Mayro'n nang shinigami ang nakabuntot sa kanya, e."
Nakita niya ba talaga 'yon? Hindi ba nangjo-joke time lang siya? Ang hirap din kasi magtiwala minsan sa mga ganito, e.
"E 'di..." Napahinto ako sa paglalakad nang maisip ang isang bagay. "Sinasabi niyo ba na kaya niyo ako gustong mag-ingat ay dahil may shinigami na ring nakabuntot sa'kin?" Kunot-noo kong tanong.
"Hindi naman..."
Hindi naman pala, e.
"Pero mayro'ng malapit,"
"Weh?"
"Hindi ka talaga naniniwala, 'no?"
Paano ba ako maniniwala sa kanya kung gan'yan siya? Nakadroga ba 'to at ang high niya masyado?
"Gusto ko lang na mag-ingat ka, okay? Ayokong makonsensya na hindi kita binalaan kung sakaling, alam mo na... pero 'wag naman sana."
Kung ipakausap ko kaya 'to kay Ezrel? Gusto ko lang makita kung sino sa kanila ang mas mukhang baliw pagdating sa shinigami.
"Okay po, mag-iingat na ako para sa inyo."
"Ayan, good 'yan."
"Kaibigan ko na po ba kayo?" Kunot-noong tanong ko.
Mabilis siyang tumango. "Sure!"
"E 'di sige po, next time na lang ulit..."
"Uh, wait."
"Bakit po?"
Nilabas niya ang cellphone at saka tumingin ulit sa'kin. "Ano palang number mo?"
Kukuhanin niya? O baka lo-load-an ako?
"Bakit po?"
"Para kapag gusto mo ng kausap, i-text mo lang ako at magkita tayo. Kaysa sa kung kani-kanino ka pa sumama,"
Talagang obsess siya roon sa part na kung kani-kanino ako sumama, e, 'no?
"Bale ikaw na magbigay tapos ite-text na lang kita para malaman mo 'yong number ko. Okay ba?"
I nodded. "Sige po."
Wala naman sigurong masama kahit na ibigay ko ang number ko sa kanya. Mukha siyang mabait at walang balak na gumawa ng anumang crimen. Medyo nagiging baliw nga lang siya pagdating sa shinigami.
Though, okay lang 'yon dahil gano'n din naman ako.
Pagkasabi ko sa kanya sa number ko, tinext niya rin agad ako. Sinave ko na ang number niya bago pa ako magpaalam na aalis na.
Natapos ang weekends ko at bumalik ulit sa pagpasok sa eskwelahan pagdating ng Lunes.
Nawala na sa isip ko si Ria kaya naman nang nakita ko si Ezrel, bumalik ulit ito sa isipan ko. Lahat ng sinabi niya sa'kin no'n.
Bakit kaya obsess na obsess siyang 'wag akong sumama kay Ezrel? Wala namang bahid ng kasamaan ang mukha niya.
Disente ang mukha ni Ezrel at inosente ring tingnan.
Hindi kaya magkakilala sila?
Naalala ko rin na alalang-alala si Ezrel sa'kin noon nang makita na kasama ko si Ria.
Possible na magkakilala sila at may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila sa past kaya ganito ang nangyayari ngayon. Ayaw nila na maka-close ko silang dalawa...
Pero posible ring masyado ko lang na iniisip ang lahat. Hindi sila connected at sadyang ayaw lang nila akong mapahamak.
Gano'n nga lang siguro...
"Lutang ka yata ngayon, Misaki..." Pansin ni Ezrel nang paakyat kaming rooftop.
Walang klase ngayon dahil nag-aayos ng booth ang bawat isa. Mayroon kasing school festival na magaganap dito sa isang linggo kaya busy ang lahat, mapa-teacher man o estudyante.
Kami ni Ezrel, imbis na tumulong sa classroom namin, tumakas kami para maglibang dito sa rooftop.
Sakto kasing malamig ang panahon ngayon at makulimlim. Masarap na magpahangin sa mataas na lugar.
'Wag lang talaga kaming mahuli ng teacher dito.
"Ezrel, may tanong ako..." Singit ko sa gitna ng usapan namin about sa libro na kinuha namin noon sa library.
"Ano 'yon?"
"May problema ka ba sa mga shinigami?"
"Bakit?"
"Kasi 'di ba gusto mo silang patayin dati pa..."
"Ah..."
Iniisip ko lang kung sinisisi niya ba ang mga shinigami sa pagkamatay ng mama niya? Ramdam ko kasi na sobrang halaga ng mama niya para sa kanya, e.
Lahat naman tayo siguro, mahal na mahal natin ang ating mga magulang to the point na sinisisi na rin natin sa iba kapag nawala sila sa'tin.
"Trip ko lang siguro..."
I knew he was lying.
Halata 'yon sa expression sa mukha niya.
"Pero ngayon, hindi na trip. Gusto kong mapatay sila para hindi ka nila magalaw. Hindi ko hahayaan na kuhanin ka nila,"
He was really kind and sweet. Nakakatunaw ng puso.
"Naisip ko lang..."
"Ano 'yon?"
"Bakit natin kailangang sisihin 'yong mga shinigami, e, parang taga-linis lang naman natin sila kapag namatay na tayo?"
"Hindi naman tayo mamamatay kung hindi nila kukuhanin 'yong kaluluwa natin..."
"Pero di naman tayo mabubuhay ng kaluluwa lang. Kapag nasira na 'yong physical body natin, wala na rin tayong pag-asa,"
Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi ako naniniwala."
I guess, nakatatak na talaga sa utak niya na mga shinigami ang may dahilan kung bakit namamatay ang isang tao. Siguro, may na-experience siya na hindi ko pa nae-experience kaya gano'n.
Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pinagdaanan kaya hindi ko pwedeng basta na lang i-judge ang isang paniniwala.
"Then, isu-support na lang kita sa kung anong gusto mo..." I said.
"Talaga?" Nakangiting aniya, mukhang tuwang-tuwa.
I nodded. "Yes."
"Thank you, Misaki!"
Wow... talagang natuwa siya roon sa sinabi ko? So, it just means na seryoso nga siya sa pagpatay ng shinigami?
If ever, I wonder kung paano niya mapapatay ang anghel ng kamatayan? Hindi ba mauuna pa siyang mamatay roon?
"Bumalik na nga muna tayong classroom, baka hinahanap na tayo ng iba." O siya lang ang hinahanap.
Hindi naman ako kailangan doon. Para lang akong hangin na dadaan-daan sa kanila.
"Okay,"
Bumaba na kami ng rooftop at dumiretso sa classroom. Naabutan namin silang busy pa rin sa pagde-decorate. Itong room kasi ang gagamitin namin para sa booth kaya inaayos nila.
"Ezrel!" Sinalubong agad siya ng mga classmate namin.
Naiwan ulit ako ritong mag-isa. Hindi ko alam kung paano ako lalapit sa mga kaklase ko at tutulong sa ginagawa nila.
Iniisip ko pa lang, umuurong na 'yong dila ko.
"Nina, pakuha raw ng chalk!" Sigaw ng isa mga kaklase namin.
"Okay! Hagis ko lang d'yan, ah!" Nagtawanan pa sila bago kuhanin ni Nina ang chalk.
Sinundan ko ito ng tingin sa paglalakad niya papuntang harap para iabot ang chalk pero laking gulat na lang ng lahat nang bigla itong bumagsak sa sahig.
Lahat ng kaklase ko ay nagsilapitan agad kay Nina.
"Hoy! Tumawag kayo ng teacher!"
Samu't sariling mga sigaw sila.
Tanging pagkurap lang ng mata ang nagawa ko. Unti-unti akong lumapit pero bago pa man ako tuluyang makarating sa kumpol nila ay sumigaw na ang isa kong kaklase.
"s**t, hindi na tumitibok 'yong puso ni Nina!"