Death Five

2039 Words
Mabilis na kumalat sa buong classroom namin ang hula ng lola ni Nina na chinismis niya sa iba naming kaklase. Nabalot ng takot ang iba habang ang ilan naman ay tatawa-tawa lang at nag-aasaran pa na sila na ang mamamatay. Base sa narinig ko, nagpahula raw si Nina sa lola niya. Ang hinula nito ay mayroong mamamatay sa loob ng classroom namin. Wala itong sinabing pangalan pero mag-ingat daw kaming lahat para na rin sa ikabubuti namin. "Hoy, guys, kapag namatay ako, 'wag niyo akong kalimutan, ah!" Sigaw ni Mark sa harap at umakto pang naiiyak. "P're, di ka namin kakalimutan basta 'wag mo lang kalimutan na lagyan ng maraming manok 'yong lugaw at 'wag puro sabaw, ha." Panggagatong ni Paul na kaibigan niya sabay tapik sa balikat nito. Nagtawanan sila pati na ang ibang mga nasa harap. Nadagdagan pa ang mga nakikipagkwentuhan sa kanila hanggang sa malihis na 'yon sa ibang usapan. Napabuntong-hininga na lang ako at tinitigan ang blackboard na walang kasulat-sulat. Hinihintay pa namin ang last teacher namin bago mag-uwian. Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko kaya ibinaling ko ang tingin ko rito. Hindi na ako nagulat nang makita na si Ezrel 'yon. "Yo," aniya at ngumiti. "Hello..." Hindi kami masyadong close sa loob ng classroom at minsan lang mag-usap, kapag may mga projects lang at saktong teammates kami. Ako ang nagsabi sa kanya na 'wag dalasan ang pagtabi o pakikipag-usap sa'kin kapag nasa classroom kami dahil baka mapag-initan ako ng mga kaibigan niya rito. Obviously, siya ang favorite person ng crowd ngayon at ayaw ng mga 'yon na naaagaw sa kanila ang favorite nila kaya kailangan kong mag-back off. Masaya na ako na magkaibigan kami ni Ezrel sa labas ng classroom. "Hatid kita ngayon sa bahay mo?" Mahinang tanong niya habang nakapangalumbaba. Umiling ako. "Okay lang ako. Umuwi ka na lang sa inyo." "Bakit? Ayaw mo bang makasama ako maglakad pauwi?" "H-Hindi, ah..." Pakiramdam ko, nagdadrama siya. "Ayoko lang na mapagod ka pa sa paglalakad at gumastos ng doble sa pamasahe." Paliwanag ko. "Ah..." Umiwas siya ng tingin. "E, hindi naman ako mapapagod." "Kahit na," "Hatid na kita," "'Wag na nga," "May sasabihin ako mamaya tungkol sa shinigami," Agad akong napatingin sa kanya. "Ano?" "Wow, nakuha agad ang interes mo, ah..." Pang-aasar niya. Sumama ang tingin ko rito. "Bahala ka nga." Natawa siya nang mahina. "Basta mamaya na natin pag-usapan. Nand'yan na rin si ma'am, e." No'ng tumingin ako sa harap, napansin ko nga na papasok na si ma'am ng classroom namin. Hindi na ulit kami nagdaldalan ni Ezrel at nakinig na lang sa teacher. Nagkaro'n ng short quiz at after mag-check at maipasa ang papel, dinismiss na rin kami. "Cleaners ka?" Tanong ko nang imbis na lumabas ay lumiko siya sa isang row. Umiling ito. "Hindi. Mauna ka na lumabas, may itatanong lang ako." Tumango ako. "Okay." Lumabas ako ng classroom na may mga matang nakasunod ang tingin sa'kin. Napansin yata nila na kinausap ko si Ezrel at unusual 'yon sa mga paningin nila. Nakakahiya at hindi ako sanay sa mga gano'ng tingin kaya nagmadali na ako sa paglabas. Naupo ako sa pinakamalapit na bench sa may room namin at pinatong muna ang bag ko sa gilid. Ang bigat din kasi. "Misaki!" Inangat ko ang tingin ko matapos ang ilang minuto. "Tapos na?" I asked as I stood up again. Lumapit ito sa'kin at kinuha ang bag ko sa gilid. "Uy..." "Ako na rito," nakangiting aniya. "Pero–" "Tara na, dali. May pupuntahan pa tayo, samahan mo ako." "Huh? Saan tayo pupunta?" Nauna siyang lumakad sa'kin at hinayaan ko muna 'yon. No'ng makalabas na kami sa gate, saka ako nagmadaling maglakad para makahabol sa kanya. "Uy, saan tayo pupunta, Ezrel?" Tanong ko ulit. "Libre ko pamasahe," "May pera naman ako... tinatanong ko lang kung saan tayo pupunta," "Sa lola ni Nina," "Ah... bakit?" "Narinig mo ba 'yong kwento niya about sa hula ng lola niya?" "Uh, oo... kala 'yon sa room, e." Wala na lang tainga 'yong hindi makakaalam no'n. Mabilis lang din kasi na kumalat lahat ng chismis sa room namin. Kaya kapag may sikreto ka, hinding-hindi mo talaga pwedeng sabihin sa kahit na kanino sa kanila. "May gusto akong i-confirm sa lola niya," "Ano 'yon?" "Base kasi kay Nina, halos lahat ng hula ng lola niya ay tungkol sa mga malapit nang mamatay, 'di ba?" "Ah, oo..." Ngayong nabanggit niya 'yan, tama nga naman. "E, anong gusto mong i-confirm sa lola niya?" Naguguluhang tanong ko. Tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napahawak na lang ako bigla sa noo ko kasabay ng isang pag-aray nang bigla niya itong pitikin. "Para sa'n 'yon?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. "Ang slow mo ngayon, Misaki." "Bakit ako naging slow?" "Sabi ko kanina 'di ba may sasabihin ako about sa shinigami?" Napatango ako. "Oo nga. Ngayon ko lang ulit naalala. Totoo ba 'yon? Akala ko, nagjo-joke ka lang." "Totoo 'yon..." Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad kaya sinundan ko ito. "Ah, nagets ko na..." Aniko nang may ma-realize. "Alam mo na?" "Iniisip mo na may connection sa shinigami 'yong lola ni Nina?" Tumango ito nang mabilis at pumitik sa hangin. "Bingo!" Ang weird niya naman mag-isip. Ni minsan hindi ko napagtanto na maaaring magkaro'n ng connection ang tao at shinigami. "Hindi ba pwedeng magaling lang talaga manghula ang lola niya?" Umiling ito. "Hindi coincidence ang lahat ng hula niya. Sabi ni Nina, kapag tungkol sa mamamatay ang hula ng lola niya, paniguradong may mamamatay talaga." "Narinig ko rin nga rati na kapag nahulaan na raw ng lola niya na may mamamatay, wala ng ibang way para i-oppose 'yon..." He nodded. "Yes, lalo na kung may shinigami na involve." "Tatanungin ba natin ang lola niya about sa kamatayan?" I asked after we finally got inside the jeep. "Oo, balak ko." "Hindi ba tayo mapapagkamalang baliw nito? I mean, most of the people believe that shinigami is only a fictional creature, right?" Paalala ko sa kanya. Tingin ko nga, kami lang ang naniniwala sa shinigami sa lugar na 'to. "Hindi 'yan, akong bahala." Talagang desidido siya na ipagpatuloy 'to, e, 'no? Well, hindi ko naman din siya mapipigilan kaya sasamahan ko na lang siya. At least, dalawa kaming masasabihan na baliw kung sakali. Pagdating namin sa bahay nina Nina, kumatok kami agad sa pinto. Sinabi sa'kin ni Ezrel na ang lola lang daw pala ni Nina ang narito. "Good afternoon po..." Mahinang bati ko nang pagbuksan kami nito ng pinto. "Oh, good afternoon." Kasunod ng matamis na boses niya ay ang pagtulala ko nang masilayan ang mukha niya. Ang ganda niya. Hindi ko ine-expect na ganito pa pala kabata ang lola ni Nina. Tingin ko, nasa 40's lang siya, e. Nagtataka pa ako dahil bakit mag-isa lang na naninirahan ang lola ni Nina, 'yon naman pala ay bata pa ito. "Good afternoon po, ma'am." Magalang na bati ni Ezrel at ngumiti. Bahagyang napaatras ang lola ni Nina nang bumati si Ezrel. "H-Hijo..." "Po?" Ezrel responded in a cheerful way. "B-Bakit ka narito?" Something felt odd. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko parang nakakita ng multo si lola. Takot ang expression na nakikita ko sa mukha niya. Wait... maaari bang isa sa'min ni Ezrel ang mamamatay? O si Ezrel mismo? After all, naging ganito si lola nang bumati si Ezrel. "May itatanong lang po sana ako," "Aalis din ba agad kayo?" Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong mahigpit ang hawak sa rosaryo. "Opo, mabilis lang naman po ito..." Mukhang hindi napapansin ni Ezrel ang nangyayari sa paligid dahil busy siya sa pakikipag-usap kay lola. "Kaklase po ako ni Nina," "K-Kaklase ka ng apo ko?!" "Uh, yes po..." Mukhang nagulat na rin si Ezrel sa biglang taas ng tono ng manghuhula. "Nasabi niya po kasi sa'min na nahulaan niyo raw pong may mamamatay sa class–" "U-Umalis na kayo..." "Po?" Pati ako ay kumunot din ang noo. "Hindi na ako nanghuhula, pasensya na." Bago pa ulit kami makapagsalita ay pumasok na ito sa loob ng bahay niya ay sinara ang pinto. Naiwan kami rito ni Ezrel na takang-taka na nakatingin sa isa't-isa. "Anong problema no'n?" Naguguluhang tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam. Uwi na lang tayo." Pag-aya ko sa kanya. Mas okay na rin na hindi natuloy ang tanong ni Ezrel. At least, hindi kami natawag na baliw. "Sayang naman at 'di ako nakapagtanong..." Inunat nito ang dalawang braso niya nang pauwi na kami. "Dapat ay kay Nina na lang natin pinadaan 'yong tanong," suggest ko. "Ayoko," "Bakit?" "Baka masabihan tayong baliw," Natawa ako. "Takot ka rin palang masabihang baliw, e. Bakit pa tayo nagpunta ro'n sa lola niya?" "May chance kasi na may alam ang lola niya sa shinigami," "Hmmm..." "No'ng nakita ko 'yong mukha ng lola niya, naging 90% sure ang kutob ko na 'yon," "Bakit naman?" "Seventy-nine na ang edad ng lola niya," "Huh? Seryoso?" Gulat kong tanong. Tumango ito. "Pero nakakagulat na gano'n pa rin siya kabata tingnan, 'di ba?" "E, malay mo naman kasi... maraming way ngayon para magmukhang bata ulit," "Mayaman ba sina Nina?" Natahimik ako. Ang alam ko nga, mahirap lang sina Nina. Scholar siya at nagwo-working student. Doon sa bahay na pinuntahan namin kanina, hindi rin 'yon gano'n kaganda. Para lang siyang kubo sa liit. "E 'di anong connect ng shinigami sa kabataan ng mukha ng lola niya?" "Hindi mo pa ba tapos basahin 'yong book?" Umiling ako. "Hindi pa, e..." "Basahin mo, naroon 'yon." "Sabihin mo na lang kaya sa'kin..." "Ayokong i-spoil ka," Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Maduga at pabitin din minsan 'tong si Ezrel, e. "Oo na, babasahin ko na lang." Nang dumating ang weekend, medyo nakahinga na ako nang maluwag. Dalawang araw ang lumipas mula nang malaman namin ang hula ng lola ni Nina at so far, wala pang nangyayaring kakaiba. 'Yong iba tuloy ay sinasabihan nang scam daw ang lola ni Nina. Nag-iingat pa rin ako kahit na may part sa'kin na hindi naniniwala roon. Sinabihan ko rin si Ezrel na mag-ingat lagi. Hindi pa nawawala sa isip ko na may chance na siya ang mamamatay naming kaklase. Dahil Sabado ngayon, wala munang pasok kaya mas safe at makakapag-stay lang sa bahay. Iyon ang iniisip ko bago ko makita na wala na palang stock ng pagkain sa kusina. Kailangan ko munang mamili. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa'kin. Isa pa, bakit ba ako nagiging paranoid about doon sa hula ng lola ni Nina? Hindi naman ako naniniwala roon. Hindi ako naniniwala pero ingat na ingat pa rin akong lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle. Hanggang sa makarating ako ng supermarket ay panay ang bantay ko sa paligid ko. "Hoy," "H-Hoy!" Napasigaw na lang ako nang may biglang magsalita mula sa likod ko kasabay ng isang pagkalabit. "Oh, sorry. Nagulat ba kita?" Bumungad sa'kin ang magandang ngiti ng isang babae. Nanliit ang mata ko nang mamukhaan siya. Ito na naman 'yong babae na weirdo! 'Yong nagsabing nakakakita raw siya ng shinigami. Ito pala ang dapat na iharap ko kay Ezrel. "Hindi naman," pagkasagot ko ay naglakad na agad ako palayo sa kanya pero sinundan lang ako nito. Napahinto ako sa harap ng shelf ng mga biscuit at napahilamos sa mukha ko. "Bakit ka po ba sunod nang sunod, ate? May kailangan po ba kayo sa'kin?" Nilakasan ko na ang loob ko na magtanong. Hindi lang kasi ito ang pagkikita namin ulit. No'ng isang araw, nagkita rin kami sa coffee shop na pinuntahan ko pero tumakbo agad ako pauwi kaya natakasan ko siya. Pero ngayon, ito na naman siya... "Ate? Ako?" Tumango ako. "Opo. Alam niyo po ba na masama ang nang-i-stalk?" Bigla itong natawa kaya namula ang mukha ko. Mali ba ang sinabi ko? Naging assumera ba ako masyado? Baka naman coincidence lang ang lahat at hindi talaga siya nang-i-stalk... "S-Sor–" "Wait lang, ah..." Anito habang tumatawa pa rin. "Hindi ako ate." Kumunot ang noo ko. "Po?" Umiling-iling siya habang pinipigil ang tawa. "Hindi ako babae kasi lalaki ako." Lalaki?! "Dati po ba kayong clown?" Mas natawa lang ito. "Sorry..." Parang hindi na siya makahinga sa sobrang tawa niya, ah. "Marami ding nag-aakala sa'kin na babae ako pero lalaki ako." Paglilinaw niya. Lalaki ba talaga siya?! Sa gan'yan kagandang buhok at mukha, lalaki siya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD