Death Four

2067 Words
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" Sobrang nag-aalala ang mukha nito. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang kinikilos niya ngayon. May nangyari bang masama? Madalas nga kasi ay may mga namamatay rito sa lugar namin, lalo na nitong nakaraan. Nagsimula 'yon noong nasaksihan namin ang pagpatay na nangyari sa library na pinuntahan namin. After noon, nagsunod-sunod na ang case ng pagkamatay sa lugar namin. Medyo nakakatakot nga dahil maraming nagsasabi na maaaring 'yong mismong sarili mo na ang sunod na mamatay. Hindi kasi lahat ng cases ay naipaliwanag nang maayos. 'Yong iba, bigla na lang inatake sa puso kahit na wala silang history ng sakit sa puso. Mayroon din namang nasunog ang kanilang katawan kahit na walang pinagmulan ang apoy. Marami pang hindi maipaliwanag na pangyayari ang nangyayari rito sa'min kaya nag-iingat talaga ang lahat. May mga ilang na-trauma na rin at hindi na lumalabas ng bahay, pero ang ilan ay namatay pa rin. Wala talagang takas. "Okay lang ako, Ezrel..." Mahinang sagot ko nang mukhang hindi siya mapalagay. "Sigurado ka? Wala bang binanta 'yong kasama mo kanina sa'yo?" Kunot-noo nitong tanong at nakahawak pa rin sa dalawang balikat ko. Kasama ko kanina? 'Yong weirdo bang babae na nakasakay ko sa jeep? Hindi ko alam na napansin niya pala 'yon. "Okay lang naman ako. Bakit? Ano bang mayroon do'n sa babae?" Nagtataka kong tanong. Nang marinig niya ang sinabi ko, halatang nakahinga na siya nang maluwag. BInitawan nito ang balikat ko at hinawakan naman ang kamay ko. "Buti naman," dinig kong bulong niya. "U-Uy, may problema ba ro'n?" Pangungulit ko sa kanya. Umiling ito at malapad na ngumiti. "Wala. I'm just happy that you're safe." Dahan-dahan akong tumango dahil sa pagkaweird sa kanya. "Uh, okay..." Hindi ko siya maintindihan pero nakakatuwa na naag-aalala siya sa'kin. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kaibigan kaya hindi ko alam na ganito kasarap sa feeling, though may times na medyo awkward din dahil nga sa hindi ako sanay. Pagdating namin sa loob ng classroom, humiwalay na agad ako kay Ezrel, or more like nahiwalay na sa kanya dahil kinuha na siya ng ilang mga babae at lalaki para pagkuwentuhan. Sikat si Ezrel sa halos lahat kahit na may ilang mayro'ng may galit sa kanya. Maganda rin naman na marami siyang kaibigan bukod sa akin. Personally, alam ko na boring akong kasama at kausap. Puro ahh at oo lang ang alam ko na isagot. Kapag magsasalita ako nang mahaba, tungkol pa 'yon sa shinigami. Iniisip ko nga kung hindi ba ako nakakaumay na kaibigan para sa kanya? Pero gusto niya rin naman ng sihingami kaya tingin ko walang problema 'yon? Pagtapos ng klase sa umaga, nauna na akong lumabas kay Ezrel sa classroom. Sabay kami lagi kumain nitong mmga nakalipas na araw pero narinig ko kanina na inaaya siya nina Janine na kumain sa cafeteria. Pagdating sa rooftop ng building ng classrom namin, binuksan ko ang tupperware ko na may laman ng lunch ko. Tinitigan ko na lang ang isa pa. Dalawa kasi 'tong ginawa ko. Lagi kasi walang dalang lunch si Ezrel tapos ang binibili niya pa ay puro unhealthy foods. Looks like nasayang ang ginawa ko. Hinid ako malakas kumain kaya hindi ko 'to kayang ubusin. "Misaki!" Halos maihagis ko ang hawak na baunan sa sobrang gulat sa bigalng paglitaw ni Ezrel Ang lakas pa man din ng pagkakabukas niya ng pinto kaya kumabog talaga ang dibdib ko, iyon pa yata ang magiging cause ng pagkamatay ko, e. Unusual din 'yon. Namatay dahil sa gulat. "U-Uy..." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Bakit ka narito?" Nagtataka kong tanong. Pinilig niya ang ulo niya. "Bawal ba ako rito?" Mabilis akong umiling at winagayway ang kamay. "H-Hindi sa gano'n. Pero kasi 'di ba, inaaya ka nina Janine? Baka hanapin ka nila..." "Ah..." Naglakad siya palapit sa'kin at inilagay ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya. "Ni-refuse ko naman 'yong pag-aya nila sa'kin." "Huh? Bakit? Sayang din 'yon, para makagawa ka ng mga bagong friends..." Umiling siya at umupo sa inuupuan ko kanina. "Hindi na. Hindi ko naman gusto ng maraming kaibigan." I could see that he was saying the truth. Hindi rin naman talaga siya 'yong uri na maghahanap ng napakaraming kaibigan. Sabagay, hindi naman talaga need 'yon. Kahit na isa lang ang kaibigan mo, okay na 'yon. As long as totoo siya at hindi ka niloloko. "Uh, o-okay..." Umiwas ako ng tingin bago umupo sa tabi niya. "Anong kinakain mo?" Nakangiting tanong niya. "Lunch ko..." "Ano ulam?" Sinilip niya ang tupperware na nasa gilid ko. "Wow, maling 'yan?" I nodded. "Oo." "Favorite ko 'yan no'ng bata ako. Laging niluluto sa'kin ni mama sa umaga," "Uh, gusto mo ba?" "Hindi na!" Umiling siya. "Kumain ka na lang nang marami para magkalaman ka." Nahihiya ba siya? O iniisip niya na baka kulang pa 'to sa'kin? "Hindi naman itong akin, e. May binaon ako na para sa'yo talaga..." Kinuha ko ang isa pang tupperware sa loob ng bag at inabot 'yon sa kanya. "Ito, oh." "Akin 'yan?" Kunot-noong tanong niya. I nodded. "Oo." "Sure ka?" Tila 'di makapaniwalang aniya. "Oo naman, ayaw mo ba?" "Hindi sa gano'n... pero 'di ba nakakahiya? Bayaran ko na lang kaya?" Kumunot ang noo ko at bahagyang sumama ang tingin sa kanya. "Anong bayaran ka d'yan? Ginawa ko talaga 'yan para sa'yo kaya tanggapin mo na." "G-Galit ka ba?" Naitikom ko na lang ang bibig ko at inilayo ang tingin. "Hindi ako galit..." Masyado bang napa-harsh ang pagkakasalita ko? He chuckled. "Okay lang. Ang cute mo naman magalit, e." "S-Sorry..." I apologized. "Bakit ka nagso-sorry?" "Napasama yata 'yong pagkakasabi ko..." "Hindi, ah. Ang cute nga, 'di ba?" Hindi ako sumagot. Baka kasi sinasabi niya lang 'yon para pagaanin ang loob ko at hindi mag-isip ng kung ano-ano. "Hoy, Misaki." Napa-aray ako nang mahina nang pitikin nito ang noo ko. "Masyado mo talagang sineseryoso lahat ng bagay, 'no?" "Hindi, ah. Worried lang ako na baka may nasabi o masabi akong nakaka-offend..." Si Ezrel lang ang kaibigan ko. Masaya ako na naging kaibigan ko siya kaya kung sakali, ayokong lumayo ang loob niya sa'kin. "Ah... e 'di ganito na lang..." Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ngumiti. "Kahit na may masabi ka pang nakaka-offend, hindi ko na lang papansinin, okay?" "Huh? Unfair 'yon sa'yo..." "Hindi, ah." "Unfair kaya," "Ano naman?" "E, syempre... bakit ba ang bait mo? Kapag gan'yan ka lagi, may tendency na gagamitin ka lang ng iba," Kaya ayoko na maging mabait masyado. Though, hindi ako palahalobilo sa ibang tao kaya malabo na magamit ako. Ni hindi nga ako sanay makipag-usap nang maayos sa iba. Naging comfortable lang ako kay Ezrel kaya hindi na ako masyadong nauutal kapag kinakausap siya. "Hindi naman ako mabait sa lahat. 'Tsaka hindi rin talaga ako mabait..." "Weh?" Bumulalas ito ng tawa kaya kumunot ang noo ko. "Bakit ka natawa?" "Ikaw kasi. First time kong marinig 'yon sa'yo, 'yong tipong parang 'di ka talaga naniniwala." "E, hindi naman kasi talaga ako naniniwala." After all, sinabi niya sa'kin noon na if may way man para hindi mamatay, siya ang magiging person na hahanap ng way na 'yon para 'di na ako mahirapan. Bawat sinasabi niya, alam kong totoo 'yon. Kaya hindi ako naniniwalang hindi siya mabait. No'ng medyo humupa na ang kwentuhan namin, tinanggap niya na rin ang pagkain na inaalok ko sa kanya. Nagustuhan niya 'yon– halata sa kanyang mukha. Mukhang favorite niya talaga 'yon no'ng bata pa siya. Magkahalong saya at lungkot kasi ang nakikita ko sa mata niya habang kumakain siya. Maybe, he was reminiscing his mother. "About nga pala roon sa book na kinuha natin sa library, nababasa mo ba?" Tanong niya nang malapit na kaming matapos sa pagkain. "Uh, yeah. Nag-eenjoy ako na basahin siya kasi parang halos lahat ng information ay totoo. I mean, it makes sense..." I said. Though, may ilang part ako na hindi maintindihan kasi parang may literal siyang meaning pero may mas malalim pa na ibig sabihin. Hindi gano'n kalawak ang pang-unawa ko kaya hindi ko rin sigurado. "Totoo naman talaga lahat ng nakalagay roon," bulong niya. Agad na nangunot ang noo ko. "Huh?" "Kung totoo talaga lahat ng nakalagay roon, anong gagawin mo kako?" "Ah... ano..." Ano nga bang gagawin ko? Sa pagkakatanda ko, may nabasa ako roon na hindi raw lahat ng tao na nakakahalubilo natin ay totoong tao. 'Yong iba raw ay shinigami. Binabantayan ka nila dahil malapit na ang oras ng kamatayan mo. No'ng nabasa ko nga 'yon, parang natakot ako na makihalubilo sa mga hindi ko pa gaanong kilala. "Wala naman..." "Hindi ka natatakot?" "M-Medyo siguro?" "Paano kung shinigami ako at narito ako ngayon dahil binabantayan kita hanggang sa mamatay ka para makuha ko ang kaluluwa mo?" Seryosong saad niya. Umawang ang labi ko at bahagyang napaatras sa pagkakaupo. "U-Uh..." I didn't even think about it. May chance nga na shinigami si Ezrel! After all, bigla na lang siyang dumating dito at ako agad ang nilapitan which is nakakapagtaka. Isa pa, siya rin ang nagbigay sa'kin ng information na 'to about sa mga shinigami. Coincidence ba ang lahat? Napalunok ako at pilit siyang tiningnan sa mata. "S-Shinigami ka?" Ilang segundo ang lumipas at nakatitig lang kami sa isa't-isa. Nang kumurap ako, tumawa siya nang malakas at kinurot ang pisngi ko. "A-Aray..." "Ang cute mo talaga!" Tuwang-tuwang aniya. Trip niya ba talaga akong panggigilan? Nang nawala ang pagkurot niya sa pisngi ko ay ginalaw-galaw ko ang panga ko. Ang sakit no'n, ah. "Hindi ako shinigami. Pero gusto kong maging shinigami..." "Uh, yeah, sabi mo nga no'ng nakaraan..." "Yup," "Pero Ezrel..." "Oh?" "Hindi ka ba natatakot na mamatay? Lalo na ngayon na sunod-sunod ang cases ng death..." "Ah..." Sinara niya ang tupperware. Tapos na pala siyang kumain. "Hindi naman ako takot na mamatay." So, hindi pala kami magkatulad. Hindi na ako sumagot at tinapos na lang ang pagkain. No'ng matapos, bumaba na kaming rooftop para magtungo na ulit sa classroom. "Uh, Ezrel, naalala ko lang..." "Ano 'yon?" "Kanina pala... about do'n sa babae, bakit parang worried na worried ka? Kilala mo ba 'yon?" "Uh, hindi..." Nauna ito sa'king maglakad ng kaunti. "Hindi mo naman kasi kilala 'yon, 'di ba?" "Paano mo nalaman na hindi ko kilala?" Patakbo akong naglakad para makahabol sa kanya. "E, ano..." Kumamot ito sa sintido niya at alanganing ngumiti. "Kasi 'di ba sabi mo nga wala ka naman masyadong close na ibang tao?" Ah, yeah. May nasabi nga akong gano'n sa kanya no'ng nakaraan. Tumango ako. "Oo nga." "Kaya naisip ko na baka 'di mo 'yon kilala, tapos isabay pa 'yong nga unusual cases ng mga sunod-sunod na pagkamatay. Baka mapahamak ka kaya nag-aalala ako..." I couldn't help but to smile. "Thank you, Ezrel." "Huh, ba't?" He looked at me. Wala kasing nagwo-worry sa akin ng gan'yan. I smiled widely. "Wala lang," Natigil siya sa paglalakad at tinitigan ang mukha ko. He looked shocked. "Uy, may problema ba?" Umiling ito at dahan-dahang ngumiti. "Wala. Tara na." Pinilig ko ang ulo ko pero sumunod na lang din sa kanya. He was really weird in some ways. But that just made him looked good. Lumipas ang mga araw at tila unti-unting dumidilim ang lugar namin. Para bang may hindi pangkaraniwang nangyayari. Madalas na rin kung dumilim ang langit. Pero siguro hindi naman siya connected at coincidence lang. "Morning, Misaki!" Nakasalubong agad sa'kin si Ezrel nang makababa akong jeep. Lumilinga-linga pa siya sa paligid na parang may tinitingnan. "Morning..." Kinusot ko ang mata ko bago ulit tumingin sa kanya. "Bakit 'di ka pa pumapasok?" "E, hinihintay pa kita." "Pasok na ba tayo?" I asked. He nodded. "Tara na." No'ng makapasok kaming school, nagulat na lang ako dahil walang sumalubong sa'min ni Ezrel. Lahat ay nasa loob ng classroom at nakapalibot sa isa naming kaklase. May pinag-uusapan silang kung ano. Nakisali rin agad doon si Ezrel pero nagpunta na ako sa upuan ko. Wala akong balak na makisama pa sa kanila dahil hindi rin naman ako belong. "Gagi, nakakatakot, 'no..." Rinig kong bulong ng nasa unahan kong kaklase. "Kadalasan pa naman ay tama 'yong hula ng lola niya, e, 'no?" Nagtanguan silang dalawa. Ah, iyon pala ang pinag-uusapan nila. Manghuhula kasi ang lola ni Nina, isa sa mga classmate ko na pinagkukumpulan nila kanina. Hindi naman ako interesado doon dahil walang katotohanan pero umawang na lang ang labi ko nang marinig ang sunod na pinagbulungan nila. "E 'di sino kayang mamamatay sa'tin dito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD