"Anong ibig mong sabihin?" Nanliit ang dalawang mata ko at tinitigan siyang mabuti. "Huwag mong subukang biruin ako o ano. Naniniwala ako ngayon sa lahat ng sinasabi mo." Tumango siya. "Ayos lang dahil totoo ang sinasabi ko." Halata nga sa mukha at pananalito niya na hindi niya ako bibiruin about sa pagiging hindi tao ni Ezrel. "Alam mo naman siguro ang ginagawa niya, 'di ba?" Seryoso itong tumango. "Oo." "Marami na ba siyang napapatay?" Ang alam ko lang ay 'yong doon sa lasing. 'Yong nakita kong dugo noon sa siko niya, hindi ako sigurado sa kung saan 'yon galing. "Marami na rin," "Hindi lang isa o dalawa?" Umiling siya. "Mula nang dalawin kita at akalain niyang kukuhanin na kita, mas lumala ang galit niya. Doon din siya nagsimulang magkaroon ng mga thoughts about sa pagpatay,

