"Misaki, hindi mo ba nagustuhan 'yong luto ko?" Mahinang tanong ni Ezrel sa kalagitnaan ng pagkain namin. Inangat ko ang tingin sa kanya at umiling. "Hindi naman. 'Wag kang mag-alala, nagustuhan ko siya." "O-Okay..." Yumuko ito at hindi na ulit nagsalita. Mas siniglahan ko na lang ang pagkain para hindi na siya mag-alala. Napansin niya siguro na wala akong gana at mahina kumain. He must be worried. After all, para ko na siyang nanay. Lagi niyang chine-check kung ayos lang ba ako. For me, it wasn't bothering. Sa totoo lang, natutuwa ako roon. Hindi ko masyadong matandaan kung anong pakiramdam ng may nanay dahil kinuha agad sa'kin si mama kaya masaya ako na nararanasan ko 'yon sa kanya– 'yong pakiramdam ng may nanay. "Ezrel," mahinang tawag ko sa kanya nang patapos na kami. "Ano '

