Patay na si Dianie. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi ko magawang maniwala sa sinasabi ng matandang katulong pero ito na ang nakahimlay na katawan ni Dianie. "Kakapanaw niya lang, hija." "A-Ano pong nangyari?" I was in a confusion right now. Hindi ko alam ang unang tamang gawin. Umiyak ba? Magtanong ng mga nangyari? Makiluksa sa pamilya niya? "Ilang minuto bago kayo rumating, tumigil ang pagtibok ng puso ni Dianie." "Po?" Parang nangyari kay Nina? "Nasa kwarto niya ako noon. Abala siya sa'kin sa pagku-kwento habang kumakain ng meryenda. No'ng malapit niya nang maubos ang fries, bigla siyang tumigil sa pagsasalita at ngumiti. Sinabi niyang pakisabi raw sa inyo na masaya siyang nakasama niya kayong dalawa. Pagkatapos no'n ay humiga siya ng kama at unti-unting pumikit ang mata,"

