"Wala na ngang magagawa roon, hija." Anito habang palapit sa'kin. Inapag niya ang dala-dalang meryenda sa mesa sa harap ko. "Sigurado na po ang pagkamatay niya?" Kunot-noong tanong ko. Tumango ito. "Oo. Kahit pa na ilang beses siyang subukang iligtas ni..." Tila nagdadalawang isip ito sa pagbanggit sa pangalan ni Ezrel. "N-Ng kaibigan mo ang kaklase mong mamamatay na, hindi na mababago ang kapalaran niya. Mapapagod lang kayong dalawa. Hindi siya tatantanan ng kamatayan kahit na anong mangyari." I kinda felt sad. Gusto kong mailigtas si Dianie. Gusto kong makasama pa siya nang matagal at maging close na kaibigan. Pero mukha wala ng paraan pa para mangyari 'yon. "Gano'n po ba..." Bumagsak ang tingin ko sa pagkain na nakahain sa mesa. Hindi ko man lang siya nagawang makasama noon na

