Everything's in chaos. Pansamantala munang itinigil ang pagpasok sa ekwelahan para sa kabutihan ng lahat. Pangalawang araw ko na 'to na nasa bahay lang. Nagse-send naman ang teachers namin ng mga gawain sa bawat subject kaya kahit na nasa bahay ay tuloy pa rin ang pag-aaral. 'Yon nga lang at hindi pa rin ako makapag-focus dahil nag-aalala ako kay Ezrel kung nasaan siya ngayon. Ni anino niya ay hindi ko matagpuan. He was nowhere to be found again. Kahit na pinagbabawal na ang madalasang paglabas, panay pa rin ako alis ng bahay. Palusot ko na kailangan kong bumili ng mga basic needs kahit na mayro'n naman sa bahay. Nagbabaka sakali lang akong makita si Ezrel. "Misaki?" Napatigil ako sa paglinga-linga sa kung saan nang marinig ang pamilyar na boses. "Klara..." Mahinang sambit ko sa

