Until now, wala pa rin akong balita kay Ezrel. Isang linggo na siyang absent. Wala akong idea kung saan siya maaaring magpunta at kung bakit siya biglang nawala. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay nila pero wala siya. Naglakas loob akong magtanong sa mga teacher namin pero wala rin daw silang balita sa kanya. "Bakit kaya wala si Ezrel? Hindi ba kayo nag-away, Misaki?" Mala-chismosong tanong ni Jun habang nakapangalumbaba. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, e. Wala rin siyang pasabi sa'kin na mawawala siya." Wala ba talaga... o ini-ignore ko lang 'yong posible at nag-iisang maaaring dahilan? I didn't want that to happen. I didn't want to know that he really meant what he said... that he would kill him. "Weh? Hindi ba gusto ka no'n tapos binusted mo siya? Baka pinag-alala ka

