Sinusubukan kong i-approach si Ezrel tuwing free time pero lagi niya akong iniiwasan. May time na makikipag-usap siya pero saglit na saglit lang– ipapakita niya pang hindi siya interesado na kausap ko. It hurt me, honestly. Alam kong hindi niya 'yon gustong gawin pero wala siyang ibang choice. Gusto niyang lumayo muna 'yong loob ko sa kanya habang hindi niya pa nase-settle ang lahat kay Ria. "Misaki, wala kang kasama sa lunch?" Tanong ni Chloe sa'kin paglapit niya. Panibagong araw na naman 'to ng hindi namin pansinan ni Ezrel. Parang dati lang, ang close-close pa namin, siya pa 'yong lalapit sa'kin para ayain akong kumain na, pero ngayon, para na lang akong normal na kaklase sa kanya– o kinaiinisan pa. "Wala, e. Pero okay lang, busog ako ngayon." Nakangiting sagot ko. Kahit na

