Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihan sa gulo pero mukhang masama 'yon. "'Di ba pwedeng magkaayos na lang kayo?" Panimula ko nang makaupo. "Hindi. Galit sa'kin si Ezrel. Tiyak na nagkausap kayo. Nakita mo bang mabuti 'yong bawat expression sa mukha niya? Roon pa lang malalaman mo na kung may tsansa ba kaming magkaayos o wala, 'di ba?" I couldn't answer for a minute. Totoo ang sinabi niya. Hindi ko maitatanggi na halos walang tsansang magkabati pa sila. Wala akong kayang gawin para maalis ang galit ni Ezrel kay Ria. Isa pa, natatakot ako na baka kapag pinilit ko siya, lumayo siya sa'kin bigla. "Lumayo ka na lang, Misaki. 'Yon 'yong pinaka-smart move na pwede mong magawa," mahinang aniya. "I can't leave Ezrel," tugon ko. Hindi ko maaaring iwan si Ezrel. Mahalaga siya sa'k

