"Ganito kasi 'yan, Misaki, nakikita mo ba 'tong number na 'to?" Tinuro niya ang papel. Tumango ako. "Oo naman." "Ililipat mo 'yan rito sa kabila ng equal sign para ma-solve mo 'yong equation," "Ah..." Tumango-tango ako. "Tapos?" "Kapag ililipat mo, maiiba 'yong sign niyan, ha. Halimbawa ito, addition, magiging minus na siya..." Nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag sa'kin, habang ako ay nanatiling titig sa kanya at payapang nakikinig. Malapit na ang periodical exam namin at kailangang magtutok sa pag-aaral. Nangako kami sa isa't isa na isasantabi muna ang mga bagay na tungkol sa shinigami para makapag-focus kami. Imbis kasi na pag-aaral 'yong poprobolemahin namin, sume-segway pa kami sa kamatayan. Isa pa, kailangan naming mag-aral nang mabuti dahil iyon ang gusto ng mama ni Ezrel. Nakak

