Death Twenty-Nine

2116 Words

"Misaki, okay ka lang?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Ezrel at sinundot ng paulit-ulit ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. "Yeah, okay lang ako." Mahinang sagot ko. Napag-alala ko ba siya? Nakakakonsensya naman. "Nitong mga nakaraang linggo, parang may iniisip ka lagi." Aniya. "Hindi ko lang pinapansin kasi baka personal na problema. Pero ngayon, gusto kong tulungan kita. Sabihan mo lang ako kung masyado ba akong nakikialam sa buhay mo." Umiling ako. "Okay lang. Hindi ka na rin naman iba sa'kin. Para ka na ring pamilya." Ilang segundo siyang nakatingin sa'kin bago kumamot sa ulo at alanganing tumawa. "Pamilya talaga..." "Oo? Bakit, ayaw mo ba?" Mabilis siyang umiling. "Hindi naman sa gano'n. Nag-e-expect lang ako na... uh, alam mo 'yon..." "Ng ano?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD