Hindi na ulit nasundan ang pagpapadala ni Ezrel ng kahon. Ilang araw na akong nag-aabang lagi rito sa labas ng bahay pagkauwi galing sa school pero napagod lang ako. Walang dumating ni isa. Nasaan na kaya 'yon? Ayos lang kaya siya? Baka may pinoproblema kaya hindi na siya ulit nakapagpadala. Binasa ko na lang ulit ang mga napadala niya noong mga nakaraang araw. Hoy, ano 'yong nabalitaan kong nag-remedial ka raw at muntik nang bumagsak? Baliw ka talaga, Misaki. Nawala lang ako dyan tapos tinamad ka ng mag-aral? Umayos ka, aba. Paano na tayo magde-date nyan sa college kung magkaiba tayo ng grade level? Pero sabagay, pwede naman yon e no? Pero mas gusto ko pa rin kung magkasama tayo lagi. : ) I couldn't really hide my smile whenever reading his letters. Ang dami niyang kalokohan na pina

