Ria was here. He was standing in front of me. Masaya ako na nakita ko siya ngayon pero naguguluhan ang isip ko. Dapat ba talaga akong maging masaya ngayon? "Ria! What the f**k are you doing?!" Galit na galit ang mukha ni Ezrel. Halos magsilabasan na sa mukha niya ang mga ugat. Kulang ang salitang galit at inis para i-descibe ang expression sa mukha niya ngayon. "Ezrel," mahinang usal ni Ria sa pangalan nito at binaling ang tingin kay Ezrel. "Hindi ka pa rin lumalayo sa kanya. Hindi ka ba natuto?" "Shut up. Hindi ko kailangang layuan si Misaki. Ako 'yong magpoprotekta sa kanya. Ikaw, anong tingin mong ginagawa mo? Akala ko ba ay kaibigan mo si Misaki? Bakit dinadalaw mo siya ngayon?!" Humakbang si Ezrel palapit sa'kin pero mas diniin lang ni Ria ang pagkakatutok ng scythe sa noo ko.

