"Misaki, good morning." Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa'kin ang malaking ngiti ni Ezrel na may kasamang kaway. Ngumiti rin ako at binati siya, "Good morning." "Kumain kang almusal?" Tanong niya habang palabas kami ng subdivision para sumakay ng tricycle papunta sa school. Maaga ang pasok ngayon dahil may event na gaganapin sa school namin. Doon idadaos 'yong finals ng division cheerleading contest. Maraming school ang magpupunta sa'min kaya parang magkakaroon din ng mini-festival. 'Yong section namin ang naka-assign sa photo booth. Hindi naman required na tumulong kami lahat. Actually, hindi ako kasama sa magbabantay ng room, pati na si Ezrel, pero pinili pa rin naming pumasok para manood at para na rin masubukan 'yong ibang booth. "Oo, ikaw ba?" Sinulyapan ko siya.

