I've been always wondering these past few days. Am I forgetting something? It always felt like I have something to do that I couldn't recall. Pakiramdam ko ay nakaka-frustrate na alalahanin ang bagay na 'yon kaya pilit kong hinayaan ang sarili ko na makapagsaya. But it all ended now. Lahat ng panandaliang saya na naramdaman ko ay nawala na. It was fast... bigla na lang pumasok ang lahat– ang katotohanan sa isipan ko nang tumalsik ang dugo sa aking pisngi. Para bang iyon ang naging daan para maalala ko ulit ang bagay na tinatakasan ko, na siya ring may kinalaman sa dugo. "Bago 'yon, Ezrel..." "Oh?" "Bakit gano'n? Bakit ang ganito ka pa rin sa'kin? Nag-iba ka na, 'di ba? O nagbabago ka ba?" Yumuko ako at tinitigan ang mga daliri ko. "Pwede mo bang linawin sa'kin kung anong dapat kon

