Nang ma gising si Jerelyn kinabukasan ay nagulat pa siya ng mabungaran ang naka ngiting mukha ng kanyang among babae, at mas nagulat siya ng tumawa na nga ito na animo’y nanood ito ng pelikulang nakaka tawa, at doon niya napag tanto ng may inabot ito sa kanyang isang maliit na babasagin, at ng masilayan n’ya ang kanyang mukha sa maliit na salamin ay ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata, muntik pa siyang mapa sigaw sa gulat, buti nalang at natakpan nito agad ang kanyang bibig at may seninyas ito sa kanya sa ibaba.
dahan dahan siyang bumangon at doon niya nakita ang apat na kalalakihan na natutulog sa papag. napatingin pa siya sa Ginang na animo'y naiiyak na naman. kalaunan ay napa ngiti rin. agad din siya nitong nilapitan at sinabihan siyang gaganti umano sila dahil ng ma gising ito kanina at pumasok sa banyo ay nagulat din pala ito sa nabungarang itsura.
matapos niyang makapag hilamos ng kanyang mukha ay doon na nga nila isinagawa ang kanilang planong paghihiganti.
kinuha ng kanyang amo ang make-up kit nito saka nila pinag diskitahan ang mukha ng mga tulog mantika na kalalakihan. ginawa nilang iyong kagaya ng sa Clown.
nilagyan pa nila ng napaka kapal na Cake Foundation ang mukha ng mga ito saka nilagyang ng pulang lips stick ang buong palibot ng ilong, ang mga mata naman ay ginawa nilang Panda, mga labi na kinulayan nila ng pula sa itaas at itim naman ang sa ibaba bago nila kinunan ng litrato ang apat. may solo pictures pa ang mga ito.
ng matapos nila iyong magawa ay agad na silang umalis sa kwartong iyon at tinungo ang kanyang silid. kaylangan niya ng makapag ligo dahil papasok pa siya sa trabaho. si Melrose naman ay nasa loob parin ng kwarto ni Jerelyn at ito mismo ang nag handa sa susuotin ng dalaga.
matapos maka pag ayos ni Jerellyn ay sinamahan iya na lang mag kape ang kanyang among babae at nagpa alam din agad na umalis dahil bigla na lang sumulpot si Yvo at sinundo siya. hindi na siya nag agahan pa ng kanin dahil nag usap na sila ni Yvo na sabay na silang mag agahan sa opisina at siya ang mag luluto dahil siya naman ang nag suggest niyon.
matapos maka pag paalam ay agad nilang ilisan ang Mansyon at tinungo ang Lonzaga Corp.
ng makapasok sila sa Elevator ay agad siyang niyakap ni Yvo kaya naman ay niyakap niya rin ito pabalik. ang sana'y yakap lang ay nahaluan pa ng kunting landian. ang Boss niya naman kasi ay bigla na lang nanghahalik, kaya naman ay ginantihan niya rin ng mabining halik, hindi pa siya gaanong eksperto pero alam niya na kung paano tumugon ng halik.
sakto lang ng tumunog ang Elevator hudyat na nasa palapag na sila ay siya namang pangapusan siya ng Hangin.
ng maka labas ay agad siyang dumeritso sa Pantry para mailabas niya s Ref ang kanyang lulotuin.
plano niyang mag sigang ngayung umaga. kaya naman ay inilabas niya muna ang karne saka binabad. at nag gayat ng mga gulay at pansahog bago nag templa ng kape para sa kanilang dalawa ng kanyang Boss/kahalikan lagi, wala siyang maisip na maitatawag na para sa kanilang dalawa dahil puro halik halik lang naman sila,.
parihas nilanggusto na kahalikan ang bawat isa. papalambotin iya na muna ang Karne ng baboy at babalikan niya nalang mamaya. iyon na ang kanilang panang halian.
matapos maihatid sa kanyang Boss Kape para dito ay agad din siyang umalis sa Opisina nito para makapag simula na ring mag trabaho. ng sumapit ang alas Onse ay kinatok niya ang pinto nito.
ng marinig ang pag sabi nito ng ''Come in" ay agad niyang binuksan ang pinto at nagpa alam na mag luluto na siya ng pananghalian nilang dalawa. agad naman itong pumayag, nag sabi pa itong susunod sa kanya sa Pantry once na matapois iuto sa ginagawa.
lumabas din agad siya at tinungo ang Pantry at nag simula na, nag saing na muna siya ng kanin sa Rice Cooker at sinimulang ng lutoin ang sinigang. habang nag papakulonay niligpit niya naman ang lahat ng kanyang ginamit sa pag gayat, at ng malinis na ang lahat pati lamesa ay inihanda niya na ang mga kobyertos sa lamesa. sakto lang na maihanda niya iyon ay siya namang dating ni Yvo kaya pina upo niya na lang ito, kunti na lang ay matatapos narin naman na siya.
ngunit itong Boss niyang ewan ay nginitian lang siya at kalaunan ay nakayakap na ito sa kanyang likuran, kung titingnan mo sila ay para na talaga silang mag-asawa sa kanilang posisyon ngayun.
" Boss! agaw pansin niya dito, naka hilig ang bibig nito sa kanyang balikat."
"yes honey" sagot naman nito sa kanya.
" wow! upgraded ah! may pa Honey kana ngayun, asukal ba ba umagahan niyo sa inyo? apaka tamis yata ng lumabas sa bibig mo. pag bibiro niya naman dito. natawa naman ng pagak ang binata at ninakawan ito ng halik sa pisnge.
" ang dami mo ng ginawa sakin Boss, like pa halik-halik yakap-yakap tapos hindi mo man lang ako niligawan, pwede pala ang ganun!? tanong niya sa kanyang Boss sabay baling ng tingin dito. naka titig lamang ito sa kanya na wari mo'y binabasa ang kanyang isip.
" bitaw na Boss, hahanguin ko lang, luto na ito, umupo kana dun at mag hahanain na ako ng pananghalian natin.
walang na gawa si Yvo kundi sundin ang kanyang sekretarya s***h chief. napangiti na lang siya habang inihakbang ang mga paa at na upo sa lamesa. nakasunod lamang siya sa bawat galaw nito, paroo't parito at isa isang inilagay ang mga kubyertos at niluto nitong pagkain para sa kanilang pananghalian.
" nagulat pa siya ng pagsilbihan siya nito, ito ang nag sandok ng kanyang kanin at ulam, nilagyan pa ng isang basong tubig at kalamsi juice ang mga basong nasa kanyang gilid. ng maka pag sandok na ito para sa sarili ay nag simula na silang kumain, ngunit ng nasa kalagitnaan na sila at ang gana ng kanyang kain ng mag salita ito.
" boss!? magkano ang additional salary ko? hindi lang ako isang dakilang sekretarya mo taga luto at unli kapa kapa sa akin kaya dapat may dagdag sahod ako sayo. ani'to na bigla niyang ikina ubo at nailuwa ang kinain.
nakita niya naman ang pagsilay ng ngiti nito sa labi na animo'y nanalo sa lotto. alam niyang may kasamang kakaiba at planong bhindi niya magugustuhan ang ngiting iyon pag hindi niya masagot ng maayos ang tanong nito. uminom muna siya ng tubig at pinakalma ang sarili bago iyon sinagot.
magiging fifty thousand ang sahod mo Monthly at may unlimitid halik ka rin sa akin. naiya at nginitian din ito. ngunit na wala ang kanyang ngiti sa sinagot nito pabalik sa kanya.
" every kiss Five Thousand at kung matagal na paghahalikan ay Ten Thousand ani'to sabay taas baba ng mga kilay. napa iling na lang siya sa sinagot nito sa kanya, wala parin pala siyang takas dito, ma abilidad rin, negosyante, biruin mo? ginawa ba namang pag kakakitaan ang halik? may presyo ang baeat halik at kung gaano katagal.
" DEAL" sagot niya na lang bago nagpa tuloy sa pagkain. matapos nilang kumain ay ito na rin ang nag ligpit ng lahat at nag hugas ng kanilang pinag kainan. sabay na rin silang bumalik sa opisina.
ngunit may hindi sila inaasahang bisita ang nag hihintay sa kanila naka tayo sa gilid ng Secretary Table.
" hi! Yvo how are you!? agad na bati nito kay Yvo at hindi man lang tinapunan ng tingin ang ngayung naka ngiwi ng si Jerelyn. pano ba naman kase! ang iksi ng damit at puno ng kolorete ang mukha, maganda nga para namang kiti-kiting bulate kung umasta..
"hmmp! budboran kita ng asin eh, tingnan natin kung hindi ka mangisay. aniya sa kanyang isip at nag lakad patungo sa kanyang lamesa, sinadya niya pa itong bonggoin. " ay! sorry po kiti-kiti, este ma'am! hindi kita nakita, malabo na yata itong mata, pag dadahilan niya pa at yumoko para maitago ang ngiti na kunti na lang ay magiging tawa na. na tumba kasi ito ng bongguin niya.
agad din siyang umopo sa kanyang pwesto at hindi na ito binalingan pa ng tingin.