Chapter 18

1324 Words
“ maraming salamat po tita, ani Jerelyn at hinaplos-haplos ito sa likod na naging dahil ng pag hikbi ni Melrose na ikina pagtataka niya naman. Nilayo niya ito ng bahagya sa kanyang katawan saka pinahiran ang mga kuha nitong namalisbis sa mukha. Bakit po kayo umiiyak tita? Tanong niya dito saka hinalikan sa ulo na mas lalo lamang nagpa hikbi dito, Kaya naman ay nataranta siya, akma na siya lalabas para sana tawag in ang kanyang among lalaki para sana humingi ng tulong, nag alala kasi siya baka may nararamdaman na itong kakaiba o sakit sa katawan, ngunit pinigilan siya nito, bagkos ay nagpa yakap muli sa kanya. tahan napo, nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan tuwing nakikita kang umiiyak at nalulungkot. pag aamin ni Jerelyn sa totoo niyang nararamdaman. totoo naman ang kanyang sinabi, hindi niya nga lang pinapakita sa mga ito. ang galing kaya niyang mag pigil at mag tago ng emosyon. " napangiti naman si Melrose sa narinig mula kay Jerelyn kaya pinilit niya ang kanyang sarili na tumahan, ayaw niya rin na nakikita itong nalulungkot at nasasaktan. segi na anak lalabas na ako, magpahinga kana okay!? maaga kapa bukas papasok. ani Melros at ngumiti ng bahagya at niyakap itong muli bago nilisan ang silid ng kaniyang nag-iisang Prinsea na nawalay sa kanila sa napaka habang panahon. hindi naman alam ni Jerelyn kung bakit naka ramdam siya ng kahungkagan sa kanyang dibdib ng lisanin na ng kanyang amo'ng babae ang kanyang silid. feeling niya tuloy ay nangungulila siya sa yakap ng isang ina. O hindi kaya ay na miss niya lang kanyanng nanay na nasa Probensya. ngunit ng kapain niya ang kanyang dibdib ay oba naman ang kanyang nafe'feel hindi para sa kanyang nanay. kundi para talaga sa kanyang among babae. dahi;l sa mga iniisip ay hindi niya na namalayang naka tulog na pala siya at nakalimutang mag alarm. nagising nalang siya kinabukasan sa isang haplos sa kanyang ulo ng sa kung sino man. ngunit ng sa pag mulat niya ng kanyang mga mata ay ang naka ngiting mukha ng kanyang among babae ang kanyang nabungaran at siyang humahaplos sa kanyang ulo. " magandang umaga po tita, bati niya rito at nginitian ito ng pagka tamis-tamis." " magandang umaga din sa aming Prinsesa, ganting bati naman nito sa kanya na may mga matatamis ding ngiti sa mga labi. dahil sa hiyang naramdaman ay dinala niya na lang sa biro ang lahat. " ay naku! tita! masasanay na ako niyan sa kakatawag niyo sa akin ng Prinsesa, segi ka ipangalandakan ko talaga sa buong mundo na Prinsesa mo ako. aniya dito na ikina tawa at tuwa naman nito. " walang Problima, kung gusto mo sabayan pa kita sa pag sisigaw sa kahit saan mang sulok ng mundo. pakikisakay naman i Melrose dito. alam niya naman na nag bibiro lamang ito. kung sana ay masabi na nila dito ang totoo. ngunit ayaw naman nilang mag-iba ang pakikitungo nito sa kanila. hindi pa sila handa na sabihin dito ang totoo, natatakot siyang mangyari iyong sinabi ng mga nagpalaki dito na may ugali umano itong umaalis ng walang pa alam at hindi alam kung kaylan babalik kapag ito ay nag tampo O nabigla sa mga naririnig O pangyayari. " gusto niyo po ba munang dumito O tatabihan ko muna kayo sa kwarto niyo? tanong naman ni Jerelyn sa ginang na ikina laki ng mga ngiti nito saka sunod-sunod na tumango. " segi po, magpapa alam muna po tayo kay Sir. baka mabigla po iyon at magtampo kung bakit ang katabi niyo sa kama at hindi siya. dagdag biro pa nito. sabay nilang nilisan ang silid ni Jerelyn at tinungo ang hagdan, hindi na sila bumaba pa at si Melrose na mismo ang umagaw sa nag-uusap na mag tyuhin, may kalakasang boses nitong tinawag ang asawa at sinabi na sa kwarto umano ng mga ito manatili si Jerelyn. agad namang pumayag si Niel, nag thumbs-up pa ito saka ngumiti ng pagka tamis-tamis sa dalawang babae na nasa pinaka bungad ng hagdan sa Second floor ng kanilang Mansio. nilisan din nila ang bungad ng hagdan at tinungo ang silid ng mag asawa. agad ding nahiga sina Jerelyn at Melrose sa kama, naka yakap pa si Melrose sa dalaga at hina-haplos ng bahagya ang buhok nito. di nag tagal ay agad din na iginupo ng antok ang dalaga. si Melrose naman ay nakatutok lamang dito habang namalisbis na naman ang mga luha sa mga mata. subrang saya niya lang at hindi niya mapigilang mapaiyak. sa tagal ba naman ng panahon ay hindi nya akalaing makaka sama pa nilang muli ang kanilang bunsong anak at nag-iisang Prinsisa. " kung alam mo lang anak kung gaano ako nangungulila sa'yo, kung alam mo lang kung gaano ako ka saya ng makita kita sa unang pag kakataon, ng masilayan ko ang mukha mo nung una na dinala ka ni manang sa bahay sa Davao. alam ko agad na ikaw.. ikaw ang nawawala kung anak. pwede mang hilingin na pwede niya na akong kunin dahil natagpuan kana namin, pero ayaw ko, ayaw ko pang lisanin ang mundong ito, dahil... dahil hindi pa ako kuntento sa ano mang pag sasama ang meron tayo ngayun. araw-araw akung nanalangin noon na sana,.. sana hindi pa huli ang lahat at bigyan niya pa kami ng mahaba pang buhay, na kahit na matanda na kami at uugod-ugod na kami bago ka matagpuan ay okay lang, basta ba makasama kapa namin kahit sa maikling panahon. pero napaka swerte namin dahil binalik ka niya agad sa amin na marami pa tayong mga maaaring gawin. pero ngayun pa lang ay humihingi ako ng gtawad sa'yo kung hindi ko pa masabi-sabi sayo ang totoo na ikaw ay aming anak. ang nawawala naming Prinsisa. sana kapag dumating man ang panahon na malaman mo ang katotohan, sana mapatawad mo kami at tanggapin, wala aung ibang hiling kundi ang kabutihan at safety mo sa araw-araw, alam kung napalaki ka ng maayos ng mga kinikilala mong mga magulang, at alam ko rin na mauu'nawaan mo ang lahat dahil napaka talino mong bata at napaka ganda pa. mga katagang gustong ilathala ni Melrose sa dalagang natutulog ngayun sa kanyang tabi ngunit hindi niya magawang maisatinig iyon. " makalipas ang Isang Oras ay bumokas ang Pinto at doon nakita ni Niel ang kanyang mag-ina na napaka himbing ng tulog, magka yakap pa ang mga ito, kaya naman ay kinuha niya a ng kanyang cellphone at kinunan niya ng Litrato ang dalawa, pinag sawa ang sarili sa pag kuha ng Litrato. ng maisip na may kulang ay lumabas na muna siya sa kanilang silid at tinawag ang kanyang tatlong anak na lalaki. ng dumating ang mga ito ay excited niyang binuksan ang kanilang silid mag asawa at pinakita sa mga anak ang nasa loob niyon. subrang saya naman ng tatlo sa nakita. kaya naman ay naka buo sila ng plano. agad na sinet-up ni Melroz ang Camera pati ang stand saka sila sumampa sa kama para makunan ng larawan ang kanilang pamilya kahit pa tulog ang dalawang pinaka importanteng babae sa kanilang buhay. merong larawan na kinuha nila na pati sila ay nag panggap ding tulog, ang iba naman ay mga wacky pose, nag palit-palit pa sila ng pwesto na apat, maliban sa dalawang tulog. nag hihilik pa ang mga ito. imbis na magsi alis na ang tatlong mag kakapatid na lalaki ay napag pasyahan ng mga ito na doon narin matulog sa silid ng kanilang mga magulang. lumabas na muna ang mga ito ay nagsipag kuha ng kanya-kanyang mga comforter at unan saka nilatag sa ibaba kasama ang kanilang ama. hinayaan nila ang dalawang babae na magka tabi sa kama at silang apat na kalalakihan ay sa sahig na natulog. " sana balang araw ay magkakasama na tayong anim na matutulog sa papag sa Garden, mag se'set tayo ng Tent at mag p'picnic. biglang sambit naman ni Niel na sinang ayunan agad ng tatlong anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD