Maaga pa lang ay nag yaya na si Yvo sa kanyang secretary na uuwi na sila, pero ang totoo ay gusto niya itong kasama na mag grocery at ito ang papipiliin niya sa lahat ng kakailanganin nila sa kanilang pantry.
Wala naman kasi talaga siyang alam kung ano ba ang mga dapat bilhin dahil tanging kape lamang ang gusto niya. Alam niya matakaw ang bago niyang secretary kaya ito na ang bahala sa gusto nitong kunin.
“ Jerelyn let’s go! Pag aaya niya na ikina gulat nito.
“ Saan tayo pupunta Boss? Tanong naman nito sa kanya.
“ mag grocery tayo para may laman ang pantry natin. Wala naman na akung pepirmahan na papelis, Kaya pwede Tayong maagang umalis ngayun. Alas tress pa naman ng hapon ihahatid na lang kita sainyo pagka tapos nating mag grocery. Sagot niya dito na ikina tango lamang ng huli.
Nang matapos ito sa pag kumpuni ng mga gamit at patay ng lahat ng ginamit nito na may kinalaman sa kuryenti ay agad din itong tumayo. Nasa harapan lamang siya ng mesa nito naka tayo at nag hihintay. Ng maka pantay na ito sa kanyang kina tatayuan ay agad niya itong inakbayan.
“ boss ang bigat ng braso mo, maawa ka sa shoulder my hands ko, reklamo nito sa kanya, kaya naman ay sa bewang siya nito humawak.
“ Boss bewang ko po yan, hindi po hawakan at kapitan gaya ng sa train. reklamo na naman nito na ikina iling niya na lamang, ngunit hindi niya tinangga lang kanyang mga kamay na nakahawak sa bewang nito.
Ng mag bukas na ang elevator ay agad din silang pumasok. Nasalikuran siya nito at naka yapos ang dalawang mga braso sa bewang ng dalawa saka ipinatong ang kanyang baba sa ulohan nito, matangkad naman ang kanyang secretary ngunit mas matangkad siya ng tatlong pulgada dito.
Panaka-naka niya ring hinahalikan ang ulo nito dahil sa natural na amoy na nakaka pagbigay ng kakaibang dulot sa kanyang kalamnan.
“ boss baka ma kalbi ako niyan kakasinghot mo sa ulo ko, aniya na sekretong kinilig pero hindi niya pina halata.
Unang kita niya dito noon sa bahay ng tita Melrose niya ay may pagtingin na siya dito, isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na magpa halik ay dahil gusto niya rin matikman ang namumula nitong labi.
Hinawakan niya naman ang mga braso nitong nakayakap sa kanya at bahagya iyong hinaplos na sana pala ay hindi niya ginawa dahil bigla itong umoklo saka tinagilid ang kanyang mukha at inangking muli ang kanyang labi. Natigil lang sila sa pag hahalikan ng tumunog na ang elevator at agad na nag bukas.
Lumabas din sila agad at tinungo ang sasakyan ni Yvo. pinag buksan niya muna ang kanyang sekretaryang maingay, at ng maka upo na ito ng maayos ay ninakawan niya muna ito ng halik sa labi bago sinarado at umikot para tungohin ang drivers seat.
" ayos ah! panaka-nakaw kana lang ng halik ngayon, porket nilamon muna kanina ang labi ko." ani Jerelyn na ikinatawa ni Yvo, na shock naman si Jerelyn sa pag tawa ng kanyang Boss, first time niya itong narinig na humalakhak, Boss sa susunod kung gusto mong bumohakhak ng tawa sabihan mo ako ha! para naman ma video ko, ani Jerelyn.
" bakit naman? tanong ni Yvo. " wala lang Boss ang sarap mo palang tumawa, pag rarason pa nito ngunit iba ang nasa isip ni Jerelyn, gusto niyang lukohin at makipag pustahan kay Melroz, ang bunsong anak ng kanyang Amo, napa ngiti pa siya sa kanyang naisip.
" ano nginiti-ngiti mo dyan? ani Yvo sa kanyang sekretaryang ang lapad ng ngiti, nilingon lamang siya nito at mas lalo pang nilakihan ang pagka ngiti, halos naka pikit na ito sa pag pilit ng ngiti.
di nag tagal ay narating din nila ang Parking Lot ng Mall, ng maka pag park ay sabay na silang lumabas bg sasakyan, kung titingnan mo sila ay para talaga silang tunay na magkasintahan, holding hands while walking lang ang peg ng dalawa.
agad din nilang tinungo ang grocery store at na nag ikot-ikot para pumili ng mga dapat nilang bilhin para sa kanilang Pantry.
" Boss ano ang mga gusto mong bilhin natin na stock? tanong ni Jerelyn sa kanyang Boss habang nag lalakad sila at patingin-tingin sa mga naka display.
" kaya kita sinama dahil gusto kong ikaw na ang pumili sa mga gusto mo, ikaw lang naman ang kakain ng mga bibilhin natin ngayun basta may coffee lang ako everyday, ikaw na bahala kung ano ipakain mo sa akin, basta walang lason. sagot naman ni Yvo.
" talaga ba Boss? kunyaring gulat na tanong naman nito sa kanyang amo. "Hmn!" tanging tugon lamang nito.
" pwede mo rin akung kainin Boss. pabirong ani ni Jerelyn na ikina ubo naman ni Yvo.
ng makahuma ay binulongan niya ito." seguraduhin mo lang na seryoso ka sa sinasabi mo dahil kakainin talaga kita. ani Yvo sabay hawak sa bewang nito at nagpatuloy sa pag lalakad habang tulak-tulak naman ng isang kamay nito ang Cart.
si Jereylyn naman ay parang wala lang ang sinabi ng Boss dito at nakuha pa nitong ngumiti ng pagka tamis-tamis sabay sabing eat all you can Sir, basta ang mga taba ko lang sa katawan ang kainin mo ayos lang walang problima, sabi pa nito na ikina iling lamang ni Yvo.
wala talaga itong ka alam-alam sa mga bagay na ginagawa ng magkasintahan O mag asawa, nagpatuloy lamang sila sa pag pili at pag tingin-tingin sa mga produkto na nais nitong bilhin. kalaunan ay nag tanong ito sa kanyang Boss.
" Boss? pwede bang mag luto sa pantry? may nakita kase akung Rice cooker doon at portable stove, pwede ko bang gamitin yun para maka pag luto ng tanghalian natin at hindi na laging mag oorder ng pagkain sa labas O sa Canteen? may fridge din naman doon para pag stock'an ng mga frozen foods at mga gulay,
" okay kung yan ang gusto mo walang probima, ikaw ang Boss pag dating sa pantry at usapang pagkain. naka ngiting sagot ni Yvo na ikinatuwa naman ng kanyang Sekretaryta at nagulat pa siya sa biglaang pag halik nito sa kanya at bumalik na agad sa pamimili ng mga gusto nitong bilhin.
" ayos ah! lagi na lang kaya kitang pag bigyan sa lahat ng mga gusto mo para may makukuha akung halik lagi, kausap niya sa kanyang sarili na naka ngiti at agad itong sinundan, halos lahat ng mga kinuha nito ay puro gulay, nag hanap pa ito ng kapeng Barako para daw may stock sila sa opisina sakaling maka limutan nitong mag baon kada umaga,
mabuti na lang at meron silang na hanap na kapeng barako, isang kilo lang ang kinuha nito pero pina dag-dagan niya iyon ng isa pang kilo. matapos nilang mamili ng mga gulay ay lumipat naman sila sa mga frozen foods.
kumuha ito ng mga Hotdog, bacon, frozen tapa, frozen Tocino, frozen Bangus na marinated saka itlog, pagka tapos ay lumipat sila sa mga Karne ng baboy at baka saka manok.
naisip naman ni Hamdan na pwede na silang tumira doon sa Lonzaga Corp. total ay may Pent House naman siya doon. ipapalinis at ipapaayos na lang niya iyon in case of emergency.
matapos makuha ang lahat ng mga gusto nito at agad din silang nag pila para mabayaran ang lahat ng kanilang pina mili.
bumalik sila sa kanyang opisina para e arrange ang lahat sa pantry, tinulungan niya ito dahil na abutan sila ng gabi sa daan lalo pa at naipit sila sa traffic ng isang oras.
alas dyes na ng gabi sila naka labas ng Building at saktong alas dyes emedya ng gabi ay narating nila ang bahay ng kanyang tito at tita, hinatid niya ito sa loob mismo at humingi ng pasensya sa mga ito.. sinabi niya rin ang dahilan kung bakit sila late ng naka uwi. na wala sin kasi sa isip ni Jerelyn na magpa alam at mag text O tawag man lang, ita din sa mukha nito ang pagod. matapos nitong makipag usap saglit sa kanyang tito at tita ay nagpa alam na itong aakyat na dahil sa pagod at antok na daw,
sinamahan naman ito nui Melrose sa silid at inalalayan sa pag akyat sa hagdan, kahit pa kaya naman ni Jerelyn ang sarili ay hindi hinayaan ni Melrose na mag isa itong aakyat, si Yvo naman na nakatingin sa dalawang babae na pa akyat ay natutuwa sa nakikita, hindi niya lubos akalaing ganon ang trato ng tita niya sa katulong ng mga ito.
kung tutuosin ay okay lang naman dahil alam niya namang mabait at masipag naman si Jerelyn, yun nga lang ay napaka ingay at bungangera nito, pero ayos lang dahi; bhindi naman masakit sa tenga at hindi rin nakaka rendi ang boses nito kapag nag tatalak.
napansin niya ring ayaw nito ng nadidisturbo tuwing may ginagawa.
habang sa silid naman ni Jerelyn ay pumasok agad siya sa kanyang banyo para maka pag hilamos at hugas ng katawan, nag half bath na lang siya at hindi niya na kaya pang maligo. antok na antok na talaga siya.
nagulat pa siya ng sa pag labas niya ng banyo ay naka handa na ang kanyang damit na pantulog sa kanyang kamang at hina-haplos iyon ng kanyang tita Melrose, nakasanayan niya na itong tawaging tita ayun na rin sa gusto nito.
napaka swerte niya talaga sa kanyang amo dahil itinuring siya nitong para isang tunay na anak.
kaya naman ay dahan-dahan siyang nag lakad at niyapos ito sa likuran na ikinagulat naman ng huli at napa ngiti ng bahagya habang pinipigilan ang luhang nag babadya ng pumatak. hinaplos niya na lamang ang mga braso nitong naka yapos sa kanyang katawan saka ipinikit ang mga mata at ninamnam ang yakap ng kanyang anaknna matagal ng nawalay sa kanila at sa magpa hanggang ngayun ay wala parin itong alam na totoong nanak niya ito.
hindi nila masabi-sabi dito ang totoo, dahil na rin sa baka mag iba ang tingin nito sa kanila at umalis, mas mabuti ng ganito para makasama nila ito sa araw-araw. saka na nila sasabihin kapag handa na ang lahat, dahan dahanin na muna nila at lasapin ang mga bagay na ginagawa nila ngayun at mga bonding nila sa araw-araw.
" thank ypu so much po tita, napaka swerte ko at kayo ang naging amo ko, maraming salamat po sa lahat, promise po pag bubutihin ko po ang aking pag tatrabaho, hindi ko po kayo bibiguin. ani Jerelyn na nagpa tulo ng mga luhang kanina pa pinipigilan ni Melrose.
pa sekreto niya iyong pinunasan saka hinarap ang dalaga at hinaplos ito sa mukha, okay na ako iha, wag mo nang isipin pa ang ibang bagay, basta eenjoy mo lang ang pag tatrabaho mo okay!? ang makita kang masaya ay sapat na iyon para sa akin, sa amin, masaya kami para sayo. ani Melrose at niyakap ito ng mahigpit. yakap na puno ng pangungulila,