Epilogue

3964 Words
MATAPOS ibalita sa mga magulang nila ang tungkol sa pagbubuntis niya ay walang paglagyan ng tuwa ang mga ito. Excited silang nagusap-usap nang gabing ring iyon mismo para sa pagpaplano ng kasal nila. Hindi na sila nabigla na ganito kasaya at excited ang mga parents nila. Gaya ng parating pinag-uusapan ng mga Daddy nila noon walang ibang pangarap ang mga ito sa kanila kung hindi ang makita sila na ikinakasal sa isa't-isa. Matapos ang masayang pag-uusap na iyon ay naging busy na sila ng mga sumunod na araw para sa plano nila na magpakasal. Dito sa probinsiya nila gaganapin ang kasal. At dahil buntis na siya at magiging pamilya na rin sila soon enough ay nakiusap si Kit sa kanya na mag-resign na sa trabaho niya bilang modelo. Sinunod niya naman ang gusto nito. Magkasama silang bumalik ng Manila para pormal na iabot sa boss niya ang resignation letter niya. Good thing na one month na lamang at end of contract na niya sa modelling agency na pinagtatrabahuhan. Masyado silang naging busy ng binata sa pag-aasikaso nang nalalapit na kasal nila. Nagpadala na sila ng mga invitations two months in advance sa mga bisita para sa big day nila. At dahil malaki ang naging parte nina Liam at Feny sa pagkakaayos nila ng binata kinuha nila ang mga ito na maid of honor at best man. Parehong busy sa trabaho ang mga ito at nasa out of the country for the new project kaya naman nag-mail na lamang sila sa kanya-kanyang condo ng mga ito ng opisyal na paanyaya nila para maging parte ng entourage. Wala siyang balita sa dalawa kung ano na ba ang stand ng mga ito matapos ng nakakalokang balita na may nangyari sa mga ito. Pareho silang naging busy sa kanya-kanyang trabaho at pribadong buhay. Makakapag-usap lamang sila ng maayos ni Feny kapag muli na silang nagkita sa kasal niya. Habang namimili siya ng designs para sa mga magiging gowns ng mga bridesmaid niya ay busy naman si Kit sa pagte-text. Sandali niya itong nilingon. " Who are you texting, Babe?" tanong niya rito. " Si Megs. I invite her to our wedding." Muli siyang bumalik sa catalog na tinitingnan. Two months na ang tyan niya ngayon pero hindi pa rin halata. Matapos ng appointment nila sa tatahi ng gown niya ay inaya niya ang binata na maghanap ng manggang hilaw. Naglilihi pa rin siya at may mga pagkakataon na nahihilo siya at nasusuka. Thankful siya dahil mas lalong naging sweet si Kit sa kanya. Lahat ng pagkaing hilingin niya rito ay matyaga nitong hinahanap. Nang makabili sila ng mangga ay umuwi na sila. At gaya ng everyday routine na nila. Ito na ang madalas na gumagawa ng gawaing bahay dahil natatakot ito na makunan siya. Kahit hindi naman ganun kaselan ang pagbubuntis niya. MWF lamang ito bumibisita sa rancho. Mabilis na lumipas ang mga araw at naayos na nila ang lahat ng mga kakailanganin nila sa kasal. Sa Hacienda nila mismo ang venue ng wedding. At gaya ng pamahiin ng ilang mga matatanda bisperas bago ang kasal ay pinaghiwalay sila ng mga magulang nila. Umuwi siya sa bahay nila habang ang binata naman ay sa bahay ng mga magulang nito. One day of not being together pero sobrang nami-miss na niya ito. Mag-isa siya ngayon sa dating silid niya sa bahay ng parents niya. Napatingin siya sa wall clock. Ten o'clock na ng gabi but she couldn't sleep. Nai-excite siya ng sobra dahil bukas ay big day na nila. Ganito pala ang feeling kapag ikakasal na. Hindi ka makatulog sa excitement. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Si Kit ang tumatawag. Excited na sinagot niya iyon. " Hello, Babe." " Why you're still awake?" malambing na tanong nito. " Hindi ako makatulog. Missing you at saka excited ako for our big day tomorrow. Eh ikaw bakit gising ka pa?" Tumawa ito sa kabilang linya. " Same feeling. Nami-miss kita and too excited for tomorrow's event. Hindi pa rin ako makapaniwala that it's all happening now." Ngumiti siya dahil ganoon rin ang nararamdaman niya. " That's how I feel also. Whenever I look back hindi pa rin ako makapaniwala that we made it. That we are getting married tomorrow. Parang kelan lang kulot-kulot iyang boses mo." sabi niya saka tumawa. " I know right. Kapag binabalikan ko rin yung nakaraan natin natatawa ako. And at the same time kinikilig. Who would have thought na magiging lalake pa ako. Pero walang imposible with the power of love. Lahat ng impossible nagiging possible when it comes to love. Love has changed my life. And love is you." Nangingislap ang mga mata na napatitig siya sa kisame. Parang gusto niyang pumunta sa bahay ng mga ito ngayon at yakapin ito. " Are you really happy with me? If you have to do it all over again, will you still choose me, Brielle?" " Ofcourse. Handa ako'ng isugal ang p********e ko maging lalake ka lang. When it comes to you I'll go gaga all the way. And no, I'm not gonna do that with any other guy. It's only you who has that kind of power over me. Basta para sa'yo I'll do everything. Lahat-lahat para lang maging akin ka." " That's my Babe. I love you. Sleep ka na. Bawal magpuyat. Magagalit si baby. Sweetdreams, Babe." " I love you too. See you tomorrow. Muah." at pinatay na niya ang tawag saka nag-concentrate na sa pagtulog. KINABUKASAN maaga siyang nagising dahil alas dies ng umaga magsisimula ang kasal. She woke up around six thirty. Narinig niyang nag-beep ang cellphone niya nang makabangon siya. Binuksan niya ang text message. Galing iyon kay Kit. ' Hey my future Misis. Rise and shine! Our big day will start in few hours. See you later. Hope you'll like my gift. I love you.' Napangiti siya matapos mabasa ang text ng binata. At saka niya napansin ang isang maliit na box sa may side table niya. Kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makitang isang antique na susi iyon na may naka-engrave na TO MY HEART. She reads the note na kasama noon. Dearest Brielle, Now that I will officially surrender myself to you. Please take this key to my heart as I entrust you my whole life. Starting this day forward I will not allow any woman to enter my heart but you. May this day serves as the happiest day in your life. Because today we will become one. Welcome to the journey of our forever, Mrs. Solis. I love you to the moon and back! See you soonest my lovely bride. Your handsome groom , Kit❤️ Napangiti siya sa simpleng regalo ng binata. This is the day that she's been waiting for. In a couple of hours mapapalitan na ng Solis ang surname niya. Tumungo na siya sa banyo upang maligo. Maya-maya lamang ay papasok na rito ang mag-aayos sa kanya. Matapos maligo ay may kumatok na sa pintuan niya. Binuksan niya iyon. Ang Mommy at Daddy niya. May bitbit ang mga ito na breakfast sa tray. Niluwagan niya ang bukas ng pinto at pinapasok ang mga ito. Inilapag nito sa mesa na naroroon ang breakfast tray saka siya hinarap. Halos mangiyak-ngiyak ang Mommy niya habang nakatitig sa kanya. " Mamu, wala pa tayo sa venue. Save your tears." biro niya sa Mommy niya saka ito niyakap. " I just can't imagine that you are totally grown up. Parang kelan lang kita inilabas sa mundo, baby. Look, you're getting married now. I can't help it but become emotional." sabi nito saka tuluyan nang napaluha. Yumakap rin sa kanila ang Daddy niya. " Kayong dalawa ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko. Anak, sana maging masaya ka kay Kit. At sana tumagal ang pagsasama ninyo tulad ng pagsasama namin ng Mommy mo. I wish you nothing but happiness in your married life. I love you anak. Ako pa rin ang first love mo, right?" ang Daddy niya. " You will always be my first love, Dad. I love you too." Matapos ng emosyonal na yakapan ay kumain na muna siya. Ilang sandali pa ay dumating na ang mag-aayos sa kanya. Halos isang oras rin inayos ang hair and make up niya. Habang palapit ng palapit ang oras ay mas lalo niyang hindi ma-contain ang excitement niya. She badly wants too see her groom. And so the final hour has arrived. Matapos ang lahat ng kailangang ayusin ay pababa na siya sa silid niya. Pakiramdam niya isa siyang prinsesa habang pababa sa hagdanan. Nasa sala naghihintay ang ilang malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. Nakita niya si Feny na kausap ang ilang mga pinsan niya. Lumapit kaagad ito sa kanya nang makita siya. They hugged each other. They didn't see each other over how many months. " I missed you, girl. Finally, this is really is it! Soon to be Mrs. Solis. I am so happy for you, superfriend." tuwang-tuwa na sabi ni Feny sa kanya. " Salamat, girl. Where is Liam?" " I don't know. We haven't seen each other for ages. Baka late." " What happened after that day? Hindi ka na tumawag para magkwento." " After your wedding saka na ako magkwento. Today is your special day. Huwag ka'ng tsismosa." Nagtawanan sila at pagkuwa'y lumabas na siya sa bahay nila at sumakay sa kotse ng Daddy niya. Ten minutes drive lamang at nasa venue na siya ng wedding sa mismong hacienda nila. Hindi niya alam bakit kinakabahan siya. Siguro dahil na rin sa excitement niya. Pakiramdam niya ang tagal nilang hindi nagkita ni Kit gayong magdamag lang naman silang hindi magkasama. KIT's POV Paggising niya ay mabilis siyang naligo. Ito na ang araw na pinakahihintay nila ni Brielle. Ang pag-iisang dibdib nila. Hindi niya maipaliwanag ang excitement na nararamdaman niya para sa pinakamahalagang araw na ito sa buhay niya. Matapos maligo ay may kumatok sa pintuan niya. Nang buksan niya iyon ay nakita niya ang mga magulang niya. May iniabot na box ang mga ito sa kanya. " Galing kay Brielle. Hinatid ng maid nila kanina." sabi ng Mommy niya sabay abot ng box. " Thanks, Mom." Matapos ilagay sa ibabaw ng kama ang box ay nagpatuloy siya sa pag-aayos ng tie niya. Maya-maya ay nilapitan siya ng Daddy niya. Nabigla siya ng tulungan siya nito na ayusin ang tie niya. " We are so proud of you, son. Masaya kami ng Mommy mo na isa ka ng tunay na lalake and today you will marry the girl who helped you to bring out the real you. Sa loob lamang ng ilang buwan you prove alot to us. You can manage the ranch alone now. I am so happy to all the positive changes that happened in your life. Continue being a good man, son." seryosong sabi ng Daddy niya saka siya niyakap. " Thank you, Dad. I don't know if I say this to you before. But let me tell you now that you are the best Dad in the world." Sobrang okay na ng relasyon nilang mag-ama. Mula nang mag-take over siya sa pamamalakad ng rancho nila ay mas naging close sila sa isa't-isa. " Drama naman ng mag-ama ko. Anak, huwag mo'ng kakalimutan ang mga bilin namin sa'yo. Huwag na huwag mo'ng papaiyakin si Brielle. You will have your own family soon. So, we expect you to be a good husband and father to your child. Mahal ka namin and whatever problems you may have nandito lang kami ng Daddy mo para sa'yo." ang Mommy niya naman saka siya hinalikan sa pisngi. Matapos nilang magyakap ay lumabas na ang mga ito ng silid niya. Kinuha niya ang box na bigay Brielle at binuksan iyon. Napangiti siya ng makita ang laman ng box. Isang pares ng medyas na may nakalagay na IN CASE YOU GET COLD FEET. At isang compass na may naka-engrave na, SO YOU CAN ALWAYS FIND YOUR WAY HOME TO ME. Isinuot niya muna ang medyas saka binasa ang kalakip na note na nasa box. To My Soon-to-be Hubby, Giving you socks just incase you'll get cold feet. Literal 'yan. Huwag na magbago isip mo. This is the day that we've been waiting for. Ilang oras na lang papalitan mo na ang surname ko. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Isa ka sa pinaka-malaking achievement na na-achieve ko sa buhay ko. I feel so lucky to be loved by you. Excited na ako'ng makita ka. Pakiramdam ko isang taon tayong hindi nagkita. Mahal na mahal kita, Kit. And just incase you are wondering why I gave you compass. Read the message engraved on it. Para kung sakali man na ma-confused ka pa at layuan mo uli ako, you know what to do. The compass will help you to find your way home back to me. I love you, Babe. See you in a bit. From your super duper excited bride to be, Brielle❤️ Napangiti siya matapos mabasa ang mensahe ng dalaga. Siya yata ang mas maswerte na makasama ito buhay niya. Inayos na niya ang sarili niya saka lumabas na ng silid niya. He needs to drive half an hour para makarating sa Hacienda ng pamilya ni Brielle dahil doon gaganapin ang kasal nila. Inimbita nila ang buong trabahador nila at pati na rin ang mga closes friends and relatives nila. So, this will be a big event kaya nga inabot ng ilang buwan ang paghahanda nila. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya at saka nag-drive na papunta sa Hacienda Agustin. After thirty minutes ay nakarating rin siya. Napatingin siya sa relo niya. Nine thirty pa lang. Alas dies magsisimula ang kasal. Nang nakalabas siya ng sasakyan ay nakita niyang marami ng tao sa paligid. Inilibot niya ang mga mata sa pagkakaayos ng mini aisle at altar at pati na rin ang reception. Parang may kung anong bagay na humahaplos sa puso niya just by looking around. Music is playing, happy people around and white flowers ang gaan sa pakiramdam. Ang hirap makapaniwala na ikakasal na sila ng dalaga. Para siyang nananaginip lamang. " Kit! Oh my gosh, is that you?" Mula sa pagkakasandal sa sasakyan niya ay napalingon siya sa pamilyar na boses na iyon. Walang iba kundi si Megs. May buhat-buhay itong bata at sa tabi nito ay si Jeihard. Ang gandang tingnan ng mga ito. Larawan ng isang masayang pamilya. Soon magiging ganito rin sila ni Brielle. " Megs, Jei, I'm glad you made it." natutuwang sabi niya saka humalik sa pisngi ng kaibigan at tinapik sa balikat si Jeihard. " Is this my Godchild? Caleb right? Oh no, look how big you are. Come to Ninong." at kinuha niya ang bata kay Megs. Sumama naman iyon sa kanya. Kamukha ni Jeihard ang bata. " How are you? Oh my, you look so different, Kit. I can't believe what my eyes are seeing right now." hindi makapaniwala na sabi ni Megs sa kanya. Totoo namang ang laki ng pinagbago niya. Mas matigas na ngayon ang pananalita niya and he grew some stubbles on his face that gives him a manly look. Matikas na rin ang tindig at kilos niya. Kaya hindi siya magtataka na naninibago ito sa kanya. " That's what love can do to me, Megs. Parang ikaw. Mula sa pagiging sexy at pala-make up binago ni Jeihard image mo. All because of love." Ngumiti ito saka umabrisyete sa asawa. " Now you know why I got jealous whenever you're with him before? See, how he transformed." si Jeihard. Nagkatawanan silang tatlo. " Don't worry, bro. Kahit naman palagi kaming magkasama nyan dati hindi ko pinagnasaan ang katawan niyan. I was never attracted to her. You know why? Kiss and tell yan." biro nya. Tiningnan ni Jeihard si Megan. " Kiss and tell, is that true?" " He's just kidding. Hoy, kit ha maniwala asawa ko sa'yo. Hindi kaya ako kiss and tell." " Oh yeah not kiss and tell. Dakma and tell lang pala." Natatawang kinurot siya ni Megan sa braso saka sumagot. " Siraulo ka, ikaw kaya dakmain ko dyan. Pasample nga kung lalake ka na." at akmang dadakmain nga nito ang ibabang bahagi ng katawan niya pero mabilis itong hinila ni Jeihard. " Megan stop!" pag-panic ni Jeihard saka ito pinigilan. Niyakap naman ito ng babae. " I'm just kidding. Alert naman agad ang asawa ko. Ikaw lang ang lalakeng gagawan ko nito." sabi ni Megs saka pabirong dinakma ang hinaharap ng asawa nito. Napaigtad si Jeihard at kaagad na kinuha ang mga kamay ng kaibigan niya. Muli silang nagkatwanan na tatlo. Sobrang na-missed niya ang mga kalokahan ni Megan. Ang tagal na nilang hindi nagkita. He was happy that they made it here. " You never change, Megs. Ang bilis pa rin ng kamay mo sa hokage moves." komento niya. " She got worse actually." naiiling na sabi ni Jeihard. " Anyway, kayo lang ba ang nakarating? Where are your friends? I told you to bring them also. Hindi ko alam address nila kaya hindi ako makapag-send ng invitation." pag-iiba niya ng usapan maya-maya. Biglang sumeryoso ang mukha ng mga ito. " They are in States. So hindi talaga makakarating dito." " How are they? Long time no hear from Cj and the gang." They are all friends in f*******: pero dahil mahina ang signal ng wifi sa probinsya ay hindi niya nakukumusta ang ibang kaibigan nito na naging malapit na rin sa kanya. Kinuha muna ni Megs ang bata sa kanya dahil umiyak na iyon. Ibinigay nito sandali ang bata kay Jeihard at naglakad-lakad muna ang mag-ama. " I feel bad for Mikkha and Zey. Mikkha has some issues with Miggy. Nag-aaway yata lagi. Sabi ni Kuya Miggy she is being difficult hindi na raw niya maintindihan ang attitude minsan. Pero sabi naman ni Mikkha naiinis siya kay Kuya Miggy dahil wala na raw bukam bibig kundi ang magka-baby sila. It's not her fault if she couldn't get preggy until now. Wala namang may diprensya sa kanila. Naawa nga ako kay Mikkha." kwento nito. Nakakatuwa na kahit matagal silang hindi nagkita ay very open pa rin ito sa kanya. " What about Zey and Cj?" Mas lalong lumungkot ang magandang mukha nito. " They lost their baby last month. And she is so depressed that nobody can talk to her. Naaawa ako kay Zey. You know I tried to call her pero hindi niya sinasagot. Kahit mga messages ko wala siyang reply. Pati si Cj halos hindi niya na kinakausap. I pity the guy. Plano nga namin pumunta ng States para bisitahin sila." Nagulat siya sa mga ibinalita nito. Kahit siya ay nalungkot nang malaman na namatay ang anak nina Zey at Cj. Nagkaroon daw ng malubhang karamdaman ang bata. " How about you? Kumusta married life mo?" " We are doing fine. We have no big issues. Normal na tampuhan lang ng mag-asawa minsan. Where is Brielle?" Hindi na siya nakasagot dahil tinawag na ang atensyon niya ng parents niya. The bride is here. Kailangan na nilang maghanda para sa entourage. " We need to get ready. Iwan muna kita, Megs. It was nice seeing you again. Na-miss kita." sabi niya saka niyakap ito ng mahigpit. " I missed you too, Kit. Good luck. Ang ganda ng mapapang-asawa mo." sabi nito saka inginuso si Brielle na kabababa lamang ng sasakyan. Bumilis ang pintig ng puso niya nang makita ang dalaga. Napakaganda nito sa suot na white wedding gown. Para itong prinsesa sa gown nito. Gustong-gusto niya itong yakapin kaagad at halikan sa mga labi. Pero hindi niya pa ito maaaring lapitan. Nagsimula nang tumugtog ang wedding song nila. I do ng 98 degees and he started to march along with his parents. Bawat lyrics ng kanta ay feel na feel niya. Nang nakarating siya sa unahan ay niyakap niya muna ang mga magulang niya. At pagkatapos ay tumayo siya nang tuwid habang buong pasensya na hinihintay na magmartsa na si Brielle sa aisle. All I am, All I'll be Everything in this world All that I'll ever need Is in your eyes Shining at me When you smile I can feel All my passion unfolding Your hand brushes mine And a thousand sensations Seduce me cause I... Nang sa wakas ay natapos na magmartsa ang lahat. Ngayon ay turn na ni Brielle sa paglalakad. Hindi niya maalis ang mga mata niya rito habang naglalakad ito sa aisle. Pakiramdam niya nakalutang siya sa alapaap habang nakatingin sa dalaga. Ito ang pinakamagndang babae ngayong araw na ito. Wala siyang ibang nakikita sa paligid kundi ito lamang. Habang patuloy ito sa paglalakad ay hindi niya maiwasang balikan ang lahat ng mga pinagdaanan nilang dalawa. Ang hirap paniwalaan na heto na sila ngayon at ikakasal na sa isa't-isa. Napakaswerte niya rito. Sa tuwing pagmamasdan niya ang magandang mukha nito pakiramdam niya ay lalo lamang siyang naiinlove pa rito. Hindi niya maiwasang maging emosyonal habang nakatitig sa dalaga. Hanggang sa namuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. For how many years ay hindi niya nakita ang sarili niya na darating sa sitwasyon na ganito. Ang maging isang totoong lalake at ikasal sa nag-iisang babae na nagpatibok sa puso niya. Sa tuwing naiisip niya na all these years ay halos abot kamay lang pala niya ang taong magpapabago sa pagkatao niya at magpapatibok sa puso niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. Sana noon niya pa binigyan ng chance si Brielle na baguhin siya. Because he could swear that being inlove with her is one of the best feelings that he had ever felt in his entire life. Pangalawa na doon ay ang pakiramdam na soon enough ay magiging isang pamilya na sila. Having her as the mother of his own children ay walang kasing saya. I do Cherish you For the rest of my life You don't have to think twice I will love you still From the depths of my soul It's beyond my control I've waited so long to say this to you If you're asking do I love you this much I do... " Gusto ko'ng mainggit sayo, brod. But seeing the sparkle in Brielle's eyes while looking at you made me realize na mas mabuting magparaya kesa magpakatanga. You are a one lucky guy to have her. Ingatan mo siya, Brod. Siya lang yung nag-iisang babae na hinabol-habol ko. And you must know why." sabi ni Liam na nakatayo sa tabi niya. Tiningnan niya ito saka ngumiti. Hanga siya sa pagiging sports nito. This guy played a big role kung bakit umabot sila ni Brielle dito. " She's my everything, brod. Makakaasa ka na hindi mapupunta sa wala ang pagpaparaya mo. I'll take care of her. Again salamat, Liam." Nakangiti itong tumango sa kanya. Nang malapit na sa unahan ang dalaga ay sinalubong na niya ito. He kissed her on the forehead. " Are you ready, Babe? In few more minutes magiging Mrs. Solis ka na. Wala ng atrasan 'to." Ngumiti si Brielle sa kanya. Yung ngiti niya na ito ang isang dahilan bakit nainlove siya rito. She has the gorgeous smile na kapag nakangiti ito ay gumagaan na rin ang pakiramdam niya. " Backing off never entered my mind. Ang tagal ko'ng hinintay ang araw na'to. Excited na nga ako'ng palitan mo ang surname ko." " Let's do it then. Let our happily ever after begins!" at hinawakan na niya ang kamay nito saka sila masayang humarap sa pari na magkakasal sa kanila. In few minutes, he will change her surname. And her, she will change his life for better. Mula sa araw na ito ipinapangako niya na mas mamahalin niya ito at aalagaan hanggang sa tumanda silang dalawa. For better or for worse, in sickness and in health, 'Till death, he will do his part.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD