Prologue
" BASTA kumpadre kapag nasa tamang edad na itong mga anak natin tuloy ang plano natin noon ha?" narinig niyang sabi ng Dada niya.
Nasa bahay sila ngayon ng mga Solis. Family friend nila. Birthday ng Ninang Elsa niya at nag-dinner sila sa bahay ng mga ito. Nakaupo siya sa swing kasama si Kit. Ang kinakapatid niya. Magkasing edad sila nito at dahil close ang mga magulang nila ay parang bestfriend na rin silang dalawa.
" Ofcourse, kumpadre. I am not forgetting that. I actually cannot wait for that special occassion to come. Para maging isang pamilya na tayo." sabi naman ng Daddy ni Kit.
Mula bata sila ay biruan na ito ng mga magulang nila. Na paglaki raw nilang dalawa ay ipapakasal sila sa isa't-isa. At dahil parati na nila iyong naririnig ay balewala lamang sa kanila. Para sa kanila ni Kit masayang magbibiruan lamang ang mga parents nila.
" Naku kayong dalawa talaga. Our kids are teenagers now. Stop joking about that. I don't want them to think that we are manipulating their lives. Let the kids be happy and do what they want in life." sabi naman ng Mama niya.
" Mareng Leny is right. Kaya kayong dalawa stop joking about it na. Baka mamaya maniwala ang mga bata sa inyo." sabi ng Mommy ni Kit.
" Who said we are joking?" ang Tito Ronald niya.
" We are serious here, ladies. We want our kids to end up together when they reach the right age. Isn't it nice if we become one family?" and Dada niya muli.
Mula sa paglalaro nila ng PSP ay napaangat sila ng mukha ni Kit at nagkatinginan sa isa't-isa. Blangko ang mga mata niya. Pero nakita niya ang pagpa-panic sa mukha ng kaibigan niya.
" You two can't be serious about it." nananantyang react ng Ninang Elsa niya.
" But we are." magkasabay naman na sagot ng mga Daddy nila.
Nakita niyang napalingon sa kanila ang mga parents nila. Nasa iisang mesa ang mga ito at hindi kalayuan sa kanila.
" They are just kidding, right?" finally sabi ni Kit.
Ngumiti siya. Wala siyang ideya kung totoo iyon o biruan lamang. Pero kung anuman ang plano ng mga ito sa kanila ay hindi niya muna iyon iisipin because they are still young to worry about it. Siya ‘yung tipo ng tao that won't panic right away. Napaka-kalmado at super positive ng mindset niya.
She shrugged her shoulders and smiled at him.
" I don't know and I don't care. We are too young to worry about that marriage thigy. Pareho nga tayong single pa eh. And besides kakampi ko si Mama. She will surely won't force me into something that I don't want to do. Kaya I'm not worried." sabi niya para mapanatag ang loob nito. She was acting like as if she didn't care at all from what they just heard.
Nakita niya kasi ang panic sa mukha nito. At ayaw niyang ipakita rito na somehow ay medyo nag-aalala rin siya sa sinabi ng Daddy nila. Totoo naman na kakampi niya parati ang Mama niya. But her Dada is also agressive and the type of person who won't stop and will keep on insisting until he gets what he wants.
Nagkibit-balikat si Kit.
" I just hope that they are not serious. Because even if they are our parents. They cannot dictate to us who we wanna marry someday. And if they do insist one day, please promise me that you won't say yes to them?"
Sandali siyang hindi nakaimik. At nakaramdam ng lungkot sa dibdib niya. So, malinaw na kahit kelan ay hindi ito magkakagusto sa kanya? Wala ba talaga siyang appeal para rito?
Hindi naman siya pangit. Maputi siya at maganda. Marami nga silang kaklase na nagsasabi na malakas ang appeal niya. Hindi siya yung tipo ng babae na ma-o-okray mo na kapag umitim ay pangit na. Or yung tipong maputi lang siya kaya maganda.
Fourth year highschool na sila at nasa tamang hubog na rin ang pangangatawan niya. Matangkad rin siya sa height niya na 5'6 ft. Wala na siyang baby fats sa katawan at may ilan siyang teachers na nagsasabi na pwede na pang modelo ang height at figure ng katawan niya.
Ang totoo pa nyan nakailang palit siya ng damit kanina bago pumunta rito. Gusto niya kasing masigurado na magmumukha siyang maganda sa paningin nito. Umaasa siya na pupurihin nito ang ayos niya. Pero pagdating niya kanina ay wala man lang itong napansin sa extra na pagpapaganda niya. Habang ang lahat ay pinuri siya.
Araw-araw umaasa siya na sana tingnan siya nito na lagpas sa pagkakaibigan nila. Hindi niya matandaan kung kelan niya nasimulang maramdaman ang pagtingin niya rito. Basta nagising na lang siya isang araw na hindi na isang kaibigan ang turing niya rito.
May gusto na siya sa kaibigan niya. Siguro dahil lalo itong gumwapo nang mag-teenager na sila o napansin niya na mas naging lapitin ito ng mga babae nang mag-highschool sila. Hindi niya alam kung paano o kelan nagsimula ang lihim na paghanga niya para rito.
" Will you promise?" untag nito sa pananahimik niya.
Pilit siyang ngumiti at umakto na hindi niya dinadamdam ang nais nitong ipagawa sa kanya. She raised her right hand.
" Sure. Promise."
Ngumiti na ito at muling naglaro sa PSP na hawak. Habang siya naman ay nakatitig lamang sa mukha nito.
" Kit, I have a question for you."
" What is it?" tanong nito na hindi man lang tumitingin sa kanya.
Pasimple siyang humugot ng hininga.
" By any chance... Do you ever find me... uhmm... attractive? Beautiful? Sexy?" lakas loob na tanong niya rito.
Pigil hininga siyang naghihintay sa isasagot nito. At nagtaka siya nang tumawa ito ng malakas. What was funny about her question? She used to like it when he laughed like this. Because he looks cuter. But now the sound of his laughter kinda insulting for her.
" Are you seriously asking me that?"
" Why not?"
" Its just funny."
" Ano'ng nakakatawa do'n?!" medyo inis nang sabi niya.
" Because I thought you are so confident about your looks. That you don't give a s**t what other people think of you. Then why now you are asking me that? Have you come to realize that you are not pretty and your looks is just simply plain and ordinary?"
Plain and ordinary? Is that how he thinks of her beauty? While some of their classmates think she has an exotic beauty? Confident naman siya na maganda siya. Pero curious lamang siya sa tingin nito sa kanya. Dahil ito yung tipo ng tao na hindi mahilig magbigay ng compliments sa kapwa.
" I know I am pretty. Gusto ko lang malaman ang opinyon mo syempre."
" There it is. I said it."
Parang gustong gumuho nung mataas na self confidence niya sa sinabi nito. So, he doesn't find her attractive or beautiful?
Napanguso siya. Ito lang yata ang kauna-unahang tao na hindi nagagandahan sa kanya. Of all people bakit siya pa? Kung may taong gusto niyang maka-appreciate sa itsura niya ito ang gusto niyang pumuri sa kanya.
" Ikaw lang ang hindi nagagandahan sa akin. Kontrabida ka talaga. Sino'ng nagagandahan mo sa school natin?"
" Wala." mabilis na sagot nito.
" Seriously? Ang dami mo kayang girl na friends sa school. Feeling famous ka eh. Lahat ng mga naging muse sa school natin close mo na."
Mula nang mag-high school sila ay marami na itong naging kaibigan na babae. Kaya hindi na rin ganun kadalas na magkasama sila dahil dumami na ang mga kaibigan nito. Minsan nga hindi niya mapigilang magselos. But she can't do anything about it.
" Sila naman ang naunang makipagkaibigan sa akin. I can't be snob to them. And they are cool people. I like their company."
" Mukha ngang super enjoy ka sa mga girl friends mo. That's why Jim was spreading a false rumors about you."
" Na ano? That I am gay?" diretsang tanong nito.
" Yes. Badtrip na nga ako sa grupo ng mga unggoy na yun eh. Akala mo kung sinong mga gwapo. Feeling pogi sa school. Ang papangit naman."
" Just ignore them. I don't care what they say about me."
" But they are being harsh. Kapag ako hindi nakapagtimpi I swear I will slap his face."
May gusto siya rito kaya natural na nasasaktan siya kapag naririnig niya na tinutukso ito ng ilang schoolmates nila. Puro mga babae kasi ang mga kaibigan nito sa school nila. Kaya binubully ng Jim na iyon na bakla ito. Pero sa tingin niya ay naiinggit lamang ang grupo ni Jim dito. Dahil halos lahat ng famous girls sa school nila ay ka-close si Kit.
" Don't do that, Brielle. Paano kung patulan ka no’n?"
" Nandyan ka naman. I'm sure you will defend me."
" I can't. Ano'ng laban ko sa kanila? Mag-isa lang ako apat sila. Besides ayoko rin na magka-black eye or magka-bruise ang mukha ko."
Maarte ito sa katawan at napakalinis. Kung hindi niya ito kilala ay iisipin niya rin na bakla ito dahil sa mga kaartehan nito sa katawan. Nagpapa-facial pa ito minsan. Galit na galit ito kapag may pimple na tumutubo sa mukha nito.
" Mas inisip mo pa yang mukha mo kesa sa buhay ko? Ano'ng klaseng kaibigan ka?"
" Kaya nga sabi ko sa'yo just ignore them. Wala naman silang mapapala sa ginagawa nilang pagkakalat ng tsismis."
Hindi na siya umimik. Itinutok na lamang niya ang pansin sa PSP na hawak niya.
HABANG nakaupo sila sa bench na nasa ilalim ng punong mangga ay hindi niya maiwasang mainis sa kabilang table na kungsaan ay naroroon ang grupo ni Jim. May hawak na gitara ang mga ito at panay ang kanta. Pero ang labis na ikinabubwiset niya ay ang kinakanta ng mga ito. Tila iyon parinig kay Kit dahil pinapalitan ng mga ito ang lyrics ng kanta at panay ang bigkas ng salitang bading pala siya.
" They are getting into my nerves!" inis na sabi niya kay Kit na busy sa paggawa ng homework nila. Breaktime nila ngayon at dahil wala itong nagawang assignment ay ngayon pa lamang nangongopya sa kanya.
" Just ignore them."
" Ang kupal kasi eh. Sarap paliguan ng sampal ang mga pangit na mukha nila."
Hindi na muling umimik si Kit. Nang matapos ito komopya sa kanya ay nagyaya na itong bumalik sa classroom nila. Pero nang mapadaan sila sa harapan nila Jim ay nagparinig na naman ito.
" May kilala ako na feeling pogi at panay ang dikit sa mga girls. Akala yata niya maloloko niya tayo. For all we know bakla 'tong si gago. Kilala nyo ba mga p're?" mayabang na parinig ni Jim at nagkatawanan ang mga kaibigan nito.
Hindi na siya nakapagtimpi at galit siyang huminto sa harapan ng mga ito.
" Sinong bakla, Jim? Baka sarili mo ang pinariringgan mo? Kalalake mo'ng tao para kang babae na parinig ng parinig dyan. Babae lang ang gumagawa niyan. So, keep your mouth shut!" nakapamewang na sita niya sa mga ito.
Naramdaman niya ang paghawak ni Kit sa balikat niya saka bumulong.
" Let's go Brielle."
" No. Once and for all I want to stop this nonsense issue that he keeps spreading about you. Nakaka-gago na ang unggoy na'to eh. Akala yata forever na tayong mananahimik sa isang tabi."
Tumayo si Jim sa harapan niya. Ganun rin ang tatlong alipores nito.
" Why so angry, Miss beautiful? Hindi naman ikaw ang pinaparinggan ko." nakangiting sabi nito.
" Hindi nga ako but I know who are you referring to! Pinagkakalat mo sa campus na bakla ang boyfriend ko. May ebidensya ka ba sa mga pinagsasabi mo na yan ha?!"
Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. Kaya labis ang inis niya rito ay dahil napansin niyang mas lalo nitong pinag-initan si Kit nang minsang hingiin nito ang number niya sa kanya pero inisnob nya lamang ito.
" Boyfriend mo ang Kit na ‘yan?" gulat na react nito.
Hindi niya nakikita ang reaction ni Kit pero sana hindi ito nagulat sa sinabi niya.
" Oo. Kaya kung ako sa'yo tigilan mo na ang pagkakalat ng tsismis na bakla ang boyfriend ko. Dahil lalake siya. At hindi hamak na mas malaki ang ano niya... alam mo na. Mas malaki kesa sa'yo! Kaya tumigil ka na ha!"
" I don't believe you. Bakla 'yan, Brielle. Hinagisan nga yan ng ipis ni Lanz last time at tumili yan sa takot eh. Huwag mo nang ipagtanggol yang kaibigan mo. Alam ko magkaibigan lang kayo."
" Hindi ka naniniwala na may relasyon kami?"
Natatawa itong umiling.
" Hindi. Unless hahalikan ka ng ugok na yan sa harap namin."
Napatingin siya kay Kit. Nabasa niya sa mga mata nito na umalis na lamang sila. Pero dahil sawang-sawa na siya sa pambu-bully ng mga ito sa kaibigan niya ay siya na mismo ang humila sa batok ng binata at hinalikan ito sa mga labi.
Saglit lang ang ginawa niyang paghalik dito at dampi lamang iyon. Pero inatake ng ilang boltahe ng kuryente ang katawan niya nang kabigin niya ito at magkalapat ang mga labi nila. This is her first kiss.
Nakita niyang napatulala si Kit sa ginawa niya at ganoon rin ang grupo ni Jim at nang ilang estudyante na nakatingin sa kanila. Ano ba'ng ginawa niya? Parang gusto niyang magsisi sa paghalik na ginawa niya sa kaibigan. Pero nangyari na. Atleast Jim and his friends will stop bullying him.
Huminga siya nang malalim at tiningnan si Jim.
" There, happy? Next time na ipagkalat mo pa na bakla siya, I will bring this issue to guidance and I will make sure that you will be suspended." saka siya tumalikod na.
Pero nang ma-realize niya na hindi sumunod si Kit sa kanya ay muli siyang lumingon. Nakatayo pa rin ito at tulala gaya ng grupo ni Jim. Bumalik siya at hinila ito sa kamay saka sila naglakad papunta sa classroom nila.
" Why did you do that?!" may galit sa tono ng binata nang finally ay magsalita na ito.
" To clear the issue."
" But you don't have to kiss me! Sabi ko naman sa'yo just ignore them."
Nilingon niya ito.
" Aren't you glad? I just cleared the issue. At least ngayon titigilan ka na ng mga unggoy na iyon."
" But I don't want you to kiss me! You kissed me infront of everyone."
" I just wanna---"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil pumasok ang teacher nila.
" Mr. Solis and Miss Agustin follow me to the guidance office right now!" istriktong sabi nang adviser nila.
Nagkatinginan sila ni Kit.
" See what you did?" galit na sabi ng kaibigan niya at nauna na itong tumayo.
Ngayon lang nag-sink in sa kanya na posibleng ipatawag nga sila sa guidance dahil sa paghalik na ginawa niya sa binata with in the school premises. And worse is, they will surely ask them to call their parents to come.
Ngayon ano'ng mukha ang ihaharap niya sa mga magulang niya at sa parents ni Kit? Nakakahiya!