MATAPOS makatanggap ng balita na isinugod sa ospital ang Mommy niya ay mabilis siyang nagpaalam kay Megs na magli-leave muna.
Ilang taon na siyang hindi umuuwi sa probinsya nila. Mula nang maka-graduate siya ng college ay pinili niyang lumuwas sa Maynila at mamuhay ng mag-isa. Maging independent.
Mula kasi nang aminin niya sa parents niya na bakla siya ay walang ibang bukam bibig ang mga ito na nagkamali lang raw siya o nalilito sa pag-conclude ng gender niya.
Naging mas madalas ang pagri-reto ng mga ito sa kanya ng babae na labis na ikinainis niya. Akala niya matatanggap na ng mga ito ang buong pagkatao niya. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala.
Dahil mas naniniwala ang mga ito na may paraan pa para maging straight na lalake siya. Kaya naman lumayo na lamang siya at hindi ipinaalam sa mga ito kung saan siya nakatira sa Manila.
Tanging through text and call lamang ang komunikasyon nila. At kahit araw-araw na nangungulit ang ina niya na umuwi na siya ay dinidedma niya lamang ito.
Mas tahimik ang buhay niya at malaya siya na malayo sa mga ito. Pero ngayon na nasa Ospital ang ina niya ay wala siyang choice kung hindi umuwi muna.
" Hey, you'll be back on my wedding ha?" untag ni Megs sa kanya.
" Nemen! Ofcourse! I can't miss that special moment of your life. Pinaghirapan mo kayang dakmain ‘yan at ito na ang resulta." nakangiting sabi niya sa kaibigan.
Boss niya si Megs. Pero dahil hindi naman nagkakalayo ang edad nila ay naging malapit rin silang magkaibigan. Ito lang nag-iisang babae na malapit sa kanya.
He has alot of girl friends pero ito yung tipo ng tao na napagsasabihan niya everytime na magkaka-problema siya. Very open sila sa isa't-isa.
" Hanggang kelan ka ba magli-leave gurl?" usisa pa nito.
Buntis na ito at ikakasal na sa lalaking pinangarap nito noon pa man. Saksi siya sa love story nito at sa ilang kagagahan na ginawa sa ngalan ng pag-ibig.
" I am not sure yet. Hindi ko pa nga alam ano'ng sakit ni Mudra eh. Basta tumawag lang si Pudra na umuwi ako at nasa ospital si Mudra. Until she gets better siguro. I will call you don't worry."
" I hope your Mom is okay. Ready ka na ba na makita uli sila?"
" I don't have a choice, Do I? Kahit ayoko pa'ng umuwi muna wala eh. Ayoko namang isumpa ako ni Mudra at mawalan ng mana." biro niya.
Tumawa rin si Megs.
" Ayusin mo muna pananalita mo. Ayaw ni father dear mo ng salitang bakla 'di ba? Baka paduguin niya nguso mo."
Nag-pout siya ng nguso niya. Hindi naman siya totally bakla manalita. Nadadala lang siya kapag kalog ang kausap niya tulad ni Megs. Most of the time normal ang pananalita niya. As in boses lalaki at walang halong kalandian.
Hindi bulgar ang pagiging bading niya. He doesn't wear make up and all that girly stuffs. Kilos lalaki rin siya at maharot lang kapag may kaharutan siya. Overall mukha siyang hunk.
Yes hunk. Iyan rin ang madalas na tawag ng karamihan sa kanya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na bakla siya when he has all these muscles and abs?
Dahil nakahiligan niya mag-stalk ng mga lalake sa gym ay na-engganyo rin siya na mag-exercise at magpa-macho. Para hindi naman obvious na sight seeing lamang ng mga boylets ang habol niya sa loob ng gym.
Gwapo rin siya at matangkad. Natatawa nga siya kapag may ilang babae ang tumitig sa kanya. Like they are actually drooling infront of him. Siya naman ang gagawin niya ipipilantik niya ang mga daliri niya para right away ma-inform sila na hindi sila talo.
Tapos maririnig niya na lamang ang mga salitang Hay sayang bakla siya ang pogi pa naman! Ayaw niya kasi sa lahat ay iyong tinitingnan siya ng mga kababaihan at tila ba siya pinagpapantasyahan. Nangingilabot siya sa thought na iyon. Hindi sila talo!
" Normal naman ako kapag nasa bahay 'no. Hay, I'll be bored there. Buhay probinsya na naman. Pagbukas mo ng bintana puro puno ang matatanaw mo."
May rancho ang pamilya niya. Maraming alagang hayop ang mga ito at sila ang pinaka-malaking supplier ng karne ng malalaking groceries sa probinsya nila at maging dito sa Maynila.
" Atleast you’ll be breathing fresh air. Iyon nga lang walang cute na boylet doon."
" Walang cute pero maraming abs at muscles sa rancho namin. Kaya lang yung ibang trabahador doon mababaho ang kili-kili. Kaya minsan hindi rin fresh air malalanghap mo eh."
Nagkatawanan silang dalawa. Saka siya tumingin sa wristwatch niya. Alas dos na ng hapon. Kelangan na niyang umuwi at mag-empake dahil maaga ang flight niya bukas pauwi ng probinsya nila.
" Anyways, I need to go now. I'm gonna miss you, gurl. Hindi ba pupunta rito si Fafa Jei? Para makapag-goodbye kiss man lang."
Kinurot siya ni Megs sa braso.
" Huwag kang maharot ikakasal na kami. Busy siya ngayon. Ingat ka doon at balitaan mo ako ha. Wala na ako'ng kaharutan dito."
" Bawal na sa'yo maharot malaki na tummy mo kaya. Mamaya mapaano pa yang inaanak ko. Ihalik mo na lang ako kay Fafa Jei sa lips ha. Sige na babush."
Matapos nilang magyakap ay lumabas na siya ng restaurant. Nag-drive siya pauwi. Nang makarating siya sa condo niya ay kaagad siyang nag-empake ng mga gamit niya.
Nami-miss niya rin naman ang mga magulang niya. Nag-iisang anak lamang siya at nakokonsensya rin siya na iniwan niya ang parents niya at natiis niyang hindi umuwi sa mga ito ng ilang taon.
Sana maayos ang lagay ng Mommy niya. Matapos mag-empake ay nagluto siya ng dinner niya. Ang tahimik ng condo niya. Pero sanay na siya sa buhay na ganito. Mag-isa. Wala namang lalake ang tumagal sa kanya. May ilan siyang naging boyfriends na lalake pero lahat nang iyon ay pera lamang ang habol sa kanya.
Minsan nakakapagod na rin makipag-relasyon sa kapwa niya lalake. Dahil halos lahat sila ay tanging pera lamang ang habol sa kanya. Tanggap niya naman na hindi niya maibibigay ang pisikal na pangangailangan ng mga ito. Dahil hindi siya babae.
Kaya ang ending sa huli ang perang ibinibigay niya ay pinapang-date lang rin ng mga ito sa mga babae. Kaya ngayon lie low muna siya. Minsan biniro siya ng kaibigan niyang transgender na magpaka-babae na rin ng bongga gaya nito.
Pero honestly kailanman ay hindi pumasok sa isip niya ang maging transgender. Hindi niya nga makita ang sarili niya na naka-bihis babae at naka-make up. Masaya siya na ang puso niya lamang ang binabae but the rest ay disente pa rin.
Nang makakain na siya ay tumungo na siya sa shower at naligo muna. Naghubad siya ng damit at tumingin sa salamin. Wala naman masyadong nabago sa kanya mula nang umalis siya sa kanila. Mas lumaki lamang ang katawan niya.
Habang nakatingin siya sa salamin ay napatitig siya sa mga labi niya. And out of the blue ay bigla niyang naalala ang first kiss niya. Ang first kiss nila ni Brielle.
Uuwi na siya sa kanila. Nasa probinsya rin kaya ito? Mula nang halikan siya nito noong highschool sila ay lumayo na siya rito. Dahil ng mga panahon na iyon ay alam niyang hindi babae ang gusto niya. At nangingilabot siya sa isiping hinalikan siya ng dalaga.
Kaya mula noon iniwasan na niya ito. Dahil bukod sa nakakahiya ang ginawa nito ay nag-guidance pa sila at pinatawag ang mga magulang nila
Naalala niya noon na tuwang-tuwa pa ang Daddy niya. Akala kasi ng mga ito may relasyon sila ng dalaga. Mula no'n naging bukam bibig na ng mga ito na ligawan niya si Brielle.
Pero dahil hindi naman babae ang gusto niya ay hindi niya sinunod ang mga magulang niya at mas pinili niya na lang na mas lalo pa'ng ignorahin ang dalaga. That way hindi na siya mapipilit ng mga ito dahil hindi na niya laging kasama si Brielle.
Kumusta na kaya ang lukaret na babae na iyon? Panay ang send noon nang friend requests sa mga social media accounts niya but he kept on ignoring her.
Hindi na siya makikipaglapit pa rito dahil ayaw niyang makakita na naman ng dahilan ang mga magulang niya para ireto sila ng dalaga. Tuluyan na niyang tinalikuran ang friendship nila.
" HEY, lady! Pack up na daw sabi ni boss."
Napaangat siya mula sa pagpi-f*******: sa cellphone niya. Si Feny ang nagsalita. Co-model niya. Nasa dressing room siya at naghihintay lamang na tawagin para sa ikatlong set ng photoshoot niya today.
International model sila at ngayon ay nasa Japan sila para sa isang proyekto na bridal gown modelling sa isang magazine. Nakasuot na siya ng wedding gown na imo-model niya at naghihintay na lamang matawag muli.
" What? I thought I have one more set do?" gulat na tanong niya sa kaibigan.
" Boss has an emergency. Tumawag yata yung kabit niya." biro ni Feny.
" Seriously? I am all ready and just waiting for his call. Don't tell me we need to come back here tomorrow just to do the last set?"
May plano sila ng team na gumala bukas since the next day ay flight na nila pabalik ng Pilipinas. But she is guessing na malabo nang matuloy iyon dahil may work pa rin sila bukas.
" Ganoon na nga. So, no shopping tomorrow I guess."
" Darn!" inis na sabi na lamang niya saka nagpatulong dito na hubarin ang wedding gown na suot niya.
Kaka-baba lamang ni Feny ng zipper ng gown niya nang biglang bumakas ang pinto. Nahila niya pataas ang damit niya at galit na tiningnan si Liam na siyang walang pasintabi na nagbukas ng pintuan.
" Don't you know how to knock the door? Dressing room 'to hindi kwarto mo!" masungit na sabi niya sa kapwa modelo rin.
Nanliligaw ito sa kanya pero hindi niya type ito dahil may katigasan ang ulo.
" Sorry. I just wanna ask you ladies if you wanna come and eat dinner with us."
Isa pa ito sa kinaiinis niya rito. Kahit ilang beses na niyang binasted ay panay pa rin ang dikit at paanyaya sa kanya.
" No thanks. May pera rin kami pambili ng pagkain."
Napakamot ito sa ulo. Habang si Feny naman ay nangingiti lamang. Mas close si Feny sa binata dahil mas una ito’ng nakilala ni Feny kesa sa kanya.
" Sungit naman ni Lalabs. Friendly date na nga lang ayaw mo pa."
" You can go now. As you can see I am changing my clothes."
" Can I watch you?" pilyong sabi pa nito. Kaagad niyang dinampot ang bottled water at akmang ibabato rito pero mabilis nitong naisara ang pintuan.
" I hate that guy!" inis na sabi niya saka nagpatuloy sa pagpapalit ng damit.
" The more you hate the more you love daw."
Tiningnan niya nang masama si Feny.
" Kahit siya na lang ang nag-iisang lalake sa mundo, I'm telling you na hindi ko papatulan ang unggoy na yun!"
" Yeah. Yeah. Yeah. Nag-mesaage ako sa'yo kanina. Nabasa mo ba?"
" No. What is it?"
" You were on your phone when I get in here and yet you did not even pay attention to read my message? What were you doing? Stalking your first love again?"
She was on her f*******: awhile ago and as usual ini-stalk na niya naman ang page ni Kit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito ina-accept ang friend request na sinend niya. Kahit naka-private ang profile nito ay halos araw-araw pa rin niya iyong tinitingnan sa pagbabakasakaling magpo-post ito at magpa-public ng ilang pictures.
Hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magkakaroon pa rin sila ng kontak o hindi kaya ay muli silang magkikita.
" You know me so well." nakangiting sabi niya.
Napailing-iling naman si Feny.
" Nagyayaya sina Georgina na mag-club tonight. Should we go?"
" Nah. We have work tomorrow. I don't drink when we have work the next day. You know how I drink. I will surely have a hang over tomorrow at ayokong masabon ni Boss."
" Four days na tayo dito hindi man lang nakapag-clubbing."
" Hoy, huwag ka'ng maghimutok dyan. Almost every year we are here and we always go clubbing. This is the first time yata na wala. Sisihin mo si Boss sa emergency niya."
Hindi na nakasagot si Feny dahil nag-ring ang cellphone niya. Mama niya ang tumatawag.
" Hi Mamu! I miss you." masayang bungad niya sa pagtawag ng ina.
" We missed you too, baby. I have a good news for you."
" What is it?"
" We are here in the hospital right now at okay na ang Ninang Elsa mo. She will be discharged tomorrow."
Tumawag ang mga ito sa kanya kahapon para ipaalam na naospital ang Ninang Elsa niya. She is like a mother to her kaya malapit ang loob niya sa Ninang niya.
" Wow that's good to hear, Mamu. Kiss mo'ko kay Mama Ninang okay?"
" That's not the only good news that I have for you."
" What else, Mamu?"
Hindi niya alam peo bigla siyang kinabahan.
" Kit is back."
Rumagasa ang excitement sa dibdib niya at bumilis ang pagtibok ng puso niya. Tama ba ang dinig niya?
" Say it again, Mamu please."
" Kit is back, anak. Nandito siya sa ospital ngayon kausap ng Mama Ninang mo."
" When did he arrives, Mamu?"
" Just this morning. Hindi ko lang alam kung hanggang kelan siya rito."
" Mamu, ask mo siya. And then call me or text kung hanggang kelan siya dyan."
" O sige. Later anak. Uuwi ka na ba bukas?"
" Sa isang araw pa po. Sana maabutan ko siya Mamu."
" Sana nga anak. Ang tagal ninyong hindi nagkita. Lalong gumwapo ang kinakapatid mo."
Mas lalo siyang na-excite na makita ang binata dahil sa sinabi ng ina niya. Kung gwapo na ito noon paano pa kaya ngayon? Parang gusto na niyang ire-book ang ticket niya at umuwi kaagad ng Pilipinas. Kaya lang may trabaho pa siyang kailangang tapusin bukas.
Hanggang sa magpaalam ang Mama niya ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa probinsiya nila si Kit. Mukhang hindi siya makakatulog sa excitement na posibleng magkita silang muli.
Single pa kaya ang binata? Sana. Dahil siya ay single pa rin sa pagbabakasakaling ito ang lalaking naka-tadhana sa kanya. Kahit nagkaroon na siya ng ilang nobyo in the past ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang binata.
At kahit hindi ito nagpaparamdam sa kanya ay umaasa pa rin siya na balang araw ay magkikita silang muli. Actually isa iyan sa sign na hiningi niya. Kapag tumuntong siya ng thirty at hindi pa rin sila muling nagkikita ng binata ay tuluyan na niyang kakalimutan ito.
Pero nasa twenty eight pa lamang siya ngayon at heto't mukhang pagtatagpuin na muli sila. Mukhang ito na nga yata talaga ang lalaking nakatadhana sa kanya.
Dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawala ang lihim na pagtingin niya rito. Para siyang baliw na nakangiti habang nag-iempake ng mga gamit niya.
" Ano’ng nangyari sa'yo? Ngiting inlove ka dyan." puna ni Feny sa kanya.
Lalong lumawak ang pagkakangiti niya.
" Magkikita na kami!"
Kumunot ang noo ng kaibigan niya. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya sa kwento ng buhay niya. Kaya alam nito ang istorya nila ni Kit.
" Who?"
" Si Kit."
Nabitawan nito ang hawak na damit at pagkuway natutuwang niyakap siya at tumili.
" Really? Gosh, I'm so happy for you girl! Isn't it the sign that you asked?"
Nakangiti siyang tumango. Lalo itong natuwa.
" Kapag nagkita kayo gawin mo na ang lahat para mapansin ka niya. This is it!"
" I honestly have no plans on mind yet. All I know is I'm happy and that I am too excited to see him again. But at the same time curious na rin kung galit pa rin siya sa akin."
" I don't see any reasons for him to be angry with you still. Sana pansinin ka niya pag-uwi mo. I'm excited for that!"
Hindi na siya sumagot dahil tinatawag na sila ng iba pa nilang kasamahan para bumalik na sa hotel. Hanggang sa pagtulog niya ay ang nalalapit nilang pagkikita ni Kit ang nasa isip niya. Sana Friday na para makauwi na siya sa kanila.