Chapter Two

3439 Words
ALAS Nuebe na ng gabi pero nasa ospital pa rin siya. Request ng Mommy niya na siya ang magbantay dito dahil madi-discharge na rin ito bukas ng umaga. Over fatigue ang sanhi nang pagkakasugod nito sa Ospital. Bigla na lamang raw ito nawalan ng malay sa gitna ng rancho nila sa kainitan ng araw. Alam niyang sobrang sipag ng mga magulang niya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na naospital ang ina niya. Nang dumating siya rito kaninang umaga ay dito kaagad siya dumiretso. Naabutan niya rito ang Daddy niya at ang mag-asawang Agustin na close family friend ng pamilya nila. Masaya siya na nakita niyang muli ang mga magulang niya. Pero bakas ang pagtatampo ng Daddy niya sa kanya dahil hindi siya nito masyadong kinakausap. Napaka-pormal rin nito kung kausapin siya. Sabagay, mula nang umalis siya sa poder ng mga ito ay ang ina niya lamang ang parating komokontak sa kanya. Kung hindi pa naospital ang Mommy niya ay malamang hindi siya tatawagan ng ama niya. Nakita niyang namayat ang ina niya. Sabi nito sa kanya kanina mula nang umalis siya ay wala ito’ng ibang ginawa kundi magpaka-busy sa rancho nila. At isipin siya gabi-gabi kung ano’ng kalagayan niya sa Manila. Bakas ang hinanakit nito sa tinig kanina habang sinasabi sa kanya kung paano niya natiis ang mga ito. Kung hindi pa raw siguro naospital ang Mommy niya ay wala na siyang balak pang umuwi. Hindi naman siya ganun katigas para hindi makonsensya. Kung walang nanay na hindi nakakatiis sa kanilang anak. Para sa kanya wala namang anak na hindi nakokonsensya sa pagmamatigas na ginagawa sa mga magulang nila. Kaya heto ngayon at talagang nakukonsensya siya. " Anak, kwentuhan mo ako. Ano'ng trabaho mo sa Manila?" tanong ng Mommy niya nang maiwan silang dalawa sa silid nito. Umuwi muna ang Daddy niya at babalik na lamang bukas para sunduin sila. Kaya silang dalawa lamang ang nasa loob ng silid ngayon ng Mommy niya. Napatingin siya sa ina. Akala niya ay tulog na ito. Nakaupo siya sa sofa malapit sa higaan nito. " Assistant Chef po sa isang Italian restaurant." Hindi siya graduate ng culinary arts. Pero dahil mahilig siyang magluto at manuod ng mga tutorials video ay gumaling nang husto ang cooking skills niya. Nang mag-apply siya kay Megs as cook ay hindi siya nito hinanapan ng mga papel regarding the course. Tinanong lamang siya nito ng skills niya at ilang personal information. Nang sabihin niya rito na hindi siya graduate ng culinary ay hindi naman siya nito ni-reject. Pina-sample siya nitong magluto at nang magustuhan ang niluto niya ay hinire na siya. Pina-undergo lamang siya nito ng one month training at ito mismo ang nagturo sa kanya. Ibinahagi ng dalaga ang ilang natutunan nito sa culinary at ginawa siyang assistant chef nito. Kaya natutuwa siya sa dalaga dahil hindi ito masyadong istrikto sa business nito. Napaka-cool na owner at very friendly sa lahat ng staffs niya. Super down to earth rin dahil lahat sila ay first name lamang ang tawag dito. Hindi ito pormal gaya ng ibang negosyante. Kaya sobrang naging close silang dalawa. " Marunong ka'ng magluto?" gulat na tanong ng ina niya. Hindi niya naranasan na magluto sa bahay nila dahil marami naman silang kasambahay para magsilbi sa kanila. Kaya walang ideya ang mga ito sa cooking skills niya. Nakahiligan niya ang pagluluto nung maging independent na siya. " Opo. I learned how to cook when I moved out and became independent. May cooking skills pala ako." " When we get home please cook for me. I wanna see kung gaano kagaling magluto ang anak ko. Wala kaming kamalay-malay may Chef na pala kaming anak." nakangiting sabi nito. Mukhang hindi na ito nagtatampo sa kanya. " Bukas na bukas rin Mom I'll cook for you. Ano ba'ng gusto mo?" " Italian dishes. Sa Italian restaurant ka nagwo-work di ba. Ipagluto mo ako nung mga siniserve ninyo doon." " Okay bukas po." Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila. Humigop muna siya ng kape na iniinom niya. " Kwento ka pa anak. What about girlfriend? May mamanugangin na ba kami?" Muntikan na niyang maibuga ang kape na hinihigop niya. Hanggang ngayon ba naman lalake pa rin ang tingin nito sa kanya? Umamin na siya noon pa na bakla nga siya. Bakit hindi kayang tanggapin ng mga ito at paghahanapan pa siya ng nobya? " Mom, didn't I tell you long time ago that I don't like girls? Hindi ako lalake. I am gay." Bumakas ang lungkot sa mukha ng ina niya. " Hanggang ngayon ba anak bakla ka? Walang nagbago?" Tumango siya. " Forever na siguro 'to, Mom. This is me." " Anak wala namang bakla sa lahi natin both my side and your Dad’s side. At saka look at you, mukha ka namang lalake. Ang gwapo mo nga lalo ngayon. May muscles ka pa." " My physical appearance might look like a real man but my heart is woman, Mom. Hindi ko talaga gusto ang mga babae. Never po akong nagka-girlfriend. Boyfriend meron." diretsahang sabi niya. Nagulat siya nang biglang mapaupo ang ina niya at sa isang iglap ay nabato siya nito ng magazine na nasa mesa malapit sa higaan nito. Kung paano nito iyon nakuha ng tila kidlat ay wala siyang ideya. Basta naramdaman niya na lamang na tumama iyon sa ulo niya. May pagka-carino brutal talaga itong ina niya. Bakit ba hindi niya naisip iyon bago siya sumagot. Napadaing siya saka napahawak sa ulo niya. " Pumatol ka sa kapwa mo lalake, Kristobal?!" galit na sabi ng Mommy niya. Gustong tumayo ng balahibo niya pagkarinig sa full name niya na itinawag nito ngayon sa kanya. Matagal na niyang inilibing ang pangit na first name niya. Bakit binubuhay na naman ng Mommy niya? " Mom, don't call me that name. It sounds Ewww. Call me Kit or Kitty para mas cute." medyo tunog bading na ang boses niya. Gusto niya kasing ipakita sa ina na bakla nga siya. " At kumukulot-kulot pa iyang boses mo?! Ayusin mong manalita kung ayaw mo'ng ibuhol ko sa leeg mo itong dextrose ko?!" galit na duro pa nito sa kanya. Gusto na niyang mag-walk out. This is the reason kaya ayaw niyang umuwi. Her Mom can be the sweetest woman on earth but she can also be a dragon with just a blink of an eye. Kanina lamang ay ang lambing nito. Ngayon mala-dragon na, na anytime ay tila magbubuga na ng apoy sa kanya. " Kasi naman eh! Bakla nga po ako!" at nagpapadyak pa siya sa sahig na tila bata. At bago pa siya nakailag ay muli na naman siya nitong binato ng bottled water. Buti na lamang at nasambot niya iyon. " Mommy nakakadalawa ka na ‘ha. Stop throwing stuffs. Masakit kaya!" arte niya pa. Siguro naman hindi hihimataying muli ang ina niya sa pag-aaktong bakla niya sa harapan nito. And if ever na mag-pass out man ito okay lang siguro nandito naman sila sa ospital. Ang mahalaga wala rito ang Daddy niya. Malaya niyang maipagpipilitan sa Mommy niya na bakla siya. " Kapag hindi ka tumigil sa pag-iinarte mo na bakla ka hindi lang yan ang lilipad sa'yo, Kristobal. Pati itong kama ibabato ko na sa'yo!" " Ay, si Mommy nagjo-joke. Mabigat kaya 'yan." " I am not joking here! Seryoso ako. Umayos ka!" at bigla itong napahawak sa dibdib nito. Ano kaya'ng inaarte ngayon ng Mommy niya? Kanina lang ang lakas-lakas nito. " Tubig..." sabi nito saka ini-extend ang isang kamay at itinuturo ang tubig na hawak niya. Napatingin naman siya sa bottled water na ibinato nito sa kanya. " Mom, huwag ka'ng umarte. Hindi bagay sa'yo mag-artista. Gusto mo lang kunin 'tong bote para muling ibato sa akin. No, no mother dear." " Naninikip ang dibdib ko! Give me the water. Papanuorin mo ba ako'ng mamatay dito?" " Masamang d**o ka, Mom. Hindi ka pa madededo." " Aba't talagang---" Nang makita niyang tatayo ito ay mabilis na niyang inabot dito ang tubig. Kaagad nito iyong nilagok. Nang makainom ito ay nag-inhale exhale ito. " Kumalma ka na mother dear please." Tumingin sa kanya ang ina. Mukhang kalmado na ito. " Anak naman kasi. Kaisa-isa ka naming anak. Only child tapos ganyan ka pa? Maawa ka naman sa amin ng Daddy mo." " Eh Mom, bakla nga ako ano'ng magagawa ko? Hindi ko naman po ginusto 'to. Bigla ko na lang naramdaman na ganito pala ako. Hindi nyo naman ako pwedeng sisihin kung bakit nagkaganito ako. Buti nga hindi ladlad ang pagka-bading ko. Hindi ako nagsusuot ng mga girly stuffs at make up. Matuwa pa dapat kayo disente pa rin ako." " Disente?! May disente ba'ng pumatol sa kapwa lalake?" " Break na naman kami, Mom. Saka naka-tatlong boyfriend lang ako. Ngayon single na ako and ready to mingle." " At nakatatlo ka pa?! Naku, Kristobal! Huwag mo'ng mabanggit-banggit sa Daddy mo 'yan at sigurado ako baka maputukan ka ng shot gun!" Naiinis siyang napaupo sa sofa. Kung pwede lang na bumalik na ng Manila ngayon rin ay uuwi na siya. " Do you see the reason why I don't want to come back here? Sarili nyo ako'ng anak pero hindi ninyo ako matanggap. That's why I want to live far from you guys. And far from everyone who knows me. Nang sa ganun hindi ninyo ako huhusgahan. Gusto ko'ng mamuhay sa lugar that I can be free without all the people who are giving me bad vibes. Ayoko sanang umuwi because I know this will happen. I know we gonna argue alot. But you see, Mom. Kahit ayoko I am here now. Because I miss you. Pero ikaw sa halip na yakapin at tanggapin ang pagkatao ko kinu-condemn mo pa. That's why you can't blame me kung gusto ko'ng mag-isa. Titiisin ko ang lungkot being alone huwag ko lang marinig ang mga masasakit na salita na sasabihin ninyo sa pagkatao ko. Mom, tao rin po ako. May puso, may kaluluwa, may laman loob at kung anetch-anetch pa." litanya niya. Napabuntong-hininga ang Mommy niya. " Anak, mahal ka namin. And we only want what's best for you. Walang bakla sa lahi natin. At nasisiguro ko na pwede pa nating masolusyunan 'yang pagkatao mo. Makipag-cooperate ka lang sa amin ng Daddy mo." Ano ba ito set up? Pinauwi siya para na naman masolusyunan ang kabaklaan niya? Napatingin siya sa wall clock. Alas diyes na ng gabi. " Mom, I'm tired. Let's go to sleep. Wala pa ako'ng maayos na tulog sa pag-iisip na baka malala ang sakit ninyo. Kung alam ko lang na malakas pa kayo sa kalabaw sana hindi na lang ako umuwi rito." " Ganun? Titiisin mo akong nakaratay sa hospital bed?!" " Ano'ng nakaratay? O.A ka Mom. ‘Yan nga at nakaupo ka oh. Nagbanta ka pa na ibabato mo sa akin yang kama. Malakas ka pa kay Darna. Tulog na po tayo." at lumapit siya rito para halikan ito sa noo. " Pero anak. Pag-isipan mo yung sinabi ko." " Good night na, Mom. I'll turn off the light." at pinatay na niya ang ilaw saka nahiga na sa isang kama na naroroon. Nang makahiga siya ay narinig niyang sumisinghot-singhot ang ina niya habang nagdarasal. Sadyang pinaparinig pa nito sa kanya ang ipinagdarasal nito na sana ay maging lalake pa siya. Ipinatong niya ang isang braso sa noo niya saka nag-concentrate na para matulog. He needs to book his ticket ASAP going back to Manila. MATAPOS silang masundo ng Daddy niya ay umuwi na sila sa kanilang bahay. Habang papasok ang sasakyan nila sa malawak na lupain nila ay naramdaman niya ang pagka-miss sa lugar na ito kung saan siya lumaki at nagka-isip. Masarap rin lasapin ang sariwang hangin na malayang pumapasok sa bukas na bintana ng kotse ng Daddy niya. Kung sa Manila ito puro usok ang malalanghap mo. " Honey, ipinalinis mo ba ang kwarto ni Kit?" tanong ng Mommy niya habang palabas sila ng sasakyan. Malakas na ito at tila hindi naospital. Tumango lamang ang Daddy niya. " Hindi naman ako magtatagal dito, Mom. Baka sa isang araw babalik na rin ako ng Manila. May trabaho po kasi ako doon na naiwan. Kaya hanggang---" " You are not going back to Manila." putol ng Daddy niya sa sinasabi niya. Gulat na napatingin siya rito. Pero hindi siya nito nilingon at diretso lamang na pumasok sa loob ng bahay. " Dad, I can't stay here too long. I have a---" " You heard what I said right? You are not going back to Manila. You will stay here and you will help us managing the ranch. Tama na iyong binigyan ka namin ng maraming taon na mag-isa at gawin ang gusto mo." may diin sa tono na sabi muli ng ama niya. " But Dad---" " Kung pipilitin mo'ng bumalik sa syudad kesa manatili dito maari mo'ng gawin yan. Pero once na lumabas ka sa pintuan na iyan huwag ka ng babalik dito kahit na kailan. Kahit na mamatay kami ng Mommy mo ay huwag ka'ng papakita rito. Kalimutan mo na lang na may magulang ka!" yun lamang at umakyat na sa itaas ang Daddy niya. Napatingin siya sa ina niya. Nagkibit-balikat lamang ito at saka sinundan sa itaas ang Daddy niya. Naiwan siya sa sala na tulala at hindi makapag-decide. Sino ba namang anak ang kayang itakwil ang mga magulang nila? Na-hurt siya sa sinabi ng Daddy niya. He left him without any choices. Hindi niya naman kayang itakwil ang mga ito. Kahit na against ang mga ito sa kabaklaan niya ay utang niya pa rin sa mga ito ang buhay niya. Without them he won't be here. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. At tila muling nag-echo sa tenga niya ang huling sinabi ng ama niya. Sakit sa puso. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan muna si Megs. " Hello, gurl." " Hey, how's your Mom?" " She's fine. Malakas pa kay Darna. She was discharged today." " That's good to hear. Pero bakit mukhang malungkot ka?" Huminga muna siya nang malalim. " I can't go back there yet. May aayusin pa ako rito." " Oh. That's alright. But make sure you'll be here on my wedding okay?" " I will try. I'll call you kapag babalik na ako. Regards to all. 'Bye." " Okies. Bye!" Nang mapatay niya ang cellphone ay may lumapit na katulong sa kanya. " Sir, iaakyat ko na po itong bag ninyo. Maayos na po ang silid ninyo. Kung gusto ninyong magpahinga ay pwede na rin po kayong umakyat." " Sige. Salamat." Malungkot siyang sumunod dito. Nang makapasok siya sa silid niya ay inilibot niya ang paningin sa loob nun. Walang nabago sa silid niya. Kung paano niya iniwan ang mga gamit roon ay ganuon pa rin ang pagkakalagay. Nang mapatingin siya sa study table niya ay nakita niya ang isang frame doon. Picture nila ni Brielle na kuha noong graduation nila ng high school. Ayaw niyang magpakuha noon nang larawan kasama ang dalaga. Pero makulit ang mga parents nila. Ang Mommy niya rin ang naglagay ng frame na ito sa mesa niya. Napatitig siya sa picture na iyon. Kumusta na kaya ang babae na ito? Ang sabi ng Tita Leny niya kahapon nang dumalaw ang mga ito sa Mommy niya ay nasa Japan raw ito ngayon para sa isang modelling project. Hindi na siya masyadong nagtanong dahil hindi naman na sila ganun kaclose ng dalaga para mag-usisa pa. Tumungo siya sa may bintana at tinanaw ang view sa likuran ng silid niya. Mula doon ay makikita mo ang kabundukan sa malayo at maraming puno ng niyog. At syempre ang rancho nila mula sa hindi kalayuan. Nakikita niya ang ilang trabahador na pinapaliguan ang mga alaga nilang nga hayop. Bigla niyang naalala ang alaga niyang kabayo na si Piolo. Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala na namatay na ito. Iyon lamang ang nag-iisang kabayo na paborito niyang sakyan noong high school siya. Ipinangalan niya pa iyon sa artistang si Piolo Pascual dahil kasikatan ng aktor noon. Mamayang hapon ay susubukan niyang mag-ikot sa rancho. Sa ngayon ay magpapahinga muna siya at magluluto naman mamaya para sa ina niya. " HOW was the food, Mom?" tanong niya sa ina habang nasa hapag sila at nagtatanghalian. Ipinaghanda niya ang mga ito ng Italian pasta, salad, herb grilled salmon at vegetable pizza. Inubos muna nang Mommy niya ang laman ng bibig nito bago sumagot. " Great. Masarap anak. Next time chinese food naman. Marunong ka ba?" " Yes. Try rin natin some Thai and Japanese food next time." Napatango-tango ang Mommy niya. Ang Daddy niya ay tahimik lamang na kumakain. " Next week pupunta rito si Bobby. He is in charge to teach you everything about our business. You need to learn everything para kapag wala na kami ng Mommy mo hindi ka maloloko ng mga tao sa paligid mo." sabi ng Daddy niya. Hindi man lamang siya tinanong kung gusto niya ba'ng pamahalaan ang negosyo nila. Hindi naman ganito ang forte niya. " This is not what I want to do, Dad. Masaya ako sa trabaho ko sa Manila." Galit siyang tiningnan ng ama niya. " Sinong magma-manage ng rancho kapag nawala na kami ng Mommy mo? Pinaghirapan namin ito tapos wala man lang halaga para sa'yo? Wala pa sa one fouth ng kita ng rancho ang sweldo mo bilang chef sa restaurant na iyan, Kristobal!" ' Kristobal, Kristobal kadiri na! Pwede ba'ng Kitty na lang?!' inis na bulong ng isip niya. " It's not about the money, Dad. It's about my passion from what I do. Hilig ko ang magluto and I love my job there." " You can build your own restaurant here after you learned everything in our business. Kung magmamatigas ka na bumalik ng Maynila then go. Pero gaya ng sinabi ko na kanina huwag ka ng babalik pa dito." ' Inulit na naman! Tsk!' Naputol ang pag-uusap nila nang mag-ring ang telepono at lumapit ang isang kawaksi para tawagin ang Mommy niya. Tumayo ito para sagutin ang tawag. Naiwan sila ng Daddy niya na tahimik sa mesa. Nang bumalik ang Mommy niya ay nakangiti ito. " The Agustin is inviting us to have dinner at their house tomorrow. Welcome dinner for you anak." Tumango lamang siya at hindi na nagkomento pa. Para tuloy gusto niyang isipin na sinet up lamang siya ng mga ito para pauwiin at planado na ang lahat na huwag siyang makabalik ng Manila. Nakakainis! HINDI siya mapakali nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan nila sa Manila. Magkikita na sila mamayang gabi ni Kit. Connecting flight ang ticket niya at mamayang alas kuatro ng hapon ay nasa probinsya na siya. Ibinalita ng Mommy niya sa kanya na magdi-dinner ang mga Solis sa bahay nila mamaya. Welcome dinner para kay Kit. Kagabi ay halos hindi rin siya makatulog sa pag-iisip na malapit na talaga silang magkita. Sobrang nai-excite siya na halos hilahin na niya ang mga oras. " Someone is excited to come home!" tukso ni Feny nang tumayo siya kaagad pagkasabi na maari na silang lumabas. Dati-rati kasi nagpapahuli silang bumaba ng eroplano dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa mga pasahero. " If only I can speed up the time girl." sagot niya nang makalabas na sila ng eroplano. " Magpaganda ka ng bongga tonight. At balitaan mo ako." Tumungo sila sa baggage conveyor at hinintay na lumabas ang maleta nila. " Brielle, hatid na kita sa condo mo? I have my car---" " No. I'm good, Liam. Connecting flight ako sa province namin." pambabara niya kaagad dito. Nakabuntot na naman ito sa kanya nakakairita na. " You will go home to your province?" gulat na tanong nito. " Bingi lang? Kasasabi ko lang 'di ba?" " Sungit mo naman. Kelan ka babalik dito?" " Bakit tanong ka ng tanong? Magaling ka naman mag-stalk sa IG at sss ko 'di ba?" " Grabe bawal nang magtanong sa'yo?" Kinuha niya ang luggage niya nang makita iyon at saka naglakad na. Sumunod sina Liam at Feny sa kanya. " What's the rush, Brielle? Hintayin mo naman kami." sabi pa ni Liam. Nang malapit na sila sa may exit door ay yumakap na siya kay Feny at humalik sa pisngi nito. " I gotta go. I'll call you na lang." " Alright. Ingat ka girl." " Ako walang goodbye kiss?" si Liam na naman. Inambagan niya ito ng suntok. " How about you kiss my fist?" Napailing na lamang ito at saka siya tumungo na departure area. Para siyang tanga na naka-smile habang naglalakad. This is the day that she's been waiting for. After two hours nasa probinsiya na siya. ' See you soon, Kit!' sabi niya sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD