Chapter Three

3240 Words
NANG sumapit ang alas singko ng hapon ay naghanda na siya para sa dinner nila mamayang alas siete sa bahay ng mga Agustin. Naligo siya at naghanap ng pupwedeng suotin. Isang denim long sleeves ang napili niya at black pants. Itinupi niya lamang ang sleeves hanggang sa mga siko niya. Matapos mag-spray ng cologne at makitang ayos na ang itsura niya ay bumaba na siya sa sala. Hindi niya pa rin matanggap na mananatili na siya rito. Simula nang mag-move siya sa Manila ay na-adopt na niya ang pamumuhay doon. Ang mabilis na takbo ng oras at mga taong busy sa trabaho. Maingay na paligid at ang night life niya sa gabi. Napabuntong-hininga siya. Napakatahimik sa loob ng bahay nila. Nakaka-depress ang katahimikan. At pakiramdam niya ay napakabagal ng oras dito. Samantalanag sa Manila papasok siya sa restaurant maya-maya lamang ay busy na siya at hindi na mamalayan ang oras. Kung sakaling maiinip man siya sa condo niya ay pupunta lamang siya sa mga night club or casino para maglibang. Dito lumabas ka ng bahay puro puno at hayop ang matatanaw mo. Isang oras mula sa kanila ang bayan at hindi naman ganun ka-civilized pa. Wala silang malalaking shoping malls gaya ng SM or Ribinson. May ilang fast foods at night club but still, not as great as what they have in Manila. Ito ang buhay na gusto ng mga magulang niya. Tahimik at malayo sa ingay ng syudad. Nang may marinig siya na mga yabag pababa ng hagdanan ay napatingala siya. Nakita niyang pababa na ang mga magulang niya. Tumayo na siya at hinintay ang mga ito na makalapit sa kanya. " You will use the truck outside. Here's the key." at iniabot ng Daddy niya sa kanya ang susi at nauna nang lumabas ito. Mula nang dumating siya rito ay napaka-pormal at istrikto nito sa tuwing kakausapin siya. " See you there, anak." " Okay." Lumabas na rin siya at nakita niya ang isang blue pick up truck sa may garahe. Naiinis siyang napabuntong-hininga. He hates driving truck. This so manly. Nami-miss na niya ang kotse niya sa Manila. Kulay pink ang honda accord na sasakyan niya doon at may hello kitty na designs pa sa labas ng sasakyan. ' Hay, province life. Bring me back to City please!' sabi niya sa isip saka naiiling na pumasok na sa sasakyan. He started the engine at nag-drive na papunta sa bahay ng mga Agustin. Thirty minutes and he will be there. Napaisip siya nandoon na kaya si Brielle? Sana wala pa. Sa tingin niya ay walang ideya ang mga Agustin na bakla siya. Dahil nang umamin siya sa mga magulang niya ay pinagbantaan siya ng mga ito na huwag na huwag niyang sasabihin kahit kanino na bakla siya. Alam niyang ikahihiya siya ng mga ito kapag nagkataon kaya mas pinili na lamang niya na lumayo. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaibigan at kakilala nila kapag nalaman ang totoong pagkatao niya? Malamang magulat at husgahan siya? Ganyan naman ang karamihan sa mga tao. Nature na ng karamihan ang manghusga. Matapos ang kalahating oras ng paglalakbay ay nakarating na rin siya sa harapan ng bahay ng mga Agustin. Tinitigan niya ang kabuuan ng bahay ng mga ito sa labas. Mukhang ipina-renovate ng mga ito ang bahay dahil mas lumawak iyon. Pinatay na niya ang engine at bumaba na ng sasakyan. Mukhang nasa loob na kaagad ang mga magulang niya. Dahil nakita niya sa labas ang sasakyan ng mga ito. SAMANTALA nakadungaw siya sa silid ng bintana niya at nakita niya ang pagdating ng isang blue truck. Mukhang ito na si Kit. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil awtomatikong bumilis ang pintig ng puso niya. Naghintay siya ng lang minuto. At hindi nga nagtagal ay lumabas na ang binata. Para siyang teenager na literal na napatulala nang makita itong umibis ng sasakyan. Naka-denim long sleeves ito na nakatupi hanggang sa siko. Naka-black pants at rubber shoes. Kahit sa malayo ay malinaw niyang nakikita na gumanda ang pangangatawan nito at tama nga ang ina niya. Lalo pa itong gumwapo. Para siyang natuliro sa sandaling nasilayan niya ang binata. Wala na ito sa labas ng bahay nila pero tulala pa rin siya na nakatanaw sa labas ng bintana. Napukaw lamang ang atensyon niya nang may kumatok sa pintuan at magsalita. " Ma'am, pinapatawag na po kayo ng Mommy ninyo sa ibaba. Nakahanda na po ang dinner at nandito na ang mga bisita." boses iyon ni Choleng. Kawaksi nila. Napakurap-kurap siya saka sumagot. " Okay, Choleng. Susunod na ako." Mabilis siyang humarap sa salamin. Kanina pa siyang alas kuwatro nagsimulang maghanda. Pero alas sais y medya na at hindi pa rin siya natapos. Hindi niya kasi malaman kung ano ang susuotin niya. Kahit wala pa siyang pahinga from her flight in Japan ay hindi siya nagrereklamo. Dahil sobrang excited siya sa muli nilang pagkikita. " I think I'm good." sabi niya nang makita ang itsura niya. She was wearing a knee length v-neck dress. Nakalugay lamang ang hanggang balikat niya na buhok na kinulot niya ng bahgya kanina para magmukhang wavy. Naglagay siya ng light make up at ng favorite niyang red lipstick. Huminga muna siya ng malalim saka lumabas na ng silid niya. Habang pababa siya ng hagdanan ay naririnig na niya ang mga tawanan mula sa dining room. Nakita niya ang mga parents niya na nakaupo na sa right side ng mesa habang ang mga Solis naman ay nasa left side. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang si Kit ay tahimik lamang na nakaupo. Side view pa lamang ang nakikita niya pero parang maiihi na siya sa kagwapuhan nito. Paano pa kaya kapag humarap na ito nang malapitan? Tumikhim siya nang tuluyan na siyang makalapit sa mesa at saka bumati sa mga bisita. " Hi, guys. Good evening to all of you." nakangiting bati niya. Narinig niyang gumanti ng bati ang mag-asawang Solis pero si Kit ay seryoso lamang na lumingon sa kanya. At tama nga ang hinala niya. Mas gwapo ito sa malapitan. Gwapo na ito noon pero ngayon mas dumoble ang kagwapuhan nito. " You look so beautiful, baby." Napakurap siya nang biglang lumapit ang Ninang Elsa niya at makipag-beso sa kanya. Ganoon rin ang Tito Ronald niya. Parang tunay na anak na ang turing ng mga ito sa kanya. " You look great, Mama Ninang. Para ka'ng hindi naospital." " Alam mo namang mas malakas pa ako sa kalabaw, baby." Ngumiti siya at muling tiningnan si Kit. Nakaupo lamang ito at nakatingin sa plato nito. Lalapitan niya ba ito para bumeso? Parang nakakahiya naman yata gayong mukhang galit pa rin ito sa kanya. Pero kung iisnabin niya rin ito ay magmumukha naman siyang bastos gayong bisita nila ito ngayong gabi. She decided to go and greet him. Mas maganda na iyong babatiin niya. Kung dedmahin siya atleast she tried. And so she walked into his chair. At nakangiting bumati. " Hi, Kit. How are you?" at yumuko siya para bumeso rito pero sa pagkagulat niya ay umiwas ito. " I am good and no need to do that." mahinang sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung napansin ng mga magulang nila ang pagtanggi nito sa pagbeso niya. But she acted like as if nothing happened at umupo na siya sa tabi ng Mama niya na kaharap naman ng upuan ni Kit. " Okay, since everyone is here we can start eating. But let’s pray first." sabi ng Mama niya at nagsimula na itong magdasal. Pumikit na ang lahat at tumahimik. Habang nagdarasal ang Mama niya ay pasimple niyang binuksan ang isang mata niya saka tiningnan si Kit. Kahit nakapikit ito ay gwapo pa rin. Bakit kaya hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya? Nang matapos na ang maikling panalangin at magmulat ito ng mga mata ay mabilis niyang itinuon sa plato niya ang tingin. Nagsimula na silang kumuha ng kanya-kanyang pagkain. At dahil malapit sa kanya ang lalagyan ng kanin ay kaagad niyang kinuha iyon at iniabot muna sa binata. " I am not having rice." maikli at seryosong tanggi nito. Napakagat-labi siya at saka binawi ang pag-alok dito. Nilagyan niya ng kanin ang plato niya. Wala pa'ng limang minuto ang lumilipas ay dalawang beses na siyang napapahiya rito. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na magkita sila tapos ganito ang pakikitungo na ipinapakita nito sa kanya. Kung hindi niya lamang ito mahal ay malamang na kanina pa lumabas ang mga pangil at sungay niya. " So, how was your life in Manila, Kit? Ang tagal mo'ng hindi umuwi rito." tanong ng Daddy niya sa binata. Napatingala ito mula sa pagkain. " I am doing good there. I am working as an assistant chef in Italian restaurant. I was able to save through the years and bought my own condo and a car. I am living a simple life there and trying to be independent." Gusto sana niyang itanong kungsaan ang condo nito kaso baka mapahiya na naman siya. For now, she will just observe. Alam niyang lumayo ito at maski ang mga parents nito ay hindi alam kung saan ito nakatira o nagtatrabaho sa Manila. " You can cook? Wow. Talo mo pa itong si Brielle." sabi ng Mama niya. " I can cook also, Mamu." nakangiting sagot niya. " Oh yes, sweetheart, she can. Remember she cooked for us a burned rice and fried chicken before?" nakatawang sabi ng Daddy niya. Nagkatawanan sila sa mesa except kay Kit na seryosong kumakain lamang. Why he is so serious? " Kit can cook well, Mare, Pare. He prepared our lunch yesterday and it taste so good. Maybe one day you should come in our house also and have Kit cook for you. Right, Son?" ang Ninang Elsa niya. " Sure why not." maikling sagot ng binata. " You are working as an assistant chef. I am curious. How much do you earn? I bet it’s better if you will just stay here and help your parents in your ranch." ang Daddy niya muli. " My income is enough to get me through life. I’m not living a fancy life but I love my job there." " Para ka'ng si Brielle. Ayaw tumigil sa pagmomodelo. Samantalang pupwede niya naman kaming tulungan sa pagma-manage ng hacienda and I can give her double or even tripple from what the modelling agency is paying her. Pero matigas ang ulo ng batang ito." Matagal na siyang pinipilit ng mga ito na mag-resign na pagmomodelo at tulungan na lamang ang mga ito sa pagma-manage ng hacienda nila. Pero masaya siya sa trabaho niya. She loves meeting people and travelling in different countries for their project. " Dada, it's not about the money. It’s about your passion. Managing business is not my thing. I am happy with my job. Meeting different people and travelling the world. And ofcourse the night life." sagot niya sabay kindat sa ama. " You can also travel the world with us. Free expenses. Just resign from your job." hirit ng Mama niya. Nakangiti siyang umiling. " Nah. You don't understand, Mamu." Sandaling namagitan ang katahimikan. " What about you, Kit? Hanggang kelan ka dito sa probinsiya? I am sure you are missing the city already." ang Daddy niya uli. " He will stay here. For good." Napatingin silang lahat sa Tito Ronald niya na siyang sumagot. Bumilis ang pintig ng puso niya. He will stay here and that's for good? " He will help us managing the ranch now. I gave him how many years already of doing what he wants. Now it’s time to come back here and learn everything in our business. We are getting old and we have nobody to turn over the ranch just incase we go." Napatingin siya kay Kit. Seryoso itong kumakain lamang. At base sa aksyon nito ngayon ay alam niyang labag ang loob nito sa gustong mangyari ng ama. She pity him but deep with in her ay masaya rin siya. Dahil maari na niya itong makita anytime. " Heard that Brielle? We should do the same to you. Your Mom and I are getting old also. We want you to learn how to manage our business. I hope you listen to us also." Hindi siya sumagot. But at the back of her mind parang gusto na niyang umu-oo sa mga ito. Lalo pa ngayon na mag-i-stay na rito ang binata. But she will think about it first. " Ang bilis lumaki ng mga anak natin. Parang kelan lamang they were so little and we all used to go in picnic together. But now look at them now. They grew so fast and they are in the right age to get hitched." ang Ninang Elsa niya. Napababa siya ng tingin sa plato niya. Iyan na naman. Usapang kasal na naman. Lately, madalas na siyang kinukulit ng parents niya kung bakit wala pa siyang ipinapakilala na nobyo sa mga ito. May mga nakarelasyon na siya in the past. Pero wala ni isa sa mga iyon ang iniuwi niya rito para ipakilala sa mga magulang niya. She decided that she will only introduce the right one. Iyong lalake na handa niyang pakasalan. " I know right. And now that they are grown up it reminds me how these two guys used to joke around that our kids should marry each other someday." ang Mommy niya. " I was not joking when I said that before." her Dad. " Me neither." Kit's Dad. " There you again, you two. Don't scare the kids." " Bakit naman hindi, Mareng Elsa? Our daughter is still single. And I am so eager to see her bringing a good guy here. If Kit is still single maybe he can give a shot to court my daughter. Who knows it might work and Brielle will finally stay here forever. What do you think, Kit?" Biglang nasamid si Kit sa sinabi ng Daddy niya at napainom ito ng tubig. Tumingin siya sa ama. " Dada, stop it please." saway niya sa ama. " Single rin ang anak namin, Pare. And I think that was a good idea." ang Tito Ronald niya. Kahit natutuwa siya kung sakaling liligawan siya ng binata ay hindi niya maiwasang mahiya dahil parang ayaw naman ng binata sa ideya na iyon ng parents nila. Napaisip tuloy siya. Is he really single? O baka may nobya na ito sa Manila. " Getting married is not in my vocabulary yet." finally responsed ni Kit. " Hindi naman ninyo kailangan magpakasal kaagad. Just try to date my daughter and who knows baka magka-developan kayo. You've known each other since childhood." Matigas na umiling ang binata. " No, Tito. I just can't do that. She's not my type." Salubong ang mga kilay na tiningnan niya ang binata. Did he just said to everyone that she is not his type? How dare him? Pupwede naman itong magrason ng iba. Pakiramdam niya tuloy napakapangit niya para tanggihan siya nito ng diretsahan. Nagbilang siya ng hanggang sampu sa isip niya para kontrolin ang galit niya. Parang kinurot ng nail cutter ang puso niya sa sinabi nito. " Anak, please watch your words." sabi ng Ninang Elsa niya. Nakita niyang galit rin na nakatingin ang Tito Ronald niya sa binata habang ang mga magulang niya naman ay tila natulala. " Alright. I apologize for what I just said. Sorry everyone. Anyway, I have to go. Have a good night to all of you." at mabilis nang tumayo ang binata saka naglakad palabas. Tumayo ang Tito Ronald niya at galit na sumigaw. " Kristobal, come back here!" at akmang hahabulin nito ang binata pero kaagad siyang tumayo. " I will follow him, Tito." at saka siya tumakbo para sundan si Kit. Naabutan niya ito sa labas at akmang paalis na nang humarang siya sa harapan ng sasakyan nito. " Kit, wait!" Binuksan nito ang bintana at dumungaw mula doon. " What are you doing there? I'm leaving so go away!" supladong sabi nito. Ano ba'ng problema ng lalakeng ito? Ang tagal nilang hindi nagkita tapos napakalamig pa rin nito sa kanya. Once and for all gusto niyang maayos ang kung anumang bagay ang ikinagagalit nito sa kanya. " I'm not letting you leave. I wanna talk to you!" sigaw niya. Sandali silang nagsukatan ng tingin. Kita niya ang galit sa mga mata nito. " Go down and we talk!" pagmamatigas pa niya. " We have nothing to talk about, woman! Just keave me in peace." Okay. He is being difficult. This is the time to become rude. Kanina pa siya nagtitiis sa kagaspangan ng ugali nito sa kanya. Hindi porket may gusto siya rito ay magiging mabait na siya all the time. " Hindi ka bababa dyan? This is the last time I'm gonna ask you. You better come down while I’m still being nive to you.” " I am not. So, go away!" " Okay. You are pushing me to my limits. Wait a second." at napalingon siya sa paligid. Nang may makita siyang malaking bato sa isang sulok ay mabilis niyang dinampot iyon at buong lakas na binasag ang ilaw nito sa harapan. Nakita niyang natulala ang binata sa ginawa niya. Doon na siya lumapit sa gilid ng driver's side at nakapamewang na nagtanong. " Now can we talk?" Nakangangang lumingon ito sa kanya at nang makabawi sa pagkagulat ay galit itong bumaba at hinarap siya. " What the hell did you do? Paano ako'ng magda-drive pauwi kung binasag mo ang headlights ko?!" Siya naman ang nagulat sa lakas ng boses nito. At umangat pa ang mga kamay nito na tila akma siyang sasabunutan kaya mabilis siyang napaatras. Naiintindihan niya ang pagsigaw nito. Pero teka parang may mali? Bakit siya nito sasabunutan? At ang tono ng boses nito parang...matinis? " I badly wanna pull your hair and slap your face right now!" muling sigaw nito sa kanya habang inaambahan siya na sasabunutan pero hindi rin naman itinuloy. Napanganga siya. May mali talaga. He looks and sounds so gay right now. Is he? Hindi niya alam kung paanong magsasalita. " Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?! Bumalik ka na sa loob bago pa kita saktan!" Napakurap-kurap siya. At saka huminga nang malalim. She couldn't believe what her eyes are witnessing right now. " Are you... are you..." hindi niya maituloy ang gustong sabihin. Tila ayaw noon lumabas sa bibig niya. At syempre hindi matanggap ng puso niya. " Yes, I am. I am gay. And I hate it when our parents are trying to play cupid between us. Hindi tayo talo. Ayoko sa babae at kahit kelan hindi ko pinangarap na magpakasal sa babae. That's why I shut you out of my life because my parents like you so much and they think that you are the right girl for me. They knew I'm gay but why can't they understand na hindi ako papatol sa babae? The thought of marrying you makes me sick down to my stomach. I hate it!" Ang haba ng sinabi nito pero isa lamang ang tumatak sa isip niya at hanggang ngayon ay tila nag-i-echo pa. 'Yes I am. I am gay. I am gay. I am gay...' para siyang mabibingi sa rebelasyon na iyon. At habang nakatulala siya sa harapan nito ay naramdaman niyang biglang nanlabo ang imahe nito sa harapan niya. And few more seconds ay hindi na niya kinaya at nahimatay na siya. All went black. There goes her forever. Nilamon na siya ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD