NANG nakita niyang tila mahihimatay ang dalaga ay maagap niya itong sinalo. Bumagsak ito sa mga braso niya. Napaupo siya sa semento habang nasa mga braso niya ang dalaga.
Tinapik niya ang magkabilang pisngi nito.
" Hoy, babae gumising ka!"
Hindi ito gumalaw. Talaga ba'ng nahimatay ito o niloloko lamang siya?
" Hoy babae sabi nang gumising ka eh! Huwag mo ako'ng niloloko. O.A masyado ang reaksyon mo. Parents ko nga hindi nahimatay nung nalaman pagkatao ko tapos ikaw may pa-pass out-pass out ka pa'ng nalalaman diyan. Wake up!"
Kahit pinisil na niya ang pisngi nito ay hindi pa rin ito gumalaw.Nag-panic na siya saka naiinis na binuhat ito at muling pumasok sa loob ng bahay.
Nagtaka ang mga magulang nila nang bumalik siya na buhat-buhat ang dalaga.
" What happened, Kit?" nag-aalalang tanong ng Tita Leny niya at patakbong lumapit ang mga ito sa kanila.
Inilapag niya ang dalaga sa couch.
" I don't know, Tita. She just passed out."
Lumapit ang Mommy ng dalaga sa ulunan nito at pilit itong ginigising.
" Anak, wake up!"
" I will call Doctor Alvarez." sabi ng Tito Glen niya at mabilis na tumungo sa kinalalagyan ng landline.
" Is she sick?" tanong niya naman.
" No. I think she's tired and stressed. She just arrived from Japan. Ito na nga ba sinasabi ko sa batang ito. I told her to rest first before we invite you guys to dinner. Pero makulit at masyadong excited na makita ka. Wala pa siyang pahinga kaya hayan hinimatay siguro sa pagod."
Napakunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ng Tita Leny niya. Excited raw itong makita siya? Bakit ito mai-excite gayong hindi naman na sila ganoon ka-close.
" Dr. Alvarez will be here in thiry minutes." pagbibigay alam nang Tito Glen niya nang magbalik ito sa sala.
" Okay. I will leave now. Sige po kayo na ang bahala kay Brielle." at nagmamadali na siyang lumabas.
Laking pasasalamat niya nang hindi na siya pinigilan ng mga magulang niya. Pagpasok sa sasakyan ay pinilit niyang nakauwi kahit na wala siyang headlights. Mabuti na lamang at medyo maliwanag ang buwan ngayong gabi at maraming poste ng ilaw sa daan pauwi sa kanila. At makalipas ang trenta minutos ay nakauwi siya ng mapayapa.
MAY naririnig siyang ilang boses na nagkukwentuhan. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Una niyang nakita ang puting kisame nila. Napalinga siya sa paligid. Nasa living room pala siya at nakahiga sa couch. Ano'ng nangyari?
" She's awake." narinig niyang sabi ng Mama niya na papalapit sa kanya.
Nakita niyang lumabas mula sa dining room ang Daddy niya at ang parents ni Kit. Pero nasaan ang binata?
Dahan-dahan siyang bumangon.
" How do you feel, anak?" tanong ng Daddy niya.
" I'm fine, Dad. What happen?" tanong niya habang pilit inaalala ang nangyari kanina. Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang pag-amin ni Kit sa pagkatao nito hanggang sa magdilim ang paningin niya.
Napakunot noo siya. Did she actually pass out?
" Hinimatay ka kanina, anak. Pinapunta namin si Dr. Alvarez dito kanina and he said that you are just tired and stressed. Wala ka naman daw sakit. Ano ba'ng nangyari sa labas kanina?"
Bigla niyang naisip kung alam rin ba ng mga magulang niya na bakla si Kit. Pero tingin niya ay walang kaalam-alam ang mga ito. Dahil pinagma-match pa sila ng Daddy niya kanina.
Hindi niya rin alam bakit siya hinimatay. Siguro dahil pagod siya at gutom na rin. Hindi pa kasi nakakain ng ayos nang tumayo si Kit kanina at magpaalam.
" Where is Kit, Mama Ninang?"
" He went home already. Binuhat ka lang niya kanina para ipasok dito then he left."
Malungkot siyang napabuntong-hininga. Gusto niyang tanungin ang mga magulang ng binata ayon sa totoong pagkatao nito. Pero ayaw niya naman na magtanong kaharap ang parents niya.
" Anak, hindi mo pa sinasagot ang tanong ng Mommy mo. What happened outside awhile ago?" ang Daddy niya.
Napatingin siya sa ama saka umiling.
" Wala naman po. Basta na lang ako nahilo when I tried to stop Kit from leaving."
Biglang natahimik ang lahat. Iniisip niya pa rin ang binata. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon nito kanina. Ni ayaw mag-sink in sa isip niya ang mga pangyayari. Ang tagal niyang hinintay na magkita sila. Ito na ba ang sagot sa mga katanungan na gumugulo sa isipan niya mula noon?
Na kaya hindi nito napapansin ang kagandahan niya? Na kaya sobrang nagalit ito nang halikan niya sa mga labi? Dahil hindi babae ang gusto nito? So, totoo ang pambu-bully rito noong highschool sila na bakla ito kaya hindi nito pinagtatanggol ang sarili dahil alam nito na totoo ang lahat nang iyon?
Malungkot siyang napabuntong-hininga saka napahawak sa ulo niya.
" Masakit ba ulo mo, anak?" ang Mommy niya.
" I want to go to my room, Mamu."
" Pero hindi ka pa halos kumakain, anak. Gusto mo ba'ng paakyatan kita ng pagkain kay Choleng?"
" Fresh milk na lang, Mamu. I wanna go to sleep and rest."
Tumayo na siya saka humalik sa mga tao na nasa sala.
" I am sorry sa inasal ni Kit kanina. I know he was kinda rude to---"
Nginitian niya ang Ninang Elsa niya at niyakap ito.
" That's alright, Mama Ninang. Don't worry about it. I understand how he feels."
Hinalikan na niya ito sa pisngi saka nagpaalam na sa lahat.
" Okay guys, I'm going to bed now."
" Good night, Hija."
Nang makapasok na siya sa silid niya ay malungkot siyang napaupo sa kama. At saka tiningnan ang picture frame na nasa side table niya. Graduation picture nila ni Kit ang naroroon noong high school sila.
Nakangiti siya ng bongga sa picture habang si Kit naman ay tila masama ang loob na dumikit sa kanya. Naalala niya na pinilit lamang ito ng Ninang Elsa niya para mapicturan sila na magkasama.
Hindi niya pa rin lubos maisip ang nangyari kanina. Habang nakatitig siya sa picture nila ay lalo siyang nakaramdam ng lungkot. At tila muling umalingawngaw na naman sa tenga niya ang rebelasyon ni Kit na bakla ito.
Napatakip siya sa tenga niya at napahiga sa kama. Habang nakatakip ang mga kamay niya sa magkabilang tenga niya ay tumulo ang mga luha niya.
Pakiramdam niya tila pinagbagsakan nang kung anong mabigat na bagay ang puso niya. Hindi pa niya naipapahiwatig sa binata na gusto niya ito pero mukhang heto at broken hearted na kaagad siya.
Sobrang sakit sa dibdib na maghintay sa taong gusto mo tapos ganito lamang ang kalalabasan. After how many years na paghihintay na muli silang magkita ito lang pala ang kalalabasan.
Nagulat siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Choleng. May dala itong isang baso ng gatas.
" Ay Ma'am, sorry po. Kumakatok po kasi ako pero hindi kayo sumasagot." hingi nito nang paumanhin nang makita siyang umiiyak.
Kaagad niya namang pinunasan ang mga luha niya at sinenyesan ito na ipatong sa mesa ang baso ng gatas. Akmang palabas na ito nang muli niyang tawagin.
" Choleng..."
Muli itong lumingon sa kanya.
" Naranasan mo na ba'ng ma-inlove at maghintay sa taong mahal mo?"
Tila nabigla ito sa tanong niya pero pagkuwan ay tumango rin naman.
" Eh yung pakiramdam na ma-broken hearted ka kahit hindi niya naman alam na gusto mo siya?"
Muli itong tumango.
" Opo, Ma'am. Pero sa huli mas pinili ko na ipaalam sa kanya at ipaglaban yung nararamdaman ko. Kasi mahirap naman po yung nasasaktan ka pero wala namang alam yung tao na ‘yun na siya pala ang dahilan."
" Paano mo pinaglaban yung nararamdaman mo?"
" Sinabi ko po sa kanya na gusto ko siya. At sinabi ko rin na gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako. Na hindi ako titigil hanggat hindi siya nagkakagusto sa akin."
Sandali siyang hindi nakaimik at napaisip.
" Basta Ma'am, kapag mahal mo dapat ipaglaban mo yung nararamdaman mo. Dapat po kumilos ka at ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Na handa mo'ng gawin ang lahat dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Na kaya mo'ng ibigay ang lahat para mahalin ka rin niya."
Hanggang sa nawala na si Choleng ay nakatitig pa rin siya sa pintuan na nilabasan nito. She was right. Dapat ipaglaban niya ang nararamdaman niya. Dapat siyang kumilos. Dapat hindi siya mawalan ng pag-asa at gawin niya ang lahat para mahalin rin siya ng binata.
' Paano? Eh bakla nga 'di ba?' tila pang-iinis ng kabilang side ng utak niya.
Dapat handa ka'ng ibigay ang lahat sa kanya. Napaisip siya sa parte na iyon. At tila bigla niya na lamang naramdaman na hindi siya dapat sumuko dahil lamang sa sinabi ng binata na bakla ito.
Dahil hindi bagay rito ang maging bading. At hindi talaga kayang tanggapin ng puso at isip niya na bakla ito. Paano kung confuse lang siya sa pagkatao niya? It can happen. Wala namang imposible sa mundong ito.
' Hindi siya bakla, Brielle. You need to do something. Ito na yung sign na hinihintay mo 'di ba? Yung muli kayong magkita. He was destined to be your forever. Kaya gumawa ka ng way para mapatunayan sa kanya na hindi siya bakla.' bulong ng positive side ng isip niya.
" Anong way? Papaano ko papatunayan ‘yun sa kanya?" tila baliw na tanong niya sa sarili niya.
' Just do something! Akitin mo. Give him your body. Grab his hotdog and see if it will react. Just do anything that will make him a real man!'
" Give him my body?! What?!" gulat na react niya sa mga suggestions ng isip niya.
Sunud-sunod siyang napailing saka inabot ang baso ng gatas at uminom. Nang maubos iyon ay humiga na siya.
" I will sleep first and will think about it tomorrow." sabi niya saka natulog na.
KINABUKASAN matapos mag-agahan ay nagpaalam siya sa mga magulang na lalabas muna. Sumakay siya sa kotse niya at nag-drive patungo sa bahay ng mga Solis.
Matapos nang nangyari kagabi ay nakapagpasya na siya kung ano ang gagawin niya. Handa siyang gawin ang lahat para i-save ang libo-libong sperm cells ni Kit na masasayang kung sakaling papangatawanan nito ang pagiging bakla gaya ng sinabi sa kanya kagabi.
She made up her mind. She will do everything just to be with him. She will fight for her feelings. She will do everything to make him a real man. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito na muli silang nagkita. Ito na yung sign na hiningi niya sa taong gusto niyang makasama habang buhay. At si Kit ang lalake na iyon. Ito lamang at wala nang iba pa.
Nang makarating siya sa harapan ng bahay ng mga Solis ay kaagad siyang bumaba at naglakad papalapit sa may pintuan. Bukas iyon kaya naman pumasok kaagad siya.
Nang makapasok siya ay may narinig siyang tila nagtatalo sa may dining room area. At dahil walang tao sa sala ay naglakad siya palapit kung saan may mga boses na nagtatalo.
" Hindi ka bakla, Kristobal! Walang bakla sa lahi natin. Kaya huwag mo'ng ipagpilitan sa akin ang bagay na iyan!" narinig niyang sabi ng Daddy ni Kit.
" Bakit ba hindi ninyo matanggap ang totoong ako? Bakla ako Dad at ako ang mas nakakakilala sa sarili ko. Hindi ko ginusto 'to. At ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa pagkataong hindi ako. Ilang taon ko'ng pinag-isipan o itinago ang totoong ako. Akala ko baka mali lang ang nararamdaman o naiisip ko. Pero lumipas ang ilang taon at hindi ko naramdaman na nagka-interes ako sa kahit na sinong babae na kakilala ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na mas... na mas humahanga ako sa kapwa ko lalake. Na mas na-appre---" hindi natapos ni Kit ang sasabihin nito dahil bigla itong sinuntok ng Tito Ronald niya.
Napahawak siya sa may bibig niya. Nasa bungad na siya ng pintuan pero dahil nagtatalo ang mag-ama ay hindi pansin ng mga ito ang presensya niya.
Nakita niyang napahawak si Kit sa may gilid ng panga nito. Naawa siya sa binata. Ngayon lamang niya nakita na pinagbuhatan ito ng kamay ng Tito Ronald niya. Mula pagkabata nila ay hindi naman nagtatalo ang mga ito sa harapan niya.
Nakita niyang kaagad na lumapit ang Ninang Elsa niya para awatin ang asawa nito.
" Isang beses pa na ipagpilitan mo sa akin na bakla ka hindi lang yan ang aabutin mo. Wala ako'ng anak na bakla!"
Nakita niyang mabilis na tinalikuran ni Kit ang ama at kaagad na lumabas ng dining room. Tila hindi siya nito nakita nang dumaan sa tagiliran niya. Habang ang mga magulang naman nito ay nabigla nang makita siya.
" Brielle hija, what are you doing here?" gulat na tanong ng Ninang Elsa niya saka lumapit sa kanya.
Hindi niya mabasa ang reaksyon ng Tito Ronald niya kung nabigla o nahihiya sa kanya.
" Alam ko na po ang tungkol dito kagabi pa." sabi niya.
" Sinabi ba sa'yo ni Kit?"
Tumango siya.
" Kaya po ako pumunta rito para sana makausap kayo. Gusto ko po kayo'ng tulungan sa sitwasyon ni Kit. Can we talk po?"
" Sure. Let's go sa library."
Tumungo silang tatlo sa library ng mga ito. Umupo sila sa sofa na naroroon.
" Pasensya ka na sa nabungaran mo kanina, hija. I couldn't control my anger. He's our only child. And I just can't accept that he is gay." hinging paumanhin ng Tito Ronald niya.
" I understand, Tito."
" Ano'ng sasabihin mo sa amin, hija?"
Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita.
" Handa po ako'ng tulungan kayo sa kinakaharap na problema ni Kit sa kasarian niya. Willing po ako'ng sumugal para maging totoong lalake siya."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Buo na ang isip niya sa desisyon na ito. Kelangan niyang gawing lalake si Kit by hook or by crook. At isang ideya ang naisip niya na posibleng makatulong para maging lalake ito ng tuluyan.
" How are we gonna do that?"
" We have to live in the same house, Tito. Handa po ako'ng pakasalan si Kit."
Lalong nagimbal ang mag-asawa sa sinabi niya.
" Alam ba ito ng mga magulang mo, hija?"
Umiling siya. Mas gusto niyang kausapin muna ang mga ito bago nila ipaalam sa parents niya. Dahil alam niyang hindi papayag ang binata sa bagay na ito at nais niyang kutsabahin ang mga magulang nito na pilitin ang binata at gawin ang lahat ng kanilang makakaya.
" Gusto ko po na tayo muna ang mag-usap. Dahil alam ko po na hindi papayag si Kit dito. Gusto ko po na kayo ang gumawa ng paraan para magsabi sa anak ninyo at para mapilit siya sa bagay na ito. Kung willing po kayo makipag-cooperate sa akin para rito then we will talk with my parents."
Sandaling tila nag-isip ang mag-asawa. Alam niya na papayag ang mga ito dahil para sa kabutihan ni Kit ang gusto niya. Gusto niyang maging isang tunay na lalake ito. At gagawin niya ang lahat para maisakatuparan iyon. Even if it means giving him her all. Handa niya itong akitin kapag nasa iisang bahay na sila.
" We are willing to do that, hija. Pero I'm sure hindi papayag si Kit sa bagay na ito." ang Ninang Elsa niya.
" He has no choice, Elsa. Since Brielle is willing to marry our son, we have to force him and arrange their marriage right away. Whether he likes it or not."
Napatingin ang Ninang niya sa asawa nito. Tila naguguluhan.
" Pero Ronald, ayoko namang itali ang anak natin sa isang relasyon na habang buhay niyang pagsisihan."
" And what do you want? Hayaan mo'ng magladlad ang batang iyon at mapahiya tayo sa mga kaibigan natin?" may diin sa tono na sabi ng Tito Ronald niya.
Tumikhim siya para tanggalin ang tensyon sa pagitan ng mga ito.
" Actually, Tito. I think it’s better if we gonna give him a consequence. Naisip ko mas mabuti nga siguro na huwag muna nating gawin ang kasal. Mama Ninang is right. Ayoko ring maging selfish kay Kit. So, ang mabuti po siguro ganito ang gawin natin. Give him a proposal to live with me for six months and I will do everything para gawin siyang lalake. After six months and I failed to make him a real man, then we set him free. Hayaan nating gawin niya ang gusto niya. I know he doesn't want to stay here. Kapalit ng pakikipag-live in niya sa akin ay ang freedom niya kapag nabigo ako na gawin siyang lalake."
" I got your point. But again let me ask you, hija. Are you okay living in one house with my son?"
Marahan siyang tumango. She made up her mind. Wala ng urungan ito. Para sa man of her dreams niya. Handa siyang gawin ang lahat.
" Okay lang po sa akin, Tito."
" But why are you doing this?" ang Ninang Elsa niya.
Tipid siyang ngumiti at humugot ng malalim na hininga.
" Mahal ko po si Kit Mama Ninang. Since we were in high school may gusto na ako sa kanya. At hindi po ako makakapayag na maging bading siya. Hindi ko po kayang tanggapin ‘yun. That's why I am willing to do everything that I can para maging lalake siya. Ramdam ko po na may pag-asa pa siya. That maybe he is just confuse with his gender. Baka bisexual lang siya. Basta po I have this feeling that he still has a chance to change his self."
Napatulala ang mag-asawa sa sinabi niya. Walang kamalay-malay ang mga ito na noon pa man ay may gusto na siya sa binata. Ganun rin naman ang mga magulang niya. So, she would be expecting the same reaction once they find out about this.
" Mahal mo ang anak namin?"
" You heard me right, Mama Ninang."
Biglang napatayo ang Ninang Elsa niya at naluluha siyang niyakap.
" I am so happy to hear that. Sana nga may chance pa na magbago ang pagkatao niya."
Nang muling maupo ang Ninang Elsa niya ay nagsalita siyang muli.
" So, gagawin po ba natin 'to?"
" Yes ofcourse." sabay na sagot ng mag-asawa.
Napangiti siya.
" Pero may gusto po sana ako'ng ipakausap kung maari."
" Ano 'yun, hija?"
" Kung pwede po sana huwag po ninyo ito'ng babanggitin kay Kit. Yung tungkol po sa nararamdaman ko sa kanya at sa proposal na ito. Ayoko po'ng isipin niya na involve ako sa ideya na ito."
" Makakaasa ka, hija. Pero wala ka bang plano na ipaalam sa anak namin ang nararamdaman mo?"
" For now, hindi po. I will tell him when the right time comes."
Napatango-tango ang mga ito.
' But will the right time comes, Brielle?' tanong ng isip niya. Ayaw niyang i-entertain ang mga negative thoughts at what if's na nasa isipan niya ngayon. Mas makakabuti kung magiging positibo siya sa mga plano nila.