Chapter Five

2816 Words
" ANAK, sigurado ka na ba sa desisyon mo na ito?" tanong ng Mama niya habang nasa sala at hinihintay ang Daddy niya. " Yes, Mamu. Mahal ko po si Kit. At handa ako'ng gawin ang lahat para matulungan siya." Kinausap na ng mga Solis ang parents tungkol sa pinaplano nila. Papunta sila ngayon sa bahay niya kasama ang dalawang kawaksi nila para linisin iyon. At para mamili na rin ng ilang furniture. Mula nang magtrabaho siya bilang modelo ay nag-ipon siya at nakapagawa ng sariling bahay gamit ang savings niya. Fully furnished na ang bahay niya pero hindi pa kompleto sa mga gamit. Wala naman kasing nakatira doon. Madalas ay nasa bahay siya ng kanyang mga magulang. Pero dahil may plano sila na mag-live in ni Kit ay naisipan niya na sa bahay na lamang niya sila tumira. Last year pa iyon tapos pero wala namang nakatira. Natutuwa siya sa mga magulang niya dahil kahit nalaman ng mga ito na bakla si Kit ay hindi tumututol ang mga ito para sa plano niya. Para na rin kasing tunay na anak ng mga ito ang binata at super close naman ang family nila. " Kapag hindi mo na kaya at walang pag-asa na mahalin ka ni Kit. Bumitaw ka na ha? Ayokong magpapaka-tanga ka." Tumingin siya sa ina saka ngumiti. " Mamu naman. Think positive. Titira kami sa iisang bahay alam ko malaki ang chance na maging lalake siya at ma-develop siya sa akin. Ramdam ko Mamu kami ni Kit ang meant to be." Tumawa na rin ang Mama niya. " That's what I like about you. Grabe ang self confidence mo, anak. Sana nga baby maging straight si Kit. I'm sure kapag kayo ang nagkatuluyan mabibigyan ninyo kami ng mga super cute na apo." " I can't wait for that, Mamu!" Natahimik na sila nang dumating ang Daddy niya kasama ang dalawa nilang kasambahay. Nang makapasok ang mga ito sa loob ng van ay umalis na sila. Thiry minutes lamang ang layo ng bahay niya sa bahay ng parents niya. Maya-maya ay tiningnan niya ang cellphone niya. Sinabi ng Ninang Elsa niya na tatawagan siya nito kapag nakausap na si Kit. Ngayong araw planong ipaalam ng mga ito sa binata ang mga plano nila. Sana hindi magwala si Kit kapag nalaman nito ang plano nila. MATAPOS niyang mag-work out ay lumabas na siya ng gym. May mini gym ang bahay ng parents niya. Kahit may edad na ang mga ito ay palagi pa ring nagi-ehersisyo. Wala naman kasi siyang maisip na gawin ngayong araw kaya para hindi siya mainip ay nag-exercise na lamang siya. Wala siyang gagawin sa araw na ito. It's only Friday pero sinabi ng Mommy niya kagabi na huwag siyang aalis ng bahay at hindi rin pupunta dito ang taong inatasan ng Daddy niya para turuan siya sa negosyo nila. Naisip niya tuloy siguro naawa na kahit papaano ang mga magulang niya sa kanya kaya Kahit Friday pa lamang ay pinagpahinga na siya. " Anak, come here. May mahalaga tayong pag-uusapan ng Daddy mo." tawag ng Mommy niya. Nagpunas siya ng pawis saka umupo sa sofa sa living room. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila? " What is it all about, Mom?" " Just wait for your Dad." hindi makatingin sa kanya na sagot nito. Bigla siyang kinabahan. Ano na naman kayang pinaplano ng mga ito? Ilang sandali pa ay bumaba na ang Daddy niya. Kahit inis siya sa pagiging istrikto ng ama at sa pagkakasuntok nito sa kanya ay nagbigay galang pa rin siya. " Morning, Dad." Hindi tumugon ang Daddy niya. As usual strict na naman ang aura nito. Nang makaupo ito ay saka tumingin ng seryoso sa kanya. " What are we gonna talk about?" tanong niya dahil tila nagpapakiramdaman pa ang mga ito kung sino ang unang magsasalita. " Ikaw na ang magsabi, Ronald." narinig niyang bulong ng Mommy niya. " Okay. Napagdesisyunan namin ng Mommy mo na gumawa ng paraan para matulungan ka sa crisis na kinakaharap mo sa gender mo." " Wait. This is not a crisis. I told you inborn ang pagka-bakla---" " Tumahimik ka, Kristobal!" biglang sigaw ng Daddy niya sa pag-i-interrupt niya rito. Naiinis siyang napabuntong-hininga. ' Here we go again! I wish I can sell my parents or exchange them to someone who can accept me!' inis na bulong niya sa isip. Hindi siya aware na nakataas na pala ang isang kilay niya. " Ibaba mo yang kilay mo, Kristobal! Sinasabi ko sa'yo umakto ka bilang lalake at hindi bilang babae. May lawit ka at iyan ang ebidensya na lalake ka!" Tahimik niyang inayos ang hilatsa ng mukha niya. Pakiramdam niya maaga siyang tatanda kapag ganitong magkakasama sila sa iisang bahay. " Gaya ng sinabi ko nakahanap na kami ng solusyon. Napagdesisyunan namin na titira ka sa iisang bahay kasama si Brielle sa loob ng anim na buwan." Labis siyang nagulat at kaagad na napatayo bilang pagtutol sa sinabi ng ama. " Magli-live in kami ni Brielle?! No waaayyyyy!" mariin na pagtanggi niya saka nagpapadyak pa sa sahig. " Umupo ka hindi pa ako tapos!" " Ayoko ng marinig pa ang sasabihin ninyo. I am against of that idea. I will not live with her. Period!" at saka siya nagmartsa patalikod sa mga ito ngunit dumagundong sa loob ng bahay nila ang malakas na boses ng ama niya. Pakiramdam niya nag-transformed ang Daddy niya bilang si Incredible hulk. " Bumalik ka dito, Kristobal! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng Daddy niya. " Ayoko nga! Mahirap ba intindihin na ayaw ko? A-Y-O-K-O!!!" at akmang papanhik na siya sa itaas ngunit may lumipad na magazine sa ulo niya. " Babalik ka dito o hihilahin kita palabas at ipapakaladkad kita sa kabayo ko sa kahabaan ng rancho?!" Naiinis siyang huminto at napahawak sa vase na nakapatong sa console table. Sobrang nagpupuyos ang kalooban niya sa gustong ipagawa ng mga ito sa kanya. Gusto niyang ilabas ang galit na nasa dibdib niya. Gusto niyang magwala. At akmang ibabato niya sa sahig ang vase na hawak nang biglang tila kidlat na nakalapit ang Mommy niya sa kanya at inihampas sa ulo niya ang vase na hawak niya kanina lamang. " Huwag na huwag mo'ng babasagin 'to! Binili ko pa yan sa Amerika!" galit na sabi ng Mommy niya. Napahawak siya sa ulo niya. Minsan napapaisip siya magulang niya ba talaga ang mga ito? Hindi kaya ampon lamang siya? " Ano, babalik ka dito o ipapatawag ko na si Paquito?" untag ng Ama niya. Si Paquito ang kabayo nito. Wala siyang nagawa kung hindi muling lumapit sa mga ito. Nanatili siyang tahimik. Naisip niya alam kaya ng dalaga ang tungkol dito? At bakit ito pumayag kung sakali? Kung may kinalaman ang babaeng iyon dito masasabunutan niya talaga ito. " Like what I said you will live in one house with Brielle. Gusto namin na kayong dalawa ang magkatuluyan." " Kung gusto ninyong pumayag ako, ako dapat ang magsusuot ng gown." iniisip niya lamang iyon pero nabigla siya nang lumabas sa bibig niya. " Aba't pilosopo ka'ng bata ka ah!" at akmang babatukan siya ng ama ngunit inawat ito ng Mommy niya. " Dad naman, ayokong magpakasal sa babae na iyon! Ipasok nyo na lang ako sa seminaryo!" " Gusto namin ng apo." " Pwes hindi makakabuo ng bata ang semilya ko! Baog ako!" biro niya baka sakaling magbago isip ng mga ito. " Baog ka? Kelan pa?" ang Mommy niya. " Hindi ako nakikipagbiruan, Kristobal! Iyong totoo?!" ang Daddy niya. Highblood na naman. " Eh di joke lang." Binato siya ng throw pillow ng Daddy niya. " Umayos ka ‘ha! Pinapakulo mo ang dugo ko!" " Pwede ba'ng iba na lang ang ipagawa ninyo? Inaabuso na ninyo ang pagkatao ko. Hindi ko gusto si Brielle. Maawa naman kayo sa magiging buhay ko. Gusto ko'ng maging masaya at hindi miserable." " Bilang mga magulang mo gusto namin maayos ang buhay mo. At ito ang paraan na naisip namin." " Pero ayoko nga ng kasal! Yung tumira ako rito kahit labag sa loob ko kaya ko pang tiisin. Pero iyong ipakasal ninyo ako sa taong hindi ko mahal iyon ang hindi ko kayang gawin. Buong buhay ko at kaligayahan ang nakataya doon. Masisikmura ba ninyo na pumasok ako sa isang sitwasyon na habang buhay kong pagsisisihan?" Sandaling natahimik ang mga ito. Mukhang tinamaan na finally sa rason niya. Sana naman huwag na siyang pilitin ng mga ito sa bagay na iyon. " Ayaw mo'ng pakasalan si Brielle? Ayaw mo'ng tumira dito?" Matigas siyang umiling. " Ayoko. At kung pipilitin ninyo ako parehong magiging miserable ang buhay namin." Katahimikan. " kung ganoon sige ganito na lamang. Hindi kita pipilitin na pakasalan ang kinakapatid mo." " Talaga, Dad? Finally, sinapian na kayo ng mabuting elemento?" masayang putol niya rito saka parang bata na napatayo at nagtatalon sa tuwa. " Hindi pa ako tapos, Kristobal!" Napahinto siya sa pagtalon at humarap sa mga ito. Then his Dad continues. " Hindi kita pipilitin na pakasalan si Brielle. But I have a condition for you." " What is it?" " You still need to live with her for six months. Gusto kong makita kung may mababago sa pagkatao mo. Sa loob ng anim na buwan at hindi ka nainlove kay Brielle we will set you free. But you have to take this condition seriously. And be nice to her." Napaisip siya. The condition is not that bad compared to marrying Brielle. Mas hindi niya kakayanin kung papakasalan niya ang dalaga. Kahit ayaw niyang makasama ang babae sa iisang bubong ay papayag na siya sa kondisyon ng ama. Kung ang kapalit noon ay ang kalayaan niya. Tiwala naman siya na hindi siya magkakagusto sa dalaga. " Okay. That's fine with me. So much better than forcing me to marry her. By the way, alam ba ni Brielle 'to?" " Yes. She knows about it. Pinag-usapan na namin ito noong isang araw with her parents." " And she just agreed?!" gulat na tanong niya. Tumango ang mga magulang niya. He wondered why. Bakit pumayag ang dalaga? " So, pack your things now. Bukas na bukas rin maglilipat bahay ka na." Gulat na napatingin siya sa ama. " Bukas na agad-agad?!" " You heard me right." " Hindi naman kayo masyadong excited niyan." " Inuulit ko, Kristobal. Be nice with Brielle." Walang emosyon siyang tumango at umakyat na sa itaas para mag-pack ng gamit niya. KINABUKASAN alas sais pa lamang ng umaga ay gising na siya. Nakatanggap siya ng tawag kagabi sa Ninang Elsa niya na nakausap na raw ng mga ito si Kit at pumayag ang binata na mag-live in sila for six months. Kaya naman ngayon ay maaga siyang nagising para sunduin ito sa bahay ng mga ito. Nakapamili na sila ng mga gamit na kakailanganin niya sa bagong bahay niya at pagkatapos niyang sunduin si Kit ay doon na ang tuloy nila. Matapos niyang kumain ng almusal ay naghanda na siya sa pagsundo sa binata. Naghanap ng maayos na damit sa closet niya. Gusto niya magandang-maganda ang itsura niya ngayong araw at syempre dapat sexy. Isang above the knee na spaghetti strap na dress ang napili niyang suotin. Medyo labas ang cleavage niya doon. Hinayaan niya lamang na nakalugay ang mahabang buhok niya. At saka siya nagsuot ng mga accessories niya. Buti na lamang after ng project nila sa Japan ay hindi pa siya tinatawagan ng boss niya. Sana wala munang project na dumating para makapaglaan pa siya ng maraming oras kasama si Kit. Matapos makitang maayos na ang itsura niya ay lumabas na siya. Pumasok na siya sa loob ng kotse niya at binagtas ang daan patunga sa bahay ng mga Solis. Nang makaparada siya sa harapan ng bahay ay napatingin siya sa relo niya. Alas siete pa lamang. Masyado siyang maaga ng isang oras. Hindi naman siya masyadong excited niyan? Binati siya ng isang maid na nagdidilig sa mga halaman sa harapan ng bahay. Ngumiti siya rito saka nagtanong. " Si Kit gising na ba?" " Opo, Maam. Nakita ko nasa gym kanina." Matapos magpasalamat sa maid ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Akmang tatawagan niya sa cellphone ang Ninang Elsa niya ngunit napansin niyang may papalabas na tao mula sa dining area. Napanganga siya at nahulog sa sahig ang cellphone niya nang makitang si Kit ang lumabas mula doon. Topless ito at nagpupunas ng pawis. Kaagad na naglakbay ang mga mata niya sa hubad na itaas nito. Ngayon niya lamang nasilayan ang topless na katawan ng binata. Kahit seryoso ang mukha nito ay hindi niya pa rin mapigilang humanga sa kagwapuhang taglay nito. At ang katawan nito, sanay naman siyang makakita ng mga topless na lalake dahil nasa larangan siya ng pagmomodelo. Pero ang makita si Kit na topless ay nagdudulot ng kakaibang kilig sa buong katawan niya. Tahimik niyang binilang sa isip ang mga abs nito. Sinong babae ang magdududa na bakla ito? With his looks and yummy body? Seriously, he is a complete package of her dream man. " What are you doing here?" tanong nito sa pagkakatulala niya. Naipilig niya ang ulo niya saka matamis na ngumiti rito. " Good morning. Susunduin ka." " Seven o'clock in the morning?!" " Eight o'clock dapat. Pero napaaga gising ko. Wala naman akong magawa sa bahay kaya---" " You can leave now. I can drive going to your house." malamig na putol nito sa sinasabi niya. " Pero sabi ni Mama Ninang nasa talyer ang kotse na ginagamit mo." Tila doon nito na-realize na wala itong sasakyan na gagamitin. " But still it's too early. Maghintay ka kung gusto mo." Nakangiti siyang umupo sa sofa. " Sure. Sanay naman ako maghintay. Kahit gaano katagal." Hindi ito kumibo at pagkuway tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pasimple siyang yumuko ng bahagya para mas makita nito ang cleavage niya. Ngayon na ang simula ng pang-aakit niya. Hindi niya ito ginagawa sa kahit na sinong lalake. Pero para rito magpapaka-baba siya. " Susunduin mo lang ako todo dress up ka pa. And look at your eyebrows. Magkikilay na lang hindi pa pantay. Ang shunga!" Napakunot noo siya sa sinabi nito. Saka niya mabilis na hinagilap ang cellphone niya. Nakita niya iyon sa lapag kaya kaagad niyang binuksan ang front camera at tiningnan ang kilay niya. Sablay nga. Mas makapal iyong nasa kaliwa. Sa pag-ayos talaga siya ng kilay nahihirapan. " Hayaan mo na hindi naman nakabawas iyan sa ganda ko." saka siya ngumiti rito. Umiling na lamang ang binata at saka umakyat na sa itaas. Napatingin siya sa matambok na puwet nito. Gosh, even his butt looks sexy. Hindi naman maarte ang paglalakad nito. Hindi mo nga mahahalata na may pagka-bading siya unless ipo-provoke mo siguro ng bongga. Like what she did last time. Nai-excite na siya para sa first day nila sa bahay niya. Sana naman maging mabait na ito sa kanya. Umupo siya ng maayos at tahimik na naghintay. Maya-maya ay may lumabas na maid at inalok siya ng maiinom. Hindi naman nagtagal ay may narinig na siyang mga yabag na pababa sa hagdanan. Ang mag-asawang Solis. Tumayo siya at sinalubong ang mga ito sa ibaba ng hagdanan. " Good morning, Mama Ninang and Tito." sabay halik sa pisngi ng mga ito. Gumanti ng bati ang mag-asawa. " Pababa na rin si Kit, hija." Umupo sila sa sala. " Kung anumang magiging problema just feel free to call us, hija." sabi ng Ninang niya. " Okay, Ninang. Wish me luck." " Goodluck, hija. Sa iyo nakasalalay ang pagiging lalake ng anak namin. Naniniwala ako na kaya mo siyang gawing lalake." ang Tito Ronald niya. Hindi na siya nakasagot dahil narinig na nilang pababa si Kit. May dala itong dalawang maleta. Napatayo sila. " Kumain ka na ba, hija? Baka gusto mo mag-breakfast muna bago kayo umalis?" " I had my breakfast at home, Mama Ninang." " O siya sige. Ingat sa pag-drive. We will visit you there one day." at niyakap na ng Ninang niya si Kit habang ang Daddy naman ng binata ay tinapik sa balikat si Kit. " Remember what I told you. Be nice with Brielle." " I am kind to animals, Dad, so don’t cha worry." pabulong na sabi ng binata. Hindi iyon narinig ng Tito Ronald niya pero malinaw na nakaabot sa pandinig niya. Hindi na lamang siya kumibo dahil ayaw niyang magtalo sila sa harap ng mga magulang nito. This is their first day together. Alam niya na kakailanganin niya ng napakahabang pasensya. At para rito ay handa siyang magpaka-timpi na pakawalan ang evil side niya. Sana maging worth it ang lahat in the end. Sana. This is now or never. Kapag hindi siya gumawa ng aksyon ay baka tuluyan na ito’ng maging bakla at habang buhay na siyang mawawalan ng pag-asa rito. He has been the only person that she wants to spend her life forever. Ito lamang at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD