INIHATID sila ng mga magulang ni Kit hanggang sa sasakyan niya. Matapos ang huling halik at yakap ay pumasok na sila sa loob ng kotse niya.
" Hindi ka magsi-seatbelt?" puna ng binata sa kanya nang hindi niya isuot ang seatbelt niya. Wala naman siyang planong dumaan sa highway kaya hindi sila mahuhuli ng pulis.
Kinilig siya ng bahagya sa isiping mukhang concerned ito sa kanya.
" Hindi na. Sa backroad naman tayo dadaan. Mas shortcut iyon papunta sa house ko at mas exciting ang view at daan." nakangiting sagot niya rito.
" Mabangga sana tayo. Wala ka'ng plano mag-seatbelt eh." bulong nito saka sumandal na sa upuan.
Nilingon niya naman ito. Buong akala niya ay concerned ito sa kanya.
" May sinasabi ka?"
" Wala. Go na." maikling tugon nito habang nasa labas ng bintana ang mga mata.
Pinaandar na niya ang sasakyan. Kailangan niya ng napakahabang pasensya. Habang nananakbo na sila ay kapwa sila tahimik. Gusto niyang mag-open up ng topic kaya lang baka mapahiya lamang siya. Mukhang labag sa loob nitong sumabay sa kanya.
Pero hindi naman siya sanay ng tahimik lamang sa byahe. At saka titira na sila sa iisang bahay. Dapat mapanatag na ang loob nila sa isa't-isa.
' Bahala na nga. I'll start a conversation...' sabi niya sa isip niya.
Ngunit bago pa man siya pumiyok ay nagsalita na ito.
" Why did you agree?" seryosong tanong nito habang nasa labas pa rin ng bintana ang mga mata.
" Agree on what?" pagmamaang-maangan niya kahit alam niya naman ang tinutukoy nito.
" Pwede ba, Gabriella. Huwag ka'ng umakto na shunga. Alam ko matalino ka. At alam ko rin na alam mo ang tinutukoy ko." masungit na responsed nito.
Nakaangat ang isang kilay na nilingon niya ito saka muling nag-focus sa daan. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong tinatawag siya sa buong pangalan niya. Kung may isang bagay man na ikinagagalit niya sa parents niya. Iyon ay ang pangalan na ibinigay ng mga ito sa kanya. Out of all the names in the world Gabriella pa talaga? Hindi iyon nababagay sa ganda niya. Idol raw kasi ng mga magulang niya si Gabriella Silang. Kaya iyon ang ipinangalan sa kanya.
" Pwede rin ba, Kristobal, huwag mo ako'ng tawagin sa real name ko? Naninigurado lang naman ako kaya tinatanong ko kung ano."
" Don't call me, Kristobal! Gagaya ka pa kay Daddy eh! Call me Kitty."
Lumabas na naman ang medyo girly na tono ng boses nito. Kahit hindi siya sanay na marinig o makita ang girly side nito hindi naman siya nati-turn off ng bongga. Honestly, she finds it cute. Feeling niya nagbibiro lamang ito kapag girly side na nito ang lumalabas. Sana nga biro lang ang lahat.
" Kitty? What the heck? Ano ka pusa? Pusang itim na naghahatid ng malas?" biro niya. Para ma-at ease silang muli sa isa't-isa.
" Excuse me. Ikaw yata ang malas sa buhay ko. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka pumayag sa sitwasyon na 'to?"
Medyo na-hurt siya sa sinabi nito na siya yata ang malas sa buhay nito. Pero hindi niya ipinahalata. From now on kailangan na niyang maging matatag sa mga matatalim na salita na lalabas sa bibig nito.
" Mabait kasi ako'ng anak. I obey what my parents want me to do. And besides they are getting old. Ayoko namang bigyan ng sama ng loob ang mga magulang ko at ma-depressed ng husto." pagsisinungaling niya.
" So, kapag sinabi nila na magpakasal tayo oo ka na lang kahit hindi mo naman ako gusto? What happened to your promise to me before?"
Ramdam niyang nilingon siya nito at nakatitig ngayon sa kanya. But she focussed her eyes on the road. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito at baka mabasa nito ang totoong nararamdaman niya.
Naalala pa nito ang promise niya na hindi sila magpapakasal sa isa't-isa kapag pinilit sila ng mga magulang niya. Pero ang promise nito sa kanya noon na hindi siya iiwan at friends forever sila nasaan na?
" Eh ikaw iyong pangako mo na magkaibigan tayo forever ano'ng nangyari? Bakit nagbago ka? Ibang-iba ka na. Halos hindi mo na ako kilala kung umasta ka." bakas ang hinanakit sa tinig niya nang sabihin niya iyon. Lumunok siya ng ilang beses dahil parang gustong tumulo ng mga luha niya nang hindi man lang ito sumagot.
Muling namagitan ang katahimikan. At dahil sa inis niya rito sa hindi nito pagsagot sa tanong niya ay sa mismong lubak-lubak na daan niya pinadaan ang sasakyan niya.
Nakita niyang napahawak ito ng mahigpit sa upuan nito. Mas lalo siyang nag-enjoy sa pagmamaneho at pinagewang gewang niya pa ang takbo ng sasakyan niya. Ilang years niya nang ginagawa ito kaya kahit wala siyang seatbelt ay sanay na siya.
" What are you doing?! Drive slowlyyyyy!" tili nito.
" Baguhin mo muna yang boses mo! Boses macho!" sabi niya.
" Are you kidding me?!"
" I am serious." sagot niya saka niya pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ng smooth na ang dinadaanan nila. Tumili na naman ito.
" Stop the car, you freak!"
Tumawa siya.
" Change your voice first. No beki voice in my car."
" I said stop the car, you b***h!” sigaw nito sa normal na boses nito. Ngumiti siya saka binagalan na ang takbo.
Umayos naman ito mula sa pagkakaunat ng upo. Saka humawak sa dibdib at galit na tumingin sa kanya.
" Are you gonna kill us?!" bulyaw nito.
" Isn't that your wish before we leave? Ang maaksidente tayo?"
" Sabi ko ikaw lang. Hindi iyong kasama ako."
" Kasama kita sa kotse ko eh. Kaya sorry ka. Pasalamat ka nga walang masyadong sasakyan dito."
" Naku! Kung nabangga tayo! Lalagasin ko yang buhok mo!" saka ito umakto na sasabunutan siya pero hindi naman itinuloy.
Gosh, why he looks so cute kahit may pagka-beki side pa rin siya? Nasaan ang hustisya?
" Gusto mo ba'ng paliparin ko to'ng kotse ko? Sabi ko bawal bading-badingan dito."
Humalukipkip ito.
" This is the first and last na sasakay ako sa bwiset na kotse mo na'to. Bukas na bukas ay ipapakuha ko kay Mommy ang sasakyan ko. Wala pa ako'ng plano na magpakamatay. Hindi ko alam kung ano'ng nagustuhan sa iyo ng mga magulang ko."
" Hindi mo alam? Syempre M&M. Maganda and Matalino. Repeat that hundred times. Iyon ang dahilan."
Hindi na ito kumibo at nanahimik na lamang. Ilang sandali pa ay narating na rin nila ang bahay niya. Ipinarada niya ang sasakyan niya sa driveway saka sila bumaba na.
NAPATINGIN siya sa dalawang palapag na bahay na hinintuan nila. Namangha siya sa laki noon. Infairness, marunong naman pala mag-invest ang bruha na ito.
May naramdaman siyang inggit pagkakita sa bahay nito. Siya tamang condominium lamang. Pero masaya na rin siya kahit papaano. Atleast sa syudad malaya siya.
Kung hindi siya umalis dito sigurado siya sa ngayon ay may sarili na rin siyang bahay. Pero alam niya na hindi naman siya magiging masaya rito. Kaya ayos na rin iyong condo niya sa Manila.
" Welcome to my humble abode! Let's get inside." sabi ni Brielle.
Kinuha niya ang luggage niya sa compartment at sumunod dito. Naiirita talaga siya sa babae na ito. Medyo hindi pa rin nawawala ang paagkainis niya nang halos paliparin nito ang kotse kanina.
" This is a four bedroom house. I have one bedroom downstair and three upstairs. Let's go to our room upstairs."
Naibagsak niya bigla ang hawak niyang maleta pagkarinig sa sinabi nitong our room. They will share the room?
" Wait, babae!" maarteng sigaw niya.
Sinasadya niya na magkilos bakla para ma-turn off ito sa kanya. At para kusa na itong kumalas sa usapan nila ng mga magulang niya. Mas mabuti na iyong hindi sila magsama ng anim na buwan dito at mas maaga ay sukuan siya nito.
" Yes? Are you hungry? Do you wanna eat first before---"
" I am not hungry. Ano yung sinabi mo kanina? Our room? Are we gonna share the room?"
Painosente itong tumango. Nasisiraan na ba ito ng ulo? Bakit gusto nitong makasama siya sa iisang kwarto? Hindi niya maintindihan ang trip nito sa buhay.
" Are you insane? Why are we going to share room? Ayoko ka'ng katabi sa kama."
Umangat ang kilay nito. Saka lumapit sa kanya.
" Bakit? Takot ka baka maakit ka?" kantyaw nito.
Ang sarap talagang kalbuhin ng babae na ito.
" Basta ayoko ka'ng katabi period!"
" We will share room. Live in nga 'di ba?"
" Ano ka desperada? Pwede ba hindi tayo talo. Nandidiri ako sa mga pinagsasabi mo. At sinong matinong babae ang papayag sa live in? Pero teka hindi pala ito live in. Kasi babae rin ako. And I am super against of this crazy idea!"
" Lalake ka, Kristobal. Hindi ka bakla tandaan mo iyan."
" Sinabi nang call me Kitty eh! At ano'ng alam mo sa pagkatao ko? Hindi ako lalake, bakla ako kaya pwede ba, huwag ka'ng umarte na parang macho ang kasama mo sa bahay na ito at mag-feeling live in partners tayo. Yuck! That thought makes me wanna throw up." at maarteng umikot-ikot pa ang mga mata niya sa ere.
" Hindi ka nga bakla at handa ako'ng patunayan yan sa'yo. Confused ka lang sa gender mo."
Tumayo ang balahibo niya sa sinabi nito.
" Aba at talagang matigas ang ulo mo'ng babae ka. Bakla nga ako. Bakla! Bakla! Bakla! Ang kulit mo sasabunutan na kita dyan."
" Ikaw ang makulit. Lalake ka. Naguguluhan ka lang. At papatunayan ko sa'yo 'yan!"
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Naloloka na yata ito. Ano ba'ng papatunayan ang pinagsasabi nito.
" Kung pinaplano mo na akitin ako just to prove me wrong, go ahead mabibigo ka lang. Hindi babae ang gusto ko. At lalong hindi ang tulad mo."
Nagtagisan sila ng tingin. Hindi niya maintindihan bakit ginagawa nito ang bagay na ito. Kung para lamang sa kagustuhan ng mga magulang nito kaya ito pumayag ay hindi siya naniniwala. Gusto niyang isipin na may gusto ito sa kanya. Pero nasusuka siya sa isiping iyon.
" Kahit maghubad ako sa harapan mo?" tukso nito.
Is she serious? Kilala niya ito mukhang hindi naman nito kayang gawin ang bagay na iyon. Baka tinatakot lamang siya. Pwes hindi siya papasindak dito.
" Kahit maghubad ka pa wa kiber!"
" Let's see." sagot nito saka binuksan ang zipper ng dress na suot nito.
Napakunot noo siya. Aba at seryoso ba ang gaga na ito? Maghuhubad talaga siya? Nang makita niyang nahulog sa sahig ang bestida nito at makita itong naka panty at bra na lamang ay mabilis siyang tumalikod.
Narinig niyang humalakhak ang gaga. Siraulo talaga ang babae na ito.
" Are you crazy? Talagang maghuhubad ka?" galit na sabi niya. Pinagpawisan siya bigla. Never pa siyang nakakita ng hubad na babae sa buong buhay niya.
" I just took off my dress. Bakit tumalikod ka? Look at me. I'm gonna take off my undies."
" You're freak! Put your clothes back. Kadiri ka!"
" Why? Scared now, lover boy?"
" Lover boy?! Ewww. I am serious, Gabriella. Put your dress back!"
" Ayaw mo'ko makitang nakahubad? Bakit? Magre-react ba si birdie mo? Sabi ko na nga eh. Lalake ka."
" Will you stop and dress up now!"
" Oh it's too late, Honey. I'm naked now. Come, take a look at me."
May saltik talaga ang babae na ito. Talaga ba'ng naghubad na siya? Biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
" You don't wanna turn to look at my naked sexy body? Okay let me go infront of you."
" Don't you dare, Gabriella! Stay where you are and dress up please!"
Pero naramdaman niya ang mga paghakbang nito. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata niya.
" I am here infront of you. Open your eyes now, Honey."
" No! Go away, you maniac!"
Tumawa ito saka niya naramdaman na pilit nitong idinidilat ang mga mata niya. Sinalag niya ang mga kamay nito.
" Stop you gonna poke my eyes."
" Open your eyes first." at muli nitong pilit na pinapadilat ang mga mata niya. Napaatras siya habang nakapikit hanggang sa naramdaman niya na nabangga siya sa isang bagay. At dahil ayaw niya pa ring dumilat sa takot na baka makita ang dalaga na nakahubad ay nahila niya ang isang braso nito at dalawa silang bumagsak sa sofa.
Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lamang at sa sofa sila bumagsak. Nang marinig niya ang pag halakhak ni Brielle at ma-realize na nasa ibabaw niya ito na hubad ay mabilis siyang napadilat.
Unang bumungad sa kanya ang mukha nito. Saka niya tiningnan kung nakahubad ba ito. Nainis siya nang makita na nakasuot na pala ito ng dress nito. So, pinagkakatuwaan lamang siya nito kanina pa?
" I got you." nakangiting sabi nito.
Galit na itinulak niya ito.
" Get off of me!"
Nang pareho na silang nakatayo ay tumungo siya para damputin muli ang luggage niya sa sahig.
" This is just the start, Kit. At gaya ng sinabi ko lalake ka and I will prove you that."
" Shut up already. You are too annoying!" saka siya nauna nang umakyat sa itaas.
Narinig niya ang mga halakhak ng dalaga hanggang sa pag-akyat niya. May nakita siyang tatlong pintuan sa itaas.
" The door on your right that's our bedroom." narinig niyang sabi ng dalaga na sumunod pala sa kanya.
He chose to open the door on his left. Mabuti na lamang at hindi iyon naka-lock. Mabilis siyang pumasok doon at saka isinara ang pintuan at kinandado iyon.
" Hey, come out!" pagkatok ni Brielle sa pinto.
Ngumiti siya bago sumagot.
" No sharing of room, freak. This is my room. And please go away and leave me in peace. I need my beauty rest."
Bago tuluyang umalis ang dalaga ay narinig niyang tila sinipa muna nito ang pintuan saka siya nakarinig ng mga yabag palayo. Nakahinga siya ng maluwag saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid na pinasok niya.
Tama pala ang nakuha niyang kwarto. Kulay pink iyon. Favorite color niya. Tumungo siya sa kama saka ibinagsak ang sarili doon. Alas nuebe pa lamang ng umaga but he feels exhausted already.
Mukhang maaga siyang tatanda kapag ganito kabaliw ang kasama niya sa bahay. Nakatakas nga siya sa mga magulang niya. Pero mukhang mas malala naman ngayon ang kasama niya.
Napabuntong-hininga siya. How he missed the city life. Ang tahimik niyang buhay noon heto at napaka-gulo na. Bigla niyang na-miss si Megan. Speaking of her boss. Sa isang linggo na pala ang kasal nito.
He needs to be backed in Manila for her wedding day. Nangako siya sa dalaga na babalik para sa kasal nito. Pero paano na? Ayaw siyang payagan ng mga magulang niya na bumalik pang muli sa syudad.
Pero teka. Wala na siya sa poder ng mga magulang niya. Nasa bahay na siya ni Brielle. Siguro pupwede siyang tumakas para maka-attend sa kasal ng kaibigan niya.
Napangiti siya saka tinawagan si Megs. Hindi niya alam ang mga details sa wedding nito. Masyado siyang naging busy at hindi na siya nagkaroon ng chance na makausap ang kaibigan. Ni hindi niya alam kung saan ang venue ng kasal. At higit sa lahat sobrang nami-miss na niya ang mga kalokahan ng kaibigan niya.
Bigla niyang naalala ang mga pang-aasar ni Brielle sa kanya kanina. Ngayon niya lamang na-realize na may pagkakapareho ito sa kaibigan niyang si Megan. Parehong lukaret. Dapat na ba siyang kabahan? Baka mas matindi pa ito kay Megan. Sana naman hindi ito mahilig mang-dakma.
Sa binitiwan nitong salita kanina na ito pa lamang ang simula ay napasip siya bigla. Mukhang marami pa itong kapilyahan na iniisip para gawin siyang lalake gaya ng sinasabi nito. Pero hindi siya dapat mabahala. Makakatikim ito ng sakit sa katawan sa kanya kapag pinagsamantalahan ang katawan niya.